8

1031 Words
[MAUREEN] "f**k! I told you I'm fine." Hindi ko alam kung paanong may number siya ni Jezra. Si Papa naman talaga ang pinapa tawagan ko sa kanya pero out of reach. Ayoko namang si Mama dahil war lang bagsak ko dun tas malalaman pa niya ang secret ko. "Asawa mo naman siya kaya okay pa yan." Mababatid mo pa din talaga ang pag-aalala sa kanya. I'm lucky to have Aya as my newfound friend. Sobrang introvert ko kasi kaya wala akong kaibigan. Hindi din naman ako friendly na tao "Where is she? OH MY GOD! What happened to you??" Ang OA naman maka react ng babaing to. "Nothing happened. Exaggerated ka lang." Masamang turan ko sa bagong dating. "Maiwan ko muna kayo. May gusto kang kainin?" Umiling ako kay Aya. Ang gaga lumabas naman. Akala niya ata pagkain yung tinutukoy ko. Ayokong maiwan mag isa sa babaing to. Hindi ako komportable. Tss. "Sinong gagong may gawa nito sayo? Huh? Tell me.. I will sue them.." Oh Gosh.. Patience, please, lord. Give me more of it. "I'm fine, Jezra." "Anong fine na pinag sasabi mo diyan? Kulang na lang maging mummy ka. Puro bandage ka na." Napatingin pa tuloy ako sa sarili ko. "Wait.." Nagsalubong ang kilay kong may naisip. "..Are you worried about me?" Yun kasi ang nakikita ko or magaling lang siyang umarte. "Of course.. What kind of question is that?" I am just eyeing her. Should I believe her? "What I mean is.. Of course, kasi w-we're married on paper, r-right? It means k-kargo kita." Ako lang ba? Is she somehow stuttering? "Wait.. I'll call your mom-" "Don't you dare!!" No.. She can't do that. Patay ako. Nagtaka siya. "And why is that?? She must know-" Akma niya ng gagawin. "Please, Jezra.. Don't! I'm begging you wag.. Anything.. Ask me anything.. I'll do anything.. J-just don't let Mama know this." Mas lalo siyang naguluhan. Shit. I'm doomed. "Sa auto racing ko to nakuha. Mama doesn't have any idea about it. Kapag nalaman niya pagbabawalan niya ko.. So, please, Jezra." I'm deadly desperate, convincing her—Ito na lang ang natitirang happiness ko—Hindi pwedeng pati yun alisin ni Mama. "O-okay... But are you really okay??" I gesture yes. "What about Margaux? Do you want me to call-" "No! f*****g hell no!" "Alright.. Easy tiger." Umiwas ako ng tingin bago pa niya mapansin ang hindi dapat. Tahimik kami ni Jezra hanggang makabalik si Aya. May dala na nga itong food. "Ma'am.." May inabot siya roon. "I'm still good. Si Maureen na lang." Tumanggi din ako dahil hindi pa naman talaga ako gutom. More like inaantok. "Alam mo Frenny.. Hindi ka naman talaga maa-aksidente. Nakita ko eh. Nadamay ka lang dun sa katangahan nung naka all black suit.." Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa way ng pagkukwento ni Aya. Hindi ako makatawa kasi may sugat pati labi ko. Ewan ko panu nangyari dahil hindi naman lumipad helmet ko. "Pero grabe ah... Ang galing mo talaga. Winner ka pa." Itinuloy ko pa din kasi kahit natumba na ko. I was still able to touch the finish line first. "Aira.." Maya maya pa ay tawag sa akin ni Aya. "Hmm?" Nakapikit lang ang mga mata ko. Yung totoo gusto ko ng matulog, nahihiya lang talaga ako kay Aya. "Gustuhin ko man mag stay... Kailangan ko ng umuwi. Andito naman ang asawa mo." Napadilat ako. "Ui sure. Ano ka ba. Kaya ko naman na sarili ko." Kahit nga isama mo na rin sa pag alis si Jezra. Madali ko lang naman matatawag yung nurse kung kailangan. "Mag pagaling ka ah. Tatamarin akong pumasok eh. Walang magmo motivate sakin." Komento nito habang may nakapaskil na ngiti. Nginitian ko din naman siya ng may pag tango. "So.. I'll go ahead na. Ma'am ikaw ng bahala sa frenny ko." Tumango ng may pangiti din naman ang isa. Marunong pala siyang ngumiti o baka pakitang tao lang. Dalawa na lang kaming naiwan ni Jezra kaya makakatulog na ako. Bahala siya kung aalis na siya. Wala namang problema sakin. Ayun na nga at pinikit ko na uli ang mga mata ko hanggang lamunin na talaga ako ng antok. [JEZRA] I wanted to go, but for some unpin point reason, I could not—mukha namang keri na ni Maureen ang sarili niya hindi ko lang talaga maatim maiwan siya ditong mag-isa. I felt like I had to stay for her. Arrgg.. This kid is really a pain in the ass. Ano ba kasing napapala niya sa racing racing na yan?? Oo nga pala at ito ang napala niya. Bangas hanggang mukha. Kasalukuyan ko siya ngayong pinagmamasdan. Ang amo ng mukha niya pag tulog. Sana lagi na lang pala siyang tulog. Pagtingin ko sa wristwatch ko 10 pm na pala. Nakakaramdam na din ako ng gutom kaya binalikan ko yung pagkaing alok kanina ni Aya. Saglit lang akong kumain bago naghanap ng mapagkaka abalahan. Hindi pa man din kasi ako inaantok. Good thing wala pang pasok bukas. Makapag basa na lang muna. "Mistake I won't regret.." Hmm mukhang maganda. Pero meron bang ganun?? Kabaliktaran ata yun sakin. Ako pinagsisisihan ko lahat ng pagkakamali ko. Number one na doon ang piliin ang taong mas mahal mo kaysa mas mahal ka. Hindi ko na ulit papasukin ang ganun pero sabi ko nga pala kaya kong mabuhay ng ako lang. So hindi na ako aabot ulit sa puntong magmamahal. First 5 chapters pa lang ng nababasa ko naaaliw na ko. Ang galing naman ni Author. Now I get it kung bakit Mistake I won't Regret ang title. Kasi nga naman naging way yung mistake na yun para makilala yung the one niya. Okay.. Na justify naman. Natigil ako sa pagbabasa ng magsalita si Maureen. "You're still here?" Mukha bang nakauwi na ko? "Pwede ka ng umuwi, Jezra. Honestly, hindi ko alam kung bakit tinawagan ka pa ni Aya. Kaya ko naman sarili ko." Oo nga.. So.. Should I go?? Tumayo ako, about to head home pero natigilan nanaman ako. "Sabi naman ng Doctor pwede ka ng lumabas bukas. Ilang oras na lang naman yun." Bumalik ako sa pagkakaupo. "Suit yourself." Taas talaga ng apog. Bata talaga. Hindi marunong maka appreciate.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD