KYLIE POV
"WHAT'S HAPPENING HERE?", sigaw nung kung sino sa likod namin
Sabay kaming lumingon ni Keziah AKA Clown sa nagsalita.
Nagulat ako ng makita ko sila kuya alex at kuya drake sa kasama yung mga kalalakihan.
Lumapit sakin si kuya alex ng makita nya ako.
"Kuya", tawag ko kay kuya ng makalapit sya.
" kylie are you okay?", Tanong sakin ni kuya habang hinihimas yung muka ko.
" I'm okay kuya", ngiti kong sagot.
" hannah anong ginagawa nyo dito?", Takang tanong ni kuya drake.
Nagtataka siguro si kuya drake dahil imbis na nasa klase kami andto kami sa isang gulo
" long story kuya", tanging naging sagot ko.
" Hey alex do you know her?", nagtatakang tanong ni keziah
" yes, she's my sister", tipid na sagot ni kuya alex
" what?!", gulat na tanong ni keziah
" I said what's happening here?", pagalit na tanong ulit nung lalaki ng makalapit samin.
Tinignan ko yung lalaki, hindi ko sya kilala pero familiar yung muka nya sakin. Hindi pa sya tumitingin sakin kaya hindi pa nya ako nakikita.
" babe", malanding tawag ni Keziah sa lalaki, kasabay ng kapos sa braso nung lalaki. tss parang linta
" babe pinagtutulungan nila ako, look ang dumi ng damit ko", maarteng Sabi ni Keziah, tss
" tsk sinungaling", rining kong sabi ni Chloe, hindi ko napansin na nakalapit na pala sila samin.
" Ang epal mo talaga kahit kelan", galit na sabi ni Keziah kay Chloe
" Hindi ako epal, Sinungaling kalang talaga", banat ulit ni Chloe,
" Stop it", saad Nung lalaking tinawag ni Keziah ng babe.
Napatingin sakin yung lalaki, Hindi ko alam kung bakit gulat ang nakita ko sa mga mata nya nung makita nya ako.
"Ayie?", Mahinang sabi nya sapat na para marinig namin,
Nagulat ako sa tinawag nya sakin, Hindi ayie ang pangalan ko, hindi ko alam kung bakit yun ang tinawag nya sakin
FLASHBACK...
"Ayie", tawag ng isang lalaki hindi ko makita ang muka nya dahil ang labo.
" kyle", balik tawag nung isang babae na naka upo sa isang bench sa park.
" Babe kanina kapaba naghihintay sakin?", malambing na tanong ng lalaki sa babae
" Hindi naman kyle, sakto lang Hahaha", tawang sabi ng babae sa lalaki.
" Sorry I'm late alie, may inisikaso lang ako", paliwanag ng lalaki.
" Let's go?", tanong nung babae
Naglakad na sila palayo, hanggang hindi kona sila nakita.
END OF FLASHBACK...
" Ahhh s**t", sigaw ko habang nakahawak sa ulo ko.
sobrang sakit ng ulo.
" ahh ang sakit", Sigaw ko, hindi kona kaya ang sakit mg ulo ko
" kylie are you okay?!", nagaalalang sigaw ni kuya alex
" KYLIE!" sigaw ng mga kaibigan ko.
"HANNAH!" sigaw ni kuya drake.
Huling narinig ko bago ako mawalan ng malay.
" hoy derek ibalik mo nga yan, akin yan", sigaw nung kung sino.
" hoy Chloe tumahimik ka nga, ang lakas ng boses mo baka magising si kylie", suway ni kuya derek kay Chloe
Nagising ako ang diwa ko dahil sa ingay na naririnig ko. Minulat ko ang mata ko at nakita kong nag aagawan si chloe at kuya derek sa isang pagkain, tsk kaya pala nag aagawan dahil pareho nilang favorite
Biglang sumagi sa isip ko ang nangyari kanina, hindi ko alam kung bakit sumakit ang ulo ko nung marinig ko ang tawag sakin ng lalaki.
" hey derek akin nalang yan!", rinig kong pakiusap ni Chloe kay kuya Derek.
" Akin to", matigas na sabi ni kuya derek.
Napatingin sa gawi ko si Chloe, nanlaki ang mata nya ng makitang gising nako.
" omg kylie gising kana!", tiling sigaw ni chloe ng makitang gising nako.
" tss Hinaan mo nga ang boses mo", iritang sabi ni kuya derek kay chloe bago lumapit sakin.
" Kylie are you okay? wala nabang masakit sayo? yung ulo mo masakit paba? Hey sumagot ka", sunod sunod na tanong ni kuya derek sakin
" tsk tanga kaba? pano ka sasagutin nyan kung sunod sunod tanong mo, alis nga jan", pagtataboy ni Chloe kay kuya, tumayo si kuya derek sa upuan, umupo naman don si Chloe pagtayo ni kuya.
" hey kylie tell me anong masakit sayo?", mahinang sabi ni Chloe sakin.
" ahm wala naman na, nagugutom lang ako", pagaamin ko sa kanya.
" ganun ba?", sabi ni Chloe. bago bumaling kay kuya derek na nakatingin ng masama kay Chloe.
" Hoy derek hindi moba narinig si kylie? nagugutom na daw sya", Sigaw ni Chloe
" tsk anong gagawin ko?" inis na tanong ni kuya derek
Bahagya akong natawa sa usapan nila. para silang aso't pusa
"Edi bumili ka don sa labas ng pagkain, para makakain na si kylie", asar na saad ni Chloe kay kuya.
" at syempre para makakain ka din ganon?", pag aasar ni kuya kay Chloe
" bwisit ka talaga, bumili kana nga lang", sigaw ni Chloe
Tatawa tawa si kuya derek habang palabas ng kwarto.
Natawa nalang din ako dahil alam ni kuya na matakaw si Chloe
" Sinabi ko bang tumawa ka?", masungit na saad ni chloe sakin ng makita nyang tumatawa ako.
" Haha baliw", pag aasar ko sa kanya.
Hindi na nagsalita si Chloe kundi umirap nalang.
Ilang minuto lumipas ng biglang bumukas ang pinto
Napatingin ako sa pumasok, nakita ko sila mom, dad at sila kuya.
" Mom,Dad", tawag ko sa kanila
Lumapit sakin si mommy at yumakap.
" sweetie how are you? sinabi sakin ng kuya alex mo ang nangyari kanina kaya agad kaming pumunta ng daddy mo dito, nagalala kami ng dad mo sayo sweetie" saad ni mom habang nakahawak sa muka ko
" Mom Don't worry, okay napo ako", nakangiti kong sabi.
" hija how are you?", tanong ni daddy ng makalapit samin.
" okay napo ako daddy", ngiti kong sabi.
" Sinabi ng doctor na pwede ka nang umuwi mamaya, okay naman daw ang ginawang test sayo ng mga doctor", singit ni kuya alex bago lumapit sakin para yakapin ako.
Napatingin kami sa pinto ng bumukas, nakita namin si derek na may dalang tatlong supot, yun siguro yung binili nyang pag kain, bakit ang dami naman?
Nagulat kami ng lumapit sya kay Chloe at binigay yung isang supot.
" here", tipid na sabi ni kuya sabay abot ng isang supot na plastic
" hah? sakin to lahat?", tanong ni Chloe sabay turo sa sarili.
" hindi, sa kapitbahay nyo, sabihin mo pinabibigay ko", pilosopong sagot ni kuya derek.
" hmp akin na nga", sabi ni Chloe sabay hablot ng plastic
" tsk tatanggapin din pla dami pang inarte", pangaasar ni kuya derek.
Pagtapos nyang ibigay kay Chloe lumapit sya sakin at ngumiti
" here kylie kumain kana, alam kong gutom kana", nakangiting saad ni kuya sabay bigay sakin ng isang plastic
Kinuha ko naman ang isang plastic na inaabot nya sakin
" Thankyou kuya", malambing kong pasasalamat.
Kanina kopa napapansin na wala sila Emelia at danica
" where's danica and Emelia?", tanong ko sa kanila habang kumakain
" Nasa school ayaw daw nilang umabsent, pupuntahan ka nalang daw nila mamaya sa mansion nyo", Sabi ni Chloe na katabi ko
Umalis na sila mom and dahil marami daw silang kailangang asikasuhin sa kompanya.
" eh ikaw, bakit ka nandito?", tanong ko sa kanya, dahil sya lang yung nanditong kaibigan ko.
" at bakit ayaw mo bang nandito ako?", mataray na saad ni Chloe para matawa ako.
" haha ang oa mo naman, tinatanong ko lang", natatawa kong saad sa kanya.
Tumingin sya sa gawi ni kuya derek na kausap si kuya alex.
" tanong mo sa magaling mong kapatid, pinilit nya ako na mag stay muna dito para makasama ka.ayaw pang aminin na gusto nya lang akong makasama", masungit na saad nya
Mukang narinig ni kuya derek ang sinabi ni Chloe
" Hoy Chloe hindi kalang matakaw, makapal din muka mo", asar na sigaw ni kuya kay Chloe
" tsk Aminin mona kasi na gusto mokong makasama, papayag naman ako pero kailangan mo muna akong pilitin", pang aasar na saad ni Chloe
" Ang tigas ng muka mo", Rinig kong mahinang bulong ni kuya derek
Pero sadyang matalas talaga ang pandinig ni Chloe dahil pati yun narinig nya.
" Hoy derek hindi matigas muka ko, nagsasabi lang ako ng totoo", inis na saad ni Chloe.
Akmang magsasalita na ulit si kuya derek ng biglang bumukas ang pinto, niluwa nun ang isang nurse
" Ah excuse me sir,mam ibibigay ko lang po sa pasyente ang huling gamot nya, para po hindi na sumakit ulit ang ulo nya", paliwanag ng nurse ng makalapit samin
" sure nurse katty", nakangiting saad ni kuya derek sa nurse,
Nakita ko naman ang pag irap ni Chloe sa tabi ko dahilan para matawa ako.
Lumapit naman sakin yung nurse para ipainom sakin yung gamot.
" thankyou", sabi ko pagtapos nyang ipainom sakin yung gamot.
" alis napo ako sir, mam", paalam ng nurse samin
" sige nurse katty, thankyou", ngiting saad muli ni kuya derek sa nurse
" do you know her kuya?", tanong ko kay kuya derek pagkalabas ng nurse
" yeah nakausap ko sya kanina, mabait naman sya kaya mabilis kaming nagkasundo", nakangiting saad ni kuya
" Ang sabihin mo maharot kalang", inis na sabi ni Chloe
" Chloe don't tell me. nag seselos ka?", ngising tanong ni kuya kay Chloe
" what the hell. no way, ang pangit mo", inis na sigaw ni Chloe
" tama na yan, kanina pa kayo, Derek Chloe, ayusin nyo na yung mga gamit ni kylie para makauwi na tayo", seryoso saad ni kuya alex.
Kanina kopa napapansin ang pananahimik at pagiging seryoso ni kuya alex, pero pinagsawalang bahala ko nalang yun dahil baka stress lang sya sa company
Andito na kami sa labas ng hospital habang hinihintay si kuya drake dahil sabi nya sya ang susundo samin.
Nakaakbay sakin ngayon si kuya alex habang sila Chloe at kuya derek ay nag babangayan nanaman.
" hey Chloe penge na kasi, isa lang naman ang damot mo", inis na sabi ni kuya derek
" hoy ikaw ang madamot, kanina ba binigyan moko ng pagkain kanina? diba hindi, manigas ka jan", masungit na saad ni Chloe
Napahinto sila sa pagaaway ng huminto sa harapan namin ang kotse ni kuya drake
" Let's go naghihintay na satin sila mom and dad", aya samin ni kuya drake ng makababa sya sa kotse
Nakarating na kami sa mansyon, at nakita namin sila mom and dad na naghihintay sa labas ng pinto.
Nanghuminto ang kotse ay agad ako bumaba para lapitan sila mommy
" Mommy daddy", sigaw ko habang papalapit sa kanila.
" omg sweetie ", sabi ni mom ng makalapit ako sa kanila
Niyakap ko silang dalawa ng mahigpit, agad din akong humiwalay sa kanila
" Mom, dad", bati nila kuya bago bumeso
" Good evening tita, tito", nakangiting bati ni Chloe kila dad
"Good evening din hija", ngiting bati din ni daddy kay chloe
" pumasok na tayo sa loob", pagaya ni mom
" how are you sweetie? wala nabang masakit sayo?", malambing na tanong ni mom habang naglalakad kami papasok ng mansyon.
" wala napo mom, ayos napo ako", magalang na sabi ko, tanging ngiti lang ang tinugon sakin, bago bumaling kay Chloe.
"Chloe Hija, dito kana mag dinner nagpaluto ako ng madami sa maids lalo na ang paborito nyo", nakangiting pag aaya ni mom kay Chloe
Akmang sasagot na sana si Chloe ng sumingit si kuya derek.
" tch mom kahit hindi mo ayain yan, dito talaga yan kakain", pangaasar na singit ni kuya derek sa usapan namin.
Sumama naman ang tingin ni Chloe kay kuya.
"Hoy derek kanina kapa ah, Nagpapansin kaba sakin ha?", inis na sabi ni Chloe kay kuya derek
Bumaling naman si Chloe kay mom
" Sure tita, hindi kita matatanggihan. Don't mind him nagpapansin lang sakin yung anak nyo", nakangiting sabi ni Chloe
" Aba't talagang, ang tigas talaga ng muka mo", inis na sabi ni kuya pero dinilaan lang sya ni Chloe
" Derek jayden Ganyan kaba trumato ng isang babae?!", pagalit na sermon ni dad sa kanya.
" Sorry dad " Mahinang sabi ni kuya.
" buti nga sayo", mahinang bulong ni Chloe kay kuya derek.