19

1138 Words
[MAUREEN] "Gusto ko nun.." Nakangusong turo ni Aya sa booth ng waffles. "Sige." Tinungo ko naman ito at sumunod naman sila sa likuran ko. "Kuya isang order nga po." Bumalin uli ako ng tingin kay Aya. "Anung flavour?" Napansin ko kasing magkaka iba pala ang mga ito. "Just the original." Sabi niyang narinig naman nung tindero kaya si Jezra naman ang tinignan ko. "How about you?" Payak itong ngumiti at umiling. "Why not? You don't like it? Mas lumapit ako sa kanya. "It's sweet." Oh ayaw niya sa sweet? Tumango ako, lumibot ang mata. "Let's find another. Eh, hotdog? Do you want? You need to eat." Pahayag kong paiba iba ang direksyun ng aking mata. Hindi siya nagsalita na tila alangan kaya hinila ko na lang siya matapos kong sumignal kay Aya. Nag galaw lang ito ng ulo bilang pag intindi sa pahiwatig ko. Bayad ko naman na yung order niya. "San tayo pupunta?" Tanong nitong may ari ng hawak kong kamay. "Here.. Burger? How about this?" Tukoy ko sa hinintuan namin. Wala pa din ako makuhang sagot. "Anong gusto mo?" "Ikaw." Natigilan ako. "H-Huh?" Wala sa sariling nasabi ko. "Ikaw.. Ano bang gusto mo. Don't mind me, Mau. Busog pa ko talaga." "No you are not." Sabay kaming napatingin sa pinanggalingan ng boses. Siya umikot pa dahil nasa likuran niya. Ako yung mata ko lang ang gumalaw dahil nasa harapan ko lang naman. Dahang lumapit ang nagsalita. "She won't admit that she's hungry and Renze doesn't eat process food." Kaya ba lahat ng i suggest ko ayaw niya? Bat di niya sinabi. At second name talaga ang itinawag niya kay Jezra. Close ba sila? Tss. "Juno.. Naka leave ka diba? Kailan ka pa bumalik?" Okay, magkakilala silang talaga. Obvious naman dahil may alam yung lalaki sa kanya. "Last month pa. Now lang ako nag report." Tugon nito. Professor din pala siya. Baka matagal na nga silang magkakilala. "Tara kumain sa labas.." Nagpantig ang tenga ko sa nadinig. Kupz ang isang to ah. Invincible ba ko sa kanya? "I know a new place. Masarap daw pagkain dun. Let's try it together baka magustuhan mo." Kala ng isang to kina gwapo niya ang pag ngiti ngiti. Mukha namang tukmol. Hindi ko alam pero naiirita ako. Sa tono ng pananalita nya malalaman mong lumalabas na sila noon pa. "I'm sorry, Juno, but it would be unfair-" Bigla na lang siya pinutol nung tukmol. "You won't mind naman diba?" Nasa akin na ngayon ang sentro nitong tukmol na kanina lang halos matagpi na sa mukha ni Jezra. Parang scanner sa airport kung makatingin. Dukutin ko kaya eyeballs niya noh. Gusto ko ng sabihin, of course I'll mind my wife's whereabouts and with whom. "It's fine, Ma'am.." Pagbibigay ko ng diin sa salitang ma'am at pinilit ngumiti. Ayoko naman magmukhang desperada noh. Go lang kung anong gusto niyang gawin—sino gusto niyang kasama. I won't mind really... 'Sa true lang Maureen..'. Tila sabat ng utak ko. 'Tse! Manahimik ka nga.' Suway ko naman. Marunong pa sakin bah! Naka ready na akong mag give way ng humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Oh hindi ko pa din pala siya nabibitawan mula kaninang hinila ko siya. Nakatingin siya sa akin, simpleng ngumiti bago bumalik kay tukmol este Juno. "I'm sorry pero kung saan ang wife ko, duon ako." Saka isang mabilis na ngiti ang tinapon niya rito. Tila nakalunok naman ng malaking buto sa pagka bigla ang lalaki. "W-wife?" Tumawa ito sa mapang asar na paraan na akala mo naman naka rinig ng joke na hindi bumenta. "You're kidding, right?" Aba at ayaw pa talagang maniwala. Wala ng lumabas sa bibig ni Jezra pero itinaas niya ang kamay na naka hawak pa din sa akin. Napadako naman ang tingin ng lalaki sa magkasaklop naming kamay. Ang mukha nito parang pinag bagsakan ng langit at lupa. Saka ko lang naman naintindihan ang ginawa ni Jezra. Flinex niya pala ang wedding ring namin. "So.. hindi ka pala talaga nagbibiro." Sabi nitong nawala na ang tingin sa mga kamay namin at napunta sa magandang mukha ni Jezra. Mukha bang clown si Jezra sa paningin niya. "But you are straight? Perhaps this is just-" Kupz talaga. Hindi ko na siya pinatapos. Asar na kasi ako. "Of course.. It's a love marriage. What are you thinking, Sir.... Juno? We're playing games?" Grabe ang priceless ng reaction niya. Serve right!? "If you don't mind.. SIR. Excuse us po. I want alone time with my WIFE." Saka ko hinila palayo si Jezra sa tukmol na yun. Tulalei siguro siya dahil hindi maka paniwala na kasal na yung babaing crush pagbalik niya. Lalayas layas ka kasi nasabi ko na lang sa utak ko. "You are indeed enjoying holding my hand, huh." Saka lang ako natigilan at binitawan ang kamay niya. "Bakit hindi mo sinabi sakin na ayaw mo sa process food? Pwede naman tayong kumain sa labas." Medyo may iritang pagkakasabi ko. Magkaharapan na kami ngayon habang naka krus na ang mga kamay niya. Bat parang ang ganda niya ata ngayon sa paningin ko? Kahit na ang nude, dark ng make up niya? Nakakainis lang kasi. Alam ng ibang tao tas ako na wife niya hindi alam. 'Teka lang Maureen Aira Jensen. Diba hindi naman talaga kayo mag asawa?!' Sabat nanaman ng utak ko. 'Sa papel lang naman diba? You love Margaux' Shut up! Suway ko sa utak ko. [JEZRA] Naputol ata ang dila ko sa sinabi niya. Lumipad na lang bigla ang utak ko at walang mag process na salita. Hindi pa ako nakaka recover sa paghawak niya kanina sa kamay ko tapos heto nanaman siya. She's throwing me simple gestures that literally spinning my brain. Kanina concern siya na kailangan kong kumain. Ngayon bakit parang naiinis siya dahil.. Hindi ko sinabi na ayoko sa process food? Ang big deal naman ata. "Hey! H-Hindi ka na nagsalita." Saka lang bumalik sa realidad ang utak ko ng marinig ko ulit ang boses niya. "Papayag ka talagang kunin ako sayo kanina ni Juno?" Parang siya naman ngayon ang tinakbuhan ng utak niya. Nainis kasi ako kanina sa sinabi niyang it's fine ma'am. Hindi man lang ako ipag damot. "O-of course not.. A-ayoko lang ma feel mo na parang binabakuran kita. May sarili ka namang desisyon. Malay ko ba kung g-gusto mong sumama sa t-tukmol na yun." Bigla na lang siyang umiwas ng tingin sa bandang dulo ng sinasabi niya pero napa ngiti ako dahil narinig ko yun kahit parang pabulong na lang sa hangin yun Cute.. selos ba siya? 'Tumigil ka Jezra!' Pigil ko sa tumatakbo sa utak ko. [MAUREEN] Fuck! f**k! f**k! Gusto kong murahin ang sarili ko. Sampalin ng magkabilaan ang pisngi ko. Seriously, Maureen Aira Jensen? Nauutal ka?? Shit! Sana hindi niya nahalata yun. Nakakahiya. Oh gosh. Lamunin na lang sana ako ng lupa. Ano bang nangyayari sakin??
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD