[JEZRA]
"Dahan lang. One more step." May tama na din naman ako pero mas may tama itong inaalalayan ko pa akyat ng kwarto.
"I did everything for her. Like everything!!" Gosh.. Ni minsan hindi ko nakita ang sarili kong mag aalaga ng lasing.
Gewang kaming pareho hanggang makarating na din kami sa wakas.
"I love her so much.. Sana lang kaya siyang mahalin ng taong yun ng higit pa.." Himutok pa niya.
Nabibingi na ko. Ganito pala siya malasing. Damn!
Dahan ko na siyang dinadala ng kama hanggang maingat ko siyang ini upo.
"You have to rest.." Nahihilo na din kasi talaga ako. Pinipilit ko na lang.
"Don't go, please. Stay with me.." Natigilan ako sa pakiusap niya. Bakit parang ang hirap niyang hindian??
Hay... Life.. Sa huli sinunod ko na lang din siya. Nahiga ako sa tabi niya.
Pwede ko naman na siyang iwan pero hindi ko magawa at hindi ko alam kung bakit. Dahil ba nakikita ko sa kanya ang sarili ko?
Kung paano akong masaktan noon? Ganun na ganun ngayon sa kanya.
"You are..."
"Hmmm?" Magkaharap kami ngayon kaya kitang kita ko ang kulay hazel nut niyang orbs.
"You are one of my type.. Mysterious kind. Parang ang hirap basahin pero kung gugustuhin mo lang, makikita mong may mas magical pang nakatago.. mas precious.. mas rare.."
She's like digging into my soul.
"You may look like the bad guy, but the truth.. You are an angel with a kind heart.." Bigla na lang nag iba takbo ng pintig ng puso ko sa mga sinasabi niya.
Hindi ko maiwasang mapa isip ng malalim sa mga binabato niya sakin.
"Why do you have to change yourself? Why do you have to hide?" Anong sinasabi niya??
Ngumiti ito kasunod ng pagdausdos ng mga daliri niya sa pisngi ko.
"Did someone break your heart? Who's that f*****g guy? Hmm? I'm gonna kick his ass. Tell me. Who the hell f*****g hurt my wife?"
Hinawakan ko ang kamay niya dahilan para mahinto siya sa paghaplos.
"Lasing ka na.. Try to sleep na, Maureen."
"I'm not.. Remember those two asshole who disrespect you? I will do it again, fight them kapag binastos ka nila ulit. No one.. Nobody could harm my wife.."
Sumilay nanaman ang maganda niyang ngiti. Hindi ko maintindihan kung anong nararamdaman ko pero parang tutulo ang luha ko sa mga sinasabi niya.
Wala pang nakapag sabi nun sakin kahit pa ang ex-boyfriend ko.
"Ang babae.. Inaalagaan, iniingatan, minamahal ng buong puso, pinaglalaban hindi binabastos.. Keep that in mind. Now I'm here.. I'm gonna protect you for the rest of my life.. Diba till death do us part.."
And then she smiled again.
I can tell how lucky Margaux is for having you, Maureen.
Padakay napansin kong nag iba ang direksyon ng mata niya. Nangunot ako dahil don. Mukhang alam ko kung saan siya nakatingin pero pilit ko lang winawaglit.
"Can I?"
"What?" Damn... Ang bilis ng pangyayari. Naramdaman ko na lang na may malambot sa labi ko. f**k!! And it moves.
Do something, Jezra!! Push her!! Stop her!! But I can't..
What the hell is happening to me?? Bat parang..
I close my eyes, feeling her lips touch. I began to go on the sync, dancing with her.
I end up, reciprocating her kiss, and I like it. There's a tingling sensation starting to build up.
Unti-unti siyang gumagalaw hanggang nasa ibabaw ko na siya.
My mind was telling me to back off, fire back, but my traitor body said otherwise. Why the hell was that??
I'm f*****g straight.. You are straight, Jezra!! Wake up from your delusional dream... This isn't you.
We were gasping for air when we pulled out from the intense kiss.
"I'm sorry, but I'm not sorry. I like it, though. Your lips are too soft.." Titig na titig lang kami sa isa't isa.
Sunod niyang ginawa ay ang patakan ako ng halik sa noo. Nanatili siya saglit roon hanggang sa mawala na din.
"Goodnight, Jezra.. Thank you.." Nahiga na siya at nawala sa ibabaw ko.
Naiwan naman akong tulala sa ceiling na para bang pilit pinoproseso sa utak ko kung anong nangyari.
Did I just let her do whatever please her?? May turnilyo atang nawala sa utak ko.
Nilingon ko ang taong salarin ng pagka windang ko. Tulog na to.
Wow!! Hayahay.. Ang himbing na ng tulog matapos niyang bulabugin ang sistema ko?? Ano yun?? Warm up??
PAG GISING ko dahan akong nag inat. Hindi pa ako nagmumulat ng mata.
"Good morning."
"f**k!!" Oh gosh.. Did I just curse?? Nakita ko ang pag ngiti niya. What's up with her??
"Kapag ready ka na. I won't say no to you." Saka siya naunang bumangon.
Ano daw yun?? Ready for what?? Ahhh!!!!!! Anong pinagsasabi niya???? Ah!!!! Masisiraan ata ko ng bait sa kanya.
Never akong makikipag s*x sa kanya noh!! Over my dead body..
"Bumalik ka dito! Spoiled brat!!" Pahabol kong sigaw. Naibato ko pa ang unan sa may pintuan, saktong pagkasara naman niya.
Bigla na lang akong napangiti ng may maalala. Natutop ko ang labi kong tumayo na din.
[MAUREEN]
"So, you guys kiss????" Ang priceless ng mukha ni Aya ng ikwento ko sa kanya kung anong nangyari two days ago.
Tumayo na lang ito at nagtata talon na akala mo naman nanalo sa lotto. Siraulo.. Nabaliw na ata. Mas kinikilig pa sakin.
Natahimik naman ako bigla. Iniisip ko pa din kasi hanggang ngayon kung bakit ko ba yun ginawa.
Lahat naaalala ko. Bawat salitang binitawan ko kay Jezra. Well, I just told her kung anong nasa loob ko.
Kung anong naobserbahan ko sa kanya. I might be missing something, but I know to figure that out soon.
"So, friendship with benefits kayo ganun?" Tapos na pala siyang mag celebrate. I mean magtatalon.
"Nag gain ka na ba ng height?"
"What?" Ang cute. Biglang naguluhan.
"Eh kasi panay ka talon. Hindi naman new year." May kasamang pagtawa na paliwanag ko.
"Masaya lang ako. May progress sa shini ship ko.. Ayeee!!" Jusko nakaka sira ng ear drum ang tili ng isang to.
"Answer my first question, Aira... Friends with benefits ba yan??" Umiling iling na lang ako. Ang kulit niya talaga.
"Wait.." Nag vibrate kasi yung phone ko kaya pinutol ko excitement ni Aya.
"I have to go.." Paalam ko saka tumayo. Andito kami ngayon sa garden ng University.
"San ka punta?? Sama! Lunch break na.."
"My wife is looking for me.." Nakangiting sagot ko. Agad akong nag iwas ng tingin at lumayo na dahil alam ko mangangantyaw siya.