Naalarma si Ash nang makita niyang umiiyak si Cielo. Hindi naman niya intensyon na paiyakin ito matapos ang mainit nilang tagpo. Ibig sabihin non, baka napilitan lang ito sa ginawa nila o baka masyado lang itong napurohan sa apat na round. "What's wrong, babes?" he murmured into her tangled hair. "Nothing." tugon nito na nakasubsob pa rin ang basang mukha sa kanyang dibdib. Huh? Wala, tas umiiyak ito? Minsan talaga ang mga babae ang hirap espelingin. Ngunit sinubokan pa rin niyang aluin ito. "What's upsetting you? Tell me." "Masaya lang ako." anito na napapasinok. "Gusto mong baliktarin natin? Umiiyak ka dahil masaya ka. Pano naman kung palulungkotin kita, e tatawa ka na ba?" "Sira ka talaga." napangiti ito bigla. Buti naman at ngumiti na ito. Hindi pa kasi niya naranasan na umii

