Kabanata 3: Talk

3937 Words
NASA byahe na si Raul papunta kay Vanica nang makita niya ang dalaga na naglalakad mag-isa. May dalang bayong ang dalaga na hula ni Raul ay galing ito sa palengke. Kaagad niya itong nilapitan at binaba ang bintana ng kanyang sasakyan. Gulat si Vanica sa paglapit ng hindi kilalang sasakyan ngunit nang makita niya kung sino ang nasa loob nito, kaagad na ginapangan ng kakaibang inis si Vanica. "Get in." utos iyon mula kay Raul. Tumaas ang kilay ni Vanica, hindi nawala ang mapaghugas niyang tingin. "Para ano? Isa-salvage mo ako?" Natawa si Raul. Hindi pagsalvage ang nais niyang gawin kay Vanica. Kung pwede lang sabihin na gusto niya itong makasama nang hindi tumatakbo ang dalaga baka ginawa na niya. Hindi pa naging ganito kainteresado si Raul sa isang babae lalo pa't sa isang kalaban. Pero baka lang interesado siya dahil magkaiba sila at matutuwa siyang asarin ito. Pero alam niya rin na bilang gobernador ng lungsod, hindi niya dapat ito ginagawa at nag-aaksaya ng oras para sa dalaga. Kaya lang lahat din ng dahilan na 'yon ay naglaho nang makita na ngayon sa kanyang harapan si Vanica. He wants her but he's not sure why. "Salvage? I don't think so. Bakit hindi muna torture?" biro ni Raul pero hindi iyon nagustuhan ni Vanica. "Ah, torture?" kaagad na kumuha ng itlog si Vanica mula sa bitbit niyang bayong at kanya itong binato kay Raul. Nanghinayang pa siya na sa katawan lang ito tumama at hindi sa mukha. Gulat si Raul at nagkurap-kurap sa dalaga. Pero kalaunan natawa rin siya at punong-puno ng pagkamangha ang mga mata. Walang kahit sino ang nagtangka na gawan siya ng ganitong karahasan. Dapat magalit siya sa kawalan nito ng respeto pero hindi niya ito naramdaman. Walang kahit na sino ang matinong tao na gagawa ng karahasan sa kanilang gobernador. Alam ni Vanica na pwede siyang ireklamo sa kanilang unibersidad at ang mas malala pa, pwede siyang makulong pero huli niya na itong naisip. Hindi na rin niya matiis na makita ito at makasama sa iisang lugar. "Manigas ka, Gov. Raul. Torture mo mukha mo!" nangigigil na turan ni Vanica at lumakad ng mabilis. Habang papalayo si Vanica, imbes na makaramdam ng guilt, mas nangingibabaw sa kanya ang panghihinayang sa isang itlog na binato niya kay Raul. Mahal na ang bilihin at hindi madaling kitain ang pera na binili niya para rito. At si Raul ang sinisisi niya dahil sinira nito ang kanyang magandang araw. Vanica despises Raul. Malinaw iyon at alam ng lahat. Pinaharurot ni Raul ang kanyang sasakyan at hinabol si Vanica. Sobrang kabado naman ang dalaga dahil hindi niya mawari kung papaano siya makakatakas sa makulit na si Raul. Alam ni Vanica na mali ang kanyang ginawa pero, sino ba kasing hindi mapikon sa pang-aasar nito kung gayong seryoso siya. Nalilito si Vanica kung bakit pinapasakay siya sa sasakyan nito. Para saan ba? "Vanica, can we talk? Please." hindi makapaniwalang lumingon si Vanica kay Raul. "Bakit ba? Hindi ba busy ka bilang gobernador? Bakit ka nandito?" inis niyang tanong habang binalik na sa tamang bilis ang kanyang lakad. Napagod na siya at wala rin namang silbi ang pagtakbo niya dahil hindi sa makikipagkompetensya sa isang sasakyan na wala naman siyang laban. "Nandito ako para makausap ka." Labis na nagtaka si Vanica kung bakit may pagmamakaawa sa boses ni Raul. "Usap sana na hindi mo ako binabato ng itlog." pang-aasar ni Raul. Biglang napangiti si Vanica na kaagad niya iyong inalis. Bakit ako napangiti sa