“Okay ka lang?” “Ha?” Masuyong pinisil ni Train ang baba ni Melody nang makita niya sa mga mata nito ang matinding kaba. Kahit ilang beses na niyang sinabi na mabait naman ang mommy niya at alam na nito ang tungkol sa relasyon nila ay hindi pa rin maiwasan ng dalaga na kabahan. Birthday ngayon ng mommy niya. Hindi naman nito ugaling maghanda at mag imbita ng mga bisita. Pero dahil nalaman nito na may girlfriend na siya ay hiniling sa kaniya ng ina na makilala si Melody. Nagluto pa ito ng spaghetti at bumili ng cake na dati naman ay hindi nito ginagawa. “Kinakabahan talaga ako, baka hindi ako magustuhan ng mommy mo. At saka okay lang ba na bag ang regalo ko sa kaniya? Baka kasi hindi niya magustuhan.” Kagat labing turan ni Melody sa kaniya. Napilitan siyang tumigil sa paghakbang at pum

