Matapos namin kumain ni Aless ay saktong dumating ang kanyang tauhan na may dalang maraming paper bags. Natuwa naman ako nang makita na para sa akin lahat ng laman ng mga paper bags, kaya agad akong nagbihis. Medyo badoy lang mamili ng dress ang kanyang inutusan dahil puro floral dress ang binili. Pero wala na rin akong choice para mag-inarte pa kaya sinuot ko pa rin. Pumunta kami ulit ni Aless sa burol ng matanda, may mga dumating na ibang kamag-anak nito mula sa ibang probinsya. Pero hindi pa kami nakakadalawang oras sa burol nang yayain ko na si Aless na umuwi sa kubo namin dahil parang nahilo na ako, habang tumatagal ay mas lumalala ang sama ng pakiramdam ko, nasusuka rin ako. Ngayon ay nakahiga na ako rito sa kama sa loob ng kubo namin, at si Aless ay may ginagawa sa labas kasama ng

