"Kapag nakuha mo ang title na Ms. Samson. What's your plan? You can use that to fix things sa inyo ni Margaux."
Hindi ko inaasahan na lalabas sa labi niya ang mga katagang iyon.
Bakit napasok si Margaux sa usapan. Balak ko pa man din na siya ang maging +1 ko.
"I'm done with Margaux. Masasaktan lang ako kung ipipilit ko ang mga bagay na mahirap."
Nag was ako ng tingin hindi dahil sa ayaw ko kundi sa topic na binabaon ko na sa limot.
"But you're still in love with her, right?" Nakaramdam ako ng yamot. Bakit niya ba bini bring up?
Ngayon pa na pinag iisipan ko yung advice sakin ni Aya. The try thingy. Tss.
"Can we just eat na lang?" Walang point para pag usapan ang mga taong wala naman.
Binalewala niya ang tanong ko. "It sounds yes.." Sabi niya sa tunog parang may panghihinayang? Dismayado? I don't know.
"What?" Napahilig ang ulo ko, kunot ang noong tanong ko sa kanya. Ang labo kasi ng pasaging niya.
"Yes.. You are still into her." What's her deal ba? Bakit ang pushy niya sa topic na to. Hindi tuloy ako makasagot.
Should I be honest with her? "Does not mean I need to go on the same path, Jezra. I have to move forward in a different direction if the latter road is rough."
Hindi naman ako masokista at alam ko kung kailan bibitaw.
I tried my best not just to give Margaux up.. US...
Anong magagawa ko kung ayaw niya na talaga? Lalo pa kung may bago, iba na yung nakapaloob sa US na yun. I was being kicked out already.
Ano pang ipaglalaban ko if I'll become the intruder now sa buhay niya.
[JEZRA]
Ano bang pumasok sa isip ko at nasabi ko yun? Perhaps part of my mind wants to get an answer to Mau's gestures.
I know we already agreed to be friends, and maybe that's why she treats me differently now, or deep down in me, I'm expecting beyond that.
Am I?? f**k! What the heck is wrong with me???
"Am I... The different direction?!" Somehow.. probably sumagi na sa isip ko na baka she's using me sa idea na yan about moving forward.
"Are you using me?" Dagdag ko pa ng nanatili ang pananahimik niya.
"Are you going to let me?... Jezra?" Balik naman niya sakin.
So what?? Is this her way of saying that I was right? Am I just a pawn?
"Are you that desperate to forget her?" Sige magbatuhan tayo ng tanong hanggang may matalo.
"Ganyan ba ang tingin mo sakin?" Ganti niya.
"That is how I see it." Pwede naman kasing mag move forward ng tahimik at walang ibang taong involve.
"Fine.. You won for ruining the moment, Jezra." Tinalikuran niya ako na parang drain na ang pasensya niya.
Siya pa talaga may gana umakto ng ganun? Pero bakit tila guilty ako?? Damn...
[MAUREEN]
Sa inis ko at bago pa may masabi akong below the belt, pinili ko na lang bigyan siya ng space—Baka pagod siya, madaming iniisip or whatsoever.
It is none of my concern. Oh baka naman kasi na realize niya na mas gusto pala niyang kumain kasama, sumama sa tukmol na yun.
Dapat diniretsa na lang niya ko. In-insert pa si Margaux sa picture.
"Oh.. Ang bilis mo namang nakabalik? Asan si-" Hindi niya natapos dahil bigla ko na lang siya hinila kung saan ng mahawakan ko.
Kinuwento ko sa kanya kung anong nangyari. Tinawanan lang ako ng loka.
"Bat ang affected mo naman ng sobra? Kalmahan mo lang." Komento nito.
"Panu ako kakalma? Ibig sabihin user ang tingin niya sakin??" May ngitngit na paliwanag ko.
"Hindi nga ba?" Tignan mo to. Tss.
"Sino bang kaibigan mo?? User na ba agad kung i entertain ko yung konting happiness na nararamdaman ko?"
May pag yuko at hawak pa ako sa dibdib ko habang pinaglalaban ang point ko.
Nag angat siya ng mga kilay, nanlaki ang mga mata niyang tila nagulat.
Ang OA naman maka react. May sinabi ba akong nakakabigla??
"Are you saying na napapasaya ka na niya???" Naningkit ang mga mata ko. Bahagyang napaisip, binalikan ang kaninang sinabi ko.
"H-huh?" Parang doon pa lang nag sink in sakin ng mga salita ko.
"Tignan mo to. It's too late to take it back. Sinabi mo na. Or are you not aware??"
Naumid ata ang dila ko. Hindi ako makapag salita.
"Umamin ka nga sakin. Nagugustuhan mo na ba siya?" Parang kailan lang tanong ko din yun sa sarili ko.
"Hoy!!" Kinuha niya ang atensyun ko sa pamamagitan ng pagpapatunog ng mga daliri niya sa kamay at kinampay kampay sa mukha ko.
"Sayo nanggaling, why don't I try to work it out our arranged marriage.." Totoo naman sa kanya ko nakuha yung idea na hindi nga sumagi sa utak ko eh.
"Hindi yan ang sagot sa tanong ko, Aira. Oo o hindi do you like her??" Sino bang hindi?
"Ano na? Bat tulaley ka na diyan? Sagot.. Oo o hindi lang hirap na hirap." Ano to parang true or false sa exam?
Pagdating sa mga ganito kaseryosong bagay hindi ganun tumatakbo yun noh. Kailangan sigurado ako.
Mahirap magkamali.. Sayang puntos.. Ayokong bumagsak, masaktan nanaman.
"Paano mo ba masasabi kapag gusto mo na ang isang tao?" Tanging nabuo sa isipan ko.
"Paano mo ba nagustuhan si Margaux?" Nanaman?? Talaga ba? Seryoso??
"Iba si Margaux, Aya.." Medyo naiinis na sagot ko.
"Tao pa din naman siya. Tanong mo paano mo masasabi kapag gusto mo na ang isang tao."
"Alam mo, Aya minsan iniisip ko kung bakit kita naging kaibigan." Saka ko siya nilayasan. Wala akong makuhang matinong sagot sa isang yun.
kaloka!
"Hoy! Wait for me!" Habol sigaw niya sa likuran ko. Bahala ka diyan.
Nakakainis...
Nagpunta na lang ako ng dressing room kung saan ako mamaya magbibihis para sa last part ng event na to.
Naisip kong si Aya na lang ang hilain as my +1 just in case manalo ako. I know I am born to be a winner kahit dito man lang kung sawi sa pag ibig.