[JEZRA]
Ngayon ang araw ng Foundation Day at abala ang lahat.
It's a cheerful mood of games, dance and singing contests, friendly sports competitions, food booths, retail booths, commemorating kung kailan nai established, na build ang Samson University.
Proud akong pagmasdan ang successful na araw na ito dahil ang faculty ata namin ang nag organize, nag plano ng lahat.
Sa totoo lang inaabangan ko ang huling bahagi ng programa. Ito ang Mr. & Ms. SU.
Exclusive ang competition na to para sa mga college lang.
Bawat course may representative at si Maureen nga ang nagwagi sa block nila. Lahat nae excite dahil isa lang ang mag uuwi ng gantimpala.
Mismong president ng SU ang nag implement ng contest na ito na idinagdag lang kaya naman inaabangan talaga every year lalo na at hindi basta basta yung prize ng mananalong Mr. & Ms. Samson of the night.
Ticket for two sa parehong palaring manalo at tanghaling Mr. & Ms. SU. May privilege silang magsama ng isa sa surprise trip na yun.
I guess kung si Maureen man ang makakuha nun, si Margaux wala ng iba pa siyang isasama. Baka maging way pa yun para magka ayos sila.
Speaking of Maureen, maaga siyang umalis ng bahay. After ng huling pag uusap namin, nung araw na napakinggan ko siyang tumugtog at kumanta ay hindi na yun ulit nasundan.
Nagulat nga ako dahil ng gabing iyon sumabay siyang kumain sa akin. Natuwa naman ako dahil nagustuhan niya ang luto ko. Palagay ko nga nagiging okay na talaga kami as friends.
Pagdating naman sa klase we're both casual lang.
Natigil na din ang pakikipag away niya sa dalawang ugok kong studyante. Hindi alam ni Maureen na kinausap ko na ang mga ito.
I told them to stay away from Maureen. Kasama na doon ang katotohanang mag asawa kami.
Nung una sobrang nagulat sila at akala pa nga nagbibiro lang ako pero pinaramdam kong seryoso ang sinasabi ko.
Aware naman ako sa mga kalokohan ng dalawang iyon. Wala lang talaga akong pakialam pero ewan ko ba.. Pagdating kay Maureen nagbago lahat.
I hate them teasing her—Maski hindi sa harapan ko. O kahit sino pang pontso pilato sa SU ayokong may gumagago kay Maureen. Panigurado kasing hindi magpapaawat ang isang yun at malaking gulo nanaman.
Gaya ng sabi ko alam sa Admin na dala nito ang apelyido ko.
Lumibot ang mata ko sa buong quadrangle ng wala namang specific na hinahanap but probably I know kung sino bang inaabangan ko.
Ayoko lang sigurong i admit sa sarili ko pero asan ba kasi siya?
Wala naman sigurong masama na hanapin ko siya hindi ba? We're good friends, naman na.
"Si Aira po ba hanap niyo?" Isang familiar na boses ang humawak sa braso ko at nagpatigil mula sa likod.
"Huh? No.." Baka kasi anong isipin ng isang to. Sabihin pa kay Maureen.
"Sus.. Deny pa more.." Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. Tila makahulugan kasi yun na hindi ko mawari.
"Fine.. Ako na lang ang mag aadjust para hindi ka na mahirapan ma'am." Panimula nito ulit at nagkrus pa ng mga kamay.
"Do you like my friend Aira?"
"Huh?" Nabigla ako. Wala sa isip kong ganun ang itatanong niya.
"Tss.." Singhal nito saka ako hinila kung saan hanggang mapadpad kami sa walang tao.
"I'm asking you po kung may gusto ka ba sa asawa mo? I mean, do you like her romantically?"
Bakit ba ganito ang tanungan nito? May pinag uusapan ba silang dalawa ni Maureen na hindi ko alam?
"Why do you ask?" Isang tanong din ang ganti ko. Hindi ko din naman kasi alam ang sagot sa tanong niya.
Oo nag kiss kami ni Maureen pero yun lang naman yun. And to think that it was my first kissing a girl. There is nothing special about it.
Nagkasundo kaming maging kakampi ang isa't isa hanggang maresulbahan namin ang kasal na to.
"'Cause I think she likes you po." Magalang na sagot nito. Kanina pa hindi nawawala ang kakaibang ngiting naka paskil sa labi niya.
"You think?!" Taas kilay kong tugon. Tumawa naman siya ng mabini.
"I get it po. Ganyan talaga sa una Ma'am.. Soon, you'll figure it out. Ganyan din ako nung hindi pa ko aware sa totoong ako. Sobrang in denial ko at pinipigilan kong makaramdam ng tingin ko hindi dapat sa kaparehas ko ng gender."
Sino bang tinutukoy niya?? Ako?? Hello I'm straight...
"And yeah.. Aira likes you po. I believe. Na stuck lang siya sa idea na mahal pa niya si Margaux."
"Aya!" Sasagot sana ako ng may sumigaw—Napalingon ako at nakita ang papalapit na babaing sentro ng usapan namin kanina lang.
And there she is.. Ang stubborn, spoiled brat, brave, smart-ass, talented, and sige na saksakan din ng ganda na always makikipag away sa alam niyang tama.
Walang sinasanto, walang pinipili o inuurungan. Laban kung laban ika nga.
May nakarating din kasi sakin na nakipag talo nanaman nga daw ito sa kabilang section. Naayos naman kaya hindi na ako nag usisa kung anu bang pinag ugatan ng lahat.
"Hey.. What's up? Tapos mo na ba yung kantang sinusulat mo?" Ganti niya kay Maureen. Napansin kong sinisenyasan siya nitong huli.
"You're a composer, too?" Out of nowhere, I blurted out.
"Oh.. Sorry my bad.." Nagtaka naman ako sa apologetic face na binabato ni Aya dito sa babaing katabi ko lang.
"Don't mind her, Jezra. Nag lunch ka na ba? Wanna join us? Lilibot kami sa mga booth?" Imbis na intindihin ang mga sinabi niya mas napunta ang atensyon ko sa kamay niyang inangkla kay Aya.
Close talaga sila ah.
"Frenny wag kang maging clingy. Baka magselos si Ma'am niyan." I was taken aback sa sinabi nito, hindi ko na lang pinahalata.
Nahuli pala niyang nakatingin ako sa ginawa ni Maureen. Tss. Ano naman sakin. Paki ko.
"No.. You don't have to mind me, Aya. There's no big deal. Kasal lang naman kami sa papel." Sunod kong tinignan si Maureen matapos ng sinabi ko.
Ewan ko kung namalikmata ba ako. Gumuhit kasi ang lungkot sa mata niya. May mali ba sa sinabi ko?
I'm just stating the fact.
"So, anu? Sama ka ba samin?" Mabilis na nag iba ang expression ni Maureen. Parang itinatago yung kaninang nakita ko.
Bakit naman kasi siya malulungkot? Oh, baka dahil naalala niya yung reason kung bakit nauwi na talaga sila sa hiwalayan ni Margaux. I guess yun nga.
Mahal niya talaga si Margaux. Then sana manalo siya ngayong araw. Gamitin niya yun para magkabalikan sila.
[MAUREEN]
Isinantabi ko na lang yung kakaibang naramdaman ko kanina ng sabihin niyang kasal lang naman kami sa papel.
Tama naman siya ng sinabi pero may kirot akong hindi maipaliwanag. Huling usap namin ni Jezra nung araw na naabutan niya akong tumugtog ng gitara.
Hindi na nasundan yung ganung moment namin. Super busy ko din kasi at tingin ko ganun din siya.
Sa hectic ng schedule ko hindi ko nga malaman kung paano ko pang naisingit gawan siya ng kanta.
Like, why the hell I'm doing that? Isang tao lang ang nagawan ko nun. Tapos sobrang inspired at in love pa ko ng mga panahong yun.