[JEZRA]
"Hmmmm!!" Napa inat ako sa sobrang pagod, mentally and physically.
Malapit na kasi ang FD ng Samson University tapos ang faculty pa namin ang naatasan mag manage ng lahat.
This year daw kasi it's our turn—timing pa talaga sakin natapat. Two years pa lang naman ako dito.
Dahil ako ang head ng faculty nasa akin tuloy yung matinding pressure.
Ahh!! Nakaka stress malala. Sa dami ng activities alam naman ng lahat na mas focus ang mga bata sa mananalong Mr. and Ms. Samson.
Shemay.. Speaking of that. Mamaya pala yung screening ng bawat section from different courses.
Wala akong idea kung ilang oras aabutin yun. Maisip ko pa lang napapagod na ko. Damn!
Buhay Professor. Kasama ba to sa job description namin? May dagdag sahod ba sa dagdag effort maliban sa pagtuturo, handle ng mga stupidyante? Pag gawa ng lesson plan.
[MAUREEN]
"Who the f**k voted me??"
"Kalmahan mo lang, Aira. Ano bang iniiyak mo diyan?" Andito kami ngayon ni Aya sa quadrangle naka lupasay literal.
Naiinis ako dahil ako lang naman ang napili sa section namin para itapat sa Mr & Ms. Samson sa FD.
"Wala pa naman finale. Wag mong angasan sa screening. Tapos ang problema mo." Paliwag pa nito.
Di ko na mabilang nakailang buga na ko ng hangin. Wala kasi talaga akong hilig sa mga extra activities na ganyan.
Buti pa kung sa Intrams. I'm gonna join volleyball.
"Sasamahan mo ba ko?" Sana free si Aya. Ayoko magpunta mag isa dun. Anong malay ko sa magaganap sa screening na yan. Dami nilang alam.
Pasabugin ko tong University na to eh. Makita nila.
"Hindi na kailangan, Aira dahil ako din." Na pa 'oh' na lang ako ng magets ko ang ibig niyang sabihin.
"So pang l***q+ community pala ang event na to.." Naiiling na sabi ko.
"Oo nga eh. Balita ko sa ibang block din daw nga femme lesbi." Natatawang komento naman niya.
Sa mga hindi nakaka alam ang may ari or at least president nitong Samson University ay si Ice Queen Samson Blossom, a proud part of us.
Kanino ko nalaman? Syempre lumilipad ang balita.
Dyosa daw talaga yun at full support sa mga gaya namin ni Aya. Pati asawa daw nito saksakan din ng ganda.
I think their love story was published in g********l app. The title was Mistake I Won't Regret—Gusto ko ngang basahin dahil naintriga ako.
"Kumain na muna tayo, Aya. Gutom na ko." Hinila ko siya sa kamay ng makatayo ako.
"Wag magpabigat!" Lakas kasi ng trippings ng bruha.
"Kaya mo ba kong buhatin, Aira?" Ah!! Demanding yarn?
"Ano ka jowa?" Sabay irap ko dito.
"Bakit hindi ba ko jowable?" Ngumisi ito ng may tila nabuong hindi kanais nais sa utak niya.
Mukhang alam ko na at hindi ko nagugustuhan. Mang aasar nanaman kasi siya.
"..Oh.. My wife ka na nga pala. Kamusta pala kayo nun? In fairness huh, kung hindi ko lang alam yung set up niyong dalawa, iisipin kong real couple kayo.."
Napasinghap naman ako sa hindi pagka paniwala sa komento niya.
"Kasi naman, Frenny. Grabe kaya pag aalala niya nung sinabi kong nasa hospital tayo."
Nakikinig lang ako habang naglalakad na kami papuntang Cafeteria.
Naalala ko nga yun dahil nag message ako nun kay Margaux about sa nangyari sakin pero wala man lang reply.
"Tapos ikaw naman sobra kung ipagtanggol mo siya sa mga walang balls mong blockmate."
"Hep! Clarification lang.. Hindi ko siya pinagtatanggol. Pinaglalaban ko lang karapatan NATIN mga BABAE."
Binigyan ko siya ng 'kuha mo' look.
Ngumiwi at angat lang siya ng kilay na parang hindi convince.
"Pero alam mo, ship ko kayo." Sabay tawa ng malakas nito. "Layag!! JEZAIRA!!" Nakuha pang sumigaw.
Hinampas ko nga. "Aray ah! Mapanakit ka." Reklamo nitong napa haplos sa braso niya.
"Serve right. Kung anu-ano kasing lumalabas diyan sa bibig mo." May halong pagbabanta ko.
"All I'm saying is, why don't you try? Ang goddess kaya ng asawa mo. Kung ako yan- Aw!!" Nabigwasan ko siya ulit.
Nase sense ko kasi yung sunod niyang sasabihin eh. Tss.. Wala pa akong experience sa ganun.
Hanggang kiss pa lang ang pinaka intimate na nagawa namin ni Margaux.
I mean.. Okay.. more than a kiss, pero not to the point na nagtalik na talaga kami. Hindi ko pa nahahawakan o nakikita ang censored part na yun ng body niya.
Her core or even her twin valleys. Arrgg.. Bigla tuloy uminit ang pakiramdam ko. Minsan talaga matabil din tong dila ni Aya eh.
"Straight yung tao-"
"Diba straight din naman si Margaux nun?" Putol niya sakin. Halos nakwento ko na kasi lahat sa kanya ang love story namin.
"She's not my type, Aya." Umiling pa ko. Malabo kasi talaga.
"Kasi ano? Hindi mala princess ang datingan? Ganern? Tss.. Sinasabi ko sayo, Aira. Bulag si Cupido pumana. Pag ikaw tinamaan-"
Pinanlakihan ko siya ng mata."Ikaw ang tatamaan sakin, Aya kapag hindi ka tumigil.." Sinundan niya ng malakas na mapang asar na tawa ang sinabi ko.
Lokong babae to.. Pasalamat na lang talaga siya dahil kaibigan ko siya.
AFTER namin kumain ni Aya dumiretso na kami sa Audi kung saan gaganapin yung screening.
Walang buhay akong naglakad habang itong katabi ko ang ligalig. Ang dami pa ding sinasabi about Jezra.
Kung di daw kami kasal, liligawan daw niya to. Napapa buga na lang ako ng hangin talaga sa kawalan.
Pero kung tutuusin malaki ang naitulong ni Aya sa moving on stage ko kay Margaux. Sa kulit at dami niya kasing kalokohan nakakalimutan ko yung isa.
Ayun nga lang minsan nasosobrahan na. Minsan nga napapatanong ako sa sarili ko kung bakit ba kami nag click.
Sabagay hindi naman to ganun ka hyper nung mga bagong araw pa lang namin magkakilala.
Kapag tumagal talaga doon mo makikilala ang tao.
"NEXT!" Malapit na kami sa stage ni Aya.
"NEXT!!" Grabe naman kung sino man yun. Makasabi ng NEXT parang ang daming kaakibat na ibig sabihin.
Dapat hindi siya ang nag conduct ng screening kung di niya feel gawin.
"Better luck next time, kiddo." Ang sama naman. Mukha namang okay ang isang yun ah. Ano bang criteria nila.
"Kita mo na, Aira.. Ang bilis lang pala ng screening. Ibagsak mo na." Suggestion ng katabi ko.
"Ilan pa DOM?!" Shit.. That voice.
"Wait!! Yung wifey mo yun diba?" Niyugyog pa nga ako.
"I know, Aya. Di mo need ipag sigawan." Siya ang kumikilatis sa mga babae habang yung lalaking Professor naman sa mga lalaki syempre.