CHAPTER 44 WHEN MAFIA'S SON FALL IN LOVE "Ano? Ayos ka na ba?" Tanong ni Paloma sa akin. Nasa reception area ako at hindi na nag-atubiling pumasok sa kung saan nagmemeeting ang mga board of directors at iba pang CEO. Nginitian ko si Paloma, ngiti na kanina ko pa hindi binibitawan sa mga labi ko dahil sa nalaman simula nung sinabi sa akin ng doctor. "Ayos na ako Pal, thank you for asking. Medyo na pagod lang ata sa kakatayo ko kanina kaya ayun pero okay na okay na ako." Saad ko. "Mabuti naman, akala ko nga umuwi kana sa inyo. Akala ko iiwan mo lang akong nag-iisa dito, mabuti na lang at nakakuha ako ng inspiration na dumating ang mga tauhan na tinutukoy ko sa'yo kanina." Abot langit ngiti niya na sabi. Iba rin ang taste ng babae na ito. Malapit na magsix ng gabi pero nasa meeting pa

