[JEZRA]
Bored na ko sa ginagawa ko. Mga ilan pa ba?? Kanina pa konti ng konti itong si Dom eh. Yung nursing student na tumutulong samin.
Nag prisinta dahil bakante daw siya.
"Okay na ba Dom??" Sigaw ko dito ng tila naubos na din sa wakas.
"Last two po!" Balik naman niya. Lumukot ang mukha ko ng wala pa din yung last two na sinasabi niya.
I'm done here. Tumayo na ako at tinalikuran na ang stage kahit tinatawag pa ako ni Dom.
"Andyan na po sila!!" Sigaw ni Dom. Sumilay naman sa akin ang dalawang babaing familiar.
Best friend ata sila. Laging magkasama. Madalas ngang mag sleep over itong Aya na to sa bahay. O baka naman bagong jowa na to ni spoiled brat.
Tss.. Ang bilis mag move on. Mga kabataan talaga ngayon. Wala na yung true essence ng Love sa kanila.
"You are late." Sabi ko ng makita ko kung anong oras na. Sakto lagpas two minutes na.
"Okay.. Tara na Aya." Hila niya sa kaibigan pero bago pa man sila makalayas sa harap ko... "Anong okay??"
Ganito yung mga napilitan lang. Hmmm..
Sasagot na sana siya ng balikan ko si Dom na malapit na pala sakin.
"They're in.." Sabay exit. "What?? Anong in??" Patagong nakangiti ako.
Serve right... Naka bawi din. Mga tamad kasing mag hugas ng mga pinagkainan nila sa bahay.
"Hey! Jezra!! I'm talking to you!" Oh.. Tumatapang? Name basis na lang talaga??
"Yes? My dearest wife??" Pinaningkitan ko siya ng mata ng makaharap ako. Nakita ko naman ang tila pag urong ng angas nito.
"Wife??" Naguguluhang sambit ni Dom.
Binalingan ko si Dom. Bahagya akong lumapit uli kay Maureen. "Yeah.. Kaya hindi na kailangan screening.. I already see it all.." Pinasadahan ko ng tingin mula ulo hanggang paa pabalik ng ulo.
Bawing bawi ako sa reaction ng bata. Hindi pa nga ako nakuntento at nilapit ko pa ang mukha ko.
Tss.. Nangangamatis na siya sa pamumula. "See you in my bed later, Love.." Sunod ang magaang halik sa gilid ng labi niya.
Bago pa man siya maka recover nakalayo na ko.
Don't get me wrong. I don't give special treatment. Matalino naman si Maureen kaya hindi na kailangan tanungin pa kung anong essence ng pagiging representation ng Samson University.
At dun naman sa Aya, I don't have energy left. Pang saling kitkit na lang.
[MAUREEN]
"Hoy! Kanina pa naka alis... Laway na laway ka na diyan." May kasamang panloloko ni Aya.
"Nakita mo na ang ginawa niya? She's being a b***h again." Sinadya niyang ipasok ako dahil aware siyang ayoko ng spotlight. Gosh!!!
"Okay pa yan pero ano yung see you in bed-"
"Shut the hell up, Aya.. She's just teasing me!" Ang witch na yun!! Ahh!!! Kaasar!!
FREE CUT kaya naisipan naming mag gala ni Aya. Mabuti na lang ayos na yung baby ko.
"Bagalan mo lang, Aira.. Sinasabi ko sayo. Mahal ko pa ang buhay ko.." Pa angkas na to sa likuran ko matapos niyang isuot ang helmet na inabot ko.
Sa di malamang pupuntahan napadpad kami ni Aya ng Tanay. Kasalukuyan kaming nasa daan ng may mahagip akong familiar na pegura.
Nasa kabilang daan ang nilalakad nila. Abala din ang mga ito sa pag uusap kaya alam kong hindi ako mapapansin.
"Oh.. Bat tayo huminto? Anong meron?" Napalunok ako. Hindi ko magawang sumagot dahil nawala ata ako sa katinuan.
Kaya naman pala.. May bago na pala siya. Sana sinabi na lang niya..
Ang sakit sa dibdib makitang may iba ng humahawak sa kamay ng taong minahal mo ng sobra sobra.
Tahimik lang akong sinusundan sila ng tingin. "Kilala mo ba sila?" Nahanap din ni Aya kung nasaan ang mga mata ko.
"The one wearing a floral dress..."
"Ano???"
"That's Margaux.." Saka ko pinaandar ang baby ko.
Tahimik buong byahe at hindi din ako kinulit ni Aya. Gusto kong maiyak pero walang luha ang nais kumawala.
Baka naman hindi pa nagsi sink in sa sistema ko na tapos na ang kabanata namin ni Margaux.
"Tara dun sa coffee shop!" Napatingin ako sa tinuro ni Aya. Walang kontrang sinunod ko ang gusto niya.
Paakyat kami kaya medyo nag focus na lang muna ako for safety dahil sira din ang daan.
"Okay ka lang?? Kaya pa??" Pukaw nito ng maglakad na kami patungo ng coffee shop na sinabi niya, matapos kong makapag park.
"Lilipas din yan. Trust the process, Aira." Kahit pa siguro ayoko, wala naman akong choice hindi ba?
Margaux clearly had nothing to do with me anymore. Maybe it's also her way to quickly move on.
"Hindi ko lang naisip o naimagine na ganun kabilis, Aya." Napa kagat ako sa labi ko. Ang daming salita na gustong kumawala mula sa dibdib ko.
"Dapat ata sa bar tayo. What do you think? Ayun oh may malapit."
Gusto ko sana pero ayoko magmaneho ng lasing. For sure, kapag nasimulan kong uminom baka hindi ko tigilan hanggang tawagin na ko ng lupa.
"Next time na lang kapag commute lang tayo."
[JEZRA]
Nanonood ako ng TV ng bumukas ang pinto. Tahimik lang ako at nag aantay na awayin niya dahil sa ginawa ko kanina sa Audi pero nilagpasan lang ako nito.
Umakyat agad siya ng hagdan hanggang hindi ko na siya matanaw.
Nagkibit balikat na lang ako. Himala atang hindi niya kasama ang bago niya.
Ilan sandali pa narinig ko ang hakbang niya ng hagdan. Kita ko din yun sa peripheral view ko.
Mukhang nagbihis lang ang spoiled brat bago naisipang gantihan ako.
"Do you want to drink?" Nabingi ba ko?
"Huh?" Takang tinignan ko siya. Mabilis naman siyang nag iwas. "Let's drink. I'm gonna buy lang."
Uwang ang labi kong napaikot ang leeg ko dahil sinundan ko ang agad nitong pag alis, magsasalita pa lang sana ako.
"What's with her?" Don't tell me, break na sila agad ni Aya? Tss.. Ang bilis naman kasi. Hindi na natuto.
Ang hina ba niya para maging single na lang muna?? Kailangan may pamalit agad? Sana inaantay na lang muna niyang makapag divorce kami.
Mamaya niyan malaman ng mga magulang namin kalokohan niya pati ako malalagot pa.
Pero teka nga lang. Bakit ako malalagot? Tama ngang gawin niya yun para baka sila mommy pa ang mag decide na tapusin na tong kalokohang sinimulan nila.
Dahil hindi talaga mag wowork ng ayon sa nais nila.
Hindi ko din kasi talaga lubos maunawaan sa mga nanay namin kung ano bang nakain nila. Ano bang pumasok sa kukute nilang makitid at ipinag kasundo kami.
Hay... What a life.. Ano to pang w*****d lang??
"Seryoso ka talaga??" Nakabalik na siya at may dala nga talagang alak.
"Nasa mukha ko ba ang nagbibiro?" Naumid na lang yung dila ko. Pinanood ko lang siya.
Kumuha siya ng yelo, baso. Nagbukas ng pulutan at sunod yung dalawang bote ng Smirnoff.
"You have to drink with me. Kabayaran to sa paghalik mo sakin." Oh.. Ganun?? Edi wow.
"Fine.." Hindi naman siguro ko malalasing pero kailan ba ko uminom?? f**k! Hindi ako umiinom!!
"Cheers.." Pinagtama niya yung mga hawak namin.
Namangha na lang ako ng isahang lagukan ata gagawin niya.
"Hey! Are you in a hurry?" Napasilip pa ako sa bote ng ibaba niya na. Naningkit ang mata kong kinuha ito para makasiguro.
"You finished all. Damn.." Nasabi ko na lang. Tunog hindi makapaniwala.
Nagbukas uli siya ng isa pa. Bago pa niya yun ilapat sa bibig niya, pinigilan ko na.
"Slow down. Hindi ka mauubusan. Hindi naman ako umiinom." Pinaka titigan lang ako nito. Ang lungkot ng mga mata niya.
Nakita ko ang mga sarili kong mata from two years ago. She's in pain.
"Can we be friends..." Hindi yun tanong kundi utos. "..Just for today, Jezra." Dahan akong tumango.
Kung ikaw ang nasa kalagayan ko mapapa oo ka na lang dahil parang ikaw ang makukunsensya sa huli kapag hindi mo siya pinagbigyan.
"Let's say.. This is a celebration of a new start for us.."
"W-what do you mean?" Naguguluhan kasi ako.
"I know you are straight. Clearly, you are not into girls and will never be.." Okay.. And so?
"..We don't need to love each other. I won't suggest that, Jezra... 'Cause I know we can't force love."
Hinahayaan ko lang siya magpatuloy. Baka lasing na ang isang to. Nilaklak ba naman niya yung isang bote ng ganun lang.
"But can we have a deal?" Panibagong deal?
"Can we have a special kind of relationship? As long as we were married.. Can we stick to each other? I promise I won't cheat.. Do you get what I mean?"
I guess so.. Hindi ko lang ma process.
"Can we have each other's back? Like best friend would do?" Ang sunod na nasaksihan ko ang hindi ko inaasahan.
Habang nagsasalita siya pati ako hindi ko namalayang nasa pangatlong bote na pala siya. Hindi ko pa nga nababawasan yung akin my goodness.
She's currently crying now. I hate seeing someone crying pa man din.
"I saw Margaux today... with someone else.." Sabay inom ulit. Napainom na lang din ako dahil parang pati ako nadadala sa bigat ng shinishare niya sakin.
Napasapo siya sa kanyang dibdib at kita ko kung paanong manginig ng kamay niya bago niya muling binuksan ang bibig niya.
"It's killing me, like literally. I could feel my heart crashing. I don't know if you could understand me, but let me just release it, Jezra."
So, I guess magkaibigan lang talaga sila ni Aya dahil si Margaux pa din talaga. At nakikita ko ang sarili ko sa kanya.
Hindi ako umiinom gaya ng sinabi ko kanina pero minsan na din akong nagpaka lango para lang makalimot.
I know the feeling na parang naiwan ka bigla sa ere. Wala talagang kasing sakit yun.