Kylie POV
"Aray chloe,masakit ano ba,tama na", inis na daing ko.
Andito kami ngayon sa cafeteria,at ngayon din bugbog nako kay chloe.
" Kelan kapa natutong mag cutting ha!susumbong kita kila tito", sermon ni chloe habang patuloy akong pinapalo.
Tumingin ako kila danica para humingi ng tulong, pero nginisihan lang nila ako.
‘Mga traydor,kaibigan koba talaga sila?‘
" Aray,hindi naman ako nagcutting, nabadtrip lang ako kaya hindi nako pumasok", paliwanang ko.
" Gaga ganun din yon", natatawang wika ni chloe.
Tumigil nadin sya sa pagpapalo sakin, ang sakit ng braso ko.huhu
" So ano kwento mo kung-", napatigil si chloe sa pagsasalita, dahil may biglang lumapit saming mga lalaki.
Napatingin kami sa mga lalaking lumapit samin
Napangiti ako ng makita ko si justin,pero biglang napawi yun ng makita ko ang pagmumuka ni Ivan, namukang asong nakangiti sakin.
"Oh anong ginagawa nyo dito?", maarteng wika ni chloe kila justin.
" Makikiupo lang kami,wala na kasing bakante mesa", nakangiting paliwanag ng binata.
Tumingon si chloe sa buong cafeteria,sabay batok kay justin.
"Aray,para saan yon?", Inis na sabi ni justin habang nakahawak sa ulo.
" Anong walang bakante?bulag ba kayo?Ayan oh ang daming bakante", turo ni chloe sa dulong part ng cafeteria.
Napakamot naman sa ulo si justin.
" Eh mainit don,ayaw namin sa mainit", maarteng wika ni justin.
"Kalalaking tao, napaaarte, oh sya umupo na kayo" , inis na aya ni chloe.
"Nice,tara guys upo na tayo", masayang aya ni justin.
Akmang uupo sana sa tabi ko si Justin,ngunit mabilis syang pinigilan ni Ivan.
Kaya ang kinalabasan si Ivan ang naging katabi ko.
Lumayo ako ng konti sa bwisit na Ivan nato'.
Narinig kopa ang bahagyang pagtawa nya.
Tahimik lang akong kumain, habang sila chloe nakikipag kwentuhan sa mga kaibigan ni Ivan.
N'ang makatapos kaming kumain, Agad kaming dumeretso sa Lastsubject namin.
Pero nagtaka kami nila chloe ng sumunod samin sila ivan.
"Oh baka gusto nyo pang ihatid namin kayo sa classroom nyo?", inis na saad ni chloe sa kanila.
Napatawa naman ang mga kaibigan ni Ivan dahil sa tinuran ni chloe sa kanila.
"Hoy chloe may dalaw kaba?Ang init ng dugo mo samin", Tampong saad ng isa sa kanila.
Irap lang ang tinugon ni chloe sa kanya.
"Pareho lang tayo ng classroom na papasukan", wika ni justin.
Walang nagawa si chloe kundi ang magpatuloy nalang sa paglalakad.
Tahimik lang naming tinungo ang aming classroom.
Nang makarating kami sa classroom mabuti nalang wala pa yung teacher namin.
Sa bandang likod ko sila inayang umupo.
Nagulat ako ng tumabi sakin sa upuan si ivan.
"Hoy ivan ako jan", taboy ni chloe kay ivan.
"Dun ka nalang sa tabi ni justin", wika ni ivan.
Inirapan nalang ni chloe si ivan at patabog na umupo sa tabi ni justin.
" Baby", malambing na wika ni ivan.
'puny*ta'
"Baby", ulit ni ivan.
Tinignan ko sya ng masama para tumigil na,pero nginitian lang nya ako.
"Kylie", hay*p.
"ANO BA!", inis na sigaw ko.
Napatingin ako sa buong kaklase ko dahil napatingin sila sakin dahil sa pagsigaw ko.
Napayuko ako dahil sa kahihiyan.Shit
Tinignan ko ng masama si Ivan ng marinig ko ang pagtawa nya.
‘bwisit‘
Natahimik lang ang buong klase ng dumating na ang teacher.
Mabilis lumipas ang oras at malapit nading matapos ang Lastsubject.
"Sa wakas uwian na", masayang wika ni chloe ng magpaalam ang guro.
" Gala tayo", ayan ni justin.
Sumang-ayon naman ang mga barkada nila pwera samin.
Matagal nag-isip sila chloe bago sumang-ayon kay justin.
Pero nananatili lang akong tahimik kaya't sabay sabay nila akong nilingon,na pinapahiwatig na sumang-ayon din ako.
Kaya wala akong nagawa kundi sumang-ayon nalang din dahil maaga pa naman at wala naman akong masyadong gagawin.
"Saan ba tayo pupunta?", tanong ni chloe sa kalignaan namin na paglalakad.
"May alam kaming magandang puntahan kaso mga kalahating oras ang byahe", Sagot ni justin.
Mabilis naman akong umiling at sumagot.
Pagpumunta pa kami paniguradong gagabihin kami at baka pagalitan ako.
" Hindi kami pwedeng gabihin,sa iba nalang tayo pumunta. sa weekend nalang tayo tumuloy sa sinasabi mong lugar", sustensyon ko.
Napatango-tango naman silang lahat at sinang-ayunan ang sinabi ko.
" Sa mall nalang tayo", singit ng isa sa kanila na katabi ni Stella.
'hmmm'
Sumang-ayon naman kaming lahat at sabay sabay kaming tumungo sa parking lot.
Sasakay na sana ako sa sasakyan ni chloe ng may biglang humila sakin.
Natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakasakay sa kotse ni Ivan.
Bubuksan kona sana ang pinto para lumabas pero s**t nakalock.
" Buksan mo yung pinto, ayokong sumabay sayo", inis na turan ko habang pilit ko pading binibuksan ang pinto.
"Dito ka nalang,gusto kitang makasama", mahinahong wika ng binata.
‘tsk sana pala hindi nalang ako sumama, bwisit‘.
Naisipan ko nalang na umidlip muna kesa makipagusap na mokong na to'.