Parang bigla akong pinanghinaan. Hindi maproseso ng utak ko ang mga nalaman ko. How can a little foolishness of mine lead to one another? All this time I didn't even realized neither I noticed that my most hated teacher is actualy obsessed with me.
Napabuntong hininga siya. "I know you'll be shocked that's why I didn't tell you before but after you told me that you wanted to break up with me all of a sudden, I got really scared that I would lost you. Trust me, I'm not planing to scare you the day I called you to come to my office, I'm was really angry that time thinking that you have already decided to break our long timr relationship."
Muli siyang lumapit sa akin. Sa pagkakataong iyon ay hindi ako nakaatras pa dahil mabilis itong nakalapit. Ikinulong niya ang pisngi ko gamit ang kaniyang palad.
"I know you feel the same, my love," ang boses niya ay para bang nagmamakaawa na umuo ako na para bang sa otas na sabihin kong hindi ay hindi nito kakayanin.
"R-Rence..." I called his name softly.
"Elaiza, I got some sweets for you guys—"
Naitulak ko si Lawrence papalayo nang marinig ang sigaw ni Mommy at ang mga yapak nito na nanggagaling sa labas ng kwarto ko. Hindi nakalock ang pinto ng kwarto kaya mabilis lang siyang nakapasok.
Iniluwa ng pinto si Mommy kasunod ang isa sa mga maid namin na may dala dalang tray ng sweets at drinks para sa amin.
Kita ko ang pagkunot ng noo ni Mommy nang maabutan niya kami. "What's going on here?"
Napaayos ako ng tayo. Speaking of wrong timming. Kung hindi ko lang naitulak agad si Professor Lawrence papalayo ay baka nahuli na kami ni Mommy at kung ano pa ang isipin.
"B-Bakit? May problema po ba, Mommy?" pagmamaang-maangan ko.
Nagpalipat lipat sa amin ni Lawrence ang paningin niya. "Nothing, I just thought I saw something," sabi niya at umiling. "Anyway, I bring sweets for you. Ayokong magutom kayo habang nagsa-study session kaya nagdala ako ng pagkain para sa inyo ni Prof." Kung makapagsalita ito ay parang hindi kami nag-almusal kani-kanina lang.
Mahilig talagang magpapansin si Mommy kapag may bisita lalo na at mukhang type niya si Prof.Lawrence. Hays Mag-ina nga kami, parehas na parehas ng tipo sa lalake.
Hindi naman si Mommy ang klase ng babae na papatol sa mas bata sa kaniya dahil loyal ito kay Daddy pero minsan ay hindi nito mapigilang magkacrush na dahilan kung bakit sila palaging nagtatalo ni Dad. Obsessed din kasi masyado si Daddy kay Mommy kahit mga gurang na sila.
Inutusan ni Mommy ang maid na ilapag ang tray sa maliit na table. Tinulungan naman ni Prof.Lawrence ang maid na magbaba ng ito.
"Let me help you," saad nito.
"N-Naku! Nakakahiya naman po sa inyo." Kita ko pa ang pamumula ng tenga ng maid.
Parang nangati bigla ang kamay ko na manghila ng buhok. Gusto yata ng maid na 'to na makalbo ko siya. Imbes na trabaho ang inaatupag niya, mas inu-una niya pa ang paglandi sa guest. I can't believe na ganitong klase ng tao ang hinare ni Mommy na magtrabaho bilang katulong namin.
Ang masamang tingin ko ay dumako kay Prof.Lawrence. Hindi ko alam kung bakit parang nagpapakitang gilas ito ngayon samantalang kapag sa school ay palagi siyang galit at panigaw kung magsalita.
Bwiset! Bakit kasi subrang gwapo ng lalaking 'to?! Ang dami ko tuloy kaagaw—este mas mabuti ngang maagaw siya ng ibang babae para naman tantanan niya na ako! Para bumalik na rin ulit sa dati ang buhay ko.
"Sige, hindi ko na kayo aabalahin. Aral mabuti, Elaiza. Makinig ka sa mga tinuturo ng tutor mo. Okay?" pagri-remind niya.
Napakamot na lang ako sa batok. "Opo."
Nagpaalam na sa amin si Mommy at lumabas ng kwarto kasama ang maid. Naiwan kaming dalawa ni Prof.Lawrence. Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa buong kwarto ng makaalis sila Mommy.
Tumikhim siya. "Elaiza—"
"Mag-aral na tayo," putol ko sa sinasabe niya.
Nilapitan ko ang study table at naupo roon. Magsisinungaling kapag sinabe kong hindi ako kinakabahan. Sinong hindi kakabahan kung merong mapusok na lalake ang nasa kwarto mo at pakiramdam mo ay isang maling galaw mo lang ay lalapain ka na?
Rinig ko ang pagbuntong hininga niya. Wala siyang nagawa kung 'di sumunod. Lumapit siya sa akin at naupo sa upoan sa tabi ko Inilabas niya ang laptop at binuksan ito. May kung ano siyang pinagpipindot mula roon.
"Since this is our first study session. I prepared a test for you. Answered it correctly," biglang sumeryoso ang boses niya na ikinapagtaka ko. "You don't need a pen and a paper. Just answer my question honestly."
Hindi naman siguro mahirap ang mga questions niya noh? Hindi ready ang utak ko.
"First question, what is your relationship with Lucien?" madiin niyang tanong. "Second, saan ka niya dinala nong nag-away tayo? Third, do you have a crush on that bastard—"
Agad na nalukot ang mukha ko. "Sandali! Anong klaseng tanong yan! Math ang subject mo. Bakit napunta kay Lucien?!"
Hindi naman ako aware na nagbago na pala ang mga subject na itinuturo ngayon! Pati si Luciene na nanahimik ay nadamay pa.
Kinunutan niya ako ng noo. "It's an easy question, Elaiza. What's wrong with it? You just need to answered them honestly!"
Parang biglang sumakit ang ulo ko. Sa pagkakaalala ko mas matanda siya sa akin ng limang taon pero bakit pakiramdam ko ay ako ang mas matanda rito? Seriously, how did he become a professor in our university?!
Muli siyang napabuntong hininga. "Fine! I won't bothered you anymore with this questions but in one condition...."
"Ano na naman 'yan?!" kapag siya ang nago-offer ng condition ay hindi ko mapigilang mag-isip ng kung ano lalo na't may saltik din ang isang 'to. Lahat ay gagawin niya para bang pumabor sa kaniya.
Ngumuso siya. "Kiss me first."
Ang sama ng loob na tinanim ko ay tuluyan ng nagbunga at naging buo. Sinasabe ko na nga ba na walang kwenta na naman ang gusto nitong mangyare! Ang akala niya siguro ay hahayaan ko siyang halikan ako ulit.
Kinuwa ko ang notebook ko at pinaghahampas ito sa braso. Ilang beses siyang napadaing sa paghampos ko pero hindi ako sigurado kung nasasaktan ba ito dahil sa bawat pagdaing niya ay sinasabayan ng nakakaasar niyang tawa.
"Bwiset ka!" inis kong sigaw.
Halos hindi rin kami nakapagstudy session ng maayos dahil sa kakulitan at kalandian niya. Maling ideya talaga ang pagkuwa ni Mommy rito bilang tutor ko. Imbes na makatulong siyang pataasin ang grade ko ay nakatulong siyang painitin ang ulo ko.
Sa totoo lang nakakatuwang makita ang ganong side ni Prof.Lawrence, unti-unti kong nakikita sa kaniya si Rence na minahal ko. Sinong mag-aakalang may kakulitan pa lang tinatago ang terror teacher namin na mahilig mambagsak ng mga studyante niya.
Tuwing saturday lang ang study session namin dahil busy ito sa trabaho sa university at paghahandle ng mga business na pagma-may ari niya. Kahit na busy ito ay nagagawan niya pa rin talagang i-manage ang oras niya para lang kupalin ako.
"Elaiza!" nilapitan ako ni Natasha ng makapasok ako sa room. "Naglilista na sila ng mga sasali sa school trip, ah. Sasali ka?"
"Saan daw ba tayo pupunta? Kaylangan ko pang magpaalam kila Mommy, baka hindi ako payagan. Alam mo naman 'yon."
"Ewan pero sabi ng source ko sa kabilang section baka 3 days swimming daw sa isang kilalang resort sa puerto prinsesa. Oh my god! Excited na 'ko, Elaiza! Siguradong sasama si Prof.Lawrence do'n! Magsusuot talaga ng two piece at aakitin ko siya—"
Natigilan si Natasha ng padabog kong ibinaba ang bag ko sa upoan. "Madaming magand sa campus natin, Nat. Huwag ka ng magday dreame na papatulan ka non."
Hindi ko alam kong bakit bigla na lang akong nainis dito. Dati naman ay hinahayaan ko lang siyang magpantasya kay Lawrence pero ngayon ay iba na lalo na nang malamon kong si Lawrence at Rence ay iisa. Parang ayoko ng may ibang babae ang nagkakagusto rito.
Napanguso si Natasha sa sinabe ko. "Ang pangit mo namang kabonding, Elaiza Maive!"
Inis niya akong tinalikuran at nagtungo sa upoan niya. Saktong kakapasok lang ni Ma'am Angela ang first subject namin ngayong araw. Nagsimula ang klase.
Mamaya ko na lang sigurong susuyuin si Natasha total ay madali lang naman itong kausapin. Bigyan mo lang ng ice cream ay mawawala na agad ang tampo nyan.
Ramdam ko ang pagvi-vibrate ng phone ko mula sa suot na hoddie. Palihim ko itong kinuwa at tinignan kung sino ang nagchat. Isang unknown number ang sumalubong sa akin na ikinapagtaka ko. Binuksan ko ang message nito para mabasa ang laman.
"Study well, my love. Don't ever look at other men or talk them. I'm always watching you."
Sa paraan pa lang ng pagsasalita nito ay nahulaan ko na agad kung sino ang nagpadala ng mensahe. It must be Lawrence!
"Si Prof.Lawrence ba yon? Ang gwapo niya talaga!" rinig kong atungol ng mga classmate kong babae na nakaupo sa tabi ko.
Tinignan ko ang bintanang tinitignan nila. There I found Lawrence standing infront of our classroom. Inayos niya ang pagsalamin at hindi tinanggal ang pagkakatitig sa akin.
"Oh my god! Tinitignan niya ako!"
"Gaga! Sa akin siya nakatingin noh!'
"Girls at the back. Ang ingay niyo," pagpapatahimik rito ni Ma'am Angela.
Nag-iwas ako ng tingin kay Lawrence. Minsan talaga ay hindi ko mapigilang kabahan sa mga inaakto nito. Para bang palagi siyang nakabantay sa akin.