Part 6

3344 Words
"ANO'NG ginagawa mo rito?" paasik na sabi niya sa binata nang magbalik sa kasalukuyan ang diwa niya. She never thought that of all places ay doon pa sila sa bus station na iyon magkikita. "Sinusundan mo ba ako?" "Bakit naman kita susundan? I'm here to meet someone. Baka ikaw ang sumusunod sa akin." balik nito sa kanya. "Huh! At bakit naman kita susundan? Sino ka ba?" pagtataray niya rito. "Kung gano'n bakit ka nandito?" biglang nairitang tanong nito. "I'm here to meet someone din. Bakit ba?" mataray niyang sagot. "For what?" usisa nito. "Eh, ano ba'ng pakialam mo? Mind your own business nga!" mataray na asik niya rito. Tumahimik ito at naupo sa isang upuan na katabi ng katabi ng inuupuan niya. "Are you here for a Conference?" maya-maya ay tanong nito sa kanya na ikinagulat niya. "Pa'no mo nalaman 'yon?" nagtatakang tanong niya rito. "Doon din ang punta ko. Kung hindi ako nagkakamali ay ikaw ang hinihintay ko." sabi nito sa kanya. "You mean...Ikaw ang anak ng boss ko?" naguguluhang tanong niya rito. Tumango ito bilang sagot. "Paanong nangyari 'yon?" "Mahabang kuwento. Let's go?" tanong nito sa kanya. Tumayo siya. Akmang tutulungan siya nito kung hindi nga lang siya tumanggi. "Kaya ko na. Bumili ka na lang ng ticket para may silbi ka naman." kahit na nabibigatan ay binuhat pa rin niya ang mga dalahin niya. Sa buwisit niya'y hindi na nga ito nagpumilit pa na tulungan siya. Dumiretso na ito sa ticket booth. Ang yaman-yaman naman pala, hindi manlang nagdala ng kotsesabi niya sa isip nang makitang papalapit na ito sa kanya. Inaantay niya kasi ito sa harap ng bus na sasakyan nila. Lalong nadagdagan ang galit niya rito nang malaman na talaga nga'ng niloloko lang siya nito noon. Hindi man lang nito sinabi sa kanyang hindi naman pala ito totoong driver. Ano ang dahilan nito para magpanggap? Hindi na niya inisip pa ang dahilan dahil sumasakit lang ang ulo niya. Wala na rin naman siyang pakialam sa lalaking iyon. At saka mas iniinda niya ang paghihirap na nararamdaman niya sa pagbubuhat ng bag niya. Next time ko na siya bubugbugin kapag hindi ko na bitbit ang mga pesteng bag na ito. Bakit ba kasi siya nagdala ng ganoon kabigat na mga bag? Kasalanan lahat iyon ng mga kaibigan niya. "Makikita nila 'pag balik ko. Makakatikim talaga ang mga babaeng 'yon sa'kin." pabulong na sabi niya habang dinadala ang mga bag niya. "Iyan ang napapala mo sa pagiging martir mo." anito nang mapansin na nahihirapan siyang ilagay ang mga bag sa ibabaw nila. Nasa loob na kasi sila ng bus na sasakyan nila. Gusto sana niyang maupo sa ibang upuan dahil ayaw niyang makatabi ito pero wala ng bakante kaya kailangan niyang magtiis. "Tingnan mo muntik ka nang mapahamak dahil sa pagtatapang-tapangan mo." "Alam mo, hindi naman sana ako mapapahamak kung dumating-dating lang iyong iba r'yan sa oras." pagpaparinig niya rito. "Ano pa nga ba'ng magagawa ko? Lagi naman akong nalalagay sa kamalasan kapag ikaw ang involve." dugtong niya. Napatiim-bagang ito. "Will you shut up? I'm trying to get some sleep here." iritadong sabi nito sa kanya habang nakahalukipkip. Marahil ay nasisikipan ito sa bus dahil hindi nito mai-diretso ang mahahabang binti nito. "E'di matulog ka! Ikaw lang naman d'yan 'yong dada ng dada." inis na sabi niya rito sabay ayos ng upo patalikod dito. "AYOS na 'ho ba ang kuwarto ninyo, ma'am?" magalang na tanong sa kanya ni Sandra, ang katiwala sa beach resort na iyon. Sa function hall kasi ng tinutuluyan nilang resort na iyon gaganapin ang conference ng iba't ibang branches ng kompanya ng DC Empire para sa panibagong project na ayon sa mga kapwa empleyado'y si Zack daw ang mamamahala. Sa Cypress beach resort nila napiling ganapin ang conference dahil maganda ang ambiance doon at ito ang pinakamalaki at pinakamalapit na resort sa site ng project nila. Nginitian niya ito. "Okay na okay ito. Kitang-kita ang magandang view ng asul na dagat." sabi niya. Hapon na nang makarating sila ni Zack sa naturang resort. "Maiwan ko na 'ho kayo, ma'am. Magpahinga na po kayo. Tatawagin ko na lang 'ho kayo kapag handa na ang hapunan." "Kanina pa ba dumating ang ibang kasali sa conference?" tanong niya rito. "Oho. Kayo na nga lang 'ho ni Sir Zack ang hinihintay nila para masimulan na ang conference." pagkarinig noon ay naghagilap siya agad sa kanyang bag ng maisusuot. "Bakit hindi mo sinabi agad? Hindi na sana tayo nagtagal dito. Sisimulan na pala ang conference." nagmamadali siyang pumasok sa banyo para magbihis. "Sige na, Sandra. Puwede mo na akong iwanan." aniya bago tuluyang isara ang pinto ng banyo. "MA'AM, pasensya na po pero may reservation po ba kayo?" ani kay Ysabelle ng isang waiter. Lumabas siya para magtanghalian sa isang restaurant. Tinanghali kasi siya nang gising dahil napuyat siya sa nangyaring conference kagabi kaya naubusan siya ng pagkain sa resort. Nahihiya naman siyang magpaluto sa katiwala ro'n. "Fully-booked na po kasi ang restaurant namin ngayon dahil marami 'hong tao r'yan sa kabilang resort." "She can join me here." magalang na sabi ng isang lalaking may isang pares ng berdeng mata. Kapansin-pansin iyon sa lalaking ito which made him very attractive pero walang binatbat ang green eyes nito sa captivating brown eyes ni Zack. Hey, why the hell am I praising that jerk? "Thanks, but I'm with someone." aniya nang mamataan si Zack. Dumiretso siya sa table nito at umupo sa katapat na upuan nito. Nang-iinis na pinagmasdan niya ito. "This table is already taken." supladong sabi ni Zack habang nagbabasa ng diyaryo. "Alam ko, pero wala na akong maupuan. Nagugutom na ako." aniya nang hindi pinapansin ang pagsusuplado nito. "I overheard that that guy over there offered you a sit." wika nito nang hindi manlang siya tinatapunan ng tingin. "Yeah. Jealous?" asar niya rito. "I already have a girlfriend kaya bakit ako magseselos?" tanong nito sa kanya. Now, why were those words seemed to hurt her feelings? Dapat ay wala na siyang nararamdamang kahit na ano para rito dahil sinaktan siya nito. Ang tanging nararamdaman na lang dapat niya dito ay galit. Tama. Galit siya rito dahil pinaglaruan siya nito at kahit kailan ay hindi niya ito mapapatawad. Nagkibit balikat siya. "Ewan ko. Baka siguro may feelings ka pa rin sa akin." "Baka ikaw ang may feelings pa rin sa akin hanggang ngayon." balik nito sa sinabi niya. Tumawa siya nang pagak. "Nagpapatawa ka ba? Matagal na kitang nakalimutan 'no? Hindi na ulit ako magkakagusto sa manlolokong katulad mo." pang-uuyam niya rito. Ibinaba nito ang binabasang newspaper. Bad move. Nasasabi niya lang kasi ang mga iyon dahil hindi ito nakaharap sa kanya. Pero ngayong sa kanya na nakatutok ang atensiyon nito'y biglang nataranta ang utak at puso niya. "So, puwede ka na bang umalis?" blangko ang ekspresyong sabi nito. Hindi kakikitaan ng kahit na anong emosyon ang mukha nito. "No." tanggi niya. Gusto niya pang galitin ito. "'Wag mo nang antaying mapuno pa ako sa'yo. Ysabelle. Because frankly speaking, you're really starting to irritate the hell out of me." seryosong saad nito sa kanya. Kitang-kita ang iritasyon sa guwapong mukha nito na ikinatuwa niya. "You really want to play games with me?" tanong nito sa kanya nang makita ang ngiti sa kanyang mga labi. Natigilan siya. Nawala ang ngiti sa kanyang mga labi nang unti-unting ilapit nito sa kanya ang mukha nito. Was he going to kiss her? Napapikit siya nang makitang palapit na ng palapit ang mukha nito sa mukha niya. Ilang sandali na ang nakalipas pero wala namang labing lumalapat sa mga labi niya. Nagpasya siyang dumilat na. Laking gulat niya nang makita itong nakangiti. Pulang-pula ang mga pisngi niya sa galit. Naisahan siya nito! "You should learn your lessons now, Ysabelle." anito sabay alis sa inuupuan nito. Naiwan siyang nakatanga pa rin dito. What the hell did just happen? Nagmukha siyang tanga sa harap ni Zack! Hindi siya makakapayag na magtatalon ito sa saya dahil naisahan siya nito. Kailangan niyang makaganti dahil hindi matatahimik ang kaluluwa niya. "LOVELY." sabi niya nang makunan ng litrato ang isa sa mga animals ng zoo na pinuntahan niya. Mayroon kasing malapit na zoo sa resort na tinutuluyan nila. Two weeks pa siya sa resort na iyon para sa dalawa pang conference. Pangatlong araw na niya roon at nababagot na siyang manatili sa kuwarto niya at tumunganga kaya napagpasyahan niyang mamasyal na muna. "Mabuti hindi natatakot 'yang mga unggoy na 'yan sa'yo." wika nang kararating lang na si Zack. Inirapan lang niya ito at nagpatuloy sa pagkukuha ng mga litrato. "Ano ba'ng ginagawa mo rito, Zack?" iritableng tanong niya rito nang mapansing wala itong balak na umalis. Hindi na kasi siya makapag-concentrate sa ginagawa niya dahil sa pagdating nito. "I'm admiring the place." matipid na sagot nito. "Can't you admire something else?" pagtataray niya rito. "Iyong Camp John Hay, puwede bang doon ka na lang? Iyon na lang ang i-admire mo. Hayaan mo na akong manahimik dito." malumanay nang pakiusap niya rito. Hindi kasi siya mapakali hangga't nasa paligid niya ito. Simula kasi noong magkita ulit sila nito'y hindi na natahimik ang puso niya sa tuwing nasa paligid ito. Laging parang may malaking tambol sa kanyang puso dahil sa bilis ng t***k noon. Even after all those years, ito lang ang natatanging may kakayahang makapagpataranta ng ganoon sa puso niya. "I was thinking...I like the view here." sabi nito habang nakatingin sa kanya. Nagrigodon na naman ang puso niya. Siya ba ang tinutukoy nitong gusto nitong view? Marahil ay binobola lang siya nito. Eh, kung sapakin niya kaya ito nang matauhan ito? Hindi na nga magkandamayaw sa pagtibok ang puso niya tapos babanatan pa siya nito ng mga ganoong linya? Biglang parang may kumislap na namang ka-demonyohan sa utak niya. Itinutok niya rito ang digicam niya at walang babalang kinuhanan ito ng picture. Nasilaw ito sa flash ng camera. Tuloy-tuloy lang siya sa pag-click ng camera habang tinututok iyon dito. "Ysabelle, stop it!" napipikong saway nito sa kanya habang pilit inaagaw ang camera. "Ano'ng stop? Okay nga 'to, eh. Ipapadala ko sa pornsites ang mga pictures mo para pagpiyestahan ng mga nude photographer. Sisikat ka!" ayaw magpapigil na sabi niya rito. "Ysabelle, I said stop!" mahina pero madiing sabi nito. Ayaw marahil nitong makaagaw ng atensyon ng kung sinuman. "Alam mo kung ano'ng nangyayari kapag napipikon ako." banta nito sa kanya. "Nananapak ka ng tao. Bakit, sasapakin mo ako?" aniya nang ma-corner siya nito sa isang tabi ng zoo. She was caught off guard. Ipinatong nito ang dalawang kamay sa dingding sa magkabilang gilid niya. In short, nakulong siya nito sa loob ng mga bisig nito nang hindi niya namamalayan. "Alam mong hindi ako nananakit ng babae, Ysabelle." Tama ito. Noon kasing sila pa, sa tuwing pinipikon niya ito'y ikukulong siya nito sa mga bisig nito at hahalikan sa mga labi bilang parusa. Back then, she liked pissing him off because she loved his punishment. And even after all those years siya lang ang tanging nakakapagpapaasar dito nang ganoon. Napalunok siya. Alam na kasi niya ang gagawin nito. "Hindi ka naman asar..." "Ano'ng hindi? Sa bus station pa lang asar na ako sa'yo." "Ah, Eh...Sir, Ma'am, bawal 'ho r'yan mag--" napatingin sila sa patpating lalaki na marahil ay isa sa mga nagbabantay ng zoo. Inakbayan siya ng binata. She felt a warm feeling enveloped her. "Brad, pasensiya ka na. My girlfriend and I was just caught up with the place. Ang romantic kasi. Hayaan mo, hindi na mauulit." hinging-paumanhin ni Zack sa lalaki. "Sige 'ho, sir. Salamat 'ho." Siniko niya sa tagiliran ang binata pagkaalis ng lalaking lumapit sa kanila. Napaiktad ito. Inalis nito ang mga braso sa balikat niya. "Ang kapal naman ng mukha mong mag-ilusyon na maging boyfriend ko. For your information, hindi kita type!" binirahan niya ito ng talikod. Nagpasya siyang bumalik na lang sa resort. "HI." bati ng isang lalaking pamilyar sa kanya. Nakatayo siya sa isa sa mga bintana ng malaking bahay sa resort na tinutuluyan nila. "Do I know you?" tanong niya rito. Pakiramdam kasi niya'y nakita na niya ito hindi nga lang niya matandaan kung saan. Masyado kasing inuulap ang utak niya sa pag-iisip ng mga paraan para buwisitin ang kumag na ex niya. "I was the guy who offered you a seat at the restaurant yesterday but you went to your guy." salaysay nito. Mukhang hindi ito Pilipino base na rin sa hitsura't pananalita nito. Pinagmasdan niya ang mukha nito at napansin nga niya ang mga mata nito. They're green. "My name's Nathan." pakilala nito sa sarili habang nilalahad ang kamay sa kanya. Mukha namang mabait ito kaya tinanggap niya ang pagpapakilala nito atas na rin ng kagandahang asal. "Ysabelle." napatingin ulit siya sa mga mata nito. They really are attractive. "Your eyes, are they real?" Tumawa ito sa sinabi niya. "Yes, they are. What made you ask?" Umiling siya. "Nothing. Your eyes are attractive." puri niya sa mga mata nito. Ngumiti ito. "I like them. They're the reason why I was able to recognize you." "Thanks." pasasalamat nito. "I'm half Turkish and half American that's why I got those eyes." Napatangu-tango siya. "I had a hard time going near you because you're always with your guy." walang gatol na sabi nito. "My guy?" takang tanong niya. "Tall, lean, brown-eyed guy." pagde-describe nito sa "guy" raw niya na malamang ay si Zack. Napagkamalan sila nitong may relasyon kahit na palagi silang nagtatalo. "His name is Zack." pagpapakilala niya kay Zack dito. "He shouldn't leave his girlfriend alone in this area." walang kamalay-malay na sabi nito. "I am not his...g-girlfriend. I mean...was--not anymore." malungkot na sabi niya rito. Masakit palang sabihin ang mga katagang iyon lalo na't parang unti-unti niyang nararamdaman na bumabalik muli ang nararamdaman niya para kay Zack noon. Dati-rati, kapag binabanggit niya ang ganito ay gigil na gigil pa siya samantalang ngayon, parang ang hirap-hirap sa kalooban niya. "Problem?" concern na tanong sa kanya ni Nathan. Nahimigan siguro nito ang kalungkutan sa kanyang tono. "Do you want to talk about it?" "Maybe some other time. I'm not in the mood for a chat right now. But thanks for your offer, though." she politely declined. "If you need someone to talk to, just knock on my door. You're always welcome." pahabol na sabi sa kanya ni Nathan bago ito umalis. Napabuntung-hininga siya. "Ang lalim no'n, ah." puna sa kanya ni Zack. "Ang laki siguro ng problema mo sa lalaking 'yon." "Zack, masaya ka na ba sa buhay mo ngayon?" tanong niya rito kahit na hindi naman niya gustong marinig ang sagot nito. Tumalikod na siya. Pinigilan siya nito. "Hindi mo ba gustong marinig ang sagot ko?" "No." "Kung ganoon, bakit mo pa itinanong?" "Gusto ko lang itanong." walang ganang sagot niya. "Can we talk?" pahabol na tanong nito sa kanya na hindi niya pinakinggan. "Let's talk, Ysabelle. We need that." "Saka na." Pumasok siya sa loob ng kuwarto niya. Kinuha niya ang digital camera niya pagkatapos ay sumampa sa kama. Sinipat niya ang mga larawan doon. Nakita niya ang mga larawan ni Zack na sunud-sunod na nag-appear sa screen ng camera niya. Tiningnan niya ang mga iyon, guwapo pa rin ito kahit gaano kapangit ang pose nito. Pinagmasdan niya ang pinakaguwapong kuha nito. Nakaramdam siya ng pangungulila habang matamang tinitingnan ang nakangiting larawan nito. Ngumiti kasi ito sa pangalawang beses na pagkuha niya ng larawan nito. Aaminin niyang guwapo pa rin talaga ang ex niya. Napakasuwerte ng girlfriend nito ngayon. Hindi niya mapigilang makaramdam ng inggit sa nobyang iyon ni Zack. Pinitik niya ang larawan ng huli. Nakakayamot ka, Zack! Bakit kailangan mong magpakita sa'kin ulit? Sa labis na frustration ay naisipan niyang lumabas ng kuwarto. Pumunta siya sa mini-park ng resort at naupo sa isa sa mga benches doon. Napahalukipkip siya dahil sa kakaibang ginaw na nararamdaman. Nakalimutan niyang magsuot ng jacket o ng sweater manlang dahil sa kagustuhang makalabas ng silid niya. Nabo-bore na kasi siya roon. Puro na lang si Zack ang pumapasok sa isip niya. Wala rin naman nagawa iyong pagpapahangin niya sa labas dahil si Zack pa rin ang nasa isip niya. Puro na lang Zack, Zack, Zack! Nakukulili na ako!anang isip niya. Biglang may pumatak na tubig sa kanyang braso. Binale-wala niya iyon hanggang sa masundan iyon nang mas marami pang patak ng tubig. Umuulan na pala nang hindi niya namamalayan. Kaya pala kakaiba ang lamig ng hangin, iyon pala'y uulan. Hindi siya umalis sa kanyang kinauupan kahit na basang-basa na siya. Minsan na lang niya ulit nadama ang pakiramdam nang naliligo sa ulan. Kung hindi kasi siya nakakulong sa bahay nila'y nasa opisina naman siya kaya bihira siyang naglalalabas lalo na kung umuulan. Pakiramdam niya'y nakikiluksa ang panahon sa kanya. Batid siguro nitong nalulungkot siya sa sitwasyon niya ngayon kaya ito na ang lumuluha para sa kanya. Hindi niya kasi magawang lumuha para sa sarili niya. Masyado siyang ma-pride para aminin sa sarili niyang nasasaktan siya sa ginagawa sa kanya ni Zack kahit na wala itong alam sa mga ginagawa nito. Napansin niyang wala nang pumapatak na ulan sa kanya pero hindi pa naman tumitila ang ulan sa paligid niya. Sa kanyang pagtataka'y napatingala siya. Imposible naman kasing hihinto ng walang dahilan ang pag-ulan sa isang parte ng lugar lang 'di ba? Nakita niyang may payong sa ulunan niya. Nang lingunin niya ang taong pakialamero'y nagulat siya nang malamang si Zack iyon. "It's no use, I'm already wet." wala sa loob na sabi niya. Now that she has thought of it, she suddenly felt cold. Napayakap siya sa sarili niya. Mabilis na hinubad ni Zack ang jacket nito at ibinalot iyon sa kanya. "T-Thanks--" sa halip na magsalita'y hinila siya nito sa mga braso at iginiya papasok sa malaking bahay. Dinala siya nito sa kuwarto niya at pinaupo sa gilid ng kama. "What were you thinking, Ysabelle?" galit na tanong nito sa kanya. "Ano'ng kalokohan na naman ang pumasok sa isip mo para magpaulan ka do'n sa labas? Eh, kung lagnatin ka? Wala ka na ba talagang pagpapahalaga sa sarili mo? Hindi mo manlang inisip 'yong mga taong mag-aalala sa'yo kung sakaling magkasakit ka." sumbat nito sa kanya. "N-Nagpapahangin lang a-ako sa labas...w-when it rained--" paputul-putol na paliwanag niya. Hindi kasi siya makapagpaliwanag nang maayos dahil sa matinding lamig na nararamdaman. Kahit na ibinalot na sa kanya ni Zack ang jacket nito'y nilalamig pa rin siya. "Bakit hindi ka pumasok agad--you're shaking, Ysabelle!" mabilis nitong tinanggal iyong jacket sa katawan niya. Naghagilap ito ng damit sa maleta niya at iniabot iyon sa kanya. "Change your wet clothes with these." utos nito sa kanya. Sinunod naman niya ito dahil kahit gusto niyang tumutol ay wala siyang lakas para gawin iyon dahil sa sobrang ginaw. Lumabas ito sandali upang makapagbihis siya. Nang magbalik ito'y kasama na nito si Sandra na may dalang mainit na soup. "Just leave the soup on the table and I'll take care of everything." utos nito kay Sandra. Lumabas muli si Zack at pagbalik nito'y may dala na itong makakapal na kumot at tuwalya. Inutusan nito si Sandra na kumuha ng mainit na tubig at mabilis namang sinunod ng huli. Pinahiga siya ni Zack sa kanyang kama pakatapos siyang balutin nito ng makakapal na kumot at tuwalya. "Feel better?" tanong nito sa kanya. Napatango siya. Medyo gumaan na kasi ang pakiramdam niya sa tulong na rin ng mga kumot na ibinalot nito sa kanya. Bumalik si Sandra na may tangang maliit na palangganang may lamang mainit na tubig. Inabot nito iyon kay Zack. Nagpasalamat naman ang huli bago tuluyang palabasin ang katiwala. "Eat this, it will help you feel much better." sabi nito sa kanya habang hinihipan ang isang kutsara ng mainit na soup upang ipakain sa kanya. "Zack, please stay." pigil niya sa braso nito nang tumayo ito upang ilabas ang pinaglagyan ng soup. Tapos na kasi siya nitong pakainin. Mataman muna siyang tinitigan nito bago nito inilapag sa mesita ang mangkok at humiga sa tabi niya. Tuluyan na kasi siyang nilagnat. Tumaas ng limang degrees ang temperature ng katawan niya. Hinaplus-haplos nito ang buhok niya. Pakiramdam tuloy niya ay idinuduyan siya nito. Nakatulog siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD