Bigla nawala sa paligid ang dalaga at kanina pa siya hindi mapakali. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit gustong-gusto niya makita ito gayun aware siya na walang enteres sa kanya ang dalaga. Damn,para siyang nabasted dahil doon! Wala pang babae ang bumalewala sa kanya sanay siya na nakukuha ang atensyon ng mga babae pero yun nga lang wala siyang pinansin ni isa sa mga ito at ngayon lang niya ginawa iyun. Sa isang babae na wala naman pakielam sa kanya kung sino siya! Well,sabagay,sino nga naman siya paningin nito eh,anak lang naman ito ng hinahangaan niya na si Russel Emilio. Isa lang siyang ordinaryong nilalang kumpara sa pamilya na pinagmulan nito.
Damn! Bigla tuloy siya nanliit sa sarili niya! Bakit ba siya naiinsecure?!
"Parang may hinahanap ka ata?" bigla pagsulpot ng Uncle Toni niya. Napabuga siya ng hangin.
"Si Cass ba?" mapanudyo nitong saad.
"Stop it,Uncle.." iiling-iling na turan niya rito na tinawanan lang siya.
"Nasa labas siya,puntahan mo na," panunudyo pa rin nito at agad na tinalikuran siya. Siya naman agad-agad na lumabas para puntahan ang dalaga.
Agad na sinalubong siya ng malamig na hangin-panggabi. Natigilan siya ng makita agad ang dalaga pero ganun na lang ang pagkadismaya niya ng makita na may kasama itong matangkad na lalaki. Masaya ito nakikipag-usap. They are look so comfortable and...look good to each other. Naikuyom niya ang mga palad. May kung ano ngitngit sa kalooban niya ang biglang umusbong. Kaya naman pala walang enteresado sa kanya ang dalaga dahil may nobyo na pala ito. That guy is a good looking. Maganda din ang pormahan nito halatadong may ipagmamalaki sa lahat.
What? Siya rin naman ah! MMA champion siya! Hinahangaan siya ng lahat sa America! Baka nga may nakakakilala sa kanya dito eh! Anang ng isip niya na hindi matanggap na wala siyang amor sa dalaga. Marahas siyang napabuga ng hangin. Damn it,he's going insane now. Aamin na ba siya sa sarili niya na unang kita pa lang niya sa dalaga nagustuhan na niya ito o...higit pa sa pagkagusto niya rito?
He is so f*****g jealous!
Bago pa man siya makita ng mga ito mabigat ang pakiramdam na bumalik na lang siya sa loob. Magpapaalam na rin siya tutal wala naman na siya sa mood na manatili pa roon. Naiinis lang siya.
Hindi naman na siya pinigilan pa ng Uncle niya. Hinayaan na siya nitong umuwi na. Palapit na siya sa kinaroroonan ng kotse na pinahiram sa kanya ng uncle niya ng makita na may lalaking na nakaupo sa hood ng kotse. Agad niya ito nakilala. Ito ang lalaki na nakita niyang kasama ni Cassandra.
Anong ginagawa nito roon?!
Agad naman ito napatingin sa kanya. Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa hood ng kotse.
"Kamusta?" agad nito sabi na tila kilala siya nito. Agad na nagsalubong ang mga kilay niya sa inasta nito.
"Mabuti," maiksi niyang sagot. Ayaw niya maging bastos rito mukha naman sincere ang pangungumusta nito.
"Congrats nga pala sa pagkapanalo mo last time sa MMA," anito na kinabigla niya. He knew him?
Napangisi ito na tila nabasa nito ang nasa isip niya.
"Zei nga pala,gusto ko makilala ng personal si Frances Ynico," anito sabay lahad ng palad nito sa kanya.
Mangha na inabot niya ang pakikipagkamay nito. Ang kanina inis na meron siya rito ay bigla nawala. He looks so friendly at tila nagsasabi ang aura nito na hindi ito isang karibal sa kanya mula sa dalaga. Why is that?!
"I'm Cassandra guardian,ako ang tumitingin sa kanya rito habang nasa malayong lugar ang magulang niya," anito na tila sinasagot ang katanungan na nasa isip lang niya.
"And I am happily married with my beautiful wife...then I have four children,two fraternal twins and two identical twins," nakangisi nitong saad na may pagmamalaki patungkol sa pamilya meron ito.
Damn! You were jealous to him ! Yun pala kasal na ito!
Shit,hindi kasi halata parang magkasing-edad lang kasi sila nito kung titingnan!
Maang pa rin siya nakatingin sa lalaki.