PRESENT “Huh?” gulat na napalingon si Melody kay Osang nang maramdaman niya ang pagsiko nito sa tagiliran niya. Ininguso nito sa kaniya ang palad ng kliyente na hanggang ngayon ay nakalahad pa rin sa harap niya. “A-ah…” napalunok siya bigla. Kahit malamig naman ang hangin na ibinubuga ng aircon sa loob ng coffee shop ay pinagpawisan pa rin siya ng matindi. “Train Quintalla,” ulit ng kliyente. Namumutlang sinalubong niya ng tingin ang lalaki at tinanggap na ang palad nito. Nakita niya ang pagkislap ng mga mata nito. Hindi nga siya nagkakamali ng hinala, ito nga ang Train na nakilala niya noon. Malaki man ang ipinagbago ng pisikal na anyo nito ngayon ay kilalang kilala naman ng puso niya ang kislap ng mga mata. Train Quintalla o Train Kelly man ang pangalan nito ay ito pa rin ang lalaking

