Part 9

2788 Words
"ZACK!" hinihingal na tawag niya sa binatang ilang metro na ang layo sa kanya. Nakita niya itong naglalakad sa sidewalk. Tila walang naririnig na nagpatuloy ito sa paglalakad. Ni hindi man lang ito huminto upang antayin siya. "Hey, Wait up!" sigaw niya rito habang tumatakbo upang maabutan ito. Walang pakialam kahit pinagtitinginan na siya ng mga taong nakakakita sa kanya. Hindi pa rin humihinto ang herodes kahit na sumisigaw na siya para lang antayin nito. "Ano ka ba, De Castro? Balak mo ba akong patayin sa pagod?" aniya rito nang maabutan niya ito. "No one asked you to follow me." bale-walang tugon nito habang patuloy sa paglalakad. Hindi man lang siya tinatapunan ng tingin. "Hoy, Zack! Ano na namang inaarte mo r'yan? Ano bang ikinagagalit mo? Ako nga'ng dapat magalit sa'yo dahil inaya-aya mo akong lumabas tapos iiwanan mo lang ako? Sira ulo ka ba?" napipikong sabi niya rito. Hindi na kasi niya maintindihan ang ugali ng lalaking ito. Sa una'y makulit ito at sa hindi niya malamang kadahilanan ay bigla na lang nagbabago ang mood nito. Nahihirapan siyang basahin ang lalaki dahil sa paiba-ibang ugaling pinapakita nito. "Ayoko lang ipagsiksikan ang sarili ko sa isang taong mero'n nang nagugustuhang iba." saglit siyang tiningnan nito pagkatapos ay tumingin muli sa daang tinatahak nila. "Ano ba'ng pinagsasasabi mo? Kanino mo ba ipinagsisiksikan 'yong sarili mo? 'Wag mo sabihing..." biglang lumitaw sa isip niya si Nathan at ang ginawang pag-iwan sa kanya ng binatang kausap. Nagseselos ba ito kay Nathan? Hindi na niya kailangang tanungin ito dahil ito na mismo ang nagbuko sa sarili nito. Huminto ito sa paglalakad at hinarap siya. "So what if I am?" supladong sabi nito sa kanya. "I don't want seeing him around you." anito sabay lakad muli. Pinigilan niya ito sa isang braso. "Zack, tumigil ka nga muna sa kalalakad mo. Nahihirapan akong humabol sa'yo, eh." Huminto naman ito sa paglalakad at tiningnan siya. "What?" untag nito nang huminto ito at hindi naman siya nagsasalita. "Bakit ka ba nagsasalita nang ganyan? Bakit ka naman magseselos kay Nathan? May feelings ka pa ba sa'kin?" inosenteng tanong niya rito. "Wala akong sinasabing nagseselos ako sa lalaking 'yon. Mas guwapo ako do'n." kung ganoon, hindi naman pala ito nagseselos kay Nathan. Bakit kailangan nitong umakto nang ganoon? Bakit kailangan nitong iparamdam sa kanyang nagseselos nga ito. Siguro nga nagiging pilingera na siya. Marahil ay dapat na niyang pag-aralan sa sarili niya na hindi dapat nagpapadala sa mga sweet gestures ng lalaking ito dahil napakagulo nito at napakahirap intindihin. Sa labis na inis na nararamdaman niya'y walang sabi-sabing sinuntok niya ito sa sikmura at binirahan ito ng talikod. Hindi niya pinansin ang pamimilipit nito sa sakit. Iniwan niya ito at nagpasyang bumalik na lang sa resort. BUONG maghapong nagkulong si Ysabelle sa kuwarto niya. Hangga't maaari ay ayaw niya munang makita si Zack. Masyado na kasi itong napapalapit sa kanya. Natatakot siya na baka isang araw ay mawala na ito sa kanya at hindi niya alam kung papaano mabubuhay nang hindi ito kasama. Batid niyang sa pag-alis nila sa resort na iyon ay magkakaroon na naman sila ng kanya-kanyang buhay. Babalik na sila sa mga buhay nila na malayo sa isa't isa. At makakapiling na nito ang nagmamay-ari na ngayon ng puso nito. Ayaw niyang masyadong ma-attach dito dahil baka lalo lang niyang mahalin ito at hindi na niya kayaning mapunta ito sa iba. Ayaw na niyang masaktan sa pangalawang pagkakataon ngunit alam niyang sa muling pagkikita nila ng binata hindi malayong mangyari ulit iyon lalo pa't isa sa mga araw na ito'y magkakahiwalay na nga sila at magpapakasal na ito sa iba. Parang hindi niya kayang isipin iyon. Kaya hangga't maaga'y kailangan na niyang lumayo. Nang makaramdam siya ng gutom ay napagdesisyunan niyang lumabas na muna ng kanyang silid upang malagyan man lang kahit papaano ang kanyang sikmura. Wala siyang ganang kumain pero wala naman siyang balak magka-ulcer. "Akala ko wala ka nang balak lumabas d'yan sa kuwarto mo." bungad sa kanya ng pamilyar na baritonong tinig na iyon. Nagulat pa siya nang makita niya si Zack sa pinanggalingan ng boses na iyon. Hindi niya kasi inaasahang ito ang unang-una niyang makikita sa paglabas niya at mas lalong hindi niya inaasahang kakausapin pa siya nito. Pero hindi naman na kataka-taka iyon dahil magkatabi lang ang kanilang mga silid. "Gigibain ko na sana 'yang pintuan ng kuwarto mo. Baka kasi nag-suicide ka na." biro pa nito sa kanya. Tinaasan lang niya ito ng kilay. Tumikhim ito. "By the way, I want you to meet Faye, my fiancee." pakilala nito sa babaeng kasama nito. Para siyang sinipa ng milyun-milyong kabayo sa lakas nang impact ng pagkakasabing iyon sa kanya ng lalaki. Kung hindi niya inaasahang makita ito ay mas lalong hindi niya inaasahang makita ang babaeng kasama nito. Hindi siya makaapuhap ng sasabihin. Hindi niya alam kung tataasan niya lang ng kilay ang babae o makikipagplastikan na lang. Ngunit hindi niya alam ang kanyang sasabihin dahil parang nalunok niya ang kanyang dila. Where the hell is her tongue when she needs it? "Hi! You must be Ysabelle. I've heard a lot about you." tumingin ito ng makahulugan sa binata kapagkuwan ay inilahad ang kamay sa kanya. Tinanggap naman niya ang pakikipagkamay nito atas ng kagandahang asal. Hindi naman kasi siya bastos. Hindi naman siya pinakitaan nang kagaspangan ng babae kaya hindi niya ito susupladahan. "Really? I hope they're all good." magalang na tugon niya rito. Nakangiti itong tumango sa kanya. "Honey, we should invite Ysabelle for dinner tonight. I want to know her better. You told me that she's a nice person. And I'm thinking...she could be my maid-of-honor." malambing na pakiusap nito sa nobyo nito. "Yeah. Sure." matipid na sagot ng binata habang nakatingin sa kanya. Binale-wala niya ito at pinagmasdan ang babaeng katabi nito. Hindi naman mukhang masama ang ugali nito. Mukha pa nga itong anghel sa hitsura nito. Malumanay at malambing rin ang boses. Kaya siguro ito nagustuhan ni Zack. Magkaibang-magkaiba kasi sila ng babae. Mukhang mabait ito. Siya naman ay mukhang laging manlalapa kung makatingin lalo na't hindi niya gusto ang isang tao kaya walang magkalakas ng loob na lumapit sa kanya kung hindi niya kilala. Lagi rin siyang paasik magsalita at palagi ring naninigaw. Mabibilang sa mga kamay niya kung ilang beses lang siyang gumamit nang malambing o malumanay na tono. Iyon ay kung mayroon siyang hinihinging pabor at hindi niya makukuha kung sisindakin niya ang ibang tao. Bigla siyang nakaramdam ng labis na panibugho lalo na sa sweetness na nakikita niya sa dalawa. Bagay na bagay ang mga ito. Kung hindi siya nagtanga-tangahan noon e'di sana, sila pa ring dalawa ni Zack ngayon. Napabuntung-hininga siya "Ysabelle?" tawag sa kanya ni Faye. Kakikitaan nang pag-aalala ang magandang mukha nito. Napatingin siya sa binata at napansing nakakunot ang noo nito. "I'm sorry. What was that again?" hinging-paumanhin niya kahit na narinig naman niya ang lahat nang sinasabi nito. Ayaw lang niya talagang ipasok sa utak niya dahil sumasakit ang ulo niya sa kakaisip ng maraming bagay. Napailing sa kanya si Zack sabay baling sa nobya nito. "She's having another mind-strolling again. It happens everytime." paliwanag nito sa katabi. Sabay na tumawa ang dalawa. Nakaramdam siya ng inis sa lalaking nasa harap niya. Bakit kailangan pa nitong sabihin iyon sa nobya nito? Wala na ba talaga itong pakialam sa maaari niyang maramdaman? Ganito na ba ito ngayon? Parang gusto niyang pagkakalmutin ang guwapong mukha nito pero hindi niya ginawa dahil nahihiya sa kasama nito. Parang hulog ng langit na lumitaw bigla si Nathan sa masakit na scenario na iyon ng buhay niya. "I'm afraid I can't join you for dinner tonight." Parang biglang nadismaya si Faye. Si Zack naman ay nablanko ang ekspresyon ng mukha nang sundan mata ang tinitingnan niya. "You see..." patuloy niya sabay baling kay Nathan. "I-I have a date with someone special." diniinan niya pa ang pagkakabigkas sa salitang "special." "Too bad. I really want to have a chat with you, Ysabelle. But I guess there's a right time for that. So, maybe...we could chat some other time?" pakiusap nito na tila gustung-gusto talaga siyang makausap. Tumango siya sabay takbo patungo kay Nathan. Hindi na niya napansin ang pagtiim-bagang ni Zack nang talikuran niya ang mga ito. HALATANG nagulat si Nathan sa biglaang paglapit ni Ysabelle. "Hey! You're alone. Where's your guy?" bungad sa kanya ng binata. "I really hope he's mine." malungkot na sabi niya rito. Napansin naman agad nito ang lungkot sa mukha niya. "Problem? You wanna talk about it?" Tumango siya. "Yeah. I really need someone to talk to tonight. Hanggang kaya ko pa." "I don't quite understand you." tukoy nito sa pananagalog niya. Nakalimutan niyang hindi nga pala ito Pinoy kaya hindi ito nakakaintindi ng tagalog. Nagkibit balikat na lang siya. "Where do you want to talk?" concern na tanong nito. "Anywhere." wala sa sariling sagot niya rito. "C'mon. I'll take you to the shore." aya nito sa kanya sabay hawak sa kamay niya. Sa ginawa nito'y bigla niyang hinanap-hanap ang maiinit na palad ni Zack. Wala kasi siyang nararamdamang kakaiba sa pagkakasalikop ng mga palad nila ng lalaking kasama niya. Pero kapag si Zack, kaunting dikit lang nito sa kanya'y parang may dumadaloy nang kuryente sa buong katauhan niya na nagiging dahilan ng pagsho-short circuit ng utak niya. Napapikit siya. Naaalala na naman niya kasi si Zack. Dapat matutunan na niyang kalimutan ang pagmamahal niya sa binata dahil malapit na itong ikasal sa ibang babae at kailangan na rin niyang tanggapin na hanggang kaibigan na lang talaga siya ito. Niyaya siya ni Nathan na maupo sa buhanginan. Sumunod naman siya. Nang makaupo'y tahimik lang siyang nakamasid sa dalampasigan. Nagpapasalamat siya't hindi muna siya kinakausap ng lalaki dahil wala pa siyang ganang magsalita. Okay rin itong kasama dahil naiintindihan nito ang nararamdaman niya. Hinayaan siya nitong manahimik kahit na ang talagang dahilan ng pagpunta nila sa lugar na iyon ay para mag-usap sila. Napabuntung-hininga siya. "Why are you in this place, Nathan?" tanong niya rito. Napagdesisyunan na kasi niyang magkuwento na lang dito dahil kailangan na talaga niyang maglabas nang sama ng loob o hinanakit para mabawasan ang nararamdamang bigat sa kalooban. Pakiramdam kasi niya'y sasabog na siya sa labis na hinanakit na nararamdaman. "Let's just say, I'm here to mend my broken heart." tugon nito habang nakangiti pero hindi naman umabot sa mga mata nito. She chuckled. Pareho pala sila ng sitwasyon ng lalaking ito kaya pala naiintindihan nito ang nararamdaman niya. "I see, we're off the same situation." "No. Not really." nagtatanong ang mga matang binalingan niya ito. Matamlay na ngumiti ito sa kanya. "Because the person you love, loves you too and that makes our situation different. "I don't quite understand you." panggagaya nito sa kanya. Nagiging bobo na yata siya sa analyzation kahit na doon siya magaling. Nahihirapan siyang intindihin ang mga pinagsasabi ni Nathan. Hindi naman siya nito tinu-turkish. Hindi rin naman ito ngo-ngo para hindi niya ito maintindihan. Ó' Baka ayaw mo lang talagang intindihin ang sinasabi niya dahil ayaw mo nang umasa? sabing iyon nang isang bahagi ng utak niya. "I know you can feel it too, Ysabelle. You're just afraid to accept it because you're scared to get hurt again." Napabuntung-hininga siya. "I guess you're right, Nathan. But he's already getting married...I don't want to hurt another person just because of my selfishness." tukoy niya kay Faye na sa isang maiksing pag-uusap ay nalaman niyang mabuti naman palang tao. "You're talking about 'not-being-selfish' but have you asked Zack if that's what he wants?" anito. Hindi siya sumagot. "Isn't that selfishness? You're not gonna try fighting for him just because you're afraid to get hurt again?" "Is protecting somebody's feelings, selfish?" pangangatwiran niya. Natutuwa siya dahil mayroon siyang kaargumento tungkol sa pag-ibig niya kay Zack. Masaya siya dahil kahit papaano, mayroong isang tao naniniwala pa rin sa pag-iibigan nila ng binata. At nagpapasalamat siya kay Nathan para roon. "You are protecting nobody's feelings but yourself, Ysabelle. You're denying his feelings for you because you don't want to get hurt." giit nito sa damdamin ni Zack para sa kanya. "Because I can see that he's already happy with her. I'm afraid to know that if he would choose me, he might just regret it." "Do you want me to tell you something really subversive?" nagpatuloy ito nang hindi siya sumagot. "Love is everything it's cracked up to be. That's why people are so cynical about it. It really is worth fighting for, being brave for, risking everything for. And the trouble is, if you don't risk anything, you risk even more." mahabang litanya nito na tila pasimpleng sinasabihan siya na okay lang na ipaglaban niya ang pag-ibig niya sa taong minamahal niya. Sinabi rin nito na mas mabuti kung lalaban siya hangga't hindi pa huli ang lahat kaysa magmukmok siya at magsisi sa huli na wala siyang ginawa upang makuha muli si Zack. Natigilan naman siya sa mga sinabi nito. Unti-unting ina-absorb ng utak niya ang mga sinasabi ng kausap. Gusto niyang mangatwiran dito. Gusto niyang kontrahin ang mga sinasabi nito. Gusto niyang ipagtanggol ang sarili niya kung bakit ayaw niyang lumaban para sa kanila ni Zack pero ano'ng palag niya sa mga sinasabi nito? The guy has a point. She asked herself, Why not try risking her heart for the last time? Tutal naman ay minsan na niyang minahal si Zack. Ngunit hindi maalis ang takot sa puso niya dahil kung noon ngang galit siya rito ay minahal pa rin niya ito, ngayon pa kayang hindi na siya galit dito? Hindi niya alam kung makakaya pa niyang kalimutan ang huli kung sakaling tanggihan nito ang pag-ibig niya. Sa halip na patulan ang mga sinasabi nito, tumawa siya pero wala namang buhay iyon. She changed their topic. "Why do you know a lot of things about love and fighting for it? Have you fallen in love before, Nathan?" mabilis niyang sinagot ang sariling tanong dahil hindi ito umimik. "Oh well, I guess you won't be mending your broken heart if you haven't, right?" "Right." matipid na sagot nito habang nagbabato ito ng maliliit na bato sa dagat. Natahimik silang dalawa. Patuloy ito sa ginagawa nito habang siya naman ay nakamasid lang sa ginagawa nito. Maya-maya ay tinawag niya ito. Lumingon naman ito sa kanya. "How did you say that Zack still loves me too?" "I'm a guy too, Ysabelle. I can tell whether a guy like me is in love with a girl or not." sagot nito sa tanong niya. Tumigil na ito sa ginagawa nito. Ipinatong nito ang siko nito sa tuhod nito saka pinagpag ang mga kamay. Saglit siyang natahimik kapagkuwa'y nagsalita. "I hope you're right." Napabuntung-hininga siya. "But by the looks of it. It's quite impossible now because they're getting married." nawalan siya ng pag-asa nang magkibit balikat ito. "Nathan?" muli niyang tawag dito nang matahimik na naman sila. "Yes?" "Do you mind leaving me for a while? I need some time alone so I could think." hiling niya rito. Pumayag naman ito kahit na nag-aalangan pa. "Are you sure you're gonna be alright?" nag-aalala pang tanong nito. Tumango siya. "Alam mow? Mas nakakagaan sa pakiremdem kowng ilalabas mow iyan sa iyowng pag-iyak." nahihirapang sa pagtatagalog na sabi nito. Labis siyang na-touch sa sinabi nito. Hindi lamang sa laman ng sinabi nito pero pati na rin sa effort nito sa pagtatagalog kahit na hirap ito. Nginitian niya ito. "If you need me, just howler and I'll come running." ngumiti ito sa kanya bago tuluyang umalis. Sa kauna-unahang pagkakataon simula nang makausap niya sina Zack at Faye ay napangiti siya. Kahit na nahihirapan kasi ay sinubukan pa rin ni Nathan na magtagalog pa ra lang mapasaya siya kahit papaano. Somehow, she found a true friend in him. Kahit na ngayon lang niya ito nakilala ay parang kaytagal na nilang magkaibigan dahil sa naging pag-uusap nila. Kahit papaano'y gumaan ang loob niya dahil dito. Para itong "Love Guru" dahil tinulungan siya nito sa kanyang love problem. Hindi niya nga lang gustong sundin ang payo nito. Tumingala siya. Tila isang constellation na binuo ng mga bituin ang nakangiting mukha ni Zack. Napatungo siya nang maisip ang binata. Nababaliw na yata talaga siya dito. Pati kasi sa langit ay nakikita niya ang mukha ni Zack na nakangiti sa kanya. Naalala na naman niya ito at ang kasama nitong babae kanina. Ano na kaya ang ginagawa ng dalawang iyon? Siguro sa mga oras na ito'y nagde-date pa rin ang dalawa. Muli na naman siyang nalungkot. Hindi na niya namalayang tumutulo na pala ang mga luha niya. Isa-isang bumalik sa alaala niya ang mga masasayang sandali nila ni Zack noong sila pa. Ayaw man niya ngunit pilit nagsusumiksik sa kanyang isipan ang mga alaalang iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD