Nang magising si Cielo kinaumagahan, agad siya na bumangon at dumungaw sa bintana. Nakikita niya sa labas na kulimlim ang kalangitan na parang nagbabadyang umulan, sumasabay yata ang panahon sa kanyang mood. Lumabas siya sa silid at umaasang nakabalik na si Ash, ngunit wala pa rin ito. Ang bigat-bigat talaga ng loob niya at napagpasyahan na lamang niya na tapusin nalang ang ginawang pagsisiyasat sa binigay na files ni Harry. Nagtaka naman siya kung pano nakuha ng nasawing kasamahan ang mga files na iyon gayong highly confidential ang mga ito sa kanilang kumpanya. Maybe he had managed to get passwords and access codes for at least three different systems within the company. Magaling din kasi sa pasikot-sikot sa computer ang nasawi. Pero teka, kaduda-duda eh...hindi kaya ito ang nagnakaw s