lalaking ito? isip ni Vanica at gusto nang hampasin ng bayong ang kanyang ulo. Pero hindi niya alam na napansin na ni Raul ang kanyang pagngiti. He was amused and entice by Vanica's beauty. Bahagya namang inangat ni Raul ang bintana nang kanyang sasakyan dahil may taong dadaan. Nakaisip si Vanica ng pang-inis kay Raul, huminto si Vanica sa may mga tao na kinagulat naman ni Raul. Natawa si Raul nang makuha niya ang gusto ng dalaga kahit na bahagyang kinabahan at baka malaman ng mga tao na siya ang nasa loob ng sasakyan. Gusto kasi nitong ipakita sa publiko na hinahabol siya ni Raul. Alam ni Vanica na hindi magpapakita si Raul sa publiko gayong mainit silang dalawa sa mata ng mga tao. Huminto sa paglalakad si Vanica at lumapit sa sasakyan. Kita niya si Raul sa maliit na awang ng bintana pero sinenyasan niya itong ibaba. Umiling si Raul na natatawa habang inulit naman ni Vanica ang pagsenyas na ibaba ang bintana. Paulit-ulit iyon hanggang sa mapilitan na si Raul na ibaba ng kaunti pa ang bintana. "Sasakay ka ba?" Lumabi si Vanica, tumingin sa mga nasa paligid habang si Raul naman, pinagmasdan ang magandang mukha ng dalaga ngayong malapit ito sa bintana. Nang ibalik ni Vanica ang tingin niya kay Raul bahagya pa siyang nagulat sa malagkit nitong tingin at kulang na lang tumulo ang laway nito sa pagtitig sa kanya. Uminit ang mukha ni Vanica at bago pa makita ni Raul ang kanyang mukha, umayos siya ng tayo sabay sabing, "Manyak!" Naglingunan ang mga tao sa kanilang gawin. Nasapo ni Raul ang kanyang ulo at dali-daling sinarado ang bintana nang lumakad na naman si Vanica papalayo. Hindi na nawala ang ngiti ng dalaga hanggang sa makauwi siya sa kanilang bahay. Natutuwa siya na naiinis niya si Raul pero hindi niya alam gusto ni Raul ang pang-aasar nito dahil sa nakukuha niyang atensyon mula sa dalaga. Ngunit hanggang sa bahay ni Vanica nakasunod si Raul at hindi na iyon nagustuhan ni Vanica. Buti na lamang wala ang kanyang tatay na malamang hahabulin na naman si Raul ng itak kapag nagkataon. "Ano ba kasing ginagawa mo dito? Gov., wala ang tatay ko dito kaya hindi ka matutuli," sarkastikong aniya ni Vanica habang nakapameywang sa harap ni Raul. "Tuli na ako. Gusto mong makita para makumpirma?" panghahamon ni Raul na kinagitla ni Vanica pero mabilis ding nakabawi at inismiran siya. "Hindi na baka kasing liit lang niyan nito," aniya ni Vanica sabay taas ng kanyang hinliliit at nakangisi. Malakas na natawa si Raul at hindi makapaniwala sa husga ng dalaga sa kanyang p*********i. Hinawakan ni Raul ang kanyang belt. "Gusto mo talagang makita? I'm in, woman." Umirap si Vanica sa hangin. "Hindi na, Gov. Marami naman akong talong na pinamili hindi ko na kailangang makita ang talong mo." giit niya sabay saglit na sumulyap sa gitna ni Raul. She knows from the built of Raul's body, he was huge down there. Gusto na niya kaagad na ibahin ang topic pero bumanat na naman si Raul. "Coming from someone who might never see a c*ck?" he said with a shark-smirk. Nilakihan ni Vanica ng mata si Raul. "Bastos!" Natawa si Raul at gusto niya ang pamumula ng pisngi nito. Marahil totoo ang sinabi niya tungkol sa dalaga. Hinawi ni Raul ang kanyang buhok papunta sa likod at binasa ang labi. Sinubukan niyang lumapit at hindi naman umatras si Vanica na maingat na nakamasid sa kanya. Pero kaagad na pinagsisihan ni Raul ang kanyang paglapit dahil nanuot sa kanya ang mabangong amoy ng dalaga. It was cherry scent and Raul wanted to pop it. Damn it! mura niya sa kanyang isipan. Nagulat si Raul nang biglang lumapit si Vanica para amuyin siya. Tinakpan ni Vanica ang kanyang ilong at sinamaan ng tingin si Raul na hindi pa rin nakakabawi mula sa pagkagulat. Sobrang lakas ng t***k ng kanyang puso. Umayos siya ng tayo at matinding lumunok, gusto niyang abutin si Vanica at hawakan pero hindi niya magawa dahil alam nitong matatakot ito sa kanya. "Ang baho mo, Raul!" singhal ng dalaga habang inipit niya ng kanyang daliri ang kanyang ilong. "Amoy ka bugok." natatawang pang-aasar ni Vanica. Malakas ang tawa ni Vanica, totoong tawa iyon na kaagad ding naglaho nang mapansin na nanatiling seryoso si Raul. Sumagi sa isipan niya na baka napikon na ito at hindi na nagbibiro. Hindi naman talaga mabaho si Raul, gusto lang mang-inis ni Vanica pero mukhang hindi na umobra. Tumikhim si Vanica at ginapangan siya ang matinding kaba. "S-sorry..." Hindi gusto ni Raul na tumigil si Vanica sa pagtawa na tila huminto ang mundo nito habang pinapanood ang dalaga. Hindi niya intensyon na matakot ito sa pagiging seryoso gayong nararamdaman niya na komportable naman sa kanyang ang dalaga kahit na hindi sila magkasundo. Ngumiti si Raul. "Pwede ba akong makiligo? Ang lagkit na rin kasi sa katawan. Dahil ‘to sa itlog mo." “Hindi mo pa natitikman ang itlog ko.” Kunwaring nagulat si Raul sa sinabi ni Vanica at pinigilan ang malakas na pagtawa. “May itlog ka?” Huli na bago mapagtanto ni Vanica kung anong kahulugan ng salita ni Raul. “Meron nakatago.” mabilis na namula na parang kamatis ang kanyang mukha. Tuluyang natawa si Raul. “I have eggs too. Dalawa nakasabit lang at kailangan ding itago.” “Sana mabugok din ‘yan!” bumaba ang tingin ni Vanica doon pero masyado iyong mabilis para hindi mabigyan ng kahulugan ni Raul. “They are always fresh. Laging malinis.” Nalukot ang mukha ni Vanica at lalong sumama ang mukha. “You stink, maligo ka ng maayos ah, lumalabas kasi pati sa bibig mo.” Pinag-krus ni Raul ang kanyang braso at luminga sa paligid. “Dito ba ako maliligo sa bahay niyo. Nalalagkitan na talaga ako.” Medyo na-guilty si Vanica sa kanyang ginawa pero tuwing nakikita niya ang mapang-asar na ngiti ni Raul, humuhupa ito at gusto niya ring asarin lalo. Alam niyang hindi talaga sila magkakasundo. Mabilis na tumango si Vanica. "Hindi ka pwede dito sa bahay. Doon ka sa sapa maliligo. Doon mo rin lalabhan iyang damit mo at ako na ang bahalang magpatulo." kondisyon ni Vanica at hindi na nakipagtalo si Raul. Sumunod si Raul hanggang makarating sila sa sapa na napapalibutan ng mga malalaking bato. Mapuno ang paligid at nagpupunta dito si Vanica kasama pa ang iba kapag naglalaba sila. Ngunit wala namang tao ngayon dito. "Sana naman okay lang sa'yo dito? Wala ka rin namang choice." Tumaas ang sulok ng labi ni Raul. Hindi niya alam kung iniinsulto siya ni Vanica na hindi siya maliligo sa sapa. Pero ilang beses na nakapunta dito si Raul lalo na nung kabataan niya. Tinikom na lang ni Raul ang kanyang bibig para hindi na makipagtalo kay Vanica. Hindi inalis ni Raul ang mariing tingin kay Vanica nang hubarin niya ang kanyang t-shirt mula sa likod. Sunod naman nitong hinubad ang kanyang pantalon, tanging boxer na lamang ang natira. Raul has a delicious V-line and firm eight pack abs. Halata naman na maganda ang katawan ni Raul kaya lang hindi sanay na makita ito ni Vanica. Nasulyapan niya ang magandang katawan ni Raul bago pa siya makatalikod at kasabay nito ang pagbalik ng kanyang kaba, halos marinig niya ang bawat tahip ng kanyang puso. Tumatak sa utak niya ang imahe ni Raul. Ang imahe na alam niyang hindi basta-basta mawawala dahil sa labis niyang pagkamangha. Napansin ni Raul ang pagkailang ng dalaga. "You want to join me?" banayad ang mapaglarong tono ni Raul. She rolled her eyes. She knows that Raul was trying to flirt with her. Pero hindi ito uobra kahit pa maganda ang katawan niya. "Maligo ka na at labahan mo ang damit mo para maisampay ko na kaagad," mataray niyang sambit. Raul chuckled as he stares at Vanica's curve. Humigpit ang kapit ni Raul sa kanyang damit para hindi lumalapit kay Vanica. Natatawa siya kanyang epekto sa dalaga kaya naman lumapit na siya sa bato at doon umupo habang pinupunasan ang ilang parte ng kanyang katawan lalo na ang leeg na natalsikan ng itlog. Hindi naman mapakali si Vanica habang naghihintay na matapos si Raul. Baka kasi biglang may pumunta sa sapa at makita silang magkasama, ayaw niyang magkaroon na naman ng panibagong isyu tungkol sa kanya. Mainit pa rin ang tungkol sa kanila nung una at nag-aalala siya na baka makasama ito sa kanilang pinaglalaban. "Ito oh." Halos mapatalon si Vanica sa kanyang pagkagulat. Napaatras siya at muntikan nang tumumba dahil sa bato ngunit nahapit naman ni Raul ang kanyang bewang. Nagpalitan ng mariin ng titig ang dalawa habang pinoproseso pa nila kung anong nangyari. Halos maubos ang dugo sa ulo ni Vanica sa kakahiyan nang makita niyang nakahawak siya sa matigas na dibdib ni Raul. Gusto niya itong alisin ngunit tila nagdikit ang kanyang kamay at hindi man lang siya makagalaw. Ganun din si Raul sa bewang ng dalaga pero kaagad siyang umayos ng tayo at dumistansya. Vanica unconsciously tacked her hair behind her ear, looking away as she fidget her fingers nervously. Hindi na natigil ang malakas na t***k ng kanyang puso. Suot na ni Raul ang kanyang pantalon pero pansin nitong hindi pa rin magawang tumingin ni Vanica sa kanya kaya naman pumunta siya sa harapan pero tinalikuran lang siya ni Vanica at tinatago ang nahihiyang mukha. Natawa si Raul at sinundan lang nang sinundan ang tingin ni Vanica hanggang sa sumuko ang dalaga at inis siyang harapin. Pansin niyang nasa baba nito ang tingin ni Vanica at namumula ang mga pisngi. Inabot niya ang kanyang t-shirt. "Paano mo ito papatuyuin?" casual na tanong ni Raul. Kinuha naman ito ni Vanica nang walang pag-aalinlangan. "M-may dryer kami sa bahay." Humakbang si Raul papalapit at nanlaki ang mata ni Vanica kaya kaagad siyang napaatras hanggang tumama ang likod niya sa malaking bato. "A-anong g-gagawin mo?" kabado niyang tanong kay Raul na matindi ang tingin sa kanya. Humilig si Vanica nang itukod ni Raul ang kanyang palad sa bato at yumuko para magtapat ang tingin nila. Sobrang lapit ng kanilang mukha na halos magpigil si Vanica ng kanyang hininga. Bumaba ang tingin ni Raul sa labi ni Vanica. He wants to kiss her, taste her, and to know her more than anyone in their city. Gustong itigil ni Raul ang oras habang pinagmamasdan ang mapupulang labi ni Vanica. Unti-unting lumapit si Raul para halikan si Vanica pero tinulak siya ng dalaga. "T-tara na doon sa bahay!" kabado man nagawa pa ring mainis ni Vanica. Muntikan na rin siya bumigay kung hindi lang niya naramdaman ang basang damit ni Raul sa kayang kamay. "Baka kung ano pang magawa mo," bulong niyang dugtong pero paalala niya rin ito sa kanyang sarili. Hinintay ni Raul na magalit sa kanya si Vanica ngunit hindi ito dumating. Nauna itong naglakad papalayo sa kanya, tinatanaw niya lamang ito bago mariing pumikit at nasapo ang mukha. Maling pagkakataon iyon at nakaramdam siya ng takot na baka tuluyan na lumayo sa kanya si Vanica imbes na kunin ang loob nito. "Akala ko ba bawal ako dito?" tanong ni Raul at umupo sa kawayan na upuan sa sala nila Vanica. "Pwede naman. Basta hindi tayo mahuhuli ng tatay ko." malakas na tinig ni Vanica mula sa kanilang bathroom para kumuha siya ng hanger. "So, kapag tayong dalawa lang okay lang?" Hindi kita ni Vanica ang ekspresyon ni Raul pero may kutob siyang nakangiti ito at kung ano na namang naiisip. Muling sumagi sa kanyang ang muntikan na paghalik ni Raul. Paano kung dumampi ang kanilang mga labi? Malamang hindi na alam ni Vanica kung papaanong haharapin si Raul lalo na sa publiko. Lumapit si Vanica at tinapat niya sa electric fan ang damit ni Raul. Hinarap niya ito nang may pagtataray pero nadi-distract siya sa katawan ni Raul. Hindi naman ito ang unang beses na makakita siya ng abs kaya lang may ibang epekto sa kanya si Raul at iba rin ang katawan nito sa mga nakita niya. Tumikhim si Vanica at nilabanan ang sarili na hindi bumaba ang tingin sa katawan ni Raul. "Mas lalong hindi okay no. Nandito ka lang kasi papatuyuin itong damit mo." kinapa ni Vanica ang damit. "Actually tuyo na rin naman, pwede ka ng umalis." Tumayo si Raul na kinaalerto ni Vanica. Napabuntong-hininga na lang si Raul dahil naisip niyang natatakot na tuloy sa kanya si Vanica at hindi niya ito gusto. Mabilis niyang pinagsisihan ang kanyang ginawa. Hinawakan ni Raul ang kanyang damit, medyo tuyo na nga pwede ng suotin pero hindi siya aalis dahil gusto niya ngang makasama si Vanica. "Malamig pa at hindi ako magsusuot ng basa baka mangati ako." Inismiran siya ni Vanica. Napangiti naman si Raul nang makita ang dating si Vanica. That's what he like. Natahimik silang dalawa. Masama ang tingin sa kanya ni Vanica na tila may naalala at inaasahan na ni Raul kung anong lalabas sa bibig nito. Nakahanda na rin ang kanyang tenga sa maganda nitong tinig. He doesn't know if it's right to feel that way. "Binili mo pala ang lupain namin?" naging seryoso si Vanica. Alam ni Raul na hindi na siya pwedeng magbiro. "Oo." "So, papaalisin mo na rin kami dito?" inis na tanong ni Vanica at bahagyang kinabahan na baka makaapekto ang kanyang ginawa sa pagpapalayas sa kanilang lupain. "Bakit naman? Binili ko ito pero hindi ko kayo papaalisin. Sana hindi niyo mabigyan ng masamang kahulugan ang ginawa ko," seryosong sagot ni Raul. "Eh, iyon nga ang hindi ko maintindihan, Raul. Sa dami-dami ng lupain dito sa Costa Danao, mas napili mo pa talaga na itong lupa kung saan nakatirik ang bahay namin ang binili mo. Pag-atake ito sa amin kasi alam mong galit kami sa inyo." "Pero para iyon sa inyo. Wala akong ibang intensyon sa pagbili ko sa lupa." sabat naman ni Raul. "Hindi eh. Ngayong nasa iyo na ito nakapangalan mas mabuti pa ata na maghanda na kami bago pa dumating ang demolition team na kakaladkad sa amin sa putikan." Kumunot ang noo ni Raul. "Why are you so pessimist?" "Why are you so annoying?" "Hindi ko kayo papaalisin dito." "At hindi rin ako naniniwala sa sinasabi mo." Malakas na bumuntong-hininga si Raul. "Ano bang gusto mong gawin ko para maniwala ka? I mean it, Vanica. Hindi ko kayo papaalisin porket nabili ko ang lupa niyo. And I'm still working on about the issues on Hacienda. Just give me time." Raul sincerely said. "Sige. Susubukan ko. I will bet on you Governor Raul." nagulat si Raul na ganun kabilis bumigay ang dalaga pero pansin niya rin kasi ang pagod nito kaya naintindihan niya. She's always in the front row when they are having a rally. She must be tired. "Pangako, hindi kita bibiguin." nag-iwas ng tingin si Vanica dahil sa mabigat na salita ni Raul. She somehow felt that it will hurt her if she rely on his words. Gusto niyang maniwala dahil ramdam niya na hindi naman masamang tao si Raul. Hindi naman masamang tao ang mga Mondecillo sa kanilang lugar kompara sa dating gobernador na gahaman at sakim. Kaya lang natatakot siya na mabigo sila at hindi naman gagawin ni Raul ang kanyang sinabi. "Ano pang gusto mong gawin ko?" "Bakit sa akin ka nagtatanong? Ano ba ang gampanin mo bilang gobernador?" "Gusto kong marinig ang opinion mo." "Mahalaga ba 'yon? May-" "Mahalaga para sa akin, Vanica. Tell me," seryoso nitong sambit. Napalunok si Vanica. Saglit na nag-iwas ng tingin ngunit ang makulit niyang mata ay dumapo sa magandang katawan ni Raul. Napansin ito ni Raul kaya napangiti niya pero hindi niya pinahalata dahil alam niyang ikaiinis ito ng dalaga. Hinayaan niyang mamangha si Vanica. He likes it and he's turned on. He hope that it won't bulge on his pants. "Bakit mo ito ginagawa?" napabalik si Raul sa pagiging seryoso dahil sa tanong ni Vanica. "Ang alin?" takang tanong ni Raul. "Ito. Bakit pinapatunay mo ang lahat sa akin? I mean, malamang obligasyon mo iyon bilang gobernador ng lungsod pero ginagawa mo lang ba ito para itigil na namin ang rally sa Hacienda? Pasensya ka at hindi iyon mangyayari." "Hindi naman ako humihingi ng kapalit. I want to do this for you. Sabi mo na nga diba, obligasyon ko ito bilang gobernador. Gusto kong maayos ang lahat ng problema." "So problema kami?" "That's not what I'm talking about, Vanica. Hindi kayo ang problema kundi ang sanhi ng mga iniwang problema ng mga nakaraang nakaupo sa gobyerno. Naging apektado kayo at biktima kaya hindi kayo ang problema." Namangha si Vanica sa pagiging seryoso at totoo ni Raul. Bumilis ang t***k ng kanyang puso at may kung anong kiliti ang namumuo sa kanyang tiyan. Ngunit palaisipan pa rin kay Raul kung paano sasabihin kay Vanica at sa grupo nila na dapat na silang umalis sa Hacienda dahil sa mga Mondecillo ito nakapangalan at may karapatan ang pamilya ni Raul na paalisin sila kung kailan nila gusto. He's scared to hurt Vanica's feeling. Sasabihin niya rin naman ito pero sa ngayon, umurong ang kanyang dila. Hindi nakasagot si Vanica. Ibang Raul ang nakikita niya ngayong gabi. Ramdam niya ang pagiging totoo nito at nangangamba siyang mahulog sa mabibigat nitong pangako. Ngayon lamang may nakapag-usap sa kanyang mataas na opisyal para makipag-ayos sa mga isyu pero paano na lamang kung biguin sila? Wala sa sariling umiling si Vanica. Masyado pang maaga para mag-isip ng ganoon pero hindi niya maiwasan dahil paghahanda na rin ito kung sakaling masaktan siya. Nawala ang malalim na pag-iisip ni Vanica nang haplusin ni Raul ang kanyang pisngi. Hindi iyon intensyon ni Raul, na gulatin ang dalaga. Na hawakan siya pero hindi na niya matiis pa. It was like he was longing for his skin, smooth skin that he doesn't like to stop from touching her. Tila nagkusa ang kanyang kamay na haplusin ang magandang mukha ni Vanica. Tila naputol ang matagal na niyang pagtitimpi na maramdaman ang balat nito. Mabilