Chapter 1

3370 Words
TULALANG nakatitig sa malaking salamin si Katrina nang bigla siyang may naalala. “I’m sorry, Katrina, kaibigan lang ang turing ko sa iyo…” Sariwa pa rin sa isip niya sinabing iyon ng first love niya na si Jero Harley. Almost twelve years, akala niya sapat na iyon upang makalimutan niya ang lalaking iyon. Habang nakikita niya si Syn, na nakababatang kapatid ni Jero ay palagi niyang naiisip ang binata, ang kabutihan nito na nagpalinlang sa kanya. Since grade school, gusto na niya si Jero. Lalong lumalim ang paghanga niya rito noong high school na sila. “Kailan ba lalabas ang libro mo, ate Kat?” tanong ni Syn, habang ginugupitan niya ang buhok nito. “Ahm, hindi ko pa alam. Made-delay raw sabi ng editor ko,” aniya. “Ay, sayang naman.” Bumusangot ang dalaga. Tatlong taon na siyang nagsusulat ng nobela na binibili ng isang publishing company ang copyrights. Noong high school pa siya ay napalapit na si Syn sa kanya dahil palagi itong nakabuntot kay Jero. Nineteen-year-old pa lamang ito at isa sa sumusuporta sa kanyang mga akda. Since natuklasan nito na nagsusulat siya ng nobela ay halos sambahin na siya nito. Mahilig magbasa si Syn, kaya nagkasundo sila. Hindi hadlang ang age gap nila. Twenty-seven-years old na siya at itinuring na rin niyang kapatid si Syn. Wala rin kasi itong ate kaya ganoon na lang kagaan ang loob sa kanya. Nalulungkot siya dahil matumal na ang bentahan ng libro simula noong lumabas ang balita na umano may kumakalat na virus. Hindi pa matukoy ng mga eksperto kung saan nagmula ang virus pero hindi maiwasan ng mga tao na mag-panic. Hindi pa naman nag-deklara ng stage of emergency ang pangulo ng bansa at naka-quarantine ang hinihinalaang infected ng virus. Kung hindi lang pinatunayan ni Syn na isa itong bampira ay hindi siya maniniwala na totoo ang mga ito. Pero hindi nakaapekto ang dugong bampira nito at ni Jero para layuan niya ang lahi ng mga ito. Isa siyang manunulat kaya kaya niyang palawakin ang isip niya. Madaling araw pa lang ay nasa bahay na niya si Syn. Hindi ito maaring maarawan. Hindi ito katulad ng mga kuya nito na ipinanganak na bago naging bampira ang mommy ng mga ito. “Ako na lang ata ang costumer mo rito sa salon, ate Kat,” mamaya’y sabi ni Syn. Lalo siyang nalungkot. Halos isang linggo nang walang pumapasok na costumer sa salon niya. Mabuti may isang Syn pang dumadalaw sa kanya. Busy na rin sa buhay ang kaibigan niyang si Ella. Dalawa na ang anak ni Ella, samantalang siya ay hindi pa nakakatagpo ng mapapangasawa. Ilang taon na lang, lalagpas na sa kalendaryo ang edad niya. Hindi pa natatapos ang paggugupit niya sa buhok ni Syn, ay may dumating nang kotse sa labas. Palagi na lang ganoon. Malamang si Jero na naman iyon para sunduin ang kapatid nito. “Ano ba naman si Kuya, ang aga niya akong sinusundo,” maktol ni Syn. Hindi pa bumababa ng sasakyan si Jero, siguro tinatanaw muna sila. Aywan niya bakit nakadama siya ng pananabik. May isang taon na ring hindi niya nakikita si Jero. Madalas ay ang pinsan nitong si Erman ang sumusundo kay Syn. O baka si Erman pa rin iyon. “Hindi ba nasa Spain ang kuya mo, Syn?” hindi natimping untag niya sa dalaga. “Kararating lang niya kahapon,” tugon nito. “Ah, kaya pala nagmamaktol ka. Kung si Erman nakakasundo mo.” “Magaan kasi ang kamay ni Kuya Jero. Kinukurot niya ako kapag hindi ako sumusunod sa kanya.” “Kinukurot?!” Nawindang siya. Ang alam niya kasi babae lang ang nangungurot. “Oo, ang sakit pa naman niyang mangurot, naisasama ang balat.” “T-talaga? Nangungurot pala si Jero?” hindi makapaniwalang sabi niya. “Kaya palagi kaming nag-aaway, eh. Napakasuplado niya at ang arte pa.” Nalito siya. Hindi kaya bakla si Jero? Natawa siya sa kanyang naisip. “Hindi ba bakla ang kuya mo, Syn?” amuse na tanong niya. “Hin−” Nagkasabay sila ni Syn na lumingon sa pinto. Hindi nila namalayan na nakapasok na pala si Jero. Mabilis na binawi ni Katrina ang tingin at nagpapakaabala sa pag-aayos ng buhok ni Syn. “Bakit ang igsi ng buhok mo, Syn?” tanong ni Jero sa matigas na tinig. “Mainit, eh,” sabi lang ni Syn. “Hindi ba sinabi ni Mommy na magpahaba ka ng buhok?” “Nagpaalam na ako kay daddy na magpapagupit ako.” “Nagpaalam ka ba kay Mommy?” “H-hindi.” “Tama na ‘yan, umuwi na tayo.” Napilitan siyang tingnan si Jero. “Sandali, hindi pa tapos,” awat niya. “Ano pa ba ang kulang? Mauubos na ang buhok ng kapatid ko!” Nakataas ang boses nito. “Lalagyan ko pa siya ng bangs,” aniya. “Huwag na, hindi niya bagay. Magmumukha siyang siopao niyan.” “Hindi naman.” “Nagagalit na si Mommy sa akin.” Para walang gulo ay hindi na nilagyan ni Katrina ng bangs si Syn. Nagdadabog na tumayo si Syn at nagpatiuna nang lumabas. Nahihiya na siyang singilin ito. “Nagbayad na ba siya?” pagkuwa’y tanong ni Jero. “Hindi pa,” mabilis niyang sagot. Dumukot naman ng pera sa bulsa nito si Jero. Buong isang libo pa ang ibinigay nito. “Wala bang mas mababa?” aniya. Tinalikuran na siya nito. “Keep the change,” sabi lang nito saka tuluyang lumabas. Susundan sana niya ng tingin si Jero ngunit napako ang tingin niya sa sahig kung saan may kuwadradong larawan. Dinampot niya ito. Nawindang siya nang makita ang mukha ng mga magulang niya sa larawan. Pero wala pa iyon kanina. Napulot niya iyon kung saan nakatayo kanina si Jero at dumukot ng pera sa bulsa ng pantalon nito. Kung kailan hahabulin niya ang binata ay nakaalis na ang mga ito.  Paano naman nagkaroon ng litrato ng mga magulang niya si Jero? ISANG chapter pa lang ang naisusulat ni Katrina at blanko na ang isip niya. Iniisip pa rin niya ang litrato. Kinakabahan siya sa isiping isa si Jero sa nag-i-imbestiga sa kaso ng mga magulang niya. Pero bakit pa magpapaimbestiga eh matagal nang patay ang mga magulang niya? Ano pa ang hahanapin ng mga ito? Sa murang edad ay naisip niya na nagkamali ang doktor sa sinabi na patay na ang mga magulang niya matapos ang malubhang pinsala dulot ng aksidente. Hindi niya maintindihan ang totoong kuwento. Ang sabi ng Tita Aileen niya, nailibing na ang mga magulang niya. Matindi raw ang trauma niya noon kaya minabuti ng tiyahin niya na ipagkatiwala siya sa DSWD dahil hindi siya nito kayang alagaan gayung paralisado rin ito matapos ang stroke. Tatlong linggo bago siya kinuha ng kuya ng mama niya sa DSWD dahil namatay raw sa ang tiya niya. Ang Tito Omel niya ang nagpalaki sa kanya at nagpaaral. Noon ay hindi sinisita ang paglibing ng mga labi sa mismong property ng namatay. Kaya doon sa likod ng lupain nila nailibing ang mga labi ng mga magulang niya. Dumadalaw lamang siya roon kapag araw ng mga patay. Last year ay namatay ang Tito Omel niya dahil sa sakit sa puso. Wala itong anak at asawa kaya sa kanya iniwan ang property nito at iilang ari-arian. Ang ibang pera na namana niya ay ginamit niya para sa business niyang salon. Kinabukasan ay nagtungo si Katrina sa bahay nila Ella. Mas kampanti siyang kausap ang asawa nitong si Devey, para makakuha ng update tungkol sa virus. Nagtatrabaho sa organisasyon ng ama nito si Devey. Hindi pa nakakaalis ng bahay si Devey kaya nagkaroon siya ng pagkakataong makausap ito ng sarilinan. “Wala pa namang namatay dahil sa virus dito sa lugar natin. Pero kasi, hindi basta nakakamatay ang virus na iyon. Nakakahawa lang iyon sa pamamagitan ng laway. Pero may isa pang virus na nakahahawa din sa pamamagitan ng laway pero iyon, nakakamatay. Ang nakakatakot lang sa virus na iyon, taon bago ang epekto sa katawan ng tao. Hindi kaagad mabubulok ang katawan. Hindi naman sa nananakot, after a couple of years, muling mabubuhay ang katawan ng biktima, pero dahil sa virus. Wala pa kaming nahuhuling infected ng rabia escota virus kaya hindi namin malaman kung ano ang epekto nito sa biktima. Nalaman lang namin ang history ng virus sa tito ko na pamilyar dito,” paliwanag ni Devey. “Parang zombies?” aniya, pero kanina pa siya kinikilabutan. “Oo, pero hindi sila kakain ng tao kung hindi sila gutom. Pero dapat silang patayin para hindi makapagkalat ng virus. Hanggat may puso sila at utak, hindi sila basta mamamatay.” “Pero sabi sa balita may naka-quarantine na infected ng virus.” “Ibang virus iyon. Iyong virus na iyon ay mayroon nang vaccine.” “Meaning hindi totoo na magkaka-pandemic?” “As of now, the government waiting for the update from us since kami ang nakakaalam tungkol sa virus.” “Paano n’yo nasabing meron ngang ganoong virus kung wala pa namang nahuhuling infected?” usisa niya. Kailangan din niya ng detalye dahil radio new writer din siya. “We know the creature of the virus. We got some of his formula and the list of the viruses. Kasama roon ang rabia escota virus pero nawawala ang formula kaya hindi namin mapag-aralan. Nakasulat lang doon ang possible infection na maidudulot ng virus sa biktima.” Bumuntong-hininga siya. “Do you mean, the virus has really existed?” “Yap. And base on our source, it was injected to a dog.” Curious na tumitig siya kay Devey. “Bakit sa aso?” tanong niya. “Sinadya iyon ng creator. He called the virus ‘rabia escota’ because the virus will increase the rabbis inside the body of the dog. Doon madi-develop ang virus at palalakasin ito ng parasite na meron ang katawan ng aso. The creator knows if the dog did not yet immunize against rabbis. Kahit konti lang ang rabbis nito, magagawa pa rin nitong mag-develop ng virus. Matagal naming hinanap ang aso na ‘yon and if it was already dead, meaning, may nakagat na siyang tao.” “Paano n’yo makikilala ang aso?” “Alaga ng tao ang aso. Na-examine na ng team namin lahat ng aso sa buong Cebu simula pa noong 2016. Sa taong iyon namin natuklasan na may nilikhang virus ang creator. Hanggang ngayon ay patuloy kaming nag-e-examine ng mga aso, mapa-ala man o palaboy. Nai-check din namin ang records ng mga veterinary clinic na posibleng may naging pasyenteng aso. May nire-review kaming records from 2016.” Nahihirapan siyang huminga sa eksaheradong pahayag ni Devey. Balisa na siya kaya iniba na niya ang usapan. Natatakot naman siyang magsabi kay Devey tungkol sa mga magulang niya. Hindi siya sigurado but she found the scenario weird. Palagi namang nag-aaway ang mga magulang niya pero hindi naman nagkakasakitan pisikal. Pero noong sinabi ng mama niya na kinagat ito ng papa niya ay hindi siya komportable. Parang may something na sa mga magulang niya noon. Pagkatapos ay sabay pang namatay sa car accident ang mga iyon, mismo sa bakuran nila.   BUMALIK si Jero sa salon ni Katrina pero nakasara pa rin. Baka nakuha na ng dalaga ang litrato. Pagbalik niya sa academy upang sunduin si Syn ay hinarang naman siya ni Erman. “Akala ko ba pupuntahan mo si Tito Zyrus?” bungad nito sa kanya. “Naiwala ko ang litrato,” aniya. “Anong litrato?” kunot-noong tanong ni Erman. “Nakuha ko ang litrato ng mga magulang ni Katrina sa istasyon ng mga pulis. Nai-report noon doon ang nangyaring car accident ng mag-asawa may labin-apat na taon na ang nakalilipas. Involved ang parents niya sa hinahanap nating aso na naturukan ng virus. May mali sa pagkamatay nila.” “Bakit hindi mo kausapin si Katrina tungkol doon baka may alam siya sa ibang pangyayari.” “That’s not a good idea, Erman.” “Come on, Jero. Hindi ko tuloy malaman kung sino sa inyo ang hindi maka-move on. O baka guilty ka pa rin.” “Pa rin? I never felt guilt, Erman. I’m just honest.” “But my point is you need her for the case. Para saan pa’t nag-i-imbestiga ka?” “I just want to help to prevent that f*****g virus.” “So, drop your pride. Involve si Katrina sa kasong ito, alangan naman siya ang susuyo sa iyo. Magpakalalaki ka, Jero. Ilabas mo ang karesma mo sa mga babae.” “f**k!” Tinapik ni Erman ang balikat niya.  “Almost one decade na, bro. Siguro naman nakalimutan na rin ni Katrina ang pananakit mo sa kanya,” anito. “Hindi ko iyon sinasadya.” “Sssss… gasgas na ang dahilan na ‘yan. Alam mo ba’ng may mga babae na lalong tumatapang habang nasasaktan? Maaring kasusuklaman ka niya or sisidhi ang obsession niya para sa lalaking iyon.” “Kilala ko na si Katrina.” “Iyon naman pala, eh.” “Pero kailangan ko ang larawan. Wala na akong mapagkukuhaan niyon,” aniya. “Again, lapitan mo si Katrina. Kapag hindi mo ginawa ‘yon, ibig sabihin niyan ay hindi ka pa nakapag-move on sa kanya.” “Moving on for what?” Lalo siyang nairita. Ikiniling ni Erman ang ulo. “Tanungin mo ang sarili mo. Kailangan ako ni Daddy sa resort. Bye!” anito saka siya iniwan. Na-trap na naman si Jero sa laboratory ng academy nang makita niya si Marcos at Alessandro na may pinagkakaabalahang ekspiremento. May isang oras pa kasi bago matapos ang klase ni Syn. Hindi naman mukhang seryoso ang dalawa dahil palaka ang isinasalang ng mga ito sa microscope. Sumingit siya sa pagitan ng mga ito. “Ano naman ‘yan?” tanong niya. “Kuya Jero, ang palaka mayroong virus sa likod,” inosenteng sabi ni Marcos. “Anong virus?” aniya. Hinintay niya ang sagot ni Alessandro. Mas tiwala siya na ito ang sasagot kaysa sa kalokohan ni Marcos. Wala siyang makukuhang matinong sagot dito. “Actually hindi siya virus, kundi lason na nakakamatay in just a second. Common na ito. Kinuha ko lang itong palaka para kolektahin ang lason. Gagawa kasi ako ng baril na ang bala ay karayom na nilalamanan ng lason. Magagamit natin ito para sa mga black ribbon soldier,” sabi naman ni Alessandro. “Matatablan kaya sila ng lason na iyan?” aniya. “Oo. Sinubukan ko na ito sa bampirang injected lang ng virus, katuld ng mga black ribbon soldier. Hindi sila dumaan sa dark reincarnation kaya kalahating tao pa rin ang katawan nila. Hindi man sila mamamatay kaagad ng lason pero mapaparalisa ang katawan nila. Sa paraang iyon, mas madali na natin silang mahuli.” “Mabuti naisip mo ‘yan. Malaking problema na ng awtoridad kung paano mapipigil ang pagdami ng mga sundalo ng black ribbon,” aniya. Naghiwalay silang tatlo nang biglang tumalon ang palaka. Ngalingali niyang sapakin si Marcos na kanina pa sinusundot ng barbecue stick ang likod ng palaka. “f**k you, Marcos!” bulalas niya. Tawa lang nang tawa ang hudyo. Samantalang seryoso pa rin si Alessandro. Hindi man lang nito mapagalitan si Marcos. Kung hindi lang masusunod ang paligid kapag nasasaktan ito ay kanina pa niya ito ginilitan sa dibdib ng kuko niya. Pinagtulungan nila ni Alessandro na mahuli ang palaka. Nang marinig niya ang alarm ay nagpaalam na siya sa mga ito. Uwian na ng mga mag-aaral sa Sangre Academy. Kailangan mauna siya sa entrada ng paaralan baka matakasan na naman siya ni Syn. Hindi nga siya nagkamali, wala na si Syn sa loob nang hanapin niya. Hinarang niya ang grupo ni Derek na kapatid ni Devey. “Nakita mo si Syn?” tanong niya sa binata. “Hindi naman siya pumasok,” anito. “What?!” bulalas niya. “Hinatid siya ni Daddy kanina, ah.” Kumibit-balikat lang si Derek. Nagmamadali na itong umalis upang mahabol ang mga kasama. Lagot na naman siya sa mommy niya. May sa palos talaga itong kapatid niyang ito. Dumeretso siya sa Harley’s resort sa pag-asang naroroon si Syn. Ginamit na niya ang isip para masagap ang aura ng kapatid. Pero nawala sa isip niya na may kakayahan din si Syn na itago ang aura nito. Sa halip na aura ni Syn ang masagap niya sa lugar ay aura ni Katrina ang nasagap niya. Tinunton niya ito baka sakaling kasama nito si Syn. Nakarating na siya sa dalampasigan, sa may floating bar. Palubog na ang araw kaya maaring naroon na ang kapatid niya. Buhat sa pampang ay natatanaw niya ang bulto ng dalaga na nakasandal sa barandelyas ng yate at nakatalikod sa kanya. Likod pa lang nito ay kilalang-kilala na niya. Aywan niya bakit sa tuwing nakikita niya si Katrina ay bumabalik sa balintataw niya ang eksenang madalas umusig sa kanya… “Sa palagay ko mahal na kita, Jero,” biglang sabi ni Katrina. Nawindang si Jero. Hindi na niya naituloy ang pagsintas sa sapatos nito. Tumayo siya upang magpantay ang tingin nila ng dalaga. “Bakit mo naman nasabi ‘yan?” aniya. “Kasi palagi kitang naiisip. Masaya ako kapag kasama ka. Hindi na ito paghanga lang, Jero. Hindi rin ito puppy love. Dumating na sa punto na ini-imagine ko na ikinakasal tayo.” Hindi na biro ang naririnig niya. Uminit ang tainga niya. “It’s not the right time to fell in love, Kat, mga bata pa tayo,” sabi lamang niya. Napalis ang ngiti ng dalaga. “Kailan ba puwede? Ang ibang kaklase natin matagal nang magkarelasyon. Next year collage na tayo.” Tumataas na ang timbre ng boses nito. “Mag-aral muna tayo. Isa pa, maraming lalaki na magmamahal sa ‘yo.” “Pero ang totoo, Jero, gusto mo rin ba ako?” Hindi siya nakasagot. “Yes or no lang ang isasagot mo sa akin, Jero,” pilit nito. Bumuntong-hininga siya. “I’m sorry, Katrina, kaibigan lang ang turing ko sa iyo,” tugon niya. Nagulat siya nang biglang lumipad ang palad ni Katrina sa pisngi niya. “Paasa ka! Ano pa’t nagmamagandang loob ka sa akin? Akala ko okay tayo, na puwedeng maging tayo. Manhid ka ba? Para saan ang pagtulong mo sa akin? Ang pagbibigay mo ng mga kung ano-ano? Hindi mo ba naisip na iyon ang dahilan kung bakit nai-in love ang isang babae sa lalaki? Kasi gentleman ka, mabait at maalaga, kaya nagustuhan kita. Paasa ka masyado! Heart breaker ka! Heart breaker ka!” palatak nito, habang walang tigil sa pagpatak ang luha. Pinagpipiyestahan na sila ng ibang estudiyante. Akmang hahawakan niya ang kamay nito ngunit marahas siya nitong itinulak. “I hate you! Heart breaker ka!” anito saka tumakbo palayo. “Heart breaker! Heart breaker!” narinig niyang bansag sa kanya ng mga estudiyante’ng nakasaksi sa eksena… HINDI na itinuloy ni Jero ang pag-akyat sa yate. Hindi na bale, uuwi rin naman sa bahay nila si Syn bago lumalim ang gabi. Ngunit hindi pa siya nakakahakbang ay narinig na niya ang kanyang pangalan sa ilalim ng tinig ni Syn. “Kuya! Over here!” ulit nito. Napilitan siyang linungin ito. Namataan niya itong katabi ni Katrina. Subalit hindi ito ang naging sentro ng paningin niya, kundi ang magandang dilag na katabi nito. Her hair strands dancing in the air, same with the pink ribbon tied on her neck, her Hawaiian dress. She looks gorgeous and stunning in his eyes. Naniningkit ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Malakas ang hangin sa puwesto ng mga ito. “Kuya! Halika rito!” tawag na naman ni Syn. “Bumaba ka riyan! Uuwi na tayo!” sigaw rin niya. “Mamaya na, nagkukuwentuhan pa kami ni ate Kat!” Tumalikod si Katrina. Saka lamang niya napansin na backless pala ang damit nito. May pitong dipa ang layo ng mga ito sa kanya pero kitang-kita niya ang makinis at maputing likod nito. Ngunit isang matigas na bagay ang tumama sa ulo niya, dahilan upang panandaliang manilim ang paningin niya. Nawala siya sa konsentasyon.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD