NAGISING ako ng marinig ko ang tunog ng alarm ko. Wala sa sariling tinungo ko ang kwarto ni Maureen pag bangon ko pa lang.
Ang gulo pa nga ng buhok ko at wala pang mumog, hilamos man lang. Pagdating ko roon naka uwang ang pinto kaya sumilip ako.
Wala na siya pero ang magulong kama niya ang kumuha talaga ng atensyon ko. Idagdag mo pa ang parang binagyong kwarto niya.
Mahahalata mong hindi sanay sa buhay mag-isa. Siguro dahil anak mayaman o baka dahil bata pa??
Sanay siyang may taga ayos ng mga gamit niya. Ganun.
Pero mayaman din naman kami. Kung sabagay naging masinop ako sa lahat ng bagay dahil sa dating nobyo ko.
Ewan ko ba pero lahat ata ginawa ko noon para ma impress ang kumag na yun.
Kahit pananamit ko ibang iba noon—Nagsimulang magdilim ang lahat ng iwan niya ko. Ang sakit pero ganun talaga ang buhay. Kahit ibigay mo pa ang lahat kapag iiwan ka iiwan ka talaga.
Alam ko naman... Because of his parents, pero wala ba siyang bayag para ipaglaban man lang ako? Lalo pa at hindi naman na siya nun dependent.
Ahead kasi sa akin ng six years ang ex kong yun, which means employed na siya at kung itakwil man siya ng mga magulang niya hindi siya magugutom.
Pero still mas pinili niyang I give up ako ng wala man lang pasabi—bigla na lang naglaho na parang bula.
Sana man lang sinabi niya... "Ui.. break na tayo.." pero wala.
After that, I became self-reliant in any aspect of life, untouchable, aloof sa lahat, walking in disguise.
I mean, I'd rather die single than have someone, pero puno ka naman ng takot, pangamba kakaisip kung hanggang kailan ka hindi mag iisa.
So better sanayin ang sariling.. Ikaw lang.. Hindi ko kailangan ng kahit na ano galing sa iba or kahit na sino. I can take care of myself.
Nagsimula na akong mag prepare para sa pagpasok after kong mag breakfast ng sariling luto ko.
Yes.. Pati pagluluto pinag aralan ko para sa ex ko. Madami pa hindi lamang yun pero ayoko ng isa isahin pa dahil naiisip ko lang yung madaming effort na nasayang sa maling tao na yun.
But at least I can cook for myself now without depending on maids or my mom. In short, I'm an island that does not need a man. You know what I mean.
20 minutes before my class nasa University na ako. On the way na nga ako sa faculty office ko after ko ma park ang kotse ko.
Isa pa pala.. Maaga din akong natutong mag drive kasi nga hatid sundo ako noon ng ex ko. Simula ng maglaho siya, ginusto kong matuto ng mga bagay na it would end me up without seeking help from others.
Like in everything, I would let myself struggle alone rather than let anyone interfere with my life.
"Ano ba? Ang kulit mo naman. Which part of what I've said you find hard to understand??" Natigilan ako sa strong, unbreakable voice na yun.
But that's not the reason, instead, because it's familiar.
"Single ka naman na, Mau. Wala na kayo ni Margaux. Sinundan pa nga kita dito-"
"May sinabi ba akong sundan mo ko?? Bat ba ang tigas mo?? Wala kang mapapala-"
"Just give me a chance, Mau. Nauna naman tayo bago kayo ni Margaux diba? Isa pa mas kailangan mo ko ngayon para mas madali mo siyang makalimutan."
"f**k s**t! Kahit ikaw na lang ang tao sa mundo.. You listen to me. Itatak mo sa mapurol mong utak! Hindi ako magkakagusto sayo! Okay! So f**k off!!"
Mukhang hindi nila ko napansin dahil abala silang magsagupaan ng matatalim na salita.
Nakita ko pa ang paghawak ng lalaki sa kamay ni Maureen. Agad din yun nawala dahil pinihit ng huli ang braso nito.
"Ahh- Aww!!"
Humanga ako. Palaban talaga ang stubborn, spoiled brat na to. Walang sinasanto.
"Mapanakit ka pa din. I like it."
Aba! What a jerk.
"Hindi lang yan ang aabutin mo kapag hindi mo ko nilubayan. Magkaroon ka naman ng hiya sa sarili mo. Goodness!"
Aalis na sana ang huli pero muli nanaman siyang hinarang ng mukhang aso na ayaw tumigil sa kakahabol.
"Can you leave my wife alone?" Sabay silang napatingin sa gawi ko.
Kumunot ang noo ng lalaki na halatang naguluhan sa narinig.
Blangko naman ang mukha ng isa na parang wala man lang akong naging epekto sa kanya. Hindi rin naman ako nag expect.
"I can sue you for harassing my wife." Dagdag ko pa ng mas makalapit ako sa kanila.
"You don't have to meddle on my issues, Jezra." Wow.. Name basis na ah kahit nasa school.
"Why not? After all, I'm indeed your wife." Pagkasabi ko nun bumalin ako uli sa lalaki.
"We got married. The reason why Margaux broke up with her." Alam kong mang gagalaiti itong babaeng nasa tabi ko lang pero wala akong pakialam.
Nasa mood ako ngayon to have some fun.
But to my surprise, wala man lang siya naging reaction. Sobrang stoic ng mukha niya.
"Yeah... She's right... She's my wife, so deal with her from now on and stop pestering me, asshole!"
Napangiti na lang ako sa finality speech niya sa lalaki. Hindi ko inaasahan yun. Sa pagkaka alala ko ayaw niyang may maka alam ng tungkol sa koneksyun namin.
Nauna na itong umalis. Naiwan naman kami ng lalaki. Tinapunan ko siya ng makuha ka sa tingin look.
Tingin ko naman na gets niya dahil nag sorry ito. Umalis na nakayuko. Nabangasan ang angas. Mabuti naman.
[MAUREEN]
Maagap akong nag ayos ng gamit ko ng mag dismissed ang Professor namin—Kinuha ko agad ang phone ko para tawagan si Aya.
Tama.. Naging kaibigan ko na nga siya. Mabilis kaming nag click dahil halos magka ugali kami maliban na lang siguro sa isang bagay.
I won't ever, never ruin my future kahit ano pang sitwasyun ang kahantungan ko. I will always find a way to do better.
Better approach to any problem. Yeah.. I'm a hopeless romantic type of person but strong enough to deal with anything like anything.
Kaya itong break up namin ni Margaux, alam kong kaya ko to. I may be hurting right now, but I can still maneuver my life toward success.
Mababaw man luha ko doesn't mean I'm weak. That's my cope up mechanism. Release all the heaviness crushing your soul, then get back on your feet afterward.
"Hindi ka pa din ba papasok sa mga subjects mo?" Magkasama na kami ngayon ni Aya.
"I don't know." Sabay ng pag angat baba ng balikat niya.
"I get you naman, Aya, pero ikaw na din ang nagsabi na partly may fault din ang ex mo. Marupok siya. Now it's time to think of yourself. Set aside mo muna yung laban mo sa parents mo."
Paliwanag ko habang kumakain siya. I just want to make a point. Besides concern na ko sa kanya dahil nga kaibigan ko na siya.
Kung ibang tao edi bahala sila.
"I'm not telling you na hayaan na lang ang parents mo paniwalaan ang gusto nila. All I'm saying is prepare yourself. Get ready. Kapag andun ka na sa edge ng success, and you don't need to depend on them anymore, then cut ties with them."
Natigilan siya, nagsalubong ang mga kilay na tila napaisip ng malalim.
"Right... You are right, Aira." Tumango tango itong ngumiti. Mababakas sa mga mata niya ang panibagong pag asa, a purpose.
I'm glad she took my advice.
"Prove them wrong.. That is how you get revenge." Ginesture ko pa ang AJA!
"So.. See yah later?" Paalam ko dito. Tapos na lunch break namin. Nag offer ako ng free ride home sa kanya para hindi na siya mag commute.
Pati kasi auto niya hindi lang mga credit cards kundi lahat ng privilege seized sa kanya.
Grabe din talaga parents niya—Ayun ang mahirap kapag mismong pamilya pa natin ang hindi tayo tanggap.
Sabi ko sa kanya tiisin na lang muna niya. Soon, she'll be free to do whatever she desires and be whoever she wants.
Papunta na ko ngayon sa sunod kong klase. Makikita ko nanaman si Jezra. Naalala ko tuloy yung bold move niya kaninang umaga.
Hindi ko inaasahan yun pero mas hindi ko inasahan ang naging tugon ko. Nitong mga nakaraang araw parang hindi na nagma matter sa akin ang kasal namin ni Jezra.
Maybe I reach the point where I realize there's no point at all in fighting back against everything that was suddenly dropped in my life.
Margaux already gave me up, so what's the deal now? Right?
Then be it. Whatever there was on the table. Why would I look for something to use that isn't there when I have something in my hand that can be useful?
I'm not saying na hindi ko na mahal si Margaux. Of course, I still f*****g do. So much, but damn.. I can't be stuck in one place. I need to think of myself, too.
Living on Earth is like a survival quest.