Kabanata 2

1779 Words
"Miss? Miss?" Unti-unting nagdilat ng mga mata si Yna sa mararahang tapik sa kaniyang balikat. Namulatan niya ang isang lalaking nakasuot ng puting polo at may kung anong nakasulat sa itaas ng bulsa ng polong iyon. "Nasa terminal na tayo, Miss," wika ng lalaking kundoktor sa bus na sinakyan ni Yna. "A-ah..." iyon ang tanging lumabas sa bibig ni Yna bago siya tuluyang tumayo at tumingin sa labas ng bus. Wala ng mga pasahero at halos nakababa na lahat sa bus. Siya na lang pala ang natira dahil nakatulog siya sa buong biyahe. "Wala ka bang kasama? Mga magulang o kahit na sinong kamag-anak? Baka naman naiwanan ka na nila?" sunod-sunod na tanong ng kundoktor kay Yna. "A-ah, w-wala po... M-may susundo lang po sa akin..." pag-iiwas ni Yna ng tingin sa kundoktor. Hindi siya sanay magsinungaling lalo na sa mga taong hindi niya kilala. Natatakot siyang baka i-report pa siya ng kundoktor sa mga pulis lalo na at minor pa siya. Nang tuluyang na siyang makababa sa bus ay napayakap siya sa sarili. Bigla kasi siyang nakaramdam ng kaba dahil nga wala naman siyang alam sa lugar na iyon. First time niyang makarating ng Maynila at wala pa siyang mapupuntahan. Parang gusto na lamang niyang bumalik sa kanila ngunit sa tuwing maiisip niya ang mangyayari sa kaniya ay nagbabago kaagad ang kaniyang isipan. "Taxi po, Ma'am?" Umiling kaagad siya sa taxi driver at tila takot na lumayo rito. Nakita niya pang parang nainis ang driver kaya naman binilisan niya na ang maglakad palayo roon. Hindi niya alam kung saan siya pupunta basta't naglakad lang siya nang naglakad. May mga pagkakataon ding tinitingala niya ang naglalakihang building na nakikita niya sa paligid at minsan din ay napapaigtad siya sa malalakas na businang naririnig niya. Dahil sa nararamdamang kaba at takot sa ingay ng paligid ay naglakad siya sa daan kung saan pakunti nang pakunti ang mga taong naglalakad. Nakahinga siya nang maluwag dahil mukhang nakalayo na siya sa highway at ngayon ay maliit na kalye na lang ang tinatahak niya. Habang patuloy siya sa paglalakad ay naalala niya ang kaniyang mga magulang at hindi niya napigilan ang mapaiyak. Hindi niya alam na napadaan siya sa isang lugar kung saan mayroong mga nakakatakot na mga tambay. "Miss... Nawawala ka yata?" Napalingon si Yna sa nagsalita at nakaramdam siya ng takot sa nakitang itsura ng lalaki. Naka-sombrero iyon at may hawak na sigarilyo sa kanang kamay at isang bote naman ng beer sa kaliwang kamay. "Oo nga, miss, ihatid ka na namin," ngisi naman ng lalaking nasa likuran ng unang lalaki. Mas lalong kinilabutan si Yna nang may tatlo pang lalaki na dumating na nagtatawanan at nakatingin lang din sa kaniya. Nanginginig siya sa takot at kahit gusto niyang tumakbo ay parang ayaw humakbang ng mga paa niya. "Ma, 'Pa..." tanging nabigkas ni Yna at mahigpit na niyakap ang sarili. Muling tumulo ang luha sa kaniyang mga mata. "Mukhang magulang yata niya ang nawawala, hindi siya," sabi ng lalaking naka-sombrero at nagtawanan ang mga kasamahan nito. Napaatras at pumikit na lamang si Yna dahil hindi rin siya makasigaw sa takot. Ngunit hindi rin nagtagal ang pagpikit niyang iyon dahil nakarinig siya ng tunog ng isang sasakyan na huminto. Dahan-dahan siyang nagdilat ng mga mata at parang nabuhayan siya ng loob nang may ibang boses siyang marinig. "May problema yata akong natanaw dito kaya naisipan kong huminto," wika ng may kalamigang boses ng isang lalaki. Sinubukang silipin ni Yna ang lalaking nagmamay-ari ng bagong boses ngunit nahaharangan naman ito ng mga lalaking lumapit sa kaniya. "Walang problema rito kaya umalis ka na." Sabi ng isang lalaki. "Bakit ka ba nakikialam? May tumawag ba sa 'yo rito? Wala naman 'di ba?" saad naman ng lalaking naka-sombrero. "Nag-iisa ka lang kaya mabuti pa umalis ka na lang nga. Kawawa naman 'yang kotse mo ang ganda-ganda baka mayupi rito kasama 'yang mukha mo," pagtawa naman ng isa pang lalaki na sinundan din ng tawa ng mga kasamahan nito. Napasinghap si Yna nang bigla na lamang sumubsob ang lalaking unang tumawa. Hindi niya alam kung anong nangyari, ang tanging alam niya lang ay nagsasalita lang naman ang lalaking iyon kanina na ngayon ay sumubsob na nga. Mag-aangat sana siya ng tingin sa iba pa ngunit nagulat na naman siya dahil mukhang nagkakagulo na sila. "A-aahh!" hiyaw ng lalaking naka-sombrero dahil sa braso nitong tila pinilipit ng lalaking nagligtas kay Yna. Ang isang lalaki naman ay sumugod sa lalaking may malamig na boses upang tulungan ang kasamahan niya ngunit itinulak lang sa kaniya ang kaniyang kasama. Natumba lang ang dalawa at nakita ni Yna na sumugod ang lalaking may malamig na boses sa iba pang natitira. Parang slow-motion sa paningin ni Yna ang lahat ng nangyayari. Isa-isang bumagsak at namimilipit sa sakit ang mga lalaking humarang sa kaniya. Tulala lang siya at hindi malaman kung anong gagawin. "Are you okay?" Napaangat ng tingin si Yna sa malamig na boses na iyon. Nagkaroon siya ng pagkakataong matitigan ang lalaki. Mas matangkad ito sa kaniya at maputi rin. Katamtaman ang laki ng mga mata ng lalaki na bumagay sa may kanipisan nitong kilay at matangos na ilong. Maliit lang din ang labi ng lalaki na bagay naman dito. "Miss? Gusto mo bang tumawag ako ng pulis para hindi ka na matakot at maihatid ka na rin nila sa inyo?" untag muli ng lalaki kay Yna. "H-ha?" tila nahimasmasan naman si Yna sa narinig. Hindi siya puwedeng humarap sa mga pulis. Ayaw niyang mabuking na naglayas siya at tiyak na baka ibalik lang siya sa kanila. Isa-isa namang napatayo ang mga napatumbang lalaki at kaniya-kaniyang takbuhan nang marinig ang salitang pulis. "H-hindi na! H-hindi na kailangan ng pulis... W-wala n-na r-rin naman sila, s-saka ayos l-lang naman ako," hindi magkandatutong sambit ni Yna. "Good. Then I'll go now." Naalarma si Yna nang tumalikod na ang lalaki sa kaniya. Napalibot pa siya ng tingin sa paligid at nakaramdam muli ng takot. Natatakot din siyang baka bumalik ang mga lalaki kanina kaya naman pinigilan niyang umalis ang nagligtas sa kaniya. "S-sandali l-lang..." pigil niya sa lalaki na tantiya niyang halos kaedaran niya lamang. Dahan-dahan namang lumingon ang lalaki sa kaniya at napaawang pa ang kaniyang mga labi nang makitang may suot na itong shades. Kung hindi lang obvious na madilim pa ay inisip niyang tirik ang araw. "May kailangan ka pa?" Napalunok siya. Parang pakiramdam niya ay sinasabi ng lalaki sa kaniya na naistorbo niya na ito. "A-ah... K-kasi... K-kasi a-ano... Ah..." Hindi makaapuhap kaagad ng sasabihin si Yna. Hindi niya alam kung paano uumpisahang humingi ng tulong dito. "Yes?" namewang pa ang lalaki sa harapan niya. Huminga nang malalim si Yna. "Look, miss, may kailangan akong puntahan at masyado ng nasasayang ang oras ko rito. Nagmagandang loob na ako kaya sapat na sa akin ang pasasalamat mo. Kung iniisip mong may kailangan kang bayaran o anuman sa akin, forget it. I just really need to go," mahabang sabi ng lalaki at tumalikod na itong muli. "H-hindi, sandali lang!" muling pigil ni Yna. May pagka-iritableng humarap muli ang lalaki kay Yna. "P-puwede m-mo b-ba a-akong t-tulungan?" sa wakas ay sabi ni Yna. Matagal na tinitigan ng lalaki si Yna na wari bang nananantiya. "What help do you exactly need?" pagkuwa'y tanong na ng lalaki. "A-ang totoo... W-wala a-akong m-mapuntahan..." napahugot nang malalim na hininga si Yna at umaasang tutulungan pa siyang muli ng lalaki. Tinitigan siya ng lalaki mula ulo hanggang paa. Huminto ang tingin ng lalaki sa balikat niya kaya naman bigla siyang napalunok at namula kaagad ang kaniyang pisngi. Pakiramdam niya ay nakatingin ang lalaki sa... Dibdib niya? "Relax. Nakatingin ako sa bag mo. Naglayas ka ba?" wika ng lalaki. Mas lalo namang pinamulahan ng mukha si Yna dahil sa pagkapahiya. Pero kaagad din siyang nakabawi dahil baka mainip na ang lalaki sa takbo ng usapan nila. "Y-yes... P-pero mahabang k-kuwento... H-hindi ko rin alam kung ano talagang tulong ang hinihingi ko..." parang gusto niya na namang maiyak sa kalagayang hindi niya rin gusto. "I'm all ears. Gusto ko lang malaman to be safe. Anong malay ko baka masabit pa ako sa 'yo," kalmadong sabi ng lalaki. Napatitig siya sa lalaki. "T-tutulungan mo ako?" "It depends." Napagpasyahan ni Yna na magsabi na lamang ng totoo sa lalaki. Hindi niya rin naman kasi alam kung anong sasabihin kung hindi siya magsasabi ng totoo. Kailangan na lamang niyang sumugal... "Ipinagkakasundo ako ng mga magulang ko sa lalaking hindi ko kilala... Sa lalaking hindi ko gusto... K-kaya ako naglayas..." napabuga siya ng hangin matapos iyong sabihin. "Kaya ka naglayas dahil hindi ka agree sa gusto nila?" tanong ng lalaki. "Baka kahit sino hindi papayag sa ganoong sitwasyon... I mean, arranged marriage? Hindi ako naniniwalang okay iyon," sagot niya sa lalaki. Pakiramdam niya rin ay nawala na kaagad ang ilang niya rito. Parang pakiramdam niya ay mapagkakatiwalaan naman ang lalaki lalo na at iniligtas nga siya nito sa kapahamakan. "Eh, personal maid, okay lang sa 'yo?" Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Lumuwag ang pakiramdam niya kahit papano at sobrang saya niya na dumating ang lalaki para iligtas siya. "Thank you... Thank you so much!" sa tuwa niya ay nalundag niya ang lalaki at nayakap nang sobrang higpit. Hindi niya alam kung gaano sila katagal sa ganoong ayos basta't naramdaman na lang niya ang malakas na t***k ng kaniyang puso. Dahan-dahan niyang tinanggal ang mga kamay niya sa leeg ng lalaki at hiyang-hiyang napayuko. "I-I'm sorry..." nahihiya niyang bigkas. "Hop in." Napaangat siyang muli ng tingin. Naglakad na ang lalaki at hindi kaagad pumasok sa isip niya kung ano ang ibig nitong sabihin. "Baka abutan tayo ng tirik ng araw dito. I am helping you now, so come on," bigkas ng lalaki. Saka niya napagtanto na pinasasakay na siya ng lalaki sa asul na kotse nito. Parang may sariling isip ang kaniyang mga paa na sumunod na nga sa lalaki. Pinagbuksan siya ng lalaki ng pinto sa likurang upuan at mabilis na siyang sumakay. Nakita niya pa ang pag-ikot ng lalaki papunta naman sa kabilang pintuan na katabi niya kaya nagtaka siya. Nang makasakay na ang lalaki sa tabi niya ay doon siya lumingon sa driver's seat. All this time ay may driver pala sa loob ng kotse nang hindi niya alam. Napaisip pa siya na hindi man lang tinulungan ng driver ang lalaki kaninang nakikipagbugbugan ito—para iligtas siya. 'Ganoon kakampante ang driver na hindi mapapahamak ang... Boss niya?' Parang saka lang din pumasok sa isipan niyang mayaman ang lalaki lalo na at naalala niyang personal maid ang inialok nito sa kaniya. Meaning, siya ang magiging maid ng lalaki from now on... Ganoon kabilis! At wala siya sa posisyon para mag-inarte.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD