Kabanata 3

1035 Words
Biglang nakaramdam ng kaba at pangamba si Yna nang huminto ang kotseng kinalululanan niya kung saan katabi niya ang lalaking hiningian niya ng tulong. Mas lalo pang kumabog ang dibdib niya nang bumukas na ang malaking gate at tuluyan ng makapasok ang kotse. Nilingon niya ang katabing lalaki na alam niyang halos kaedaran niya lang talaga. Ni hindi niya man lang natanong ang pangalan nito. Parang gusto na tuloy niyang umatras. "We're here. Don't get nervous. I already texted my parents and told them that I hired a personal maid," bigla ay sabi ng lalaki kay Yna. Alanganing ngumiti si Yna. Hindi nito alam kung anong isasagot sa lalaki. "You're going to meet them today, after we rest," wika pa ng lalaki. Para namang biglang nanlaki ang mga mata ni Yna sa narinig. Tila ba iba ang dating sa kaniya ng sinabi ng lalaki na 'after we rest'. "May sarili kang kuwarto. Malapit sa akin ang magiging kuwarto mo since you are my personal maid. Gusto ko, mabilis lang kitang mapupuntahan o matatawag if I needed something," walang ngiting saad ng lalaki. Para bang nabasa nito ang maduming tumakbo sa isipan ni Yna. "T-thank you..." napangiwi pa si Yna matapos sabihin iyon. Medyo magulo pa rin kasi ang utak nito sa sitwasyong pinasok. Ayaw na nitong bumalik sa mga magulang dahil sa arranged marriage kaya hindi na ito puwedeng umatras sa hininging tulong sa lalaki. Isa pa ay para bang sinasabi ng sarili nito na mabait at mapagkakatiwalaan naman ang lalaking sinamahan. Tumango ang lalaki at nagpatiuna ng maglakad. "Sandali!" biglang tawag dito ni Yna. "Yes?" paglingon ng lalaki na titig na titig kay Yna. Gustong mailang ni Yna lalo na at para bang nakakaakit kung tumitig ang lalaki ngunit kaagad niya namang sinaway ang sarili sa mga iniisip. "H-hindi ko man lang naitanong ang pangalan mo..." may hiya at pag-aalangang saad ni Yna. "Let's just talk about our personal informations tomorrow. Sumunod ka na lang sa akin para maihatid na kita sa kuwarto. You also look tired. Mukhang mahaba rin ang naging biyahe mo," wika ng lalaki na tiningnan pa mula ulo hanggang paa si Yna. Sumunod na lang nga si Yna sa lalaki habang yakap-yakap ang kaniyang backpack. Nakita niyang may nagbukas ng pinto at saka sila pumasok ng lalaki. Yumukod pa ang babaeng nakasuot ng uniporme ng katulong. Hindi naiwasan ni Yna ang malula at mapalunok nang makita ang loob ng bahay na pinasok nila. Napakataas ng kisame na aakalain mong isa itong palasyo. Hindi niya kasi nakita o napansin ang laki ng pinasok nila kanina dahil sa mga iniisip niya habang katabi ang lalaki sa kotse. Napadako rin ang tingin niya sa hagdan na napakalaki rin. Napakaliwanag sa kabuuan dahil sa makinang na sahig, dingding, at napakalinis na paligid. Napakaganda rin sa mga mata ni Yna ang crystal spiral chandelier na nasa gitna ng kinatatayuan niya. "A-ang laki p-pala—" natigil sa pagsasalita si Yna nang hindi niya malingunan ang lalaki. Nagtataka itong napalibot ng tingin upang hanapin ang lalaki. "Kanina pa umakyat si Señorito Hans. Tinatawag ka niya kanina pero parang hindi mo siya naririnig kaya ibinilin ka na lang niya sa akin. Ako na ang maghahatid sa 'yo sa magiging kuwarto mo," sabi ng katulong kay Yna. Napamaang naman si Yna at biglang nakaramdam ng hiya sa kaharap na katulong. Tingin niya ay mas bata lang ng ilang taon sa kaniyang mama ang kaharap niyang katulong. "G-ganoon po ba..." nasambit na lamang ni Yna. Ngumiti naman ang katulong. "Ako nga pala si Doris. Tawagin mo na lang akong Nanay. Iyon naman ang tawag sa akin lahat dito," anito kay Yna. "S-sige po," pilit na ngumiti si Yna upang matanggal ang hiyang nararamdaman sa kaharap. "Halika na," yakag na ni Doris kay Yna. Mabilis na ngang sumunod si Yna kay Doris. Ingat na ingat pa ang pagtapak ni Yna sa bawat baitang ng konkretong hagdan dahil pakiramdam nito ay magagasgasan iyon ng suot niyang sapatos. Mabuti na lamang nga at hindi ganoon kadumi ang sapatos niya ngunit para bang visible pa rin ang duming naiiwan sa bawat baitang mula sa mga tapak niya. "Ang sabi nga pala ni Señorito Hans ay siya na ang bahalang magsabi sa iyo ng mga trabaho o tungkulin mo bilang personal maid niya. Hindi mo rin daw kailangang gumising ng maaga dahil nga late na itong pahinga mo," pagsasalita ni Doris habang umaakyat sila. Hindi umimik si Yna at wala rin naman siyang dapat isagot. "Ito ang magiging kuwarto mo at ang katabi mong kuwarto ay ang kuwarto ni Señorito Hans. Kumpleto na rin ang mga gagamitin mo riyan. Ikaw na ang bahalang mag-ayos ng mga gamit mo pero magpahinga ka na muna," huling sambit ni Doris bago nito tuluyang iniwan si Yna. Bahagya pang sinulyapan ni Yna ang kuwartong katabi bago siya tuluyang pumasok sa kaniyang kuwarto. Nang maisara niya ang pinto ay napasandal muna siya roon. Sa isang iglap ay nabago ang buhay niya dahil sa arranged marriage na iyon. Kanina niya pa rin gustong umiyak dahil mahirap sa kaniya ang desisyong paglalayas sa kanila. Nasanay na siyang kasama ang mga magulang at ngayon pa lang ay miss na miss niya na ang mga ito. Ngunit ayaw niya namang gawin ang gusto ng mga ito. Nagpasya siyang maglakad na papunta sa kamang naghihintay sa kaniya. Ibinaba niya ang kaniyang backpack sa ibabaw ng kama at umupo siya roon. Napasinghap pa siya dahil napakalambot ng kama na halos lumubog talaga ang buong puwetan niya roon. Kaagad niya ring napansin na kulay pink ang bedsheet at maging ang mga unan. Napalibot ang paningin niya sa kuwarto. Hindi niya namalayang napangiti na pala siya. Eksakto kasi sa kaniya ang kabuoang kulay ng kuwarto. Kulay pink halos lahat mula sa kama, sa napakagandang mesa, dingding, aparador at iba. Paborito niya ang pink kaya naman tila gumaan bigla ang pakiramdam niya sa pagtingin lamang sa mga kulay pink na naroon sa loob. 'Ang suwerte ko naman... Pink room pa talaga ang napunta sa akin...' Ibinagsak na ni Yna ang katawan sa malambot na kama at tumitig sa kisameng kulay pink din. Dahan-dahang sumara ang kaniyang mga mata at ilang sandali pa nga ay mahimbing na siyang natutulog...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD