[MAUREEN]
Binagalan ko lang ang pagpapatakbo. Baka kasi hindi na talaga sumakay ulit sakin si Jezra sa susunod.
Hindi ko na siya inabala kung saan ba niya balak dapat kumain. May naisip naman na akong lugar—Sigurado akong magugustuhan niya doon, lalo na ang pagkain.
Pansin ko lang kasi aside sa magaling siya magluto, mahilig siyang kumain.
Paano ko nalaman? Naaamoy ko lang naman sa bahay. Madalang ko din siya makita sa mga cafeteria sa SU.
Lagpas ata sa dalawa Cafeteria dun. Intuition lang naman. Palagay ko umoorder siya online tapos sa faculty office na nila siya kumakain.
I guess parehas kaming ilag sa mga tao?? Well, as for me, I have no problem in crowds but if there is a choice, of course, I'll go with fewer people.
"We're here." Sabi ko ng makarating kami. Labas pa lang ng bistro nakakakuha na ng interest.
"Careful lang." Hinawakan ko ang kamay niya para alalayan siya sa pagbaba. Balak ko pa sanang ako ang magtanggal ng helmet niya pero naalis niya na to.
"Wait for me here. I'll just park lang." Paliwanag ko ng kunin ko ang helmet mula sa kamay niya.
I dropped her kasi sa mismong harap. Medyo malayo ang lalakarin if manggagaling pa kami sa parking lot.
Wala naman siyang naging angal kaya umalis na ako.
"Let's go inside?" Napa igtad siya sa biglang pagsulpot ko ata. Sa likuran niya kasi ako lumitaw.
[JEZRA]
I acted cool kahit iba ang epekto sakin ng pagkakahapit niya sa bewang ko. Yun talaga ang ikina gulat ko kanina hindi ang biglang pag sulpot niya.
"Okay." Pag payag ko. Sa pag lakad namin papasok akala ko mawawala na yung kamay niya pero andun pa din talaga.
Hinayaan ko na lang. Ayokong may kung anong isipin siya kapag sinubukan kong alisin yun. Baka mamaya akalain pa niyang apektado ako.
Wala namang meaning diba? Baka ganito lang talaga siya sa mga 'FRIEND' niya.
"Table for two." Dinig kong sabi niya sa usher. Iginaya naman kami ng huli.
"What about sa 2nd floor?" Ayaw niya ata sa inalok ni kuya. Mukha kasing madaming tao. Hindi naman masikip, napaka spacious nga ng lugar.
Ang classic ng ambiance. Puno ang walls ng mga paintings. Carpeted ang floors, kulay gold yung design tapos red naman ang pinaka background.
Gawa sa kahoy ang upuan, kulay red yung pinaka cover ng part na malambot. The tables were covered with white cloth.
Agaw tingin din ang magarbong chandelier. Sakto lang yung liwanag na nanggagaling roon.
May ilang indoor plant din na nagbigay balanse sa overall upshot nitong lugar.
"May extra charge po.. Okay lang po ba."
"Dito na kasi tayo-" She cut me off.
"That won't be a problem pero gusto ko sa kita sana yung view."
Nakapunta na ba siya dito at expected niyang may scenery.
Oh.. Baka isa to sa mga lugar kung san nag date na sila ni Margaux.
"Sure po.. Follow me, po." Sabi ng usher. Sumunod naman kami.
"Wow!" Pumaskil ang magkahalong mangha at ngiti sa mukha ko. Ang ganda pala ng taas.
Wala pang tao.
"After you." Ipinag hila niya ako ng upuan. Umupo naman ako.
Nang makaupo siya inabot niya sakin ang menu. "What do you prefer?" Tanong ni Maureen. Nasa gilid lang ang lalaki. Tila naghihintay ng order namin.
Ang sosyal. May Italian, Russian at Indian food sila.
"Pasta Alla Gricia might be worth a try." Saka ako nag angat ng tingin.
"You heard my wife. Mine will be Chicken Alfredo." Alam niya na agad ang order niya so pwede ngang hindi niya first time dito.
Pero hindi yun eh. Tama ba ang dinig at pagkaka intindi ko? Is that her way of flexing me as her wife?
"Wifey, drinks?" Pinanindigan niya na talaga ang endearment na yun. Iniisip ko tuloy, ano bang tumatakbo sa isip niya.
Hindi na ako nag abalang tumingin pa sa menu. "Meron ba silang avocado shake?"
"One avocado and pomegranate shake." I guess meron dahil sinabi niya na kay kuya eh.
"Right away, po." Paalis na sana ito. "And two small bottles of bottled water, please." Ng magdagdag si Maureen.
"Madalas ba kayo dito ni Margaux?" Wala sa isip ko yun. Basta na lang lumabas sa labi ko.
"Bakit mo naman natanong."
"Wala lang. Just asking." Wala naman talaga. O meron ba? I don't know.
"This is my first time here." Ah, hindi halata. Binabasa ko ang facial features niya pero wala. Wala akong mapala.
"You don't believe me?"
"Bakit naman ganyan tanong mo?"
"Mukha kasing hindi ka naniniwala. Honestly, I never bring her sa mga ganitong place. She hates this."
Okay. I'm not asking if gusto niya ba. Tumango na lang ako na inilibot ang mata.
"I'm impressed you seem to like it." Bakit naman kasi hindi?
"Makaluma kasi yung style kaya for sure hindi ito magugustuhan ni Margaux."
Ah, so ang tingin niya sakin makaluma at si Margaux makabago kasi mas bata?
"..Which is my style.." Siya naman ngayon ang lumibot ng tingin. So opposite sila ni Margaux.
"Nakita ko to sa tikt0k. Eh, balak mo pa lang kumain sa labas so naisip ko dito ka dalhin."
Okay..
"I'm surprised you are fond of pasta." Yun lang?
"Margaux hates it—especially the white sauce." Si Margaux pala ulit.
"She prefers salad all.. the.. time.." Ang dami pa niyang naging kwento at puro... Margaux.
There's nothing wrong naman kaya lang.. Wala naman dito yung gusto niyang topic.
"How about you?" Nakaramdam ata. Puro pag tango na lang kasi ang ginawa ko.
"What about me?" Wala na ba siya masabi about Margaux kaya nalipat na sakin?
"Nagka boyfriend ka na ba?" Oh shoot.. Yan talaga ang pag uusapan natin? Balik na lang tayo kay Margaux. Okay na ko dun. Tss.
"Don't tell me hindi ka pa nagkaka boyfriend? Sa ganda mong yan?" Yun ba basihan? Tss.
"Once and will be my last." Pinaramdam ko sa kanya na ayokong pag usapan pero manhid ata.
"Dahil ba sinaktan ka niya?"
"Sorry, Maureen, pero... Can we talk about something else? Aside from exes?"
Ano ba naman kasi tong bata na to? Past is past. Kaya nga past. Dapat di nga bini bring up—gustong gusto niyang sinasaktan sarili niya noh.
"You're still affected? Hmm.. Looks like you loved him so much." Hinga ng malalim Jezra. Sayang ang magandang place na to.
[MAUREEN]
I bring up Margaux kahit ayoko pag usapan para lang maging comfortable si Jezra kapag turn ko ng magtanong about past relationship niya if meron man.
Sabihin na nating gusto ko siyang mag open up. Nagawa nga ni Aya so possible din niyang gawin. Yun nga lang magkaiba nga pala sila.
Ewan ko pero feeling ko there's a connection sa past—Doon ko mas lalong makikilala si Jezra.
Napaka mysterious niya kasi at naho hook akong malaman. There's something in her that needs to be unleashed.
Nakita kong umayos siya ng upo bago nagsalita. "I don't get the point kasi. Past must be buried in the past. Why would I talk about it? What will I gain?"
"Tama ka naman, but maybe it depends on people—magkaka iba naman tayo ng perspective diba. Well, for me.. Like you said, it's all in the past, so madali na lang pag usapan. Make sense?"
She leaned over, placing her elbows on the table as her fingers intertwined.
"So.. You are saying move on ka na kay Margaux kasi ang dali na lang sayong pag usapan." That.. caught me off guard.