CHAPTER 62 NAKATULUGAN ko ang paghihintay sa durian na pinabili ni Aless. Naalimpungatan lang ako nang gisingin niya ako, at sa paggising ko ay halimuyak na agad ng durian ang nanuot sa ilong ko. Napakabango kung ako ang tatanungin, ewan ko ba sa iba at bakit nabahuan. Nang makita ko ang mukha ni Aless ay hindi ko mapigilan ang mapasimagot nang makitang nakasuot ito ng mask. “Ba't may suot ka niyan, eh tayong dalawa lang naman ang narito?” He cleared his throat. “I'm sorry, I just don't like the smell. Heto, nabiyak ko na ang durian mo, kumain ka na.” Nakangiti na akong bumangon at mabilis na lumapit sa nakabukas na durian. Walang pagdadalawang isip na agad ko itong nilantakan ng kain. Tumayo naman si Aless at mabilis na lumakad papunta sa pinto habang takip ang bibig na may mask.

