Part 10

3533 Words
TAHIMIK pa ring lumuluha si Ysabelle sa may buhanginan habang nakamasid sa dalampasigan. Ipinagluluksa niya ang panibagong kabiguan ng kanyang pusong dalawang beses nang nagmahal at nasaktan sa iisang lalaki. Kung masakit para sa kanya noon ang paghihiwalay nila ni Zack ay mas dumoble pa iyon ngayon. Nagsisisi siya ngayon kung bakit hindi niya ito sinubukang komprontahin noon. Kung bakit hindi niya ito pinakinggan nang magtangka itong magpaliwanag sa kanya. Kung bakit naghanap agad siya ng iba para pasakitan ito. Ngayon bumalik sa kanya ang lahat ng ginawa niya rito. Gumaganti ang tadhana sa kanya dahil sinaktan niya ito noon. If only she could turn back the time and fix everything that she had done wrong, she would do it for sure. But everything happens for a reason. She can't do anything anymore. Zack's heart is not hers anymore. It is now owned by someone who's more deserving of his love. Someone who wouldn't take him for granted. She wished she could at least tell him about her feelings. Para kahit papaano'y maiparating niya sa binata ang nararamdaman niya para rito. Kaya lang ay wala siyang lakas ng loob para magbukas ng puso rito. Handa na siya ngayong tanggapin ang panibagong kabiguan niya kung sa ikaliligaya ng nag-iisang taong minamahal niya. Noon at ngayon. "Nandito ka lang pala. Kanina pa kasi kita hinahanap." napalingon siya sa pamilyar na boses na nagsalita sa tabi niya. Bumilis ang pintig ng puso niya nang makita niya ang lalaking dahilan ng kanyang pagluluksa. Naupo ito sa tabi niya saka nagpalinga-linga sa paligid. "So where's Nathan?" pasimple niyang pinahid ang luha sa kanyang mga pisngi. Nagkibit balikat lang siya. Nanatili siyang tahimik habang nakamasid sa mga alon sa dagat. Marahil ay napuna nito ang pagiging tahimik niya kaya humarap ito sa kanya at pinagmasdan ang kanyang mukha. Iniwas naman niya ang kanyang mukha rito. "Have you been crying?" nag-aalalang tanong nito. Maliwanag kasi ang buwan nang mga oras na iyon kaya kitang-kita nito ang pamumugto ng kanyang mga mata. "Are you bothered with something, Ysabelle? Bakit ka umiiyak?" untag nito nang hindi siya sumagot sa mga nauna nitong tanong. Nilulon muna niya ang malaking bikig sa kanyang lalamunan bago nagsalita. "Balikan mo na lang iyong girlfriend mo ro'n. Bakit mo ba 'ko pinuntahan pa rito? Ayos lang naman ako." Natahimik lang ito. Hindi rin naman niya gustong magsalita ito at mas lalong ayaw niyang sagutin ang mga tinatanong nito kaya mas mabuti na iyon. Wala kasi siyang ganang magsalita. Ngunit hindi niya maiwasang ma-curious sa itinatakbo ng isip nito. Ilang oras din silang nakatanga lang sa mga alon sa dagat. Walang gustong magbukas ng paksa, ni walang gustong magsalita. Nararamdaman niyang maya't maya ang paglingon nito sa kanya saka paulit-ulit na bubuntung-hininga. Nais niyang matawa sa hitsura nilang dalawa pero hindi niya magawa dahil hindi naman nakakatawa ang nararamdamang sakit ng kanyang puso. Napakasakit nang ipinararanas sa kanya ng lalaking nakaupo ngayon sa kanyang tabi pero wala man lang itong kamalay-malay. Gusto niya itong sumbatan. Nais niyang isumbat dito ang lahat ng hinanakit niya rito. She wanted to shout at him and tell him that after all those years, she's still in love with him. Even though he had forgotten her, even though he had replaced her, he was never lost in her heart. It's just very frustrating to her because she can't even tell him how she feels for him because he's no longer available. She's also afraid to be rejected when she confess her feelings to him. She had enough of pain already. One more pain and she just might explode so she decided to keep silent. "Are you jealous with Faye?" sa wakas ay tanong nito. Marahas niyang nilingon ito. Dagukan kaya niya ito? Hindi pa ba obvious iyon? Manhid ba talaga ang lalaking ito? Oh well, paano nga pala nito malalaman kung hindi naman niya sasabihin? Wala pa nga pala itong ideya sa kung ano ang nararamdaman niya para rito. Napapikit siya nang mariin. "Do you really want me to answer that ridiculous question?" "Yeah." Huminga siya nang malalim bago nagsalita. Bahala na. It's now or never. "When I saw you again at the bus station..." pag-uumpisa niya. "I was really surprised. I never expected to see you in that place, nonetheless. Well, I never really wanted to see you back then. You're the least person I wanted to see at that time. I really hated you, you know? Because I thought you just planned to make me fall for you. But then I saw your face again, your familiar expressive brown eyes which I have fallen for the moment I first set my eyes on it. Then, I realized...I was, somehow, happy to see you. I wanted to throw myself at you and hug you but something was stopping me. Then I remembered, I shouldn't be feeling something like that towards you because I hate you. I must hate you because of what you did to me. Sinubukan kong sungitan ka. Gusto kong maging masama sa'yo. Gusto ko laging sirain ang araw mo. Pero sa tuwing gagawin ko 'yon, parang gusto ko ring magsisi kasi nararamdaman kong unti-unting nawawala ang galit ko sa'yo at bumabalik ang pagmamahal ko para sa'yo." She paused. Nilingon niya ito habang tahimik na nakamasid pa rin sa dagat. Batid niyang kahit hindi siya nito tinitingnan ay nakikinig ito sa kanya. "Pero sa tingin ko..." patuloy niya. "Hindi naman talaga nawala 'yong pagmamahal ko na 'yon sa'yo, eh. Nandito lang 'yon sa puso ko nagtatago. Natabunan lang ng galit ko. Pero sa muling pagkikita natin, sa tuwing nakakasama kita, sa tuwing nakakausap kita at kahit na tingnan lang kita...nararamdaman kong unti-unting naglalaho ang galit ko para sa'yo. Nararamdaman kong nagmamahal ulit ako, sa lalaking unang dumurog sa puso ko noon. When you asked me to talked to you about our past, I hesitated. Natatakot kasi ako para sa sarili ko. Natatakot akong baka sa komprontasyon nating iyon ay malagay na naman sa alanganin ang puso ko. Then we decided to be friends, akala mo ba iyon lang talaga ang gusto kong kahinatnan ng relasyon nating dalawa? No, Zack! I don't want us to be friends. I don't want us to be just friends. I want us to be more than that!" umalingawngaw ang boses niya sa buong paligid. Mabuti na lang at sila lang ang naroon. Walang magrereklamo sa "pag-iingay" niya. "Tinanong kita noon kung ano na'ng gusto mong mangyari sa'tin. And you said you want us to be friends so I respected your decision. Dahil akala ko 'yon talaga ang gusto mo." anito. "Bakit 'yon ang hiniling mo kung hindi naman pala iyon ang gusto mo?" "May girlfriend ka na, Zack. Your father even told me that you already agreed to marry her. Ano sa tingin mo ang puwede kong maging assurance para magkaro'n ako nang lakas ng loob para hilingin sa iyong mahalin mo ulit ako?" nanahimik na naman ito at tila napakalalim nang iniisip. Nagpasya siyang ipagpatuloy ang litanya niya. "When we decided to be friends, I tried to accept that it's all we'll ever be. It's very frustrating that I can't even tell you how I feel. I learned to love you furtively. At first, I thought that it's a bad idea to have you around me again because I might fall for you even more and I won't be able to find a way to forget my feelings for you once you get married. But then, I got used to the idea of having you around again. Kinalimutan ko na iyong mga posibilidad na baka isang araw paggising ko wala ka na at tuluyan nang lumayo sa'kin dahil hindi ka na puwede, dahil ikakasal ka na. I've decided to just cherish every moments that you are with me. Handa na akong harapin ang bagong kabiguan ko, Zack. Handa na akong masaktang muli. Handa na ako, alam ko, pero nang makita kitang kasama ang babaeng nagmamay-ari na ng puso mo ngayon...hindi ko pala kaya..." tuluyan na siyang napahagulhol. Itinakip niya ang mga palad niya sa kanyang mukha upang hindi siya nito makita. Pinilit niyang pigilin ang kanyang pagluha pero hindi niya kaya. Masyadong masakit ang katotohanang hindi na niya pag-aari ngayon ang puso ng lalaking tanging minahal niya. Kung sana'y hindi siya nagpabaya noon, eh di sana hindi siya nagkakaganoon ngayon. She felt pity for herself but she can't do anything to reduce the pain she's feeling at that moment because she can never have the heart of the only guy she will ever love for the rest of her life. Kinabig siya nito. Napasubsob siya sa matitipunong dibdib nito at doon siya umiyak nang umiyak. Tahimik na hinahagod nito ang buhok at likod niya. "Let's get lost in a world where there are no tears, heartaches or oppositions, Ysabelle. A world where there is just the two of us." napatingin siya rito. Sinabi ba talaga iyon ni Zack? Tiningnan niya ito sa mga mata. Kitang-kita niya ang iba't ibang emosyon nito. Kung ganoon lang sana kadali iyon. Ngunit mahirap sumugal sa isang bagay na walang kasiguruhan. Tumigil siya sa pag-iyak. "Zack, ano ka ba? Hindi ba't sinabi--" "I broke up with Faye." walang gatol na sabi nito pero hindi niya naintindihan iyon. "Puwede bang patapusin mo na muna ako? Alam mo ba 'yang sinasabi mo Zack? Hindi ka na ba talaga nag-iisip?" natigilan siya nang mapansin niyang matamang nakatingin ito sa kanya. Noon lang tila nagsink-in sa kanya ang sinabi nito. Bahagya niyang inilapit ang kanyang tainga sa bibig nito. "Who broke up with who?" "I broke up with Faye." puno ng emosyong ulit nito sa sinabi nito kanina. Ngunit sa halip na matuwa'y pinalo niya ito sa mga braso nito. "Araa--Hey! What was that for?" nagtatakang tanong nito sa kanya habang hinihimas-himas ang nasaktang braso. "Bakit mo naman ginawa 'yon? Bakit ka nakipagbreak kay Faye? Ano na naman ba'ng pumasok sa kukote mo at ginawa mo 'yon? Napakalabo mo talagang lalaki ka." sermon niya rito. Naisip niya si Faye. Malamang ay nasaktan ito sa pakikipaghiwalay dito ng binata at naiintindihan niya ito kaya nagalit siya kay Zack sa ginawa nito. "She talked to me. Kilala ka niya. She knew about our past. Nangako ako sa kanya na kapag nakalimutan na kita sasabihin ko agad sa kanya. Sinabi ko rin na kapag nakalimutan na kita, siya na lang ang mamahalin ko." nagulat siya sa pagtatapat nito. Hindi niya inaasahan ito. Natigilan siya at pinagmasdan ito. "I thought I was able to forget you. Pero hindi, dahil tuwing dumarating ang araw ng Valentine's, lagi kitang naaalala. Kaya tuwing dumarating ang araw na iyon. Sumusugod ako rito sa Baguio upang kahit papaano'y makalimutan kita at ang masalimuot na pangyayaring iyon sa ating dalawa. I had hated myself for hurting you, Ysabelle. Sinisisi ko ang lahat pati na ang sarili ko dahil sa ginawa ko sa'yo. Akala ko, kaya hindi ka mawala-wala sa isip ko ay dahil nakokonsensiya ako sa ginawa ko sa'yo. Pero alam ko ring hindi lang iyon ang dahilan. I have loved you and continued loving you eversince we parted ways. I tried to forget you. Iniisip ko kasing baka sa mga oras na iyon ay nakalimutan mo na ako. Pero hindi ko naman magawang kalimutan ka kaya pinabayaan ko na lang din ang mga alaala mo sa puso't isip ko. No'ng patuloy pa rin ako sa pagpunta rito sa Baguio, akala ni papa gusto pa rin kitang kalimutan. He doesn't want to agree with it. Bakit ko raw pinipilit kalimutan ang isang bagay na hindi ko naman kayang kalimutan. Bakit hindi na lang daw kita hanapin at kausapin dahil baka ganito rin ang nararanasan mo. Pero hindi ko siya pinakinggan at hindi rin naman kita makalimutan kaya habang tumatagal, tinanggap ko nang kahit kailan ay hindi ka na mawawala sa puso't isip ko. Ang tanging dahilan ko na lang kaya nagpupunta pa rin ako rito sa Baguio ay para alalahanin ang mga panahong masaya ako habang kasama kita. I decided to just reminisce the moments that I was with you and forget about trying to remove you from my head and my heart." tinuro nito ang puso nito. "Masyadong mahirap gawin iyon. Napakahirap mong kalimutan at hindi ko rin naman gustong kalimutan ka kaya hinayaan ko na lang. "Then, I saw you again. I wasn't surprised to see you because my dad already told me about you. He mentioned that he has an employee who suffers on the same situation as I am. When I asked him who it was, he told me your name and then he asked you to attend this silly conference and the rest is history." pagsasalaysay nito. "So everything was planned?" naguguluhan tanong niya rito. "Hindi totoo ang conference na pinunta ko rito? Alam din ba ito ng mga kaibigan ko?" "Sort of." Aba't! Ang mga praning talagang mga kaibigan niya! Kaya pala parang may mga inililihim ito sa kanya, mayroon nga talaga. At iyong conference na iyon, kaya pala puro daldalan lang ang ginagawa nila roon ay dahil wala naman pala silang dapat na pag-usapan. Nanggigigil siya dahil parang pinaglaruan siya ng mga taong pinagkakatiwalaan niya. Pero dapat ba siyang magalit kung ibinalik ng mga ito sa kanya ang tanging lalaking minamahal niya? "So, ako lang ang walang alam dito?" "Alam mo na ngayon." kaswal na sagot nito. "Kasabwat ba si Faye dito?" "No, of course not. Wala siyang kinalaman dito. I broke up with her after you left us a while ago. I told her that I'd rather love someone I can't have than have someone I can't love." puno ng emosyon ang mga matang sagot nito sa kanya. "What did she tell you? Nagalit ba siya? Nasaktan ba siya?" nag-aalalang tanong niya. Tumawa ito. "You're worried about her feelings? Di bale nang masaktan ka, 'wag lang siya?" pinamaywangan siya nito. "You don't have to worry though. Hindi siya nagalit o nasaktan man lang. She saw her first love again in this place. Nalaman niyang mahal pa rin pala niya ang lalaking 'yon at gano'n din ang lalaking iyon sa kanya kaya pumayag siyang makipaghiwalay sa'kin. We both know that our hearts belong to somebody else, so we decided to let go of each other." salaysay nito. "By the way." anito nang biglang may maalala. "Gusto mo bang malaman kung sino ang lalaking tinutukoy ko, Ysabelle?" "Eh, ano namang pakialam ko sa lalaking 'yon?" sagot niya rito. Binalewala nito ang pagsusungit niya at sinabi pa rin sa kanya ang pangalan ng lalaking tinutukoy nito. "It was Nathan, Ysabelle. Napakaliit talaga ng mundo, 'no? Akalain mong dito pa pala tayo sa lugar na ito magkikita-kita?" Nagulat siya sa sinabi nito at hindi niya itinago iyon. Natutuwa siya para sa lalaking naging sandigan niya no'ng nagluluksa siya sa kabiguan niya kay Zack. "I'm happy for him." masayang sambit niya. "Yeah. Me too. Now, can we go back to our own problem here?" naiinip na sabi nito sa kanya. Humalukipkip ito. "Bakit ano ba'ng problema natin? Meron pa ba?" nakangiting sabi niya rito. Gumanti ito ng ngiti sa kanya. He cupped her face. Inilapit nito ang mukha nito sa mukha niya. "Sabi ko nga wala na, eh." dinampian nito ng halik ang mga labi niya. Inilayo niya rito ang mukha niya at binigyan ito nang mahinang hampas sa dibdib nito. "At sino'ng may sabi sa'yong puwede mo na akong halikan?" Nginitian niya ito nang bigla itong sumimangot. Pinisil niya ang mga pisngi nito. "Joke lang po." Tumingin ito sa wristwatch nito. "I almost forgot. I prepared a dinner for us. Kaya nga pala hindi kita nilapitan ngayong araw kasi busy ako sa surprise ko para sa'yo." magkahawak-kamay nilang tinahak ang kinaroroonan ng surprise nito sa kanya. "OH, MY GOSH!" natutop niya ang kanyang mga bibig dahil sa labis na kaligayahan. Nakarating na sila sa restaurant kung saan naroroon ang surprise nito sa kanya. Nasa hardin iyon ng isa sa mga restaurant ng resort na iyon. Mayroong isang table na laan para sa dalawang tao. Napaliligiran din ang lugar ng mga rose petals. May chandelier din sa gitna ng mesa at nakahanda na ang lahat para sa kanila. Sila na lang ang kulang. She heard a sweet music from a violin. Inilahad ni Zack ang kamay nito sa harap niya. "May I have this dance?" buong puso niyang pinaunlakan ang alok nito sa kanya. Hinapit siya nito sa kanyang mga beywang. Ipinatong naman niya ang kanyang mga kamay sa matitipunong dibdib nito. Sumasabay sila sa malamyos na tunog ng violin. Napakasaya niya. Napaluha siya sa labis na kaligayahan. "Umiiyak ka na naman." pinunasan nito ang luhang namalisbis sa kanyang mga pisngi. "Naalala ko tuloy no'ng una kitang dalhin sa ganitong restaurant. Umiyak ka rin no'n. Hindi ko tuloy alam kung susuntukin ko ang sarili ko o ano. Ayaw ko kasing nakikita kang umiiyak, eh. Pero parang palagi na lang kitang napapaiyak." "Sorry. I can't help it. Masyado kasi akong masaya." Tumigil na sila sa pagsasayaw. Iginiya na siya nito sa mesang nakalaan para sa kanila. Habang nasa gitna sila nang masarap na pagkain ay nagulat siya nang pumuwesto ito sa harapan niya at lumuhod. "Oh, my god, Zack. Don't tell me--" "Shh. Makinig ka na muna sa'kin." pigil nito sa sasabihin niya. "Let me do this right, okay? Kinakabahan na nga ako, salita ka pa ng salita r'yan. Ilang araw ko rin 'tong pinagpraktisan, 'no?" biro nito. "Sorry naman. Ang dami mo pa kasing sinasabi. Bilisan mo na!" humalukipkip siya habang pinagmamasdan ito. Hindi niya mapigilan ang nag-uumapaw na excitement sa puso niya. Nakaupo siya habang ito naman ay nakaluhod sa harapan niya. Sumeryoso siya nang bumuntung-hininga ito. Nagpapalakas ito ng loob para masabi nito ang gusto nitong sabihin sa kanya. Hinawakan nito ang kanyang mga kamay. "Ysabelle, I'm sorry for all the things that I've caused you. Sorry kung ako ang naging dahilan ng kalungkutan mo noon. Sorry kung hindi kita hinabol noong umalis ka dahil sa mga narinig mo. Sorry kung ako ang naging dahilan kung bakit inayawan mo ang Valentine's day..." tiningnan siya nito. Pinahid nito ang mga luhang tumulo mula sa kanyang mga mata. He looked at her with so many emotions in his brown eyes. "Don't cry..." alo nito sa kanya. "I'm here now, Ysabelle. I'm going to mend your broken heart. I'm going to fix everything for you. I'm going to make you forget your hatred for Valentine's day. I'll make sure that you will love everything about Valentine's day again...and the only tears you'll cry, from now on, would be tears of joy." deklara nito. Natawa siya sa huling linyang sinabi nito. Mukhang nakuha kasi nito iyon sa isang kanta. Agad naman siyang sumeryoso nang mapansing hindi man lang ito ngumingiti. Pinagpapawisan na ito. "I mean it, Ysabelle." seryosong saad nito nang hindi ngumingiti. Nilabas nito ang isang pulang kahita mula sa bulsa ng slacks nito. Napasinghap siya. "I love you so much, Ysabelle. I wouldn't know what to do if ever I lose you again. Will you marry me?" Hindi niya alam kung titili o tatalon sa tuwa. Hindi rin siya sigurado kung hindi siya nananaginip lang kaya pinitik niya ito sa ilong. "Bakit na naman?" nagtatakang reklamo nito habang hinahaplos ang matangos nitong ilong. "Wala. Tinitingnan ko lang kung hindi ako nananaginip lang." nakatawang sagot niya rito. "Hindi ba dapat sarili ang pinipitik o kinukurot para malaman kung nananaginip lang o hindi?" nakakunot noong tanong nito sa kanya. Pero hindi naman ito galit. Agad na nagbago ang ekspresyon ng mukha nito nang maalala ang singsing. "So, will you marry me, Ysabelle?" inilapit pa nito sa kanya ang singsing. "Ano ako baliw?" sagot niya rito na ikinagulat nito. Tumawa siya. "Hindi ako baliw para tanggihan ang nag-iisang lalaking itinitibok ng puso ko. Yes, Zack. I will marry you." nakangiting sagot niya rito. Sa labis na kaligayahan ay binuhat siya ni Zack at ipinaikot sa ere. Humiyaw pa ito habang tumatawa. Nakitawa siya rito habang tumitili dahil sa ginawang pagbuhat nito sa kanya. Dama niya ang kaligayahan nito at natutuwa siya sa kinahantungan ng love story nilang dalawa. Hinding-hindi na niya uli pakakawalan ang lalaking ito. Hindi niya hahayaang mapunta muli ito sa ibang babae. Hindi na. Dahil sa mga oras na iyon at sa susunod pang mga araw. Kanyang-kanya lang si Zack. "You have no idea how happy I am, Ysabelle. Akala ko, forever na akong magluluksa tuwing Valentine's day kung tatanggihan mo ako ngayon dahil wala na akong balak na magmahal muli pagkatapos mo." biro nito nang maibaba na siya nito. "Hindi na kailangan dahil hinding-hindi kita tatanggihan kahit ano pang paraan ang gamitin mo. I love you, Zack." masuyong hinaplos niya ang pisngi nito. "Prove it." hinapit siya nito sa beywang saka inilapit ang mukha nito sa mukha niya. "With pleasure." buong puso niyang tinugon ang mga halik nito. Mula sa mga oras na iyon, alam niyang hinding-hindi na muling mawawala pa sa kanya si Zack. Alam niyang kanyang-kanya lang ang puso nito noon, ngayon at bukas. Masaya siya dahil hindi na niya kailangang magngitngit tuwing Valentine's day dahil naroon na muli si Zack upang punan ang kalungkutang naramdaman niya. And she would never let go of him ever again...

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD