NAKAABANG na si Zack sa sakayan ng dyip.
Labasan na kasi nila Ysabelle.
Naitanong niya kay Lorraine ang schedule ng mga ito kapalit ng impormasyon niya tungkol kay Wilter.
Napatiim-bagang siya nang mamataan niya si Ysabelle na may kasamang lalaki.
Hindi naman kaguwapuhan ang kasama nito ngunit mukhang anak-mayaman.
Huli na ang lahat para pasibarin ang kanyang dyip dahil naituro na siya nang pasaway na si Lorraine at patungo na sa kanya ang mga ito.
Napakuyom siya ng kamao nang makita niyang inaalalayan ng lalaki si Ysabelle.
Hindi na niya maintindihan ang kanyang sarili.
He was never been possessive with a girl and he has never been that insecure to a guy before.
Ngayon lang.
Ngayong oras lang na iyon na nakikita niyang may ibang lalaking kasama ang babaeng sobrang nakapukaw sa atensiyon niya sapul pa lang noong una niyang makita ito.
"Shit." sambit niya.
Hindi niya alam kung pang-ilang beses na niyang sinabi iyon dahil kunot na kunot ang noo niya habang nakatutok ang atensiyon sa kalsada.
Sa tanang buhay niya'y ngayon lang siya nayamot sa pagmamaneho.
Parang mas gusto niyang bumaba na lang ng dyip at hamunin ng suntukan ang lalaking kasama ni Ysabelle.
Maya't maya ang paglingon niya sa mga ito.
Bigla siyang napa-preno nang makita niyang aakbayan ito ng lalaki.
Napatili ang mga pasahero niya sa labis na pagkabigla.
Ang lalaking katabi nito--dahil hindi inaasahan ang ginawa niyang pagpreno'y napalugmok
sa sahig ng dyip.
Narinig niyang nagmura ito. Nakita niyang pilit pinipigil ng mga kaibigan ni Ysabelle ang pagtawa ng mga ito na ikinangiti niya.
Nasa kanya pa rin pala ang loyalty ng mga ito. Hindi kasi lingid sa mga ito ang pagkagusto niya sa kaibigan ng mga ito.
Patayo na sana ang lalaki nang hindi sinasadyang napaharurot niya ang dyip.
Muling napalugmok ito sa lapag.
Tatawa sana siya nang malakas kung hindi nga lang siya sinaway ng dalaga.
"Zack, dahan-dahan naman!" anito habang inaalalayan ang lalaki.
Lalo siyang nagpupuyos sa galit.
"I can't believe this!" galit na sambit ng lalaki.
"You shouldn't be allowed to drive.
You don't deserve a license at all!"
nanatili siyang walang imik.
Magsasalita pa sana ito pero pinigilan na ito ng dalaga.
"Do you know that asshole?" narinig pa niyang bulong nito.
Parang gusto na talaga niya itong sugurin kung hindi nga lang niya narinig ang sasabihin ng dalaga.
"Don't call him that.
Yes, I do know him.
He's a friend." pagtatanggol nito sa kanya na ikinalobo ng puso niya.
Take that, bastard!sabi niya sa isip niya.
He knew he was being childish but what can he do?
He loved the sight of that man in that embarassing situation a while ago.
Isa pa, pinagtanggol siya ni Ysabelle mula sa matatalim nitong dila.
Mababaw mang matatawag iyon pero wala siyang pakialam.
Alam niyang para na siyang babae but who cares?
Ang mahalaga'y napansin siya ng babaeng sa maikling panahon ay parang nagugustuhan na niya.
HINDI maipaliwanag ni Ysabelle sa kanyang sarili ang nakitang galit sa mukha ni Zack kaninang pagsakay nila ng dyip nito.
Hindi naman ito ganoon dati.
Palagi itong may nakahandang ngiti kapag nakikita sila nito.
Pakiramdam tuloy niya'y may problema ito.
But seeing him now, parang umaliwalas na ang anyo ng guwapong mukha nito.
Naroon na ulit ang pamilyar na ngiti nitong habang tumatagal ay nagugustuhan na niya.
What is this man up to?tanong niya sa sarili.
Napakagulo kasi ng ekspresyon ng mukha nito.
Paiba-iba.
Tumingin siya kay Tristan--ang masugid niyang manliligaw na limang buwan ng nanliligaw sa kanya.
Hindi niya maiwasang ikumpara ito kay Zack.
Zack is more handsome, more gorgeous, cuter, taller and--wait.
Why the hell is she comparing them?
Hindi naman siya nililigawan ng huli.
At si Tristan, ito ang matagal ng nanliligaw sa kanya pero hanggang ngayo'y hindi pa rin niya magawang sagutin.
Hindi kasi niya maramdaman dito ang sinasabi ng mga nababasa niyang pocketbooks na malalaman mo lang daw na in love ka na sa isang lalaki kapag napapabilis nito ang pagtibok ng puso mo.
Eh, sa kaso ni Tristan, kahit kaunting kilig ay wala siyang makapa para rito.
Napatingin siya kay Zack at biglang nagrigodon ang puso niya nang malamang nakatingin rin ito sa kanya.
Kinindatan pa siya nito kaya lalong nataranta ang puso niya.
Iniwas na lang niya ang tingin niya at pilit pinapakalma ang tila nagrarambulang daga sa loob ng puso niya.
Bakit ganoon ang nararamdaman niya sa tuwing magtatagpo ang mga mata nila ng lalaking iyon?
Hindi na natahimik ang puso't isip niya mula nang magkakilala sila ng binata dahil ito lang ang nakakapagpataranta ng puso niya sa tuwing makikita ito.
Ano ang ibig sabihin noon?
Bago pa man niya maisip ang sagot ay pinukaw na ni Tristan ang atensyon niya.
"Ysabelle.
Nakikinig ka ba?" anito.
"Sorry.
What was that again?" tanong niya.
"May bigla kasi akong naalala kaya hindi ko narinig ang sinabi mo."
"It's okay." nakakaintinding sabi nito.
"Itatanong ko lang sana kung ano na ang estado ko sa puso mo?"
Nagpanting ang tainga niya.
"Pinagmamadali mo ba ako?"
"Hindi naman sa ganoon.
Naitanong ko lang naman.
Ayos lang sa akin kung hindi mo muna sasagutin.
Makakapaghintay naman ako, eh."
Heto ang lalaking handang magmahal at umintindi sa kanya ngunit hindi niya magawang mahalin.
Napabuntung-hininga siya. "Pasensya ka na kung biglang uminit 'yong ulo ko.
Hindi ko na nga rin maintindihan ang sarili ko, eh."
Ngumiti lang ito sa kanya.
Bago bumaba ng dyip ay tiningnan muna ni Ysabelle si Zack.
He smiled while waving at her.
She smiled back kahit na parang gusto na namang tumalon ng puso niya palabas pagkakita sa nakangiting mata nito.
"HI." bati ni Ysabelle kay Zack nang makita ito sa 7 eleven.
Bibili kasi siya ng gatorade at chocolate.
Pakiramdam kasi niya ay made-dehydrate na siya sa sobrang init ng panahon.
Nakita niyang prente itong nakaupo sa loob ng convenience store at tila may hinihintay.
Nilingon siya nito. "Hello." ganting bati nito.
Parang bigla siyang nagsisi na nilapitan niya pa ito.
Hindi na naman kasi niya mapatigil sa mabilis na pagtibok ang puso niya nang masilayan ang gwapong mukha nito.
Lalo na nang ngumiti ito sa kanya.
"Where are your friends?" tanong nito.
"Kanina pa sila nasa school.
Hindi naman kami sabay-sabay pumasok.
Dumaan lang ako rito para bumili nito." aniya sabay angat ng gatorade at chocolate.
"Hindi pa kasi ako nag-aalmusal, eh."
"Breakfast mo?" napakunot noong tanong nito.
"No.
Actually it's my brunch." sagot niya sabay tawa.
Nagulat siya nang imbes na magsalita'y hinila siya nito sa braso palabas ng store.
"Saan mo 'ko dadalhin?" nagpapanik na tanong niya rito.
Hindi siya natatakot na gawan siya nito ng masama. Ang ikinakatakot niya ay ang kakaibang nararamdaman niya sa pagkakadaiti ng palad nito sa balat niya.
"Kakain tayo." tugon nito habang patuloy ang paglakad.
Noon lang niya napansin ang hitsura nito.
He is wearing a white long sleeves with denim detail, harem pants and a white boat shoes.
Again, he look more like a ramp model than a jeepney driver.
At mukha siyang yaya nito.
"Sandali." tumigil ito sa paglakad. "Saan ba tayo pupunta?
May klase pa ako." pagsisinungaling niya rito.
Foundation day nila ngayon at siya ang naatasang magbantay ng booth nila.
"Alam kong wala.
'Wag ka ng magsinungaling.
Sinabi sa akin ni Lorraine na Foundation day niyo raw ngayon at puwedeng-puwede raw kitang yayaing lumabas dahil sila na raw ang bahala sa booth niyo." nakangiting turan nito.
So, planado na pala ang lahat.
"I could kill Lorraine for this.
Ano ang kapalit ng sinabi niyang impormasyon sa'yo?" usisa niya.
Kilala niya ang kaibigan niya.
Hindi ito magbibigay ng impormasyon tungkol sa kanya kung hindi naman ito makikinabang.
"Importante pa ba 'yon?"
"Oo naman.
Involve ako, eh!"
"I told her something about Wilter."
Sinasabi na nga ba niya.
"And what is that something?" patuloy na usisa niya.
"Hayaan mo na ang dalawang 'yon.
Malaki na sila.
Ako na lang ang intindihin mo dahil nagugutom na ako sa kahihintay sa'yo." anito sabay hila sa kamay niya upang pasunurin siya.
Nabigla siya sa sinabi nito.
Hinihintay siya nito? Pero bakit?
Kunyari pa itong patanong-tanong kung nasaan ang mga kaibigan niya, iyon naman pala'y alam na nito.
Nagpatianod na lang siya rito.
Ang sarap kasi sa pakiramdam nang pagkakahawak nito sa kamay niya. Mukha silang magkasintahan.
Hindi nakatakas sa kanya ang inggit sa mga mata ng mga kababaihang nakakakita sa kanilang dalawa ng binata.
She wanted to stuck her tongue out and be proud that he chose her among them.
Mamatay kayo sa inggit!
Nakarating sila sa isang fancy restaurant.
Natigilan siya.
"Sigurado ka bang dito tayo?
Ang mahal dito, eh." kinakabahang tanong niya rito.
"Baka limang taon tayong maging alila rito."
Sa halip na mainsulto'y tumawa pa ito.
"Wala ka atang bilib sa'kin, eh.
I want the best for you.
Kaya dito kita pakakainin." May lumapit sa kanilang isang waiter.
"Table for two." maawtoridad na sabi nito.
Yumuko pa sa kanila ang waiter bago sila iginiya sa lamesa nila.
"Bilib na talaga ako sa'yo, Zack.
Biruin mo 'yon?
Pinapasok nila tayo rito.
Ang alam ko sa mga ganitong restaurant hindi pinapapasok hangga't walang reservation, eh." pabulong na sabi niya rito.
Ngumiti lang ito sa kanya.
Lumapit ulit sa kanila ang waiter para iabot ang menu book.
Binuksan niya ang menu upang isara rin.
Nakita niya kasi ang presyo ng mga pagkain.
Maging ang inumin ay mahal.
Pinanuyuan siya ng lalamunan.
"Pumili ka lang ng gusto mong kainin.
'Wag mo nang alalahanin ang presyo.
Okay lang sa'kin kahit na ang pinakamahal pa ang piliin mo." anito nang mapansin ang alinlangan niya.
"Parang hindi maaatim ng konsensiya ko ang pagastusin ka nang ganito kamahal.
Sa iba na lang kaya tayo.
Okay lang ba?"
"Sayang ang ibinayad ko rito para magpa-reserve." pangongonsensiya nito sa kanya.
"Kaya dito na tayo kumain para maging sulit ang lahat.
Please, I insist." pagpupumilit nito.
Napabuntung-hininga siya.
"Sige na nga pero ikaw na ang um-order ng para sa'kin.
Kung ano sa palagay mo ang masarap." Tumango ito at ito na nga ang um-order para sa kanya nang lumapit ang waiter.
Um-order ito ng dalawang grilled beef tenderloin with mashed taro and buttered vegetables, dalawang chicken flamingo, dalawang chocolate peanut butter banana crunch para sa dessert nila, isang pineapple juice para sa kanya at red wine para rito.
Na-amuse siya rito, para bang sanay na sanay na ito sa ganoong bagay at tila parang relax na relax pa ito habang siya'y nag-aalala para sa gagastusin nito.
The way he ordered their meal was very amusing.
Siguro lahat ng babaeng idini-date nito'y dito nito dinadala kaya sanay na sanay na ito.
Parang nahulaan nito ang naiisip niya kaya nagpaliwanag ito sa kanya.
"Believe me, ikaw pa lang ang babaeng nade-date ko rito.
Dito kasi kami madalas mag-dinner nila Wilter kapag ayaw naming kumain sa dorm namin." anito. "At saka 'wag mo nang intindihin ang babayaran ko.
Kumain ka na lang ng kumain.
Isipin mo na lang na mayaman ako." nakangiting sabi nito sa kanya.
Hindi man lang ito na-o-offend sa kawalan niya ng tiwala sa abilidad nitong magbayad.
Natawa siya sa sinabi nito.
"Sige na nga." Nginitian niya ito.
"Ano nga palang pangalan mo?" tanong niya rito para lang may mapag-usapan sila habang inaantay iyong order nila.
"Sumama-sama ka sa'kin tapos hindi mo naman pala ako kilala." kunwa'y nagtatampong sabi nito.
Natawa siya. "No, I mean. Iyong buo mong pangalan." paglilinaw niya.
"Zack Sloan De Castro at your service, ma'am." pabirong sabi nito.
"Hindi lang pala 'yang mukha mo ang mukhang mayaman pati na rin 'yong pangalan mo." ganting biro niya.
"You think so?"
Tumango siya.
"So, bakit Zack Sloan?" usisa niya rito.
"Zack was my dad's favorite guitarist and my mom got "Sloan" from the bible."
Amuse na tinitigan lang niya ito.
"What?"
"Wala naman.
Nakakatuwa ka kasi ang galing mong mag-English.
Siguro nagka-amnesia ka 'no?
Tapos nakalimutan mo kung sino ka talaga."
"Pa'no mo nalaman?" tumawa ito nang matigilan siya.
"No, hindi ako nagka-amnesia.
Naging ulyanin lang ako simula nang makilala kita.
Kapag nakikita kasi kita nakakalimutan ko lahat pati pangalan ko." pambobola nito.
"Ah, gano'n?
Iwan kaya kita rito?" banta niya rito.
"Binobola mo na ako, eh."
"Hindi, ah.
Hindi kita binobola.
Napaka-ganda mo kasi kaya gano'n ang epekto mo sa'kin.
Kung OA man 'yon, tanggapin mo na lang.
Gano'n kasi talaga ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita kita." seryosong sabi nito.
Napatanga siya.
"Wag mo nga akong tingnan ng ganyan baka mahalikan kita nang wala sa oras." banta nito sa kanya.
Tumawa siya nang pilit.
"E-ewan ko sa'yo.
Puro ka talaga biro." saka mahinang hinampas ang braso nito.
"Kumain na nga lang tayo." sabi niya nang dumating ang order nila.
Tahimik silang kumain.
Magaling itong pumili ng oorder-in.
Masarap ang lahat ng iyon.
Akmang kakainin na niya ang huling subo ng pagkain niya nang matigilan siya.
Noon lang niya napansin na kanina pa ubos ng binata ang kinakain nito at nakatitig na lang ito sa kanya.
"M-may dumi ba ako sa m-mukha?" naiilang na sabi niya rito.
Alam niyang gasgas na ang linyang iyon pero ano'ng pakialam niya?
Naiilang siya sa paraan ng pagkakatitig nito. Umiling ito.
"E-eh ba't ganyan ka kung m-makatingin?"
"May nakapagsabi na ba sa iyong, napakaganda mo?" tila namalignong sabi nito sa kanya.
Pinunasan pa nito ang naiwang sauce sa gilid ng labi niya.
Nang hindi makontento'y ang mga labi nito ang nagtanggal ng sauce sa kanyang mga labi.
Bago pa man siya makapag-react ay umiinom na ito ng wine.
"W-What was that for?" tanong niya rito.
Hindi naman siya nagalit sa ginawa nitong kapangahasan gusto lang niyang itanong para lang may masabi.
Nanginginig pa rin kasi ang mga tuhod niya dahil sa ginawa nito.
Tinitigan siya nito. "Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa, Ysabelle." hinawakan nito ang kamay niya.
"Gusto kita.
Hindi ko nga alam kung gusto lang ba talaga kita o baka mahal na kita." napatanga na naman siya sa sinabi nito.
Napakabilis ng mga pangyayari.
Nahihirapan siyang mag-loading.
"I love you, Ysabelle.
Will you be my girlfriend?" patuloy nito nang hindi siya umimik.
Natagpuan na lamang niya ang sarili niyang tumatango rito dahil ito ang sa tingin niyang pinakatamang gawin at sa labis na kaligayahan ay napaluha siya.
Hindi niya inaasahan ang ginawang pag-amin nito.
Alam niyang matagal na rin niyang mahal ang binata. Itinatanggi lang niya dahil batid niyang wala siyang kinabukasan sa piling nito dahil sa uri ng trabaho nito.
Pero ngayong pinakinggan niya ang tinitibok ng puso niya'y wala na siyang pakialam kung ano ang magiging kapalaran niya sa piling nito.
Ang mahalaga'y mahal nila ang isa't isa.
"Hey.
Don't cry." pagpapatahan nito sa kanya. "Baka sabihin nila pinapaiyak kita." pabirong sabi nito sa kanya. Marahan niya itong hinampas sa braso. Bakas sa mukha nito ang labis na kaligayahan.
He cupped her face.
"Ito ang tatandaan mo, hinding-hindi ka iiyak sa piling ko, Ysabelle." tango lang siya ng tango habang walang patid ang pagluha.
Hinalikan siya nito at buong puso niya itong tinugon.