AKALA ko kasinungalingan lang ang pagpayag ni Aless na ibalik ako kay Deo, pero totoo pala talaga, dahil pagkagising namin kinabukasan ay dali-dali niya akong pinaligo, at nang makabihis na ay niyaya na niya akong umalis. Umalis kami ng Isla sakay ng kanyang yate, kinausap niya lang ako tungkol sa dapat kong sabihin kay Deo pagbalik ko. Pero matapos niya akong kausapin ay hindi na ako pinansin pa, parang bigla na lang naging cold sa hindi malamang dahilan. Matagumpay naman akong nakabalik kay Deo. Pero pinaulanan naman ako ng boyfriend ko ng katanungan kung saan ba ako nagpunta, kung bakit ako umalis, at kung ano-anu pa. And I just told him about his mother— na ito ang nagpatapon sa akin sa kanyang mga tauhan at muntik pa akong magahasa, pero mabuti na lang ay nakatakas ako at umuwi ako

