“Magsara ka ng shop ng maaga ngayon, Melody. Umuwi ka agad para makapagpahinga ka naman. Kapag ayaw pang umalis ng mga customer, p*****n mo agad ng internet. At saka iyong mga bata pauwiin mo na kasi baka mahuli sila ng mga baranggay tanod. Malapit ng mag alas diyes ng gabi.” Mula sa pagtipa sa keyboard ay gulat na nag angat ng tingin si Melody sa amo niyang si ate Rita. Ilang araw na niyang napapansin ang maganda at masiglang mood ng kuwarenta anyos na boss niya. Palagi niya itong nakikitang nakangiti kapag umaakyat siya sa second floor para magpapalit ng barya dito. Nalaman niya na may kachat itong foreigner dahil nang magkaproblema ang computer sa kwarto nito ay bumaba ito sa shop para gumamit ng computer. Dahil dakilang usisera siya ay padungaw dungaw siya sa monitor at kunwari lang

