CHAPTER: 08

634 Words
Ivan's POV NAPATINGIN ako sa dalagang natutulog sa tabi ko. Hindi ko maiwasan na mapangiti,dahil hindi padin sya nagbabago, napaka antukin sa tuwing bumabyahe. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko nung makita ko ulit sya.Pero sa tuwing titignan n'ya ako hindi ko maiwasan na hindi masaktan. Sa tuwing titignan nya ako parang wala na s'yang nararamdaman sa'kin. 'Bakit kylie?bakit moko nagawang kalimutan?bakit mo nagawang kalimutan ang nararamdaman mo para sakin?‘.wika ko sa aking isipan habang nakatingin ako sa kanya. Muling sumagi sa aki‘ng isipan ang pinagusapan namin ni alex. FLASHBACK.... "What are you doing here?", seryosong saad ko ng mabungaran ko si alex ng buksan ko ang pinto. Halatang importante ang pinunta nya dito base sa kanya'ng reaksyon. "Let's talk", Seryosong wika nya ng makaupo sya sa sofa. "About what?", tamad kong tanong. Tinignan nya ako ng masama na para bang may nasabi akong mali. "About kylie", tipid nyang saad. "Nakikiusap ako sayo Ivan, layuan mo ang kapatid ko". seryosong patuloy nya. 'hindi alex, hindi ko kaya'.wika ko sa aking isipan habang nakatingin sa kanya. "Hindi moko mapipigilan alex, alam mong mahal ko ang kapatid mo", wika ko. Simula una palang, alam nilang lahat na may nararamdaman na ako kay kylie.nung una tutol sakin si alex pero ginawa ko ang lahat para mapatunayan ang sarili ko. "Pero dahil sayo namatay ang kapatid ko, dahil sayo nawala ang alaala ni kylie, dahil sa puny*tang pagmamahal mo napahamahak sila", galit sa wika ni alex. Sa totoo lang hindi ko alam ang sinasabi ngayon ni alex, wala akong alam. "what are you saying? i don't understand you", gulong sabi ko. "Hindi mo alam ha?! naaksidente silang dalawa dahil sa kagaguhan mo!", sigaw ni alex. 'ano bang sinasabi nya?' Tumingin lang ako sa kanya na parang wala kong alam sa nangyayari, dahil yun naman ang totoo. Nagtatakang tumingin sakin si alex. "Bakit ba parang wala kang alam sa sinasabi ko?", takang tanong ni alex. "Hindi ba't ikaw mismo ang nagutos sa tauhan mo na tanggalin ang break ng sinasakyan nila kylie ng gabing yun", patuloy ni alex na nagpagulo sakin. "Ano?! Alex wala akong kahit ano na inuutos sa mga tauhan ko na magpapahamak kay kylie", turan ko. Napahawak si alex sa ulo nya dahil sa sinabi ko. "Namatay si Camille dahil sa aksidente,nawalan ng break ang sasakyan nila ng gabing yon", paliwanag ni alex. "Si kylie? Anong nangyari sa kanya?Bakit hindi nya ako naalala nung makita nya ako", tanong ko Ito ang tanong ko na gusto kong masagot, kung bakit parang hindi ako kilala ni kylie nung magkita kami, Na parang wala lang ako sa kanya. "Walang maalala si kylie ng magising nya.the doctor said she had amnesia because of their accident kahit ang nangyaring aksidente hindi nya maalala,hindi nya alam na aksidente ang kinamatay ni Camille.pati ang mga kaibigan nya hindi nya maalala", tumingin sakin si alex. "Pati ikaw mismo hindi nya maalala, tanging kaming pamilya nya lang ang naalala nya", patuloy nya na nagpahina sakin. END OF FLASHBACK... Inamin din sakin ni alex, na yun ang dahilan kung bakit muntik ng masira ang pagkakaibigan namin noon.Oo muntik ng masira ang pagkakaibigan namin,Galit na galit sakin noon si alex ngunit hindi ko alam ang dahilan nito. Nakiusap sakin si alex na h'wag ko munang sabihin ang lahat kay kylie. Napapayag ko din sya na pwede kong lapitan si kylie kahit kelan ko gusto. Napabalik ako sa ulirat ng may biglang kumatok sa bintana ng kotse ko. Nakita ko si justin na parang asong nakangiti sakin habang kinakatok ang bintana ko. Hindi ko man lang namalayan na andito na pala kami sa parking lot ng mall. Tumingin ako sa dalang hanggang ngayon tulog padin. "I will do everything to make you remember me again ",wika ko sa aking sarili bago ko sya gisingin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD