6

1444 Words
"SINO ba ang sinisilip mo diyan?” Mula sa pagdungaw sa ground floor ng school building habang mahigpit na nakahawak sa balustre ay napilitang mag angat ng tingin si Melody. Natigilan siya nang makita ang nagtatakang tingin sa kaniya ng apat na kaibigan. “Ano kasi—” napakamot siya sa leeg at wala nang nagawa pa nang magtawanan ang mga kasama niya. Napalabi naman siya at inirapan ang mga ito. “Tinamaan ka na sa nerd na lalaking iyon,” buska ni Nancy sa kaniya. Namula ang mga pisngi niya sa narinig. Simula unang taon pa lang sa kolehiyo ay mga kaibigan at kaklase na niya ang mga ito. Kahit naman mga kilalang maldita at playgirl ng campus ang apat ay mababait pa rin ang mga ito. Saksakan nga lang ng pasaway kung kaya palaging napapagalitan ng mga professor nila. Si Nancy ay hindi nawawalan ng boyfriend. Sa pagkakaalam niya ay may mga naging boyfriend din ito sa ibang university. Anak ito ng isang mayamang Chinese businessman kung kaya malakas ang kapit nito sa eskwelahan nila. Si Madisson naman ay mas matanda sa kanila ng dalawang tao. Matagal na dapat itong nakagraduate kaya lang ay ilang beses itong bumagsak. Anak naman ito sa labas ng isang senador ng bansa. Sila Evira at Elvie ay kambal na pareho ring mga pasaway at sakit ng ulo ng mga magulang. Maliban kasi sa parehong playgirl ang dalawa ay may pagkachainsmoker pa ang mga ito. Naging kaibigan niya ang mga ito dahil kahit noon pa man ay tinutulungan na niya ang apat pagdating sa paggawa ng mga projects at assignment nila. Marunong naman siyang magdala ng sarili kaya kahit hindi maganda ang tingin dito ng mga tao sa campus nila ay hindi siya kailanman nagpadala sa pang aakit ng mga ito na gumawa ng mga bagay na alam niyang ikapapahamak niya. Kahit mga pasaway ay importante pa rin sa kaniya ang mga kaibigan niya. “Ganoong lalaki ba ang gusto mong maging first boyfriend mo, Mel? Baka magsisi ka dahil ang mga katulad niyang nerd ay malamang na boring sa kama.” “Ano ka ba!” pinanlakihan niya ng mga mata si Nancy. Nagtawanan naman sila Madisson na para bang walang ibang naglalakad sa hallway na tinatambayan nila na maaaring makarinig sa mga ito. “Naaawa lang naman ako sa kaniya kasi nga mas grabe ang effort niya pagdating sa pag aaral. Alam ba ninyo na isang oras lang halos ang tulog niya sa isang araw?” “Hindi naman imposible iyon dahil mahirap ang kurso niya. Ang alam ko kasi pagkagraduate niya ngayong semester ay kukuha naman siya ng medisina.” Singit ni Elvie. Kung tsismis lang ay palaging updated ang kaibigan. Hindi niya alam kung bakit pagdating sa mga tsismis ay mabilis itong makasagap. Alam nga nito kung sino ang mga estudyante na nakikipagrelasyon sa ibang professor nila. “Magdodoktor pala siya,” hindi niya mapigilan ang mapangiti. Naghagikhikan ang mga ito nang makita ang reaksiyon niya. Napaigtad siya nang sikuhin siya ni Evira. Si Madisson naman ay tumatawang inakbayan siya. “In love na nga si miss good girl, pagpustahan natin gusto mo? Alam naman namin na palagi mo siyang nilalapitan at palagi ka rin naman niyang nirereject. Kaunting tiyaga lang at kapag napasagot mo siya ay may regalo ka sa amin.” “Ayoko nga, baliw!” nakasimangot na tinabig niya ang kaibigan. Pagdating sa pakikipagpustahan ay eksperto na ang mga ito. Ilang lalaki na ang nahulog sa bitag ng apat at bandang huli ay masasaktan lang sa oras na nalaman na pinagpustahan lang pala ang mga ito. Ayaw niyang maranasan ni Train ang naranasan ng ibang lalaki sa mga kamay nila Nancy. Maisip pa lang niya iyon ay parang mas siya na ang higit na nasasaktan. “Minsan lang ‘eh,” ungot ni Madisson. “Basta ayoko, ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na hindi ako sasama sa mga ganiyang kalokohan ninyo.” Reklamo niya. “Okay, sige na nga, basta huwag ko lang malalaman na paiiyakin ka niya at baka maipabugbog ko 'yan sa mga manliligaw ko.” Banta ni Nancy. “Hindi naman siya katulad ng ibang lalaki, at saka isa pa bakit ba natin siya pinag uusapan? Naaawa lang ako doon sa tao, okay? Wala ng ibang meaning pa iyong pagiging mabait ko sa kaniya.” Giit niya. “Mamatay man?” magkakasabay na tanong ng apat sa kaniya. . Natigilan siya. “Bahala nga kayo!” sabi na lang niya para matahimik ang mga ito. Muli siyang dumungaw sa ibaba at nang makitang naglalakad sa quadrangle si Train ay mabilis na nagpaalam na siya. “Humayo ka at magpakarami,” ani Evira. “Baliw!” natatawang kumaway siya sa mga ito at patakbong umalis na siya. Binagtas niya ang hagdan pababa at dumiretso siya sa courtyard para salubungin si Train. “Hi!” masiglang bati niya dito. Hindi na niya pinansin ang namuong pawis sa noo niya. Kahit hinihingal ay ipinaskil pa rin niya ang masayang ngiti sa mga labi niya. Nang magtama ang mga mata nila ng binata ay naging triple ang t***k ng puso niya at parang mas lalo pa nga siyang hiningal. Malakas na tumikhim siya at kumaway sa binata. “Hi ulit,” Wala itong naging reaksiyon. Huminto lang ito sa tapat niya at mataman siyang pinagmasdan. Mababakas ang labis na pagod at puyat sa buong mukha ni Train. Sa nakita ay parang sinuntok ng malakas ang dibdib niya. Hindi na naman niya mapigilan na makaramdam ng awa para dito. Ang kwento sa kaniya ng isang schoolmate niya ay talagang nakatutok lang daw ang oras ng binata sa pag aaral. Maliban pa doon ay palagi itong kumukuha ng parttime job. Kahit kasi ang ama ni Train ang gumagastos sa pag aaral nito ay hindi daw pumapayag ang ina nito na gastusan pa ng ama ang ibang pangangailangan nito. “O-okay ka lang?” nag aalalang tanong niya sa binata. Napansin kasi niya ang pamumutla nito. “Ayos lang, pasensiya na, nagmamadali kasi ako.” Hindi niya maiwasan na matulala sa harap nito habang nagsasalita ito. Pumipitlag ang puso niya sa tuwing bumubuka ang mga labi nito at kusang lumilitaw ang biloy sa kaliwang pisngi nito. Cute! “Wala ka naman klase, wala ngayon si Doctor Arevalo,” Nanlaki ang mga mata nito. Napangiti siya nang mapansin ang pagtataka sa mukha ni Train. “Nakausap ko ang isang kaklase mo, pauwi na nga sila ‘eh.” “Pupunta na lang ako sa—” “Library?” “O-oo.” Napapalatak siya. “Alam mo okay lang naman na mag enjoy minsan, mas mahirap magreview kapag masyado kang stress.” Hindi ito nagsalita. Tiningnan lang siya nito na para bang kakaibang lenggwahe ang sinasabi niya. Lumabi siya at napailing nang makita ang naging reaksiyon nito. “Mas masarap mag aral kapag relax ka lang at walang ibang iniisip,” “Nasasabi mo lang 'yan dahil may mga magulang ka na nakahandang sumuporta sa'yo.” Matipid na tugon nito. “W-what?” natitigilang sabi niya. Mas lalo pang naging seryoso ang mukha nito. Nag isang linya ang mga kilay nito at malamig na tiningnan siya. “Totoo naman ‘di ba? Katulad ka rin ng mga kaibigan mo, siguro anak mayaman ka rin at wala kang iniisip na problema. Samantalang ang mga katulad ko…” tumigil ito sa pagsasalita at parang mauubusan na ng pasensiya na huminga ito ng malalim bago muling nagsalita. “Kulang na kulang ang bente kuwatro oras para sa mga bagay na kailangan kong gawin. Hindi ako pwedeng magrelax na katulad nang sinasabi mo dahil may mga pangarap ako.” “A-at anong tingin mo sa akin, walang pangarap?” nagsisikip ang dibdib at masamang masama ang loob na tanong niya. Nag unahan na sa pagpatak ang mga luha niya. Nagkibit balikat lang ito at tiningnan siya. Pero nang makita nito ang pag iyak niya ay bigla itong natigilan. Tinangka nitong lumapit sa kaniya pero humakbang siya paatras. “Napakajudgmental mo naman!” humihikbing sumbat niya dito. Kinuha niya sa bag ang dalang sandwich na siya pa mismo ang gumawa at basta na lang iyon isinaksak sa dibdib ng binata. “Huwag kang mag alala! Hinding hindi na kita guguluhin. Magpagkabayani ka diyan sa pag aaral mo at sana lang mas mauna mo pang makuha ang diploma mo kaysa sa death certificate mo. Tse!” hilam sa luha ang mga pisngi na tinalikuran na niya si Train. “Miss!” nag aalalang tawag nito sa kaniya. Mas lalo siyang napahagulhol at hindi na ito pinansin pa. Bwisit siya! Pati ba naman pangalan ko hindi niya alam? Nakakainis!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD