Tumakas si Raul sa kanyang celebration sa pagkapanalo. Nagdahilan siya na masakit ang kanyang tiyan para masundan si Vanica. Nalilito man siya sa kanya ginawa ay gusto nitong makitang muli ang dalaga.
Curious din ito kung anong ginagawa nito sa plaza gayong matindi ang galit nito sa kanya.
Alam nitong hindi ito pupunta doon para batiin siya sa kanyang pagkapanalo.
Matagal ng nakikita ni Raul si Vanica kaya lang hindi siya nagkakaroon ng oras para makausap ito dahil taliwas ang kanilang pinaglalaban. Galit ito sa kanya at hindi niya makuha ang oras nito para man lang makapag-usap sila.
Subalit hindi rin siya sigurado kung tama ba itong gagawin niya.
Matindi ang naging kaba ni Vanica nang mabilis na nawala ang distansya nila ni Raul. Napaatras si Vanica sa labis na taranta at muntikan pang matalisod sa bato na nasa likod niya. Muntikan na rin niyang mabitiwan ang gasera ngunit nahawakan ni Raul ang kanyang kamay.
Tila may kakaibang kuryente ang nanalaytay sa magkahawak nilang kamay kaya kaagad silang lumayo sa isa't-isa.
Malakas na tumikhim si Raul.
"Bakit naglalakad ka mag-isa ngayong gabi? Woman, don't you know it's dangerous here?" ani ni Raul sabay tingin sa masukal at madilim na gubat.
Hindi naiintindihan ni Vanica ang kanyang nararamdaman pero malakas ang bawat pintig ng kanyang puso.
Nag-aalala ba ito sa kanya?
"A-ano naman ngayon? Taga-rito naman ako at sanay na akong maglakad mag-isa kaya hindi na ako takot." mabilis na sagot ni Vanica kahit kabado. "Eh, ikaw Gov? Anong ginagawa mo rito?"
"Binabantayan ang isang kababayan sa kanyang pag-uwi."
Tumawa si Vanica sa naging sagot ni Raul bago maarteng pinaikot ang mata. Sumeryoso si Vanica bago lumingon sa paligid nila.
"Binabantayan o ipapapatay?" panghahamon nito.
Hindi mawawala kay Vanica ang takot dahil alam nito na makapangyarihang tao ang kanyang kaharap. Mulat din si Vanica na madumi ang pamamaraan ng mga politiko, kasama na rin si Raul lalo na pagdating sa kalaban nila. Papatahimikin nila ang mga katulad niya na handang lumaban sa kanilang karapatan.
Walang takas ang kagaya nilang mahihirap.
Marahas ang pag-igting ng panga ni Raul. "Bakit naman kita ipapapatay?" inis nitong tanong.
"Hindi ko alam. Bakit nga ba?" sarkastikong sambit naman ni Vanica.
Nagpalitan ng tingin ang dalawa at walang nagsalita.
Maganda rin naman na nandito si Raul para makausap niya ito tungkol sa lupain, iyon rin naman ang dahilan kung bakit niya ito pinuntahan sa plaza ngunit ayaw nitong magpag-isa silang dalawa lalo pa't hindi nito alam kung ano ang pwede nitong magawa ngayong walang makakakita sa kanila.
Tinalikuran ni Vanica si Raul at naglakad na para makauwi sa kanila. Ngunit linggid din sa kanyang kaalaman na nasa likod niya lamang si Raul.
Panay ang lingon ni Vanica kay Raul na patuloy lamang sa pagsunod sa kanya. Dahil sa ginagawa niyang iyon ay hindi na niya napansin pa kung anong dinadaan niya. Natalisod siya at malakas na napadaing sa sakit ng kanyang paa. Mabilis na sinisi ni Vanica ang kanyang katangahan na pansinin pa si Raul habang naglalakad.
"Nasa akin ka kasi nakatingin, ayan tuloy nahulog ka." nakangising turan ni Raul at mabilis na dinaluhan si Vanica.
Hinawakan ni Raul si Vanica pero hinampas nito ang kamay ni Raul. Malaki ang pasasalamat ni Vanica madilim na kaya hindi kita ang matinding pagkamula ng kanyang mukha.
Pero hindi nagpadaig si Raul at hinawakan nito ang bewang ng dalaga na lalong nagpakabog sa puso ni Vanica. Tinutulungan niya itong tumayo.
"S-salamat..." hindi na makapag-focus si Vanica sa pagkailang kay Raul.
Gobernador nila ito at kalaban sa ipinaglalaban nilang lupain kaya hindi niya maintindihan kung bakit kailangan pa siya nitong tulungan at samahan sa kanyang pag-uwi. Tanging nasa isip lang ni Vanica na ipapapatay nga siya nito kapag nakarating na sila sa may balon na malapit na nilang madaanan.
Ngayong masakit at iniinda na niya ang kanyang paa, hindi na siya makakatakbo pa.
Lumakad muli si Vanica at tulad ng kanyang inaasahan ay hirap siyang maglakad. Paika-ika at mabagal ang pagkilos dahil sa sakit. Pinagmasdan lang ni Raul na mahirapan ang dalaga sa paglakad at panay ang daing.
Ngunit napailing siya at hindi pa rin malawa ang ngiti sa kanyang labi. Hindi alam ni Raul ang rason kung bakit siya masaya dahil dapat ay mainis siya sa dalaga dahil matagal na silang magkalaban lalo na sa lupain.
Kalaban man na maituturing ngunit lamang marahil ang pagmamahal ni Raul sa kanyang kababayan?
Lakad-takbo ang ginawa ni Raul para maabutan ang dalaga.
Nakapameywang siyang humarap kay Vanica na sobrang talim ng tingin.
"Let me carry you hanggang makarating ka sa bahay niyo." aniya ni Raul sabay nag-squat sa harap ni Vanica.
"Hindi na kailangan. Malapit na lang naman ang bahay ko." sagot naman ni Vanica at muling nagpatuloy sa paglalakad ngunit hinuli ni Raul ang kanyang pulsuhan.
"Papasan ka sa akin o bubuhatin kita sa wala mo o sa gusto."
Nainis si Vanica sa pagiging palautos ni Raul.
"Iitakin ka ng tatay ko kapag nakita ka na kasama ko."
"So, concern pala ang magandang binibini sa kalagayan ko? Akala ko ba magkalaban tayo?"
"M-magkalaban nga! Pero syempre hindi ko naman pwedeng hayaan na itakin ka ng tatay ko no! Pero hindi rin ibig sabihin nun na may pakialam ako sa 'yo Governor Raul Zorion Mondecillo."
"Woahh... easy woman. Buong-buo ang pangalan ko ah." hinilang muli ni Raul ang pulsuhan ni Vanica para mapalapit ito sa kanya. "Sakay na. Wala akong pakialam kung itakin ako ng tatay mo basta hindi kita pwedeng pabayaan na ganyang ang kalagayan."
Sumagi sa isip ni Vanica na napipilitan lang ito at pakitang tao.
Hindi na kumontra pa si Vanica ngunit muli niyang sinuri ang paligid.
"Ano na namang problema?" pagod na tanong ni Raul.
"Baka kasi may mga camera pala sa paligid tapos makuhanan tayo o kaya may tauhan ka na nakasunod para maglabas ng article tapos sasabihin na mabait ka sa mga kalaban mo."
Malakas na natawa si Raul pero hindi naman nainis si Vanica sa ginawang pagtawa ni Raul kundi sa kanyang sarili dahil tila isang magandang musika ang tawa ng kanilang gobernador.
"Damn woman," Raul almost whispered as he stares at Vanica. "Pwede ba, 'wag mo munang isipin ang mga ganyang bagay. Hindi rin 'yan healthy. Para matahimik ka, pwede mo namang isipin na hindi ako ang gobernador niyo at isa lang normal na tao."
"Paano ko gagawin 'yon? Ilang taon na tayong magkalaban sa lupain."
"Just look at me as a man and I'll look at you as a woman without any issues. I hate drama Vanica. Gusto lang naman kitang ihatid."
Masinsinang tumitig si Vanica kay Valerio at sinusubukan na paniwalaan ang sinabi nito.
"Ang bigat mo pala..." natatawang turan ni Raul habang pasan na siya sa likod nito.
"Ginusto mo 'yan 'di ba? Kaya panindigan mo." masungit na sagot ni Vanica.
"Papanindigan ko naman, binibini." malamyos ang tono ni Raul na nagpakilig kay Vanica ngunit hindi niya pinahalata.
Magkalaban sila at hindi pwede! Bukod sa kanila itong gobernador at kalaban sa lupa ay malaki ang agwat ng kanilang edad. Thirty five years old na si Raul at si Vanica naman ay twenty four pa lamang at nag-aaral pa sa pag-a-abogasya. Wala rin itong asawa pero alam niya na babaero ito. Hindi naman na kinagulat ni Vanica ang tungkol doon.
Mayaman, gwapo, at maimpluwensya. Ayan si Raul at kaya niyang gawin ang lahat ng kanyang gusto.
"Kapag initak ka ng tatay ko 'wag mo akong sisisihin Gov. Raul," Vanica said as she smells the manly scent of Raul.
She likes his smell.
Napatango si Raul sa pang-uuyam ng dalaga. "Saan ba ako iitakin ng tatay mo?"
"Sa ulo."
"Sa ulo?" natatawang pag-uulit ni Raul. Nagkaroon ng kakaibang kahulugan ang kanyang utak.
Hindi nakuha ni Vanica kung bakit ito natawa. Kumunot-noo siya at nainis.
"Seryoso ako Gov. Raul! Kapag nakita ka ng tatay ko na kasama ako malamang hahabulin ka nun ng itak kaya humanda 'yang ulo mo. Paniguradong pugot 'yan." pagbabanta ni Vanica.
Kaya lang, imbes na matakot si Raul ay mas lalo itong natawa. Huminto pa ito sa paglalakad at nilingon si Vanica. Nalula naman si Vanica sa lapit ng kanilang mukha ngunit hindi naapektuhan si Raul. Sumeryoso ito at muling namungay ang mga mata na akala ni Vanica ay isa lamang ilusyon.
"Hindi ako takot humarap sa iyong tatay kahit ano pang ipanakot mo sa akin," Raul said, sighing. Muli silang nagpatuloy sa paglalakad.
"Bakit dahil ba sa alam mo na kapag ginawa 'yon ng tatay ko pwede namang siyang makulong?" inis na tanong ni Vanica.
Bumuntong-hininga lang si Raul.
Pero totoo naman. Kayang gawin iyon ni Raul.
"Wala naman akong kinakatakutan. Pero rational naman ang utak ko - alam ko ang tama sa mali." saglit niyang nilingon si Vanica bago seryoso na tumingin sa kanyang harap. "Lumaki na ako sa mundong ito na hindi na natatakot pa sa mga kumakalaban sa akin kahit anong paraan ang gawin nila. I won't hold back and sit around watching them destroy me. I'll fight back, Vanica. I'm gonna destroy them too."
Kinilabutan si Vanica sa seryosong salitang iyon ni Raul.
"G-gaano din ba ang gagawin mo sa amin?" kabadong tanong ng dalaga.
Gusto na niyang tumalon sa likod nito sa takot. She saw something in his eyes that scares her. It was as if she's staring at a beast.
Nagtiim ang bagang ni Raul dahil naramdaman nito ang takot sa katawan ng dalaga.
Mabilis na umiling si Raul. "Of course not. I told you, hindi ko 'yon gagawin sa inyo. Hindi naman kayo katulad ng mga kalaban ko sa politika."
Napalingon si Raul kay Vanica nang marinig nito ang malalim nitong paghinga.
"Kung ang lupain sa asyenda ang gusto niyo, pwede ko namang magawaan ng paraan ang tungkol doon. I just need time," he added.
Batid ni Raul na hindi magiging madali ang lahat kaya naman hindi niya maibigay ang pangako kay Vanica.
"I know you think that I'm heartless but I'm not. But I can turn myself into beast if I needed to. Kailangan ko ring protektahan ang sarili ko habang nanunungkulan. Gusto ko lang gawin kung anong mapapaganda sa buong Costa Danao. Wala naman akong gusto na hamakin sa aking pagkapanalo. Bakit ba matindi ang galit niyo sa akin?"
Napalunok si Vanica at hindi nakapagsalita.
Mahigit dalawang taon na rin mula noong sumali si Vanica sa pagra-rally laban sa mga Mondecillo. May limang hektarya kasi ng sakahan ang pilit na nilalaban ng mga magsasaka na ibigay sa kanila. Dati na itong na-award ngunit nabawi ito at nakuha ng mga Mondecillo dahil sa katibayan na kanila ang lupaing iyon at parte ng kanilang malawak na hacienda.
Mula noon hanggang ngayon, tumutulong si Vanica na muling buksan ang kaso at maibigay sa mga magsasaka ang lupain.
"H-hindi lang naman sa 'yo ang buong galit namin-"
"Sa buong pamilya ko." pagtatapos niya sa sasabihin ni Vanica.
Tumango naman ang dalaga. "Oo. Hindi namin maintindihan na naibigay na sa amin ang lupain pero nakuha niyo pa rin. Iba talaga ang kapangyarihan ng mga mayayaman." mapait nitong turan.
"Kung lupain sa hacienda ang gusto niyo, pwede ko kayong tulungan pero hindi magiging madali."
Hindi madali dahil hindi lang naman si Raul ang magdedesisyon kundi ang buo nilang angkan. Kung siya lang marahil ang tatanungin baka noong mayor pa siya ay naibigay na niya ang lupain.
Sinabi lang ni Vanica ang direksyon ng kanyang bahay at hindi na nagsalita ang dalawa habang patuloy na tinatakhan ang daan papunta sa bahay ni Vanica.
"Malapit na tayo sa amin, pwede mo na akong ibaba dito at maglalakad na lang ako na mag-isa." aniya ni Vanica dahil nag-aalala pa rin ito na mahuli sila ng kanyang tatay.
Hindi lang pala ang tatay niya ang kanyang inaalala kundi pati na rin ang kanilang kasamahan at kapit-bahay na maaaring magbalita na kasama nito ang kanilang gobernador.
Natatakot siya sa kung anong maaari nitong sabihin.
Ngunit hindi siya binaba ni Raul. "Baka mapaano ang paa mo kung ipipilit mong ilakad. Makinig ka na lang sa akin at hayaan mo akong ihatid ka. I'm trying to be a gentleman. Damn it! Hindi 'yon masama. So, fvcking calm down." seryoso nitong sagot.
Naiinis si Raul sa paglilikot nito sa kanyang likuran.
"Pero iitakin ka talaga ng tatay ko!"
"Nag-aalala ka talaga sa akin magandang binibini." nakangiti nitong ani.
Umirap si Vanica kahit pulang-pula na ang mukha. "Alam mo Raul, gobernador ka dito sa lungsod tapos kung anong lumalabas sa bibig mo. Paano kung may makarinig sa 'yo at sabihin na nilalandi mo ako? O kaya naman mabaliktad at maipalabas na ako ang lumalandi sa 'yo?" inis na turan ni Vanica habang sinusubukan na bumaba pero pinigilan siya ni Raul at inayos siya nagpakakasampa sa likod nito.
"Ganyan ba kayong mga babae? Masyadong malayo ang nilalakbay ng inyong utak. No one will see us and look around Vanica, no one is watching. So calm down." he said and then smirked.
"Wala rin naman akong ibang intensyon kundi ang ihatid ka," he added.
"Kahit na!" pagpipilit ni Vanica.
Umiling na lamang si Raul at pinagpatuloy na ihatid si Vanica sa kanilang bahay. Kahit si Raul mismo ay hindi malaman ang dahilan kung bakit kailangan niyang ihatid ang dalaga na pwedeng magpahamak sa kanya. Kapag may nakakita sa kanila maaaring magamit ito ng mga kalaban niya. Bagong panalo pa lamang siya at baka maibalita na siya kaagad.
Pero nawala lahat ng iyon dahil nakarating na sila sa bahay ni Vanica. Unang beses niya pa lamang makarating dito.
Natitilan si Raul habang pinagmamasdan ang baro-baro na bahay. May distansya ang bawat mga bahay at wala nga lang ilaw sa paligid. Madilim ang lugar at delikado na lumabas ng ganito oras lalo na kung mag-isa ka lang.
Nilapag niya si Vanica at inalalayan. "Laging kang umuuwi ng ganitong oras?" takang tanong ni Raul.
"Minsan lang kapag ginagabi sa pag-aaral." nakangusong sagot ni Vanica.
Umigting ang panga ni Raul sa inis. Hindi para kay Vanica kundi sa sarili nito. "Wala man lang street lights dito. Delikado ka."
Nilibot ni Vanica ang tingin sa paligid at alam naman niya iyon kaya hindi na kailangan ipaalala ni Raul.
"Mahihirap kaming nakatira dito kaya wala kaming pera para magpatayo ng street lights." giit ni Vanica.
"Hindi naman kayo kundi ang dating gobernador..." napakamot sa ulo si Raul at malalim na huminga. "Mukhang wala talagang kwenta ang sinundan ko."
Kalaban din ng pamilya ni Raul sa politika ang dating gobernador. Garapalan ang pagiging corrupt nito kaya naman hindi na naulit ang pagkapanalo.
"Ganyan naman kasi kayong mga politiko. Puro pangako kapag nangangampanya pero kapag nanalo na, iiwan na lang ang mga mamamayan niya. Wala nang pakialam basta may nakukuhang pera na galing naman sa taumbayan. You and your s**t promises making us more pathetic."
"Papatunayan ko na hindi ako ganun." seryosong ani ni Raul na tila nangangako kay Vanica.
Hindi pinansin ni Vanica ang sinabi ni Raul, nagpatuloy siya.
"Ito ang isa sa mga lugar na hindi niyo nararating. Hindi lang naman ikaw Gov. Raul, kundi kayong mga politiko. Pikit ang mga mata niyo at may takip ang tenga sa daing ng mga tao. Tuwing eleksyon lang naman kami may halaga sa inyo. Pagkatapos nun, wala na. Basura na lang kami." hindi maiwasan ni Vanica na maging malungkot habang nagsasalita lalo pa't nakikita niya ang awa sa mukha ni Raul.
Nag-iwas ng tingin si Vanica. Ayaw niyang umiyak sa harap ng gobernador.
"Bukas na bukas mismo, magpapadala ako ng mga tauhan para matulungan kayo."
Tumitig lang si Vanica bago umiling. Sadsad na masyado ang mga pangako na binibitiwan ng mga politiko. Ubos na ang kanyang pag-asa. Tulad lang din ito na pakitang tao lang. Sa umpisa lang magaling at walang consistency.
Umawang ang labi ni Raul para magsalita kaya lang narinig nila ang malakas na pagbukas ng pintuan mula sa bahay ni Vanica.
Niluwa noon ang tatay ni Vanica. Pareho na nanlaki ang kanilang mata nang bumaba ang kanilang tingin sa kamay nito na may hawak na itak.
Kinabahan si Vanica sa kanyang tatay at pati na rin sa kaligtasan ni Raul.
"Magandang gabi-"
Humarang si Vanica sa harapan ni Raul para protektahan ito kaya hindi natapos ni Raul ang pagbati. "Itay! Maghunos dili kayo. Jusko! Ibaba mo po 'yang itak." natataranta na turan ni Vanica.
"Magdasal ka na Raul at iitakin ko 'yang itlog at ulo mo!" umalingawngaw ang boses ni Tatay. Natakot si Vanica na baka may magising na kapit-bahay.
Kinagat ni Raul ang kanyang labi para pigilan ang sarili na tumawa.
Hindi alam ni Vanica kung anong nakakatawa, gayong puputulin talaga ni Tatay Pablo ang kinabukasan ni Raul. Nilakihan siya ng mata ni Vanica, may halo itong pagbabanta. Sumeryoso naman si Raul at hinarang ang kamay.
"Kalma lang po tayo. Bakit hindi natin ito pag-usapan sa maayos at kalmado na paraan." aniya ni Raul.
Umamba si Raul na lumapit ngunit inis siyang hinatak ni Vanica papunta sa likod nito. Hindi iyon nagustuhan ni Raul dahil ayaw nitong nagtatago sa likod ng babae. Ayaw niyang pinoprotektahan siya ng isang babae.
"D'yan ka lang at ako ang kakausap sa tatay ko!"
"Bakit pwede naman ako ah?"
"Basta. Makinig ka na lang-"
"Bitiwan mo ang anak ko! Anong ginawa mo bakit hindi makalakad ng maayos ang anak ko ha?! Kapag nalaman kong buntis itong anak ko, hindi lang oten mo ang putol kundi pati iyang ulo mo." galit na galit na sabi ni Tatay Pablo.
Nalalag ang panga ni Vanica at Raul sa gulat.
"'Tay, hindi ako buntis! Jusko naman! Malabo 'yon!" napahilamos si Vanica sa labis na kahihiyan. "Tay, tinulungan lang ako ni Gov. para makauwi kasi napatid ako." dahan-dahan na lumapit si Vanica sa galit niyang tatay.
"Tangina! Puputulin ko talaga ang tite ng lalaking iyan kapag nalaman kong may ginawa 'yan sa'yo! Magsabi ka ng totoo Vanica." matigas na sabi ni Tatay Pablo.
"Tay... maniwala kayo sa akin. Maayos lang po ako. At walang nangyari. Wala po ba kayong tiwala sa akin?" sambit ni Vanica.
"Syempre meron." mabilis na sagot ni Tatay Pablo. "Pero sa lalaking 'yan, wala!" tinuro pa nito ng itak si Raul.
Tinaas ni Raul ang kamay na tila ba susuko siya.
"Wala akong ginawa sa anak niyo. Nagsasabi ako ng totoo kahit magkaputulan pa ng itlog dito." seryosong sambit ni Raul.
Nahawakan ni Vanica ang braso at kamay ng kanyang tatay. Kinuha nito ang itak at itinabi sa gilid.
"Kalma lang 'tay. Baka atakihin ka..." nag-aalala na tinig ni Vanica.
"Lumayas ka sa lupain ko!" si Tatay Pablo.
Magalang na tumango si Raul.
"Magandang gabi ho." aniya ni Raul sa tatay ni Vanica. Dumapo ang tingin ni Raul kay Vanica. Hindi inalintala ni Raul ang tatay ng dalaga at lumapit siya para kunin ang kamay nito.
"Nice meeting you, Vanica." sabay kinindatan ito at hinalikan ang likod ng kamay.
Napaawang ang labi ni Vanica.
Halos atakihin naman sa galit ang tatay ni Vanica at nagpupumilit na makuha ang itak.
"Ang kapal talaga-"
"'Tay, kalma!"
Umatras si Raul at nakangiting tumango muli bago nagpaalam at umalis.
"Paano kung mabuntis ka ng hayop na 'yon?!" galit na galit na sabi ng kanyang tatay.
"Jusmiyo marimar naman 'tay." nasapo ni Vanica ang kanyang noo. Pinakawalan na niya ang kanyang tatay dahil malayo na si Raul.
"Malabo 'yang sinasabi niyo. Hindi naman nakakabuntis ang halik." dugtong pa ni Vanica at lumakad na papunta sa loob.
"Pero doon nagsisimula ang lahat, Vanica."
Hindi na laman niya pinansin ang sinabi ng ama. Hindi naman siya interesado kay Raul.
Ngunit ito ang rason kung bakit ayaw niyang makita sila ng kanyang tatay. Magiging magulo ang lahat lalo pa't bulag ang kanyang tatay sa galit sa pamilya ni Raul.
Pero isang malaki palaisipan ang inasta ng gobernador, hindi mawari ni Vanica kung bakit kailangan pa nitong inisin ang kanyang tatay gayong alam naman nito na galit ito sa kanya. May pahalik-halik pa itong nalalaman.
Raul is dangerous. He can be so damn serious but he's also a playboy.
"Bagay sa kanya ang pangalan niya. SiRaulo siya!" bulong ni Vanica habang tinitignan ang paa.