Hindi nakakilos si Ash nang tutokan siya ng baril ng di kilalang lalaki. Nanigas naman siya nang makita niya si Cielo na isinakay ito sa isang puting van. Napamura tuloy siya ng ilang beses. Pwede naman niyang pag-uumbagin ang mga lalaking tumangay kay Cielo, ngunit baka mapahamak lamang ang babae pag ginawa niya iyon. Nakita niyang pumaharurot na ang van na sinasakyan ni Cielo habang siya ay naiiwan sa lalaking nakatutok sa kanya ng baril. Siniguro talaga ng mga ito na hindi siya makakasunod kay Cielo. Nakangisi naman ang lalaki habang nakatutok sa kanya ng baril, ngunit sa isang iglap lang mabilis ang kanyang galaw na inagaw ang baril ng kalaban. Siniko niya ito sa sikmura at sinuntok sa mukha kung kaya't napabagsak niya ito sa lupa. Dali-dali siyang sumakay ulit sa kanyang kotse at

