bc

Daywalker Series 1: Jero Harley, The Heartbreaker

book_age18+
1.3K
FOLLOW
3.3K
READ
family
friends to lovers
dominant
scandal
independent
confident
twisted
bxg
childhood crush
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

LABIS na nahumaling si Katrina sa boy friend na itinuring niya na si Jero Harley, dahil akala niya gusto siya nito. It was her first heartbreak from her first love, the that that she wants to curse Jero. Pero ang obsession niya ay naisantabi dahil sa misteryosong pagkamatay ng mga magulang niya kasabay sa pagputok ng balita na may kumakalat umanong virus.

Her parents’ body has gone after five years and some people caught them somewhere. Jero and his team have belonged to the organization that investigates her parents’ case. Sa halip na iwasan ang binata ay lalo siyang napalapit dito dahil sa kaso ng kanyang mga magulang. And he found out that her heart still wanting him. At nagkamali siya sa pagkilala rito, o sadyang nagbago ang binata, which is her feelings itself noticed how nice he was as a lover.

Pero ika nga, masakit magmahal nang totoo. How she could trust herself to love someone that hurts her once?

chap-preview
Free preview
Introduction
About the series This is the new generation of the Sangre series. Read the first generation before proceeding here. Daywalker series was about the hybrid vampire. They called day walkers because they have human blood and they can stay under the sun. They are also inborn with special powers and abilities that more powerful than their father. This series was composed of 30 books, and it was under multiple genres including paranormal, fantasy, horror, romance, action, science fiction, and erotic. Introduction In the year 2030, humanity suddenly felt panic when experts discovered the dangerous virus known as rabia escota virus. One year before the virus was revealed, Sangre Organization struggling to solve the previous problem related to different kinds of virus that Dr. Dreel’s creations. Dario, the founder of the organization, and his team killed Dr. Dreel but they failed to destroy his all creations. The team continued cooperating with some organizations around the world just to find out the new virus. Rumor says that this virus was dangerous and may cause a zombie apocalypse. Dario built the Sangre Academy, an exclusive school for aspiring vampire warriors, and become a member of the Sangre Organization. His plan to spread the newborn vampire has been succeeded. They were born the hybrid vampire with a drop of human blood and they were known as ‘daywalker vampires’. Their mission was to protect humans against the threat of bad vampires and the new union or organization called black ribbon and its soldier. Dario believed that his care for humans may help to support his ambitions which is to normalize the vampire-human relationship. And in that way, he can easily defeat their immortal enemies. They are not just focusing on their advocacy and mission, they also consistently evolved their dark like into normal with a normal woman they love. With these humans, they can live like mortals without fear and hesitations. In times they are fighting for freedom and legacy, love saved them and creates a new world for them, and that never ended.   Daywalker Series book 1 Jero’s Identity: Name: Jero Harley Age: 29 Height: 6’1’ Favorite Color: Blue/Black Short profile: Jero belonged to the wild vampires who learn to kill at a very young age. He has brave and known with an arrogant heart, but he’s easy to adapt to cultures and lifestyle from a different environment. He never cares about love. For him, love was only a game that sometimes it wasting time. But the only thing he can share and gives to anyone was to save lives. He loves to explore and discover the world’s undiscovered creations.  Prologue UMIIYAK sa sulok ng hagdan sa itaas si Katrina habang pinapanood ang mga magulang niya na nag-argumento sa may salas. Iyon na ata ang malalang away ng mga ito. Simula noong namulat siya sa reyalidad, ganoon na ang regular niyang nakikita. Dose anyos na siya, wala pa ring pagbabago. Hindi na siya nagkaroon ng kapatid dahil ang sabi ng papa niya, hindi na raw ito mahal ng mama niya at may kinahuhumalingan itong ibang lalaki. Nasasaktan siya sa nangyayari. Kumislot siya nang lumapit sa kanya ang alaga nilang aso na si Frank, isang golden retriever. Dinilaan nito ang pisngi niyang basa ng luha. Niyakap niya ito. Naririnig pa rin niyaa ng argumento ng mga magulang niya. “Hindi ka na nahiya sa anak mo, Claudia! Dapat ay siya ang inaatupag mo hindi ang panlalalaki mo!” bulyaw ng kanyang ama sa mama niya. “Kahit kailan, napaka-judgmental mo, Arnold!” asik ng kanyang ina. “Dahil totoo!” “Tama na!” Walang nagpapakumbaba. Naiirita na siya. Tumakbo siya sa kanyang kuwarto at humagolgol sa ibabaw ng kama. Halos hindi na siya makahinga sa kakaiyak. Sinundan pa rin siya ni Frank at tinabihan sa kama. Dog knows how she felt right now. Frank was a smart dog. Nakatulog sa pag-iyak si Katrina. Nang magising siya ay alas-dos na ng madaling araw. Naririnig niya ang kahol ni Frank mula sa labas ng kuwarto. Bumangon siya at nagsuot ng sapin sa mga paa. Lumabas siya ng kuwarto. Madilim, nakakabingi ang katahimikan. Walang tigil pa rin sa pagkahol si Frank. Kinapa niya ang switch ng ilaw sa may dingding. Namataan niya si Frank na nakatingin sa bintana habang kumakahol. Bintana iyon ng hallway sa second floor. Makikita roon ang hardin sa gilid ng bahay. Nakabukas ang sliding window at isinasayaw ng hangin ang manipis na bughaw na kurtina. Walang tigil sa pagkahol si Frank, galit na galit. Natatakot man ay humakbang siya palapit kay Frank. Nagulat siya nang harangin siya ng aso, tila sinasabi na huwag siyang lumapit sa bintana. Masilim sa labas at malamig ang simoy ng hangin. Kinagat ni Frank ang laylayan ng kayang pajama at hinahatak siya palayo sa bintana. Umatras naman siya. Mamaya ay may malakas na hanging pumasok sa bintana at humampas sa kanyang mukha. Napuwing siya ng alikabok na dala nito. Nawalan siya ng paninbang kaya bumagsak siya sa sahig. Hindi niya maimulat ang kanyang mga mata. Mamaya ay narinig niya ang igit ni Frank, dumaing na tila nasaktan. Masakit pa rin ang mga mata niya kaya nanatili siyang nakapikit. Nawala ang hangin, tumahimik. Nang mailuha na niya ang alikabok mula sa kanyang mga mata ay nagmulata siya. Namataan niya si Frank na nakahiga sa sahig ngunit gumagalaw pa. Nilapitan niya ang aso at niyugyog ang katawan nito. Gumalaw ito pero hindi bumabangon. Mulagat lang ang mga mata nito. Binuhat niya ito at dinala sa kanyang kuwarto. Inihiga niya ito sa sahig na may nakalatag na carpet. Nangangatal ang katawan ni Frank. Kinabahan siya. Kinabukasan ay hindi pa rin bumabangon si Frank. Naiwan sila ng kanyang ama dahil pumasok na sa opisina ang mama niya. Sinusubuan niya ng dog food si Frank dahil ayaw nitong kumain. Inilipat na niya ito sa salas matapos paarawan. Lalo itong nanghina matapos mabilad sa araw. “Ano ba ang nangyari sa aso na ‘yan?” tanong ni Arnold. “Hindi ko po alam, Pa. Bigla na lang siya nanghina,” tugon niya. “Baka may pandemic na naman sa mga aso. Hayaan mo, dadalhin ko siya sa veterinary clinic mamaya after lunch.” “Sasama po ako,” aniya. “Hindi puwede. May pasok ka ngayon sa school kaya maligo ka na. Alas-siyete na, late ka na.” “Wala naman po kaming gagawin ngayon dahil sport fest. Hindi naman ako sasali sa laro.” “Kahit na, may attendance pa rin. Sige na, gumayak ka na at ihahatid kita sa school.” Hindi na siya kumontra. Nang makapaggayak ay nauna na siya sa kotse. Buhat na ng papa niya si Frank at isinakay sa kotse. Nasa backseat siya at si Frank ay inihiga ng papa niya sa katabi nitong upuan. Inaayos nito ang higa ng aso nang bigla itong dumaing. “Aw! s**t!” Iwinawaksi nito ang kanang kamay. “Bakit po, Pa?” curious niyang tanong. “Buwisit na aso, ‘to! Nanghihina na nga kinagat pa ako!” gigil na sabi ni Arnold. “Hala! Magpagamot po kayo,” nag-aalalang sabi niya. “Ihahatid ko muna sa clinic si Frank. Mamaya ay pupuntahan ko ang mama mo para hiramin ang credit card ko. Pambihira, nasa kanya lahat ng card ko kaya wala akong madukot na pera.” Hindi na siya kumibo nang magmaniobra ito. Umalis din ito kaagad nang maibaba siya sa tapat ng school nila. WALA sa mood makihalubilo sa mga kaklase niya si Katrina. Hindi siya nanood ng laro. Tumambay siya sa school garden at nagbasa ng ebook sa kanyang cellphone. Mag-isa lang siya roon at nakaupo sa sementadong bench sa may lilim ng punong mangga. Nahinto siya sa pagbabasa nang mapansin niya ang pamilyar na batang lalaki na sinusuntok ang poste ng greenhouse. Kaagad niya itong nakilala. Si Jero Harley, ang weird grade six student na kaklase niya. Nilapitan niya ito. Alam niyang mailap sa ibang tao si Jero pero hindi siya sumuko. Nakipag-kaibigan pa rin siya rito. Napansin niya na tagaktak ito sa pawis. Nakayukyok lang ang ulo nito kabang nakasandal sa poste. “Okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong niya rito. “Leave me alone,” matigas nitong sabi. Nakalimutan niya, English speaking pala ito. “Are you okay?” tanong niya ulit. “I said, leave me alone!” asik na nito. Umatras siya nang mapansin niya ang pamumula ng mga mata nito. Nasindak siya ngunit hindi siya umalis. “Hindi ka okay. Dalhin na kita sa clinic!” natatarantang sabi niya. Akmang hahawakan niya sa kamay si Jero ngunit bigla itong napaluhod sa lupa. Umuklo naman siya upang magpantay sila. Nagulat siya nang bigla siya nitong yakapin. “I-I need blood,” gumagaralgal na sabi nito. “Ano?” Naguguluhan siya. Anong dugo ba ang tinutukoy nito? Inakay niya patayo si Jero at pinagsikapang makalabas sila ng campus. Alas-tres na ng hapon kaya puwede nang umuwi. Nanghihina si Jero nang iupo niya ito sa bench sa may waiting shed. Silang dalawa lang ang naroon. Hindi siya umalis sa tabi nito. “Why you didn’t scare? Why you didn’t leave me?” magkasunod nitong tanong. “Why I need to feel scared? You’re not a monster,” sagot niya. “I am, I’m a monster. I eat human.” Natawa siya. “Joker ka rin pala, ah.” “I’m serious,” giit nito. Hindi pa rin siya naniwala. Mamaya ay niyakap siya nito at isinubsob ang bibig sa kanyang leeg. Naistatwa siya. Sa halip na mangamba ay natuwa siya. Gusto niya ang pakiramdam na yumayakap sa kanya si Jero. Simula noong nakita niya ito, grade four sila, natutuwa na siya kay Jero. Bukod sa guwapo ito, gusto niya ang ugali nito. Maaring gusto niya ito. “Jero!” tawag ng baritonong tinig ng lalaki. Naitulak niya si Jero. Nabaling ang tingin niya sa lalaking dumungaw sa bintana ng itim na kotse na huminto sa tapat nila. Tumayo naman si Jero at dagling sumakay sa kotse. Kaagad umalis ang mga ito. Hindi naman siya umalis doon. Malabo na siyang susunduin ng papa niya dahil ang sabi ay dideretso ito sa opisina pagkatapos maipagamot sa veterinary clinic si Frank. Sumakay na lamang siya sa Jeep. Pagdating niya sa bahay ay nadatnan niyang naroon ang kanyang ina at nagluluto sa kusina. Namumugto ang mga mata nito nang tumingin sa kanya. Alam niya, hindi pa nagkakasundo ang parents niya. Matamlay siyang umupo sa silya katapat ng lamesa. Inilapag ng ginang ang isang pancake sa platito saka ibinigay sa kanya. “Magmeryenda ka muna, anak. Aalis ako para mamili ng kailangan natin sa grocery,” sabi ni Claudia. “Puwede ba akong sumama, Ma?” aniya. “Hindi, dito ka lang. Pauwi na ang papa mo.” Napansin niya ang kaliwang braso nito na may bandage. “Napano po ang braso n’yo, ‘Ma?” tanong niya. “Ah wala ito, kinagat ng papa mo kaninang nagtalo kami sa opisina,’ kaswal na sagot nito. “Kinagat? Bakit ho?” “Ewan ko ba roon sa baliw mong ama. Dahil lang sa card na binabawi niya sa akin nagalit na dahil hindi ko maibigay kaagad. Sinampal ko siya pero hinuli niya ang braso ko at kinagat. Ibinigay ko na lang ang card niya kaya nakaalis kaagad. Magpapaturok daw siya ng anti-rabbis dahil nakagat siya ni Frank. Hay! Wala pa namang vaccine si Frank dahil noong may libreng vaccine ay bata pa si Frank.” “Gano’n po ba?” “Oo. Kumain ka lang kapag nagutom ka, baka gabihin ako. Magpapasundo na lang ako sa papa mo.” Iniwan na siya nito. Gabi na, wala pa rin ang mga magulang ni Katrina. Mag-isa siyang naghapunan. Nag-abang siya sa labas ng bahay. Umaasa siya na magkasama ang mga magulang niya pag-uwi. Patuloy siyang nagdarasal na sana ay magkaayos na ang mga magulang niya. Nag-text ang mama niya at sinabing pauwi na ito kasama ang papa niya at si Frank. Nabuhayan siya ng loob. Dala ng papa niya ang kotse nila. Excited na siyang makitang masaya ang mga magulang niya. Pasado alas-nuwebe na ng gabi. Malamig na ang simoy ng hangin. Mamaya ay may malakas na busina. Napatakbo siya sa gate sa isiping mga magulang na niya iyon. Subalit hindi pa siya nakakalabas ng gate at may sumalpok ng kotse sa sementadong pader na bakod nila. Nawasak ang pader. Natatarantang lumabas siya ngunit napako ang mga paa niya sa sahig nang masaksihang wasak ang harapan ng kotse ng papa niya. Nagsilabasan ang mga kapitbahay nila at naunahan siya sa paglapit sa kotse. Tulala siyang nakatitig sa walang mala at duguang katawan ng kanyang mga magulang. Nailabas na ang mga ito sa kotse. Nabibingi siya, natotolero at hindi maintindihan ang nangyayari. Wala siyang kibo habang walang tigil sa pagpatak ang kanyang luha. “Ang bata, kunin n’yo!” sigaw ng isang lalaki. Gusto niyang lapitan ang kanyang mga magulang na noo’y ipinapasok sa ambulance car ngunit may gumapos sa kanya. Naninikip ang dibdib niya. “Mama, Papa…” tanging bigkas niya. Lumamlam ang kanyang paningin dahil sa luhang walang tigil sa pagdaloy. “Buhay pa ba ang mga magulang ko? Babalik pa ba sila?” mga tanong na hindi niya alam ang kasagutan. Walang sumagot sa kanya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
415.8K
bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
427.4K
bc

CLOSER

read
140.8K
bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
562.8K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.9K
bc

PROFESSIONAL BODYGUARD ( Tagalog )

read
171.4K
bc

Dangerously Mine (Tagalog/Filipino)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook