[MAUREEN]
Nang magising ako ulit andito pa din si Jezra pero di gaya kanina, nakatulog na to. s**t naiihi ako.
Sinubukan kong gumalaw. Kaya naman pero nahirapan pa din akong makababa ng bed. f**k! Hindi ko na alam kung anong gagawin. Lalabas na talaga.
Nagpakawala pa ko ng hangin bago binalingan si Jezra at napa isip kung gigisingin ko ba siya. Sabi ko pa man din kanina kaya ko ang sarili ko tapos ngayon aabalahin ko siya.
"Hmm.. J-je.. Jezra.." Walang naging epekto. "Jezra!" Damn! Tulog mantika.
"Jezra!!" Mas nilakasan ko pa pero wala pa din. Nag isip ako ng ibang paraan hanggang makita ko ang magazine na nasa table malapit sakin.
Kinuha ko yun saka ibinato sa kanya. "Aw!! What's your problem, spoiled brat??" Hindi maipinta ang mukha nito.
"Hindi ako spoiled brat noh!" Wala naman kasing basihan nung paratang niya sakin. Sandali pa lang kaming magkakilala at halos hindi nga kami magpanagpo sa bahay.
May masabi na lang ang babaing to. Kung spoiled brat ako edi sana nasunod yung protesta ko tungkol sa lintik na kasal na to.
"Hindi ba? Oh, eh diba, you do whatever pleases you." Tinutukoy ba niya yung pakikipag away ko?? Tama naman yung ginawa ko.
"Ano bang kailangan mo? I thought you could manage yourself." Yeah.. As much as I don't want to ask for help, especially to you, I have no other option.
"I need to pee.. I can't get down with this f*****g bed." Ang taas naman kasi talaga. Nakita ko ang bagot niyang pagtayo.
Nang makalapit siya sakin inilahad niya ang braso niya. Doon ako kumapit, kumuha ng pwersa para matulungan kong maigalaw yung katawan ko.
Nang mapansin niya atang nahihirapan pa din ako, kumapit na ang isang kamay niya sa likuran ko habang sa isa naman ako humawak.
Yung isang buong paa ko kasi ang hindi ko maigalaw ng husto. Tapos idagdag mo pang medyo masakit yung balakang ko.
"May galit ka ba?.. Masakit!" Medyo ramdam ko kasi yung madiin niyang pagkapit ng nasa tagiliran ko na yung pag alalay niya sakin para dahang makababa.
God knows how awkward it feels right now, but I can't deny her smell is alluring.
"I didn't purposely do it, okay? You're so grumpy. As if it's always my fault for everything bad that happens to you."
I was taken aback sa sinabi niya. Ganun ba palagi ang nararamdaman niya? I didn't mean to. It's just that everything was so frustrating.
The sudden engagement announcement.. The wedding.. Yung paglipat, pagtira sa iisang bahay.. Yung pati school ko. Yung break up namin ni Margaux. Lahat..
Sa isang iglap ang gulo gulo ng dating tahimik kong buhay.
"S-sorry." She hissed at my words, "You know that word pala? Hindi halata ah!" Sa wakas nakababa din. Naka akla ang isang kamay ko sa batok niya.
"If you are just gonna mock me and don't want my apology, then better to shut your mouth." Bigla na lang niya kong binitawan.
"You woman! What the actual f**k?!" Na out balance lang naman ako. Buti naisipan pa niyang saluhin ako bago pa man sumubsob mukha ko sa sahig.
"You always curse.." Hindi na ko sumagot dahil baka maihi na lang akong di oras sa salawal ko.
Naka alalay pa din siya sakin hanggang pinto ng banyo. Doon pa lang kami tumigil.
"Kaya mo na dito?"
"Hmmm." I hummed, then slowly slid inside the bathroom before closing the door.
Nakahinga ako ng maluwag ng mailabas ko na ang kanina pang nag aalboroto sa bladder ko.
"Weew.." Mabuti na lang maayos kong naigagalaw ang parehas kong kamay kaya madali na lang akong nakapag hugas.
Thanks sa videt at tissue. Kasabay ng pag angat ko ng undies ko ang dahang pagtayo ko din.
Okay na sana ng mapaupo ako ulit ng toilet bowl. "f**k!! So frustrating indeed!" Sinubukan kong makatayo sa abot ng makakaya ko pero bigo ako.
Napabuntong hininga ako ng masama. I hate it!
"Amm.. J-jezra.. You there??" Pinakikiramdaman ko kung narinig ba niya ko pero mukhang hindi kaya tinawag ko siya ulit.
"What now?" Mataray nitong tugon. Nakakahiya talaga yung sitwasyun kong nakikita niya.
Naka upo ako na parang baldado tapos siya nakatayo sa harap ko with arms on her chest.
"Help me stand." Lumunok pa akong nag iba ng tingin. Nakita ko naman ang paglapit niya sa peripheral view ko.
I know she hates it as much as I do. Kasalanan niya yun, nag stay pa kasi siya. But to be honest, di ko alam gagawin ko kung wala siya ngayon.
I don't want nurses to be near me. Mas stranger naman silang hamak kaysa sa maleficent na kasama ko.
"Slowly.." Paalala niya habang tinutulungan na akong makaalis sa kinasadlakan ko. Sa pag hakbang ng maayos kong paa hindi ko inasahan madudulas ako.
Naramdaman ko na lang ang malambot sa mukha ko. f**k s**t!! I know what those are. Nagmadali akong makalayo.
It's like a slow motion—sobrang lapit ng mukha naming nagkatitigan.
"Your beautiful.." f**k! What??? Mentally, I want to slap myself for suddenly letting out those words.
Nakita ko ang pagkurap kurap ng mga mata niya. "I-ikaw din naman." So tama nga ang akala kong sa isip ko lang sinabi.
Did I just compliment her, and so did she?
"It must be the meds.." Tama.. Baka dala na lang to ng mga pinasak nilang chemical sa katawan ko.
Nangunot ang noo niya. Ang sama.
"What?? What are you saying?? That I'm not beautiful?? That you are just hallucinating things??"
I'm dead. Sobrang dilim ng awra niyang madilim na nga.
"It's not bad to sometimes admit things..." Pahabol pa niya habang palabas na kami. Hindi na ako makapag salita dahil mukha akong tanga.
Pahamak naman kasi tong bibig ko. Maganda naman talaga siya. I won't take that from her, but it was not my intention to broadcast it to her, noh.
"Fine.. You are pretty but not my type."
"As if I care naman, Maureen."
"Na anu? Na maganda ka?"
"Na. I'm not your type.. Duh! Did you even ask me if you are my type?" Rebut nito.
Nanahimik na ako para matapos na pero ang totoo may naalala kasi ako.
That's the exact words Margaux told me when we were like best enemies pa.
"Did you even ask me if you are my type." Those are the words.
"Anyare? Naubusan ka na ng bala?" Saka lang ako tila bumalik sa realidad ng muli siyang magsalita.
Nakabalik na ko ng kama. Feeling ko buong isang araw na yung nagdaan.
"I'm just tired." Sabi ko na lang, which is half true.
Naglakbay uli ang utak ko ng nasa couch na si Jezra. Na-iimagine kong si Margaux ang nasa pwesto niya, but I doubt.
Hindi kasi maasikasong tao si Margaux. She's sweet and clingy pero sa mga bagay na ginawa ni Jezra kanina... I didn't get the chance to experience that or at least witness it.
Or maybe wala pa naman kasi sa point na kailangan gawin ni Margaux yun.
"Hey! What are you doing?" I throw her a 'what' look.
Tumayo siya at lumapit sa akin.
"Give me that." Hinablot niya ang paper bag na nasa kamay ko. Iyon ang pagkaing binili kanina pa ni Aya.
"Gutom na ko."
"This is already wasted. Kanina pa to." O-okay. Hindi pa naman expired.
"Wait here.." Natulala na lang ako sa paglabas niya. Saan naman siya pupunta. Mukhang alanganing oras na.