Part 4

2541 Words
"NAKAKAAMOY kami ng magandang balita, Ysabelle." nakangiting bungad sa kanya ni Sharmaine kasama sina Nickie at Lorraine na pare-parehong nakangiti habang nakatingin sa kanya nang makahulugan. "Ano ba'ng pinagsasabi niyo?" maang na tanong niya sa mga kaibigan habang pinapatuloy ang mga ito sa loob ng bahay nila. Alam na niya ang tinutukoy ng mga ito pero mamaya na niya sasabihin dahil tinatamad pa siyang magkuwento. Wala ang mga magulang niya sa bahay nila ngayon dahil may mahalagang pinuntahan kaya solo nila ang bahay niya hanggang mamayang gabi. "Ewan." ani Lorraine. Isa-isang nagsalampakan sa sofa ang mga ito. "May cards ka ba r'yan? Pusoy dos tayo!" yaya sa kanila ni Sharmaine. Kinuha niya sa taas ng refrigerator ang set ng cards. "O' salo." aniya pagkahagis ng box ng card dito. "Gusto n'yong hulaan ko kayo?" excited na sabi niya sa mga ito pagkalapag ng mga hinanda niyang miryenda. "Ano'ng klaseng hula?" sabay-sabay na tanong ng mga ito sa kanya. Sumalampak siya sa isang single-seated chair, inagaw kay Sharmaine ang cards at hinila papalapit sa kanya ang center table. "Basta, hahanapin ko lang sandali 'yung apat na king." Matamang nakamasid sa kanya ang mga ito. "Game." aniya ng makita na ang hinahanap. "Magsasabi kayo ng pangalan ng lalaki sa mga ilalapag kong card." pag-iinstruct niya sa mga ito. "Iyong heart--mahal na mahal ka ng mapipili mo, Spade--hinding-hindi ka makakalimutan ng mapipili mo kung sakaling magkahiwalay kayo, flower--Bitter siya sa'yo kasi mahal ka niya at diamond--He's willing to give up everything just to be with you, gets?" Sabay na tumango si Nickie at si Sharmaine na alam niyang mga slow minded. Si Lorraine lang ang tanging sumagot sa kanya ng "Oo." "Okay, sino 'to?" aniya sa nakataob na card. "Ikaw na muna ang magsabi ng pangalan ng lalaki mo. Ikaw naman ang manghuhula, eh." sabi ni Sharmaine. "Tapos si Lorraine ang next para paikot tayo." "Okay pala 'tong ayos natin parang pataasan ng Mbps." natatawang sabi ni Lorraine. Tumawa siya. "Ang mean mo!" sabi ni Nickie na matagal bago nagsink-in sa utak nito ang sinabi ni Lorraine. Tumawa naman ang huli. "Teka. Ano'ng Mbps?" ani Sharmaine. Ang ever slow nilang kaibigan. Nagkatawanan silang lahat. "Bakit niyo ba ako pinagtatawanan? Eh, sa hindi ko alam, eh!" "Megabyte per second." aniya rito. "Ano ba 'yang sa iyo, point one?" nagkatawanan ulit sila. "Tama na nga 'yan. Simulan na natin." awat na niya sa mga ito. "Ikaw lang naman ang hinihintay namin, eh! Ikaw kasi ang magsisimula." ani Lorraine. "Ito na nga po 'o. Magsisimula na." bahagya niyang idinulas ang isang card mula sa mga kasama nito. "Guys, meet...Zach." aniya nang mailapag ang king of hearts. Nagtilian ang mga ito. "Sinasabi ko na nga ba't may lihim ka ring pagnanasa kay Zack, eh!" ani Sharmaine na sa hitsura'y akala mo nakahuli ng isang napakalaking isda. "So? Gusto naman iyon ni Zack, eh." ngumiti siya nang matamis. Inirapan siya ng mga ito. "Ang landi mo." "Pakialam niyo?" "Wala." "Wala pala, eh." bumaling siya kay Lorraine. "O' Rain, sino 'to?" "That would surely be Wilter, my honey." maarteng sabi nito. Ibinaba niya ang king of diamonds. Nanlaki ang mga mata nito sa labis na kilig pero nagpa-demure pa ito ng kaunti. "Ano nga ulit iyong diamond?" "He's willing to give up everything just to be with you." sagot niya. Sa gulat niya ay tumayo ito sa sofa at nagtatalon ito roon habang maningning ang mga mata. "May pag-asa pa ang pag-iibigan namin ng educator nating iyon. He-he-he! Dahil igi-give up niya ang lahat para lang sa akin!" Napapailing na lang silang tatlo rito. "O' sharms, ikaw na. Sino 'to?" "Aba, malay ko! Ano'ng palagay niyo sa akin, manghuhula?" nakapameywang na tanong nito sa kanila. "Tanga. Ikaw nga ang magsasabi sa amin kung sino ang lalaking ito. Sino ba ang gusto mo?" parang nakikipag-usap sa matandang binging sabi niya. "Ah, gano'n ba? Linawin niyo kasi ang pagtatanong. Si Kevin 'yan siyempre." nakangiting sabi nito. Ibinaba niya ang king of spades. "Oh my gosh!" natatarantang sambit ni Sharmaine. Tila naiinitan pang nagpaypay gamit ang mga kamay. "Ano'ng ibig sabihin niyan?" "Kung maka-react..." aniya pagkatapos ito tingnan ng masama. "He will never forget you." Kinikilig na tumili ito. "Ituloy pa natin ito. Kinikilig ako!" "Obvious nga." anang kanina pa walang imik na si Nickie. "Heh. Tumigil ka." ani Sharmaine rito. "Sino na sa'yo Kimai? Dali na para next step na tayo." "Oo nga. Last na 'to." ibinaba na niya ang king of flowers. "Eh, ano ba'ng ibig sabihin niyan?" tanong ni Nickie sa kanila. "Mamaya ko na sasabihin...paulit-ulit naman kasi." "Hindi kasi nakikinig." paninisi ni Sharmaine dito. "Eh, hindi ko nga narinig, eh." iritadong sagot ni Nickie rito. "O' sige, si Jacob." "Uy... The more you hate, the more you love." patuloy na pang-aasar ni Sharmaine. Binale-wala iyon ni Nickie. "So, ano ng ibig sabihin ng flower?" "Bitter." sagot niya. "Bitter siya kasi mahal ka niya." dugtong niya. Nagtilian ang mga kaibigan niya. "Kaya pala, 'ha?" "Sus, kalokohan." bale-wala pa ring sabi ni Nickie. But she knew better. Alam niyang may gusto ang kaibigan niyang ito kay Jacob. Hindi lang nito maamin dahil lagi nga kasing nag-aaway ang mga ito. "Next step na tayo. Mamaya na 'yong intriga!" sabik na sabi ni Sharmaine sa kanila. Inilatag niya ang apat na cards. "Ngayon naman, magtanong kayo ng 'Sino' lang ang simula." utos niya sa mga ito. "Isang tanungan na lang tapos para sa ating lahat na. Para hindi diyahe sa pag-iisip." singit ni Sharmaine. "Tapos paikot ulit. Kay Sasa pa rin magsisimula." anito na siya ang tinutukoy. "Sasa" kasi ang tawag sa kanya ng mga ito dahil masyado raw mahaba ang pangalan niya. "Sino sa tingin niyo ang magtatapat sa atin na may pagtingin din sila sa atin?" tanong ni Lorraine. "Ako ba muna?" pagkaklaro niya. "Oo nga." nakairap na sabi ni Lorraine. "Ah, okay." sinimulan na niyang lagyan ng mga cards sa ilalim ng mga kings at ang may naka-match na card ay ang king of hearts--si Zack. Impit na nagtilian ang mga kaibigan niya. Ngaling-ngaling batukan niya ang mga ito. "Ano ba kayo? Ang iingay niyo!" saway niya sa mga ito. "Totoo ba 'yan, Sasa?" tanong ng isa. "Ano'ng sabi?" kinikilig na dagdag na tanong nito. Nagblush siya. Siya man ay hindi pa rin makapaniwala na nagtapat sa kanya si Zack. Ilang beses nga niyang kinurot ang kanyang sarili para lang magising kung panaginip man iyon pero ilang beses na rin niyang napapatunayang totoo ang lahat. "He asked me to be his girlfriend." Nagtilian na naman ang mga ito. "Ano'ng sabi mo?" Natawa siya sa hitsura ng mga ito. Walang sinuman sa mga kaibigan niya ang nais magsalita. Lahat ay sa kanya nakatutok. Gustong malaman ang bawat detalye ng naging pagtatapat sa kanya ni Zack. "I accepted his off--" Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin dahil tili na ng tili ang mga ito. Kilig na kilig sa kinahantungan nila ng binata. "Oh my gosh! I'm so happy for you, Sasa!" Napangiti siya. Napakasaya niya sa kaalamang suportado siya ng mga kaibigan niya sa pag-iibigan nila ni Zack. "HI." bati sa kanya ni Zack saka mabilis na humalik sa kanyang mga labi. Sinundo siya nito sa harap ng kanilang kampus. Hinawakan nito ang kanyang kamay pagkatapos kunin mula sa kanya ang mga gamit niya. "How sweet!" sabay-sabay na tili ng kanyang mga kaibigan sa kanilang likuran. Sabay silang lumingon ng binata sa mga ito na may ngiti sa mga labi. Pinamulahan naman siya ng mga pisngi. Masuyo siyang inakbayan ng kanyang nobyo habang naglalakad sila. Lalo namang napatili ang kanyang mga aning na kaibigan. Magpipitong buwan na simula nang magkaunawaan ang kanilang mga puso. Palagi silang masaya. Araw-araw daw ay liligawan siya nito dahil hindi raw ito nabigyan ng pagkakataon. Pinabayaan naman niya ito. So far, wala naman silang nagiging problema. "I have a surprise for you, babe." tumaas ang mga mumunting balahibo sa kanyang batok nang bulungan siya nito. Bigla siyang nakaramdam ng excitement. "I'm going to introduce you to my parents next week. Valentine's Day iyon 'di ba?" Natuwa siya sa kanyang nakarinig. Pakiramdam niya kasi ay seryosong-seryoso sa kanya ang kanyang nobyo. Naikwento kasi nito sa kanya noong nakaraan na mayroong hindi pagkakaunawaan ito at ang ama nito at kagabi--habang magkausap sila sa telepono'y nagpaalam ito sa kanya na uuwi raw muna ito sa bahay ng mga ito dahil ipinapatawag daw ito ng ama nito. Nagtext agad ito sa kanya kanina upang balitaan siyang nagkaayos na nga ito at ang ama nito kaya sa susunod na linggo ay isasama siya nito upang ipakilala sa mga magulang nito. "Sa mismong araw na iyon ba?" "Oo, para diretso na tayo sa date natin." malambing na sabi nito. "Zack." tawag dito ni Wilter. Lumingon dito ang kanyang nobyo. "Sasama pa ba kayo ni Ysabelle?" Tiningnan siya nito na parang tinatanong siya kung sasama ba sila. "It's up to you." "Okay." sabi ni Zack. "Baka mainggit ang babe ko sa mga kaibigan niya. Lahat pa naman sila sasama." pabirong sabi nito kay Wilter na tumango lang at nauna nang maglakad. Kinurot niya ito sa tagiliran. "Ano'ng sinasabi mo 'ha?" "Aray--wala po!" natatawang hinimas nito ang nasaktang tagiliran nang bitiwan niya ito. VALENTINE'S day. Ang araw na pinakahihintay ni Ysabelle dahil iyon ang araw na ipakikilala siya ni Zack sa mga magulang nito. Talagang pinaghandaan niya ang araw na iyon dahil nais niyang maipagmalaki siya ni Zack sa mga magulang nito. Ayaw niyang mapahiya ito ng dahil sa kanya. Gusto niyang isipin nito na hindi ito nagkamali sa pagpili ng babaeng mamahalin. Masaya siya sa nagiging takbo ng relasyon nila ng binata dahil pakiramdam niya'y talagang mahal na mahal siya nito. Handa itong ibigay ang lahat sa kanya kahit na hindi nito kaya mapasaya lang siya kaya naman mahal na mahal niya ito. Kahit sa simpleng mga bagay na gawin nito para sa kanya'y napapaligaya na siya nito. Minsan nga'ng mahuli ito nang pagsundo sa kanya'y tinambakan siya ng pulang rosas sa kanilang bahay para lang mag-sorry kahit na sinabi na niyang hindi naman siya nagagalit. Nag-sorry pa rin ito at nangakong hindi na iyon uulitin. Natuwa naman siya sa effort nitong manghingi ng tawad kahit na wala itong kasalanan. Sobra siyang na-touch dahil pakiramdam niya'y ang ganda-ganda niya para habulin ng ganoon kaguwapong lalaki. Well, he's her boyfriend, anyway. Kaya walang pakialam ang kung sinuman para umepal sa pagpapahabol effect niya. Natigilan siya nang makita si Zack. "Oh, no. A complication." nag-aalalang wika ni Sharmaine. Hinatid kasi siya ng mga kaibigan kay Zack dahil ang mga ito ang nagbibigay sa kanya ng confidence kapag nawawalan siya noon. Lalo na at guwapo ang boyfriend niya. Sumalakay ang selos sa buong katauhan niya nang makita si Zack na may kasamang babae habang kaharap ang ibang driver ng dyip. Parang may ibinibida ang babae sa mga ito habang tahimik lang ang mga ito sa pakikinig. Hindi kasi lingid sa mga ito ang relasyon nila ni Zack. Nanatili sila ng mga kaibigan niya sa kinatatayuan. Hindi naman kasi siya iyong tipo ng taong eskandalosa. Lalo na at wala siyang dapat na ikagalit. Marahil ay isa ang babaeng ito sa mga nangangarap sa kanyang boyfriend. Tila nawalan ng buto ang mga tuhod niya nang gulantangin siya ng sinabing iyon ng babae. "Magpapakasal na po kami ni Zack, mga manong. Thank you all for taking care of him." malambing na sabi nito. Umangkla pa ito at humilig sa bisig ng boyfriend niya. "Tara na." yaya niya sa mga ito at nauna nang tumalikod. Nakasunod sa kanya ang mga ito habang tahimik lang na naglalakad. Nagpapasalamat siya at hindi na nangulit ang mga ito. Marahil ay naiintindihan ng mga ito ang nararamdaman niya kaya hinayaan siya ng mga itong gawin ang gusto niya. Mabuti na lang at hindi siya iyakin dahil hangga't kaya niya pa ay pinipigilan niya ang paglabas ng luha mula sa kanyang mga mata. NAGULAT si Zack sa biglaang pagsulpot ni Faye sa terminal ng dyip na pinagsa-sideline-an niya. Baka makita pa ito ni Ysabelle at kung ano pa ang isipin kaya hinayaan niyang gawin nito ang gusto nitong gawin para hindi na ito magtagal doon dahil anumang oras ay darating na ang kanyang nobya. Nanahimik lang siya at hinayaang sabihin nito sa harap ng mga kapwa niya driver ang gusto nitong sabihin dahil hanggang doon na lang naman iyon at tatapusin na niya ang kasunduang iyon oras na ipakilala niya si Ysabelle sa mga magulang niya. "Miss Ysabelle..." ani ng assistant niya sa pinapasada niyang dyip. Sinundan niya ng tingin ang tinitingnan nito at laking gulat niya nang makitang kasasakay lamang ni Ysabelle sa taxi kasama ang mga kaibigan nito. Kahit hindi niya itanong ay nasisiguro niyang narinig nito ang mga sinabi ni Faye. "Shit." dali-dali niyang tinanggal ang mga kamay ni Faye sa mga braso niya at nagmamadaling sumakay sa kotse niya. "Zack, wait!" narinig pa niyang tawag sa kanya ng babae. "SIGURADO ka bang okay ka lang?" nag-aalalang tanong ng mga kaibigan niya sa kanya. Batid kasi ng mga ito ang sakit na nararamdaman niya. Halata kasi ang pagbabago niya simula nang masaksihan niya ang eksenang iyon habang nakaangkla ang babaeng pakakasalan daw ni Zack dito. "Oo naman 'no?" nginitian niya pa ang mga ito ng pilit. "Umalis na kayo. I don't want to cry in front of you." pag-amin niya sa mga ito. Nakakaintindi naman siyang iniwan ng mga ito pagkatapos siguruhing hindi siya magpapatiwakal. May mga mahahalagang date kasi ang mga ito kaya naman nagdadalawang-isip ang mga ito kung iiwan siya o mananatili na lang kaya hinayaan na lang niya ang mga itong magpakasaya tutal naman ay Araw ng mga Puso. Pagkasarang-pagkasara niya ng pintuan ng kanyang silid ay nag-uunahang nagbagsakan ang kanyang mga luha. Hindi niya alam kung ano ang nagawa niya kay Zack o kung kanino pa man para lokohin siya nito ng ganoon. Minahal naman niya ito ng tapat at higit pa sa pagmamahal na sinasabi nito sa kanya pero bakit kailangan pa nitong lokohin siya? Mayroon na pala itong nobya at malapit na palang ikasal ang mga ito pero bakit pinaasa pa siya nito. Why does he have to tell her and make her feel that he really loves her? Hindi ba't nangako pa nga ito na hinding-hindi siya iiyak sa piling nito? Pero bakit ganoon? Bakit siya sinaktan nito ng ganoon? Hindi na siya naniniwala na mahal siya nito at ang tanging pinaniniwalaan niya ngayon ay ang pinaglaruan lang siya nito. Pero...bakit? Imbes na dapat ay masaya siya ng araw na iyon ay heto siya--unti-unting nagkakapira-piraso ang basag basag na niyang puso. Kung bakit kasi hindi ipinagpaliban ng mga ito ang pag-aanunsiyo ng kasal ng mga ito para hindi na niya kailangan pang isumpa ang araw na iyon pero nangyari na. Nasaktan na siya at sinusumpa na niya ang araw na iyon. Ang araw ng mga pusong isa sa mga saksi kung paano nadudurog ang puso niya ngayon. Mabuti na rin nga at nangyari ang bagay na iyon. At least ngayon ay natuto na siya na wala talagang maidudulot na maganda ang pag-ibig. Sakit lang talaga iyon sa puso ng mga tao. Kaya simula sa araw na ito sinusumpa na niya ang araw na iyon at ang lahat ng may kinalaman sa puso at sa pag-ibig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD