CHAPTER: 10

409 Words
Kylie POV KANINA pako pabalikwas likwas sa kama ko pero s**t hindi padin ako makatulog.Its 10:20p.m na pero hanggang ngayon hindi padin ako makatulog, gusto kong tawagan si chloe pero sa ganitong oras tulog na yun. Simula ng makauwi kami kanina hindi ako pinapansin ni Ivan.Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Naguguilty ako dahil sa sinabi ko kay Ivan kanina. Alam ko dahil sa sinabi ko kanina sa kanya ka'ya hindi nya ako pinapansin. Ang sama ko, niligtas na nga nya ako pero pinagsalitaan kopa din sya ng ganun. Napatingin ako sa pinto ng biglang bumukas. "Kuya alex", bigkas ko sa pangalan nito. Oo, si kuya alex nga. "Bakit hindi kapa natutulog?", takang tanong ni kuya ng makaupo sa kama ko. "Hindi po ako makatulog kuya", saad ko. Napatingin naman sakin si kuya dahil sa sinabi ko. "May bumabagabag ba sayo?", tanong ni kuya. "Wala naman kuya, sadyang hindi lang ako makatulog", pag aamin ko. "May hindi ba magandang nangyari kanina ng pumunta kayo sa mall? Nabanggit sakin kanina ni chloe na kasama nyo daw sila Ivan", saad ni kuya. Paktay!hindi ko nabanggit kay kuya na kasama ko pala sila Ivan.shit "A-ah oo kuya, pasensya na hindi ko nasabi baka kasi hindi ka pumayag", Paghingi ko ng paumanhin. "It's okay kylie, May tiwala naman ako sa kanila,Lalo na kay Ivan", turan ni kuya. Napayuko naman ako dahil nabanggit ni kuya ang pangalan ni Ivan, napansin yata ako ni kuya. "May problema ba kylie?", tanong nya. "Kanina kasi kuya,Muntik nako mabastos sa mall kanina,pero buti nalang dumating si Ivan para iligtas ako", pag aamin ko. "Oh yun naman pala e, Anong problema don?", takang tanong ni kuya. "Kasi kuya pagkatapos nya akong iligtas,may nasabi akong hindi maganda,kaya hindi ako makatulog dahil hindi nya ako pinapansin kanina simula ng umuwi kami", pag aamin ko ng totoo. Tumingin si kuya ng kakaiba dahilan para mag taka ako. "Anong sinabi mo sa kanya?", tanong nya. Napabuntong hininga ako bago sumagot. "Na naiinis ako kapag nasa paligid ko s'ya", saad ko. May sinasabi si kuya pero hindi ko masyadong maintindihan. Tipid na ngumiti sakin si kuya bago tumayo. "Sige na kylie, matulog kana may pasok kapa bukas", huling sabi ni kuya bago lumabas ng kwarto ko. Hays,bukas na bukas hihingi ako ng sorry kay Ivan para naman hindi na ako maguilty.Dahil alam kong guilt lang ang nararamdaman ko kaya ako nag kakaganito. Pinilit ko ang sarili kong matulog at hindi naman ako nabigo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD