“Uy, nandito pala ang magaling kong pinsan,” Hindi umimik si Train nang nakangising akbayan siya ni Trevor. Tumigil siya sa paglalakad sa hallway nang palibutan siya ng grupo nito. Nagtawanan ang mga kasama nito nang makita kung paano tapikin ng malakas ng pinsan niya ang kaliwang balikat niya. Masakit ang ginawa ng lalaki pero mas pinili niyang huwag ipakita sa mga ito na nasasaktan siya. “May pera ka na ba?” “Kabibigay ko lang sa'yo last week, 'di ba?” mahinang tugon niya. Nagyuko siya ng ulo at umiwas ng tingin sa mga kasama ni Trevor. Hindi siya duwag pero alam niya na iyon ang tingin ng mga ito sa kaniya dahil kahit ilang beses na siyang ginugulo nila Trevor ay hindi naman siya lumalaban. Kahit isang beses ay hindi pa siya nasangkot sa kahit anong gulo. Ayaw niyang mabahiran ng d

