CHAPTER 09

758 Words
Kylie POV NANDITO na kami ngayon sa isang sikat na mall dito sa manila. Nang magising ako kanina tinawagan ko si kuya alex para ipaalam na malalate akong umuwi, at buti nalang pumayag sya. Hindi ko maintindihan kung bakit dikit ng dikit sakin si Ivan, kanina pa toh e.Kahit saan ako pumunta sumusunod sakin. "Pwede ba lumayo ka ng konti sakin, kanina kapa ah, dikit ka ng dikit sakin", inis kong saad kay Ivan. Andito kami ngayon sa isang bookstore dahil nag aya si Emelia.Sila chloe lang at ang mga kaibigan ni Ivan ang bumibili ng libro Samantalang kaming dalawa ni Ivan nakaupo sa isang bench,hindi ako mahilig sa mga books kaya hindi nako nakigaya sa kanila na bumuli. Pero diko alam kung bakit pati si Ivan gumaya din sakin, imbis na bumili sya ng books mas ginusto nyang tabihan ako dito. Tumingin ako kay Ivan dahil hindi sya kumibo ng nag salita ako. Napangisi ako ng makita ko syang nakatingin kung saan. Dahan dahan akong tumayo para umalis. Napangiti ako ng magtagumpay akong miakalabas ng bookstore. Tinext ko si chloe na pupunta lang ako sa isang gamezone,para hindi sila magalala aakin. Nagpapalit muna ako ng coins bago tumungo sa isang basketball game. Napatigil ako sa pag shoshoot ng bola ng may nagsalita sa likod ko. "Miss mukang hindi ka marunong mag basketball,gusto mobang turuan ka namin?", nakangising sabi ng isang lalaki ng makaharap ako sa kanila Bale tatlo silang lalaki na nasa harapan ko ngayon. At isa lang ang masasabi ko.Muka silang manyakis. "No thanks", tipid ko wika. "Wag ka nang mahiya miss,hayaan mong turuan ka namin,Mag eenjoy ka namn", ngising turan ng isa. H‘ndi ko maiwasan na matakot dahil sa sinasabi nila. H‘ndi ko alam kung bakit hinihiling ko na sana dumating si Ivan para iligtas ako. "Teka miss, san ka pupunta?", pigil sakin ng isa ng akmang aalis nako. "Bitawan mo nga ako", inis na sabi ko. "Wag muna miss, kinakausap kapa namin e", turan nila. Napadaing ako ng higpitan ng isa ang hawak sakin. "A-aray ano ba,nasasaktan ako!", daing ko. Pero nagtawanan lang sila. 'mga hay*p. Natigil sila sa pagtatawanan ng biglang may sumuntok sa kanila "Argh t-tama na,a-aray", pakiusap ng isa habang hawak ang tyan. " Ivan tama na", wika ko kay ivan habang nakahawak ako sa braso nya.. Oo si ivan, Si ivan ang sumuntok sa tatlong lalaki. Si ivan ang naglitas sakin. "H‘wag na h‘wag nyong hahawakan ang girlfriend ko kung ayaw nyong masaktan", madiing sambit ni ivan. T‘eka ano?tama ba ang narinig ko? Girlfriend?potek bakit ako kinikilig?. "Pasensya na,pre' tara na", natatakot na aya ng isa. Mabilis silang naka alis sa gamezone dahil sa takot kay ivan. "Are you okay kylie?", nag-aalalang tanong ni Ivan habang naka hawak sa magkabilang balikat ko Kita ko sa mga mata nya ang pag-aalala nya para sakin, at hindi ko maitatanggi na kinikilig ako sa pinapakita nya. "H-hah?O-oo okay lang ako. thankyou for saving me Ivan" , pagpapasalamat kong saad. Hindi ko alam kung anong gagawin kung hindi sya dumating.Pero bakit nga pala sya nandito?. " Anong ginagawa mo pala dito?", takang tanong ko ng makaupo kami sa bench "Edi para tulungan ka", pilosong saad nya na halatang galit. Pinalo ko naman sya dahil sa sinagot nya sakin. "ANO NGA", Pasigaw kong turan. "Tss hinanap kita nung nawala ka biglang sa tabi ko, nung hindi kita mahagilap, tinanong ko kay chloe kung alam nya, then sinabi nya sakin na nasa Gamezone ka daw", paliwanag nya na may pagkainis. "Pero hindi ko inaasahan na yan ang maabutan ko,kung hindi ako dumating baka kung ano na ang nangyari sayo", patuloy nya. Napayuko ako dahil sa sinabi nya, yeah tama sya kung hindi sya dumating baka kung ano na ang nangyaris akin. "I'm sorry,sorry kung umalis ako,Gusto lang kita takasan dahil naiinis ako sa tuwing nasa paligid kita", Pag aamin ko na sana hindi ko na sinabi, dahil muka'ng nasaktan ko s'ya. Tumingin s'ya sak'in,Nakita ko ang lungkot sa mga mata nya.May nasabi ba akong hindi nya nagustuhan?. "Bakit ba hindi moko maalala?", Mahinang turan nya pero hindi ko msyadong maintindihan dahil maingay dito kahit nasa labas na kami ng gamezone. " Ano?", tanong ko. Mabilis nya'ng iniwas ang tingin nya sakin at tumayo mula sa pag kakaupo. "Wala, Let's go, kanina pa tayo hinihintay ng mga kaibigan mo", walang emosyon nya'ng wika at nag paunang maglakad. ‘Ano bang problema nya?Mukang masyado nyang dinamdam ang sinabi ko'.saan ko sa aki'ng isipan, bago ako sumunod sa kan'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD