7

1219 Words
[JEZRA] Halos time na pero wala pa din si Maureen. Panay ang sipat ko sa wristwatch ko. Malapit na mapunta ang mahabang kamay sa 12. Kapag nangyari yun, I need to mark Maureen absent. Walang exemption kahit pa mag asawa kami sa papel. I'm very strict when it comes to my rules. Saktong pag tungtong ng 1 pm dumaan sa harap ko si Maureen. Napangiti ako ng hindi ko alam kung bakit. I guess as a Professor, you'll be happy if all your students are present. "Today, we'll just have a quiz. When you finish answering ahead of time, then you may go." Nag sigawan sa tuwa ang lahat maliban sa isang tao. Wala bang ibang kayang magpa saya sa kanya kundi si Margaux? Umiikot lang ba mundo niya ron? Hai naku.. Pinahihirapan niya lang ang sarili niya. It's not worth the grief. Kung talagang mahal siya nung tao hindi dapat siya sinukuan ng ganun kabilis. Lalo na kung ginawa naman niya ang lahat. I know she promised Margaux about the divorce. Yun naman talaga ang plano namin ni Maureen. Magtatapos lang siya ng College. Kukuha lang kami ng tamang syempo sa mga magulang namin. Naalala ko I even talk to Margaux nung one time nagpunta siya ng bahay para kay Maureen. I made it clear to her na walang mamamagitan sa amin ni Maureen. I did my part already. Hindi ko na kasalanan or problema kung naghiwalay pa din sila. As if naman hawak ko ang last cards. Prenteng naka upo ako, nakayuko habang nag sisimula na silang mag sagot. 200 items yun. Covered lahat ng mga na discussed na namin. It's a combination of fill-in-the-blank and choose the correct answer. Kung nakapag review sila madali lang nilang matatapos pero kung stock knowledge ang labanan. I doubt. Malas lang kasi, I always do surprise quizzes. Kumurba pareho ang kilay ko ng may papel na bumalandra sa harap ko. Napa angat ako ng tingin dahil doon. "You're done?" I was amazed by her dahil wala pa atang 20 minutes ang lumilipas pero hindi ko pinahalata—Baka lumaki ulo niya. Isa pa.. Hindi pa naman sure kung tama ba lahat ng mga pinagsasagot niya. "Wow! ang bilis naman ni transferee." Hindi ako nagawang sagutin ni Maureen gawa nung nagsalita. Yung dalawang beses niya ng nakaaway. "Will you just shut the f**k up?" "Hey.. Language." Akala ko paiiralin nanaman niya impulsiveness niya. Mabuti naman at nasindak ko siya. "So.. Can I leave now?..... Ma'am?" Lalakad na sana to ng tawagin ko siya. Nakita kong tila pagod siyang humarap. "Give me a minute or two." Saka ko chineck ang paper niya. Napapa angat na lang ang kilay ko. Wow.. Just wow.. Last ten numbers na lang.. Mukhang perfect ata niya?? What??? Wala pang nakakagawa nun sa halos three years ko ng Professor. Tahimik lang si Maureen sa class ko. Never siyang nag participate sa recitation, but she does in activities. Or let us just say na she won't talk unless it is needed. I didn't expect she'd be this smartass. Okay.. Pwede naman palang maging spoiled brat. "You may go now..." Tumalikod na siya at nakarating na nga ng pinto "...Ms. Rendez." Natigil ito sa huling dinugtong ko. Wala lang.. Trip ko lang siya asarin. Last time kasi inis na inis siya. But in my dismay.. nagpatuloy ito sa paglabas. [MAUREEN] Huminga lang ako ng malalim ng marinig ko nanaman ang surname niya na isinunod sa pangalan ko. Nananadya ba talaga siya? I'm sorry to disappoint her, but that won't get me. Bored ba siya sa buhay niya? Kung sabagay sinong hindi? Wala nga siyang love life at tumatanda na siya. Mukhang hindi pa nga siya na in love. Tss. What a pity. After ng last subject ko hinintay ko si Aya sa parking lot. Muntik ko pang makalimutan na I offer her a free ride. "Kanina ka pa?" Nawala sa phone ko ang tingin ko. "Nope.." Sagot ko. "Sorry. Ang tagal kasi nung amoy lupa naming Prof.." Napangisi na lang ako. Siraulo talaga ang isang to. Inabot ko sa kanya ang extra helmet ko. Yeah. I know how to drive a motorbike. Minsan nga I do auto racing, but Mama doesn't know. She might end my life. Pero si Papa, he knows, of course—Mas maka tatay talaga ako. Kaya naman ng mag hiwalay sila at napunta ako kay mama dahil sa batas natin na from 8 year old below sa mother ang bata. They can't choose their father even if they want to. Medyo may tampo din naman ako kay Papa dahil nakalimutan na ata niyang may naunang panganay siya. I'm not mad he fell in love with somebody else dahil wala na sila ni mama ng mangyari yun. Di ko lang matanggap pati ako parang tinapos na din niya ang meron sa amin. "Hold on tight, okay." Paalala ko kat Aya bago ko pinasibat. "Slow down naman, Aira! Oh Gosh! Gusto ko pang mabuhay.." Natatawa na lang ako sa whimper niya. Ang higpit na ng pagkakayakap niya sakin. Jowa yan?? Na-miss ko tuloy si _ _ _ _. Haist.. Nevermind. "Thanks sa paghatid. Gusto mong pumasok?" "Hindi na.. Next time na lang. Mamaya isipin pa nila bagong jowa mo ko." Sabay kaming natawa. "Oo nga pala.. Aya?" Nahinto ito sa pagpasok ng gate nila. "Yeah??" "Gusto mong manuod ng auto racing?" Kumunot ang noo nito. "I don't have someone to cheer kasi." Napangiti siya. "Ohh.. You do motor racing?" Tumango ako ng may kasamang ngiti. "Yup.. So wanna watch me?" "Oo ba.. Count me in." DUMATING ang araw ng race. Gaya ng pangako ni Aya present siya. Nasa pinaka malapit at best spot siya ngayon. Kanina lang bago siya nag punta doon. She congratulated me in advance. Supposed to be si Margaux ang kasama ko sa mga ganitong happy pill moment ko but sad to say, mukhang malabo na yun mangyari. [JEZRA] Araw nanaman ng kalayaan dahil walang pasok. "Hmmmmm!!" Binagsak ko ang katawan sa kama after kong maligo. Medyo late na ako nagising pero hindi pa ako nakakaramdam ng gutom. Bigla ko naisip kung paanong nakaka kain si Maureen. Never ko kasi siyang nakitang nagluto or dinatnan man lang sa dining. I'm just wondering lang. Speaking of her, maaga siyang umalis. Ewan ba sa batang yun. Kahit weekends madalang mapirmi ng bahay. Ako mas gusto ko pang mag stay indoor kaysa magpa gala gala kung saan saan. I was about to come out of the room when I heard my phone rang. Ayoko sanang sagutin dahil alam kong si mommy lang yun at ayoko siyang makausap. Stress lang abot ko sa kanya. "Hello? Who's in the line?" Unknown number kasi. "Ahm.. Ahh, Ma'am si Aya po ito... G-gamit ko po yung phone ni Aira-" "Sinong Aira?" The last time I checked, I didn't know anyone having that name. "Ma'am naman. Asawa niyo po. Anu po kasi.. Am.." She sounded anxious... worried?? I guess.. Nahawa na din tuloy ako. "Talk, Aya.. What's the matter??" Bigla kasing sumama ang kutob ko, knowing her as Maureen's friend. Probably, it was about Maureen—Wala naman akong ibang pinakasalan. Duh! "A-andito po kami sa hospital. She badly needed you-" "What?? Where to? Send me the address." Binaba ko na at mabilis na nagbihis bago pa man makasagot sakin si Aya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD