MAAGANG pumasok si Vanica sa Community College sa kanilang lugar. Walang tuition doon pero may ilang fees pa rin siyang binabayaran. Nakakaya naman ng kanyang tatay ang mga gastusin dito... kahit papaano.
"Vanica, patingin naman ng notes mo kahapon. Tinamad talaga akong magsulat kay Sir." nakangusong sabi ng kaibigan ni Vanica.
"Oo naman," binuksan ni Vanica ang kanyang bag at binigay sa kaibigan ang notes niya.
Nasa canteen sila ngayon at tumatambay para maghanda sa next subject nila. Major na nila ang sunod at lagi silang may recitation doon. Nag-aaral na siya pero hindi maiwasan ni Vanica na mapansin ang ilang mga estudyante na nakatingin sa kanya.
Maganda si Vanica at kahit na mas matanda siya ng ilang taon sa ilang mga estudyante dito ay marami pa ring nagkakagusto sa kanya. Hindi nga lang niya pinapansin dahil pokus siya sa kanyang pag-aaral. Ngunit ang mga tingin na nakamasid sa kanya ay iba - walang halong pagkahanga ngunit muhi ang makikita lalo na sa mga babae.
Naiingit ba sila? Pero saan naman? Anong dahilan ng kanilang tingin? Wala na ito kay Vanica. Pinili niyang idedma na lang dahil sanay na siya... kahit papaano.
Kanina pa 'yon simula nung dumating siya sa school. Binalewala lamang niya ito kanina pero ngayon masyado ng halata. Lalo pa't kasabay ng isang sulyap ay ang maingay na bulungan.
Ano naman kaya ang tinitingin nila kay Vanica? Bakit ganun na lang sila makatingin?
"May problema ba?" tanong ng kaibigan ni Vanica nang mapansin itong hindi nag-aaral.
"Frea, may mali ba sa mukha ko o kung ano man? Kanina ko pa kasi napapansin na pinagtitinginan ako." nakangisi ngunit hindi naging komportable si Vanica sa mga tingin ng kanyang schoolmates.
Kumunot-noo si Frea sabay umiling. "Wala naman. Walang mali sa mukha mo at ang ganda mo nga. Kung tinitignan ka..." nilibot nito ang tingin sa mga tao pero nag-iwas na sila ng tingin bago binalingan muli si Vanica. "malamang mga naiingit lang sila sa ganda mo. Huwag mo na lang pansinin at baka wala kang masagot sa recitation ni Sir mamaya. Mapatayo ka pa hanggang uwian."
Tumango na lamang si Vanica at sinubukan na mag-concentrate sa case nila para mamaya. Ngunit ilang minuto ang lumipas, bigo siyang makapag-aral muli. Buti na lang nabasa na niya ang case kagabi pa lang.
Alam niyang may mali pero natatakot siya na baka tungkol ito sa nakaraang gabi.
Mahigit isang linggo na 'yon kaya bakit naman ngayon lang? May nakakita ba sa kanila ni Raul? May nagpakalat ba? Pero bakit huli na?
Wala sa sariling umiling si Vanica para alisin ang gumagambala sa kanyang isipan.
Subalit dismayado si Vanica sapagkat hanggang dito ba naman sa palengke ay may mga matang nakamasid sa kanya. Mga mapanghusga at masamang tingin ang pinapakita ng mga tao. Halos hindi na nga siya makapag-focus kanina sa school kakaisip kung bakit, mas lalo lang nadagdagan ngayon.
Paranoid lang ba siya? O tama lahat ng kanyang hinila?
"Naku! Hindi man lang nahiya. May nagsabi na nakipagkita daw iyan kay Gov. Raul pero bastos naman daw. Pinipilit na ibigay ang hacienda sa kanila. Mga walang delikadesa!" parinig nung isang bumibili sa palengke.
Ako ba ang pinag-uusapan nila? pasimpleng tanong ni Vanica sa kanyang isipan habang tumitingin ng murang isda.
"Ewan ko ba kung bakit naghahabol pa sila? May patunay naman ang mga Mondecillo na kanila ang lupain."
Tila nabigyan ng kalinawan ang kanyang tanong.
Vanica smirked as she rolls her eyes. She knew it! Hindi naman siya pag-uusapan kung hindi tungkol kay Raul.
Talagang tama si Vanica, mabilis na mapapaliktad ang katotohanan. Kapag mahirap ka, mailap sa iyo ang hustisya. How could them change the story? She knows she's rude that night but the heck, Raul is not a saint. Makapagtanggol sila akala mo hindi siya nito ginalit. Kung alam lang nila.
Pero paano naman nila nalaman?
Imbes na lumayo si Vanica ay pasimple siyang lumapit habang kinikilatis kung sariwa ba ang isda na bibilhin niya. Mukhang hindi naman siya napansin ng mga nangchi-chismis sa kanya o dedma lang din ang mga ito kung marinig niya o hindi. Gayun pa man, gusto pa niyang marinig kung anong sasabihin nito kahit kanina pa nagpipintig sa inis ang kanyang tenga.
"Hindi na nahiya. Buti nga hindi sila pinalayas doon sa tinitirahan nila. Balita ko binili na ni Gov. Raul ang lupang 'yon."
Natigilan si Vanica. Nilingon na niya ang nag-uusap na mabilis ding umalis kahit wala naman siyang sinasabi.
Nabili? Iyong lupa na kinatitirikan ng bahay nila Vanica?
Gustong magtanong ni Vanica pero wala na ang mga babae.
"Vanica, bibili ka ba? Aba! Malalamog na ang isda ko kakapisil at tingin mo sa hasang. Sariwa iyan at bagong dating lang ang mga paninda ko kaninang umaga." ani ng suki na binibilhan ni Vanica.
Pilit siyang ngumiti habang naglalaro sa isipan niya ang mga narinig. "Kalahati lang po," aniya ni Vanica sabay abot ng isang daan.
Hanggang hapunan na nila ang isdang iyon tutal dalawa lang naman sila ng kanyang tatay Pablo.
Wala na ang kanyang ina na namatay ng ipanganak siya kaya naman hindi niya ito nakilala. Tanging sa lumang larawan niya lang nakita ang kanyang ina. Pero kahit ganun ay masaya siya sa piling ng kanyang ama. Maayos siyang pinalaki nito.
Palabas na ng palengke si Vanica nang makita ang dagat ng tao sa labas ng palengke. Hirap tuloy siyang makahanap kung saan sisingit. Nagkukumpulan ang mga tao at hindi man lang magbigay ng daan para sa mga gustong lumabas.
"Padaan po," magalang na sabi ni Vanica.
May lumingon sa kanya at tinitigan niya mula ulo hanggang paa.
Hindi nagustuhan ni Vanica ang paraan ng pagtingin nito.
"Ay! Ito 'yong babaeng nakipagkita kay Gov. Grabe hanggang dito ba naman ay sinusundan mo? Malala ka na ineng."
Laglag ang panga ni Vanica sa bintang sa kanya. "Hindi ko sinusundan si Gov. at bakit naman?"
"Asus! Galit ka sa kanya dahil sa paratang na wala namang dahilan. Lumayas ka nga." aniya nito sabay tulak kay Vanica.
Vanica was too stunned to speak.
Napaatras siya at pinalampas niya lamang ito. Gamit ang palad ay hinawi niya ang kanyang buhok papunta sa likod at tumalikod na.
Pinagtulakan siya ng mga tao doon na tila isa siyang virus.
Ano bang ginawa niya? Bumili lang naman siya ng galunggong para may maulam sila pero pinagbibintangan siya na sumusunod kay Gov. Raul. Saan na lamang ba siya lulugar?
"Bakit kayo nagkakagulo dito?" boses pa lang alam na niya kung kanino ito.
Bumuga lang ng malalim na hininga si Vanica at hindi lumingon. Si Raul naman ay nakamasid sa dalaga na malaking katanungan sa kanyang isipan.
Bakit siya hinahamak ng mga tao papalayo? May nagawa ba ang dalaga?
"Naku! Gov. 'wag mo na iyang pansinin." komento ng isa.
Huwag pansinin? Gusto niya nga itong makausap ng sila lamang dalawa. Ilayo dito para... makasama siya.
Wala sa sariling napailing si Raul para alisin ang kung anong tumatakbo sa kanyang isipan. Kalag hinila niya ang dalaga papalayo dito sa palengke malamang magkakagulo ang buong lungsod.
Hindi na kaya pa marinig ni Vanica ang ilan pang mga sasabihin ng mga taong hindi naniniwala sa kanya kaya pinili na lamang niya na umalis. Mas mabuti iyon para maiwasan na lumaki ang gulo. Wala rin naman siyang lakas na magpaliwanag sa mga taong iyon lalo pa't sarado ang isipan nila para sa mga katulad niya. Suportado talaga si Raul sa buong Costa Danao at para lang naman langgam si Vanica sa kanila.
Luminga-linga si Raul sa mga paligid para hanapin si Vanica ngunit mabilis itong naglaho sa dagat ng mga tao sa palengke. Wala siyang nagawa kundi alisin sa isipan ang dalaga at pigilan ang sarili na sundan ito.
Nasa kalooban niya na tila kailangan niyang magpaliwanag at humingi ng paumanhin sa dalaga.
Himalang nakawala si Vanica sa palengke. Dere-deresto ang kanyang lakad na talagang walang pipigil sa kanya. Habang papatawid si Vanica sa sapa, sumagi sa isip niya ang gabi na pag-uusap nila ni Raul. Hindi man naging maganda ang usapan nila, hindi naman din ito naging sobrang sama.
Napahinto si Vanica at nilingon ang kanyang pinanggalingan.
"Vanica, bakit ka lumingon? Hindi ka naman susundan ng mokong na 'yon." pagkausap niya sa kanyang sarili.
Umasa ba siya na talagang susundan siya ni Raul? Hindi niya nagustuhan iyon dahil malabong mangyari. Gagawa lang iyon ng panibagong problema kapag nagkita silang muli.
Marahil ayos lang magkita sila pero dapat sa rally lang o kapag may ibang tao na kasama. Hindi pwedeng sila lang dalawa.
"Vanica, laman ka ng balita sa palengke ah. Talaga bang sinundan mo si Gov. nung proklamasyon niya?" tanong ni Eldon.
Binaba ni Vanica ang hawak niyang malunggay na pinagtutulungan nilang dalawa.
Si Eldon ay kababata ni Vanica. Halos buong buhay nila ay magkasama na silang dalawa sa bukirin pero mas nakakaahon sa buhay si Eldon. May sarili itong sakahan na kanila talaga at may dalawamput na mga baka, ang ilan pa doon ay toro na baka. Isa na itong veterinarian sa kanilang bayan at may sarili itong clinic na dinadayo sa kanilang lugar. Malimit na lang silang magkasama na dalawa dahil parehas silang abala sa kanilang tungkulin.
"Ang kapal naman ng apog nila para isipin na talagang sinundan ko si Gov. Raul." inis na sambit ni Vanica, tumawa naman si Eldon.
Nagpatuloy si Eldon sa kanyang paghihimay ng malunggay. "Talaga bang hindi mo sinundan?"
"Hindi no!" tumayo si Vanica at tinignan ang pini-prito. "Si Gov. Raul ang sumunod sa akin nung gabing 'yon."
Nanlaki ang mata ni Eldon. "Talaga? Eh, bakit iba ang balita."
"Kasi ganun naman talaga. Porke kaaway namin sila sa lupa at gobernador siya, mabilis na nabago ang kwento. Wala akong ideya kung papaano nalaman at kumalat sa buong Costa Danao pero dumami ang haters ko." natatawang ulas ni Vanica.
"Baka maging artista ka ah. 'Wag mo akong kakalimutan."
Nagkatinginan sila ni Eldon bago sabay na tumawa.
"As if naman." umiiling na sabi ni Vanica.
Natapos si Eldon na maghiwa-hiwalay ng dahon ng malunggay kaya niligpit na niya ang mga tangkay nito.
"Bakit naman hindi? Maganda ka." komento nito na bahagyang naging seryoso. "Bulag lang ang hindi makakapansin sa ganda mo, Vanica."
Tumango si Vanica. Alam naman niya sa sarili niya na maganda siya ngunit hindi naman sobra na tila lahat ay lilingon sa kanya.
"Maganda pero walang jowa."
"Gusto mo ba? Available ako?" pang-aasar ni Eldon.
Hinawi ni Vanica ang napritong isda.
"Pass muna tayo sa love life." natatawang sabi ni Vanica, hindi sineryoso ang turan ni Eldon.
"Okay lang. Maghihintay ako. I'm your reserved future husband kapag umabot ka ng thirty at pareho tayong wala pang asawa, papakasalan kita." turan nito sa paraan ng pagbibiro.
Eldon mean it though.
Kahit noong mga bata pa lamang sila ni Vanica, palagi na itong sinasabi ni Eldon. Hindi naman alam ni Vanica ang sagot doon pero hindi naman niya tinanggihan ang alok na iyon ni Eldon.
Umiling si Vanica nang may ngiti sa labi. "Alam ko, my future husband if ever..."
HINDI mapakali si Raul kakaisip kung dapat bang pumunta sa bahay nila Vanica. Nag-iisip siya ng magandang idadahilan kung sakaling tanungin siya ni Vanica at ng mga tao sa kanyang pagbisita.
Masama bang dumalaw lang? iyon ang namuong tanong sa kanyang isipan.
Marahil masama dahil sa kanyang imahe. Marahil hindi maganda ang iisipin ng mga tao lalo pa't iba ang tingin niya sa dalaga.
Magulo pa, pero hindi na maganda.
He cares for her and don't want to hurt her... as her citizen?
Ngunit ang kanilang malalim niyang pag-iisip ay napalitan ng kasiguraduhan na hindi na lang muna dumalaw. Marahil mas maganda kung hindi muna sila magkita para mapalamig ang kanilang isyu.
Kaya lang kaya ba ni Raul?
Nalaman ni Raul ang puno't-dulo kung bakit ganun na lamang ang eksena kanina sa palengke. Inakala na sinundan siya ni Vanica kahit na ang totoo siya naman ang sumunod dito. Kaagad niyang inutusan ang kanyang mga tauhan na ipasabi sa mga sumusuporta dito na mali sila ng pinaniniwalaan.
Raul blamed himself.
Hindi niya naisip na baka may nakakita sa kanya nung sundan si Vanica.
Hinilot ni Raul ang kanyang sentido at humilig sa kanyang upuan.
Bakit nga ba niya ulit gustong makita ang dalaga?
Nilaro ni Raul ang kanyang pang-ibabang labi habang iniisip si Vanica.
Ano nga bang meron sa dalaga at bakit interesado siyang makita ito? Kung kalam lang naman ng katawan ang hanap niya pwede naman niya itong makuha sa iba. If it's s*x, then he can easily get it to someone who is also a sport like him. He can took advantage of them. But Raul isn't like that.
Inalis niya ang kanyang naisip at bumalik sa tanong kung bakit niya naiisip si Vanica?
"Gov., nakahanda na ang sasakyan niyo. Ipapatawag ko na ba ang driver-"
"No." he interrupted. Wala sa sariling napangisi si Raul bago tumayo. "May personal na lakad ako. Cancel all my meeting for today and make sure na walang nakasunod sa akin. Understood?"
Mabilis na tumango ang kanyang tauhan. "Yes, Gov."
Umuwi muna si Raul sa kanilang bahay. Para kunin ang kanyang sasakyan na hindi kilala ng ibang tao. Wala pa siyang maayos na plano, balak niyang mag-isip habang nasa byahe.
"May lakad ka?"
Nilingon ni Raul ang kanyang ina. Si Senyora Romina, na maganda pa rin sa kabila ng kanyang edad. Suot ang magarang bestida ang nagniningning sa mga alahas sa katawan.
"Meron, 'Ma." tipid na sagot ni Raul sabay tingin sa kanyang relos.
"Ginugulo ka pa rin ba ng mga nagra-rally tungkol sa lupa natin sa hacienda?"
"I can handle them."
"I know pero hindi ko gusto ang narinig ko, Raul. That girl is insane to-"
"She's not. I was, 'Ma. Sinundan ko siya para makausap. I seek for her attention" pagtatanggol ni Raul kay Vanica.
Now, he's more guilty for what he did. Hindi niya kontrolado ang isip ng mga tao at naiinis siya dahil baliktad ang kwento. Nagunita niya tuloy ang sinabi ni Vanica tungkol sa pagbabaliktad ng kwento dahil na siya ang gobernador.
Nanlaki ang mata ni Senyora Romina. "Are you out of your mind, anak? Bakit naman?"
"Paano mo po pala nalaman?" usisa ni Raul habang matiim na tinignan ang ina.
Umirap si Senyora Romina at sumimsim ng kanyang mamahalin na tsaa. "Huwag mong ibalik ang tanong ko, Raul," she said, sighing in defeat. "Wala akong kinalaman sa pagpapakalat ng chismis kung iyan ang iniisip mo. Nagulat na lang ako kaya nga kita tinatanong. Paano kung may makaalam sa ginawa mo?"
"I don't care. Kababayan ko siya at bilang gobernador, responsibilidad ko na pakinggan kung anong problema nila."
"Kababayan mo nga siya pero hindi mo naman kailangan na pagtuunan ng pansin. Let your staffs work for you. Para saan pa na nandyan sila kung ikaw lang naman ang gagawa ng lahat? Raul, gobernador ka. Hindi ka dapat labas nang labas." may pag-aalalang tinig ng kanyang ina.
Tumango si Raul pero hindi niya maalis ang paninimbang sa sinabi ni Senyora Romina.
He knows what his mother capable of. Pero kilala din naman niya ito na hindi basta-basta manghihimasok sa kanyang problema. It's not that Vanica and her group is the problem. Raul doesn't look at them as a problem at all.
"So, bakit mo nga sinundan? Iyon lang ba talaga?" kuryoso na tanong nito.
Raul sighed. "Alis na ako. May kailangan pa akong puntahan." pag-iiba niya ng usapan.
"Saan?"
Napangiti lang si Raul, inignora nito ang tanong ng kanyang ina at isang kaway ang binigay.
Umalis na si Raul sakay ng kanyang Jeep Wrangler. Buo na ang loob niya, gusto niya talagang makita si Vanica kahit na magalit pa ito. Alam naman niya sa sarili niya na makulit siya at sa pagpunta kung nasaan ang dalaga, may gusto siyang malaman.
He's even excited to see Vanica.
Hindi niya alam pero kaya niya atang paliparin ang kanyang sasakyan para lang makarating kaagad kina Vanica.
"Raul Zorion Mondecillo, you're messed up," bulong niya sa kanyang sarili habang may ngiti sa labi.