"So.. hindi ka pa move on sa ex mo kaya mahirap pag usapan?"
Siya naman ang tila napaurong sa sinabi ko. Hindi pwedeng ako lang ang ma corner niya no.
"I didn't say that. Of course, I'd moved on. Why wouldn't I?" Yun naman pala.
"It's you..." Ang anu? "..who looks like you are still trapped in the past because you keep talking about it." Aw.. Grabe naman.
I guess I gave up.. Fine. I'll tell her. "I just want you to loosen up.. I-I want to know you more, Jezra."
"Anong connect nun sa pag banggit mo sa ex mo?" Bakit parang galit?
"First.. you are right, I'm still into Margaux kaya kung ako lang ayokong pag usapan.."
"O-okay.. Go on.." Huminga muna ko. Para naman akong nasa hot seat nito.
"Naisip ko lang kasi na baka kapag binanggit ko si Margaux maging okay ka ding pag usapan yung ex mo."
"At bakit gusto mong pag usapan yung ex ko? Diretsahin mo na nga, Maureen. Dami mong pasakalye." Naiinip lang? Saglit lang kasi.
"Gaya ng sabi ko. I want to know you more. Kung paano ka bago... Amm.. From single to in a relationship and from there to single again."
Nakita ko ang sobrang pag kunot ng noo niya. Ang cute niya. Gusto kong tumawa pero baka isipin niya pinagtitripan ko siya.
"Why don't you just ask about.. ME... Why would you include my ex? It is me you want to know more about, yeah?"
I raised both my hands, showing my defeat.
"Alright. From the top..." She hissed at my words. "Make sure may sense yan." May pagbabantang sabi niya.
"Why do you seem aloof? Distant? Emotionless? The way you dress says a lot."
"What's wrong with my outfit? I love it." Hindi nga?
"And.. And.."
"What? Just say it, Maureen."
"You are like closing your door, Jezra."
"Ang labo mo, Maureen. Ano naman sayo kung I choose to close my door?" Oo nga naman. Ano nga bang paki ko. Buhay niya yun eh.
"The thing is.." Sasabihin ko ba? After nung kiss.. Marami akong naisip, pinag isipan.
"The thing is-"
Natigilan ako dahil dumating na ang order namin. Pinanood ko si kuya na ilapag lahat sa table.
"Enjoy your meal po." Tumango lang ako. Gusto kong umalis na siya agad.
"Hmmmm... Smells good." Napangiti na lang ako bigla ng makita ko ang satisfaction sa mukha ni Jezra.
See.. She can be showy pero bakit pinipigilan niya. It's kinda contradicting kasi. Something is not adding up.
That's what I want to know if I'm going to consider Aya's suggestion to why not work it out itong kasal namin ni Jezra.
Just to make it clear. I have nothing against the way she dressed and put on makeup. It's just that I have this gut na hindi ito yun, hindi siya to.
It's like she just changed herself to present someone who will look unbothered. It's her way of protecting herself.
Wala namang mali sa bagay na yun pero gusto kong makilala yung siya. Yung siya talaga.
"How's the taste?" Sinisimsim niya na kasi yung pasta.
Wala siyang sinabi pero nag gesture siya sa kanyang mga daliri ng perfect.
"I'm glad you like it." Bumalin naman na ako sa pagkain ko.
Hindi na namin naituloy ni Jezra yung pag uusapan namin at agad kaming bumalik after kumain bago pa man kami ma late..
"Kamusta yung lunch date??"
"f**k s**t!!!" Nagulat ako. Tumawa naman si Aya. "Mushroom ka ba?"
"Bakit?" Ginawa pa niyang tunog naglalaro.
"Pasulpot sulpot ka kasi." Sabi ko naman. Sabay na kaming naglakad.
Hinatid ko pa si Jezra sa room niya kanina bago nakarating dito sa hallway papunta naman sa direksyun ko.
"Paraan mo na ba yan ng pagpapa-ibig mo sa kanya?"
"Sinasabi mo diyan. Hindi ko naman idea kumain sa labas. It's hers." Paliwanag ko.
"At least lumi level up." Inakbayan niya ko. "Congrats. Frenny." Napapailing na lang ako.
"See you later, hatid mo ko." Kaway niya saka pumasok sa designated room niya. Malapit na din yung akin.
Pagpasok ang gulo ng lahat. Halatang wala pang Prof. Kanya-kanya kasi ang lahat. Ang gulo ng mga upuan.
Humanap ako ng bakante at doon naupo. Naramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko kaya kinuha ko yun.
"Thank you sa free lunch." It was a chat from Jezra. Napa ngiti ako. Nilagay ko sa bag ang phone ng mamataan ko ng papasok ang Prof namin.
Nagsi ayos naman na din ang mga kasama ko. "Good afternoon, class." Bumati kami pabalik.
Nagsimula na siyang magturo. Nakikinig naman ako pero tumatakbo sa isip ko si Jezra. Yung detalye ng pag ngiti niya, pag nguya. Nagpa flashback lahat.
Shit!! Ano bang nangyayari?? Nagugustuhan ko na ba siya? No.. Impossible yun. Fresh pa yung samin ni Margaux kaya malabo talaga.
Pwedeng dahil magkaibigan na kami ni Jezra kaya ganito ang nararamdaman ko. Tama. Nagsisimula ng umusbong yung magandang pagkakaibigan.
Dumaan ang dalawang oras. Natapos din sa wakas—one more to go at uwian na—excited akong umuwi para maka bonding si Jezra.
Never pa kaming nag sabay kumain sa bahay. As in.
Sa last subject konti lang yung naging discussion. Nag pa activity lang si Prof tapos nag dismissed din agad—mukhang gusto niya na din makauwi.
Pabor diba.
Naglalakad na ko ngayon papunta ng parking lot. Andun na malamang si Aya.
"Hoy!! Tama na kakangiti." Napa angat ako ng tingin nakasandal nga si Aya sa baby ko.
"Parang kailan lang para kang namatayan diyan. Ang bilis maka move on." Bakit ba puro move on na lang ata naririnig ko.
"Ano bang gusto mo? Magmukmok ako? Antayin kong balikan ako ni Margaux?" Hinagis ko sa kanya ang helmet na kinuha ko sa compartment ng baby ko.
"Aray naman! Porket hindi ako si Ma'am Rendez, mapanakit ka na diyan." Gusto pa atang makatikim ng hampas ng isang to.
"But anyway.. I'm happy na happy ka. Yan ang gusto ko sayo.. You are strong, Aira." Tinapunan ko siya ng mabilis na ngiti.
"Tara na.. Ng makauwi na ko." Sabi ko naman.
"Wow.. Gusto na agad makita ang asawa." Pang aasar pa nito.
Pinaandar ko ang baby ko. "Hinay lang, Aira!! Ang bilis mo nanaman magpa takbo!" Sigaw at reklamo ng nasa likod ko.
Bahala siya diyan. Siya na tong nagpapahatid, demanding pa.