Part 7

2411 Words
NAGISING si Ysabelle na magaan ang pakiramdam. Napakaganda ng panaginip niya. Nilagnat daw siya at si Zack ang nag-alaga sa kanya. Tinabihan pa raw siya nito sa pagtulog niya. Napakasayang panaginip kung hindi nga lang pumasok sa silid niya si Sandra, na siyang nagpagulantang sa kanya. "Ma'am, ang sabi ho ni Sir Zack, kumain daw 'ho kayo para mabilis daw kayong gumaling." ani Sandra na dala-dala ang breakfast niya. "You mean... Nilagnat talaga ako?" gulat na tanong niya rito. "O-Oho." nagugulumihanang tugon nito sa kanya. "What?" wala sa sariling sambit niya. Totoo ang lahat ng iyon? Ang lahat ng inakala niyang panaginip lang niya? Napakagat-labi siya. "May problema 'ho ba?" nag-aalalang tanong nito sa kanya. "W-Wala. Sige, puwede ka nang umalis." Umalis na nga ito. Tinitigan lang niya ang pintuang pinaglabasan ni Sandra. Windang pa rin siya sa nalaman niya. Nagtabi silang matulog ni Zack? Oh, my god! Agad niyang pinalis sa isip ang maiisip pa lamang niya dahil nararamdaman niyang inuulap na naman ng kaberdehan ang utak niya. Gaga! Walang nangyari sa inyo, praning!saway niya sa kanyang sarili. Nang maalala ang pag-aalaga sa kanya ng binata ay kinilig siya. Napailing siya sa sarili. Nawawala na yata talaga ang galit niya sa lalaking iyon. Buong araw na nagkulong si Ysabelle sa silid niya. Wala naman siyang gagawin kung lalabas siya. At saka tinatamad siyang makipag-usap sa kahit na sino. Maghapon siyang tumanga sa bintana habang nag-iisip. Napabuntung-hininga na naman siya. Gusto na niyang matapos ang paghihirap ng kalooban niya. Ayaw na niyang patuloy na isipin pa ang binata. Ayaw na niyang magalit dito. Ayaw na niyang patuloy na magkimkim ng sama ng loob dito. Gusto na niyang mabuhay nang tahimik na walang iniisip o inaalalang problema. Ano kaya kung tanggapin na niya ang alok ni Zack na makipag-usap dito? Saglit siyang nag-isip. Nang makapagpasya'y mabilis siyang lumabas ng kanyang silid. Kakatukin na lang niya ang pintuan ng silid ni Zack nang biglang bumukas iyon at iniluwa ang binata. "Zack, 'di ba gusto mong mag-usap tayo?" diretsang tanong niya rito. "Mag-usap na tayo ngayon." aniya nang tumango ito. "Okay, do'n tayo sa baba." "Kung puwede sana, do'n sa walang tao. Iyong walang makakarinig sa drama natin." "Do'n na lang tayo sa labas." hinila nito ang kamay niya at iginiya siya sa may mini-park ng naturang resort. Naglakad-lakad sila. "Zack?" tawag niya rito habang nakatingin rito. Tiningnan niya ang magkasalikop nilang mga kamay. Then, she smiled. "Hmm?" tugon nito. Sumeryoso siya. "Bakit mo ako pinaglaruan noon?" tanong niya rito "Hindi kita pinaglaruan, Ysabelle. Kahit kailan hindi ka naging isang laro para sa'kin. Mahal kita. Alam mo 'yan." sagot nito. Natuwa siya sa narinig pero hindi siya nagpadala. "Ano'ng ibig sabihin ng mga nakita at narinig ko noong araw na 'yon?" "None of that was true." tumigil ito sa paglalakad at hinarap siya. "Kung nanatili ka lang sana ng kaunti at pinanood ang mga nangyari, hindi tayo aabot sa hiwalayan noon." "Pero bakit hindi mo ako hinabol noong araw na umalis ako? Bakit hindi mo ipinaliwanag ang sarili mo sa'kin?" sunud-sunod na tanong niya rito. "Back then, may mas mahalaga akong inasikaso no'n para maging maayos ang lahat para sa'ting dalawa. Gusto ko kapag nag-sorry ako sa'yo, wala ng sinuman ang makakasira pa sa relasyon natin. Gusto ko kapag ipinakilala na kita sa mga magulang ko, hindi nila tayo kokontrahin. So, I talked to my dad..." salaysay nito. "Hindi pa rin nasasagot ang tanong ko, Zack. Bakit sinabi ng babaeng iyon na magpapakasal na kayo?" pigil ang luhang sabi niya. "Bago kita makilala, ipinagkasundo na kaming dalawa na magpakasal--" "Kung gano'n naman pala, bakit niligawan mo pa rin ako? Bakit, pinaasa mo pa rin ako? Bakit pinaniwala mo pa rin akong mahal mo ako!" galit na sabi niya rito. Simula pa lang pala ng pagkakakilala nila'y pinlano na nitong lokohin at paasahin siya. "What have I done to you, Zack?" "Hindi kita niloko, Ysabelle! Kailanman hindi kita niloko. I didn't planned to just make you fall for me. I never even plan to fall in love with you. Pero nangyari ang lahat ng iyon nang hindi sinasadya at hindi ko iyon pinagsisihan. Bakit ba ayaw mo akong paniwalaan?" sigaw nito sa kanya. "Gaya nga ng sinabi ko, ipinagkasundo na kami at hindi ako pumayag dahil batid kong kahit kailan hindi ko magugustuhan si Faye. Iyon ang dahilan kung bakit kami nagkagalit noon ni papa na hindi ko nasabi sa'yo. Sana pala sinabi ko na lang sa'yo--" "Pero hindi mo ginawa!" putol niya sa sasabihin nito. "Mas pinili mong ilihim ang lahat sa'kin. Dahil sa tingin mo, I don't deserve to know the truth--" "Gusto lang kitang protektahan. Ayaw kong masaktan ka kapag nalaman mong hindi ikaw ang gustong ipakasal sa'kin ni papa. Mahal kita, Ysabelle, maniwala ka. Nagalit ako kay papa noon nang pilitin niya akong ipakasal sa anak ng kaibigan niya kaya naglayas ako, kaya naging driver ako para mapansin mo ako. Dahil alam kong gusto mo ang mga ganoong dyip kaya iyon ang pinili kong paraan para mapansin mo ako. I already like you when I first laid my eyes on you. Kaya lalong tumibay ang desisyon kong 'wag nang magpakasal dahil sa'yo at dahil mahal kita!" His voice echoed everywhere. "Hindi ko na pinigil si Faye na sabihin ang mga narinig mo dahil wala namang katotohanan ang mga 'yon. Na kung sakali mang marinig mo iyon ay tatanungin mo ako kung totoo ba iyon at do'n ako magpapaliwanag. Pero sa halip na gano'n ang gawin mo'y naghanap ka agad ng ibang ipapalit mo sa'kin." mapait na wika nito. Umiiyak na nagpaliwanag siya. "Sobra mo akong nasaktan, Zack. Hindi mo alam kung gaano kasakit ang naramdaman ko nang marinig ko ang mga sinabi ng Faye na 'yon. Isipin ko pa lang na ikakasal na sa ibang babae ang nag-iisang lalaking minahal ko ng buong buhay ko pakiramdam ko, ikamamatay ko na. Hindi na kita tinanong. I didn't confront you about that because I'm afraid to hear Faye's words coming out from your lips. I dated Tristan just to spite you. Pero sa huli, ako lang din ang nasaktan dahil pagkatapos mong suntukin si Tristan ay umalis ka kasama ni Faye. Dinala mo ang lahat pati na ang puso kong ikaw lang naman ang tinitibok..." hindi na siya nakapagsalita. Umiyak na lang siya ng umiyak. Niyakap siya ni Zack. "Sana sinapak mo na lang ako, sinipa, sinampal, binalibag lahat ng alam mong pananakit. Tatanggapin ko lahat ng iyon pero hindi iyong makikita kitang may ka-date na iba sa araw pa mismo ng mga puso." anito habang masuyong hinahaplos ang buhok niya. "Nasaktan rin ako noon, Ysabelle. Dahil ipinagpalit mo agad ako sa ibang lalaki." patuloy pa rin siya sa kanyang pag-iyak habang nakayakap dito. Mahal naman pala nila ang isa't isa at pero dahil sa hindi pagkakaunawaan ay nauwi sa hiwalayan ang napakaganda sanang relasyon nila. Kung sana'y naging matapang lang siya sa pagharap dito e'di sana'y nalaman niya kaagad ang katotohanan. Hindi na sana ito pag-aari ng iba ngayon. "Okay ka na?" maya-maya ay tanong nito nang tumahan na siya. Tumango lang siya. "C'mon, Let's continue walking." hinawakan muli nito ang kanyang kamay. "Ysabelle?" tawag nito sa kanya. "Galit ka pa rin ba sa'kin?" anito nang sumagot siya. Matagal bago siya nakasagot. Pinakiramdaman muna niya ang kanyang sarili. Kinapa niya ang puso niya kung may nararamdaman pa nga ba siyang galit para rito. She smiled before answering him. "Hindi na." aniya. "Eh, ikaw? Galit ka pa rin ba sa'kin?" Saglit itong natahimik kapagkuwan ay sumagot. "Kahit kailan hindi ako nagalit sa'yo, Ysabelle." Nagulat siya sa rebelasyong iyon. "Hindi ka nagalit sa'kin? Bakit?" "I can't hate the only woman I love." sagot nito. "Kahit pa ipalapa mo ako sa mga tigre sa zoo, hinding-hindi ako magagalit sa'yo." anito. Naiiyak na naman siya. Here was the man she had hated for seven long years with the thought that he had hated her as well. Pero all this time, siya lang pala ang galit dito. Siya lang ang tanging nagkimkim ng hinanakit dito. Kung tutuusin ay may kasalanan din siya sa nangyari dahil sa takot niyang masaktan ay naduwag siyang itanong dito ang katotohanan. "Sorry, nabasa ko ata 'yong shirt mo." hinging-paumanhin niya rito maya-maya. "Okay, lang 'yan. Matutuyo rin naman 'yan." Natahimik silang dalawa. "Zack?" tawag niya ulit dito. "Yeah?" "Ano nang mangyayari sa'tin ngayon?" tanong niya rito. "Ano ba'ng gusto mo?" balik-tanong nito sa kanya. "Tutal naman ay n-nagkaayos na tayo at pareho na nating tinanggap na may kasalanan tayo sa mga nangyari...b-baka puwedeng..." hindi niya kayang sabihin ang sasabihin dahil labag iyon sa kalooban niya. Pagkatapos kasi nilang mag-usap ay nalaman niyang even after all these years, ay iisang lalaki lang ang kayang mahalin ng puso niya. "What?" "B-Baka puwedeng maging..." "Maging ano, Ysabelle?" tila naiinip na sabi nito. "Baka puwede pa rin tayong maging m-magkaibigan..." tuloy niya sa nais niyang sabihin. "Sigurado ka?" paninigurado nito sa kanya. Tumango siya. "If that's what you want then...friends?" tanong nito sa kanya habang nilalahad ang isang kamay sa kanya. Hindi lang sana iyon ang nais niyang kahinatnan nila pagkatapos nilang magkalinawan pero napakakapal naman ng mukha niya para mag-asam pang maging girlfriend muli nito. And besides, sinabi na nito sa kanya na may girlfriend na ito. Puwede pa rin naman siyang magkagusto rito kahit na magkaibigan lang sila, palihim nga lang. She looked at him. Then, she looked at his extended arms. Kaya niya bang tanggapin na hanggang doon na lang talaga sila? Hindi. Pero iyon lang ang alam niyang paraan para makasama ito nang matagal. Kahit man lang sana bilang magkaibigan ay makasama niya ito. Huminga siya nang malalim. With a heavy heart, she accepted his hand. "Friends." "YSABELLE, gising ka na pala. Come here." tawag sa kanya ni Zack habang kausap ang isa sa kasama nila sa Conference na iyon. "They are planning to held a Valentine's party tomorrow. Do you think it's a good idea?" tanong sa kanya ni Zack pagkalapit niya rito. Pinaupo siya nito sa tabi nito. Naupo naman siya pero may malaking space sa pagitan nila. "T-That's nice." sabi niya sa mga ito. "Everyone would enjoy it." "You think so?" tanong nito sa kanya pero mukhang wala naman sa paksa ang atensiyon nito. Tumango siya. Hinarap nito ang lalaking kausap nito at inutusan. "Tell everyone about this party. Ikaw na ang bahalang mag-direct sa mga kasamahan mo. Ako na'ng bahala sa mga gagastusin." Tumango ang kausap nito. "Gandahan niyo, ah." pabirong habol nito sa lalaking tumayo na upang kausapin ang mga kasamahan. Tiningnan siya ni Zack nang silang dalawa na lang ang natira sa mahabang upuan sa sala. "Ba't ganyan ka kung makatingin?" tanong niya rito. "Akala ko ba magkaibigan na tayo?" tanong nito sa kanya. "Umurong ka nga rito sa tabi ko. Ang layu-layo mo, eh." utos nito sa kanya. "Ayoko nga. Hindi pa ako naliligo." pagdadahilan niya. "Sinungaling. Tingnan mo nga, basa pa 'yang buhok mo." anito sa kanya nang salatin nito ang buhok niya. Lumayo ito sa kanya. "Akala ko pa naman, magkaibigan na tayo." pagmukmok nito sa kabilang dulo ng mahabang upuan. "May kinikimkim ka pa atang galit sa'kin kaya hindi mo manlang ako madikitan." "Ang drama mo." natatawang sabi niya rito. "Lalapit na nga, eh." "Heh. 'Wag na. Napipilitan ka lang ata, eh." nakasimangot na sabi nito sa kanya. "E'di 'wag!" sabi niya. "Parang bata." bulong niya. "Ano'ng sabi mo?" paglilinaw nito sa sinabi niya. "Wala, sabi ko ang drama mo. D'yan ka na!" aalis na sana siya pero pinigilan siya nito. "Sa'n ka pupunta?" pigil siya nito sa isang braso. "Lalabas, magpapahangin." "Sama ako." "Bahala ka." Nagpatiuna na siya. "MAY date ka na ba sa Valentine's?" tanong niya kay Zack habang naglalakad papalapit sa dalampasigan. "Wala pa." "Bakit, wala pa? Eh, iyong girlfriend mo?" nagtatakang tanong niya. "You mean, Faye?" tanong nito. "Bakit mero'n pa bang iba?" He chuckled. "Kung gusto niyang makipagdate sa'kin, pupuntahan ako no'n dito." bored na sagot nito. Natahimik siya. So, for keeps na pala talaga ang binata at si Faye. Akala niya ibang babae na ang pakakasalan nito. Ito pa rin pala. Nakaramdam siya ng kirot sa kanyang puso. Wala naman siyang magagawa. Wala naman siyang karapatang magalit dahil hindi naman na niya pag-aari si Zack. "Eh, ikaw? Sino'ng date mo?" baling nito sa kanya. Tumawa siya. "Naghahanap-hanap pa lang." "Bakit, wala ka bang boyfriend?" kumikinang ang mga matang tanong nito sa kanya. "If I remember correctly, you broke up with me seven years ago." birong-totoo niya rito. Sumeryoso ito. "I didn't broke up with you, Ysabelle. You broke up with me." Tumawa siya. "Parang 'yon lang masyado mo nang sineseryoso." umupo siya sa buhanginan. "Kalimutan mo na ang nakaraan natin, Zack. M-Magkaibigan naman na tayo ngayon." mahirap pa rin palang sabihin ang mga katagang 'yon hanggang ngayon. Umupo ito sa tabi niya. "Bakit hindi ka na nagka-boyfriend ulit, Ysabelle?" "Do you want an honest answer?" "Of course." "I had a hard time trusting men after--what I thought--you did to me." pag-amin niya rito. "I'm sorry." "Ano ka ba? Kung anuman ang mga nangyari sa'kin no'ng magkahiwalay tayo noon, desisyon ko 'yon. Pinili kong makulong sa mga alaala mo at magalit sa'yo dahil ang totoo, ayokong mawala ka sa isip ko kaya nanatili ang galit na iyon sa puso ko para hindi ka mawala dito." aniya sabay turo sa gitna ng dibdib niya. "I know. But still, I'm sorry." "When I met you, I just knew that you would take my heart and run..." makahulugang sabi niya rito. "Ang kaibahan nga lang sa nangyari, hinayaan kong kunin mo ang puso ko at ako mismo ang tumakbo palayo sa'yo." "It never occurred in my mind to just take your heart." anito. "Hindi lang naman ang puso mo ang gusto kong makuha. Kundi pati na rin ang babaeng nagmamay-ari no'n. I have always wanted to be a part of your life, you know?" Natahimik siya. "Kung hindi dahil sa kapabayaan natin, maligaya sana tayo ngayon." nanghihinayang na sabi niya. "Puwede pa rin naman tayong maging maligaya, Ysabelle." nagkatinginan sila. Bumuntung-hininga siya. "Ayokong makasakit ng damdamin ng ibang tao, Zack. Kontento na akong hanggang ganito na lang talaga tayo." "Pumasok na tayo sa loob, mukhang nag-aalmusal na sila." pag-iiba ni Zack sa usapan. Parang bigla itong nawalan ng gana na hindi niya mawari. Kanina kasi ay parang ang kulit-kulit nito tapos bigla na lang itong nanahimik na hindi niya maintindihan. Ang labo talaga nitong kausap sabi niya sa isip niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD