“Nakita mo ba si Melody?” nag aalalang tanong ni Train sa isang matangkad na babaeng naabutan niya sa cafeteria. Sa pagkakaalala niya ay Nancy ang pangalan nito at isa ito sa mga kaibigan ni Melody. Dalawang araw ng hindi pumapasok ang dalaga kaya hindi na niya maiwasan na mag alala. Ilang beses din niya itong tinawagan pero hindi naman ito sumasagot. Alam naman niya na kapag ganoon na ilang araw na lang at patapos na ang semestre ay hindi na abala ang karamihan ng mga estudyante. Kaya nga may iba sa mga ito na hindi na masyadong pumapasok at kasama na doon si Melody. Siya naman ay palaging abala dahil ngayong linggo na ang graduation niya. Gusto sana niyang makasama ang dalaga sa espesyal na araw na iyon. Nakapagtanong tanong na siya sa mga kaklase nito pero wala kahit isa sa mga ito

