Habang hinihintay niya ang tiyuhin para sunduin nito ang anak ng boss nito sa practice room na nasa ikalawang palapag ay nilibang niya ang sarili na panuorin ang mga kabataan at mga trainors doon na naunang ng ipakilala sa kanya ng tiyuhin niya.
Nakatunghay siya mula sa taas. Sa America sa tuwing nanalo siya nagpaparty din ang kanyang ama pero mula ng makita niya ito na may kasamang babae na sa itsura pa lang alam na niyang hindi lang ang ama niya ang lalaki nito at lalo iyun napatunayan ng tangkain siyang akitin ng babaeng iyun ay hindi na siya dumadalo kahit patuloy pa rin ang ama sa pagbibigay ng party para sa kanya. Agad na winaksi niya sa isip ang mga pangyayari iyun nasa pilipinas siya para magbakasyon at ayaw niyang masira ang pagrirelax niya pagkatapos ng mahabang pag-eensanyo.
Marahas siyang napabuga ng hangin. Hindi nagtagal tinawag siya ng Tito Toni niya at agad na lumingon siya.
Napako ang tingin niya sa isang pamilyar na babae sa likuran ng Tito Toni niya.
Suddenly,pakiramdam niya nagslow motion muli ang paligid niya ng makita ang babae.
Damn,yung babae kagabi!
Nakatitig din ito sa kanya at doon lang niya natanto na kulay asul pala ang mga mata nito. Bahagya napaawang ang bibig niya dahiL pakiramdam niya nahihirapan na siyang huminga.
"Huwag mo masyadong titigan," pukaw sa kanya ng Tito Toni niya sa pabulong na saad. Nasa tabi na pala niya ito.
Saka lang siya nakabawi sa sarili.
"Uh,Cassandra,meet my nephew Frances..Frances,meet Cassandra," pagpapakilala ng Uncle niya sa kanila.
Muli nagpagkit ang mga mata nila sa isa't-isa. Saka lang niya narealize na ang babaeng nasa harapan niya at ang babaeng nakita niya kagabi ay anak ng iniidolo niyang si Russel Emilio!
Damn it! Sinuswerte ka nga naman! What a coincidence?!
"It's nice to see you...again,Cassandra," saad niya sabay lahad ng isang palad niya rito.
Akala niya mapapahiya siya na baka hindi nito abutin ang pakikipagkamay niya pero alerto siya baka bigla na naman siya nitong patumbahin kagaya ng ginawa nito kagabi.
"Same here," saad nito at mabilis na nakipagkamay sa kanya.
She's so warm!
"Nagkita na kayo?" nagtatakang untag ng uncle niya.
Nagsalit-salit ang tingin nito sa kanilang dalawa.
Napangiti siya. "It's a coincidence,Uncle.."
Nanatili lang walang imik ang dalaga.
"Ohh..hindi nga?" untag ng uncle niya na nakatingin sa dalaga na tila kinokumpirma nito iyun.
Nagkibit ng balikat ang anak ng boss nito.
"Small world," maiksi nitong saad.
Bigla napangisi ang uncle niya. Alam niya kung anong ibig sabihin niyun. May panunudyo sa mga mata nito na bumaling sa kanya. Kalmante lang ang anyo niya.
"Akalain mo nga naman," anito.
Naiiling na sumulyap siya sa dalaga pero nasa ibang dako ang mga mata nito. Bahagyang nagsasalubong ang makurba nitong kilay.
She's really beautiful!
Cassandra...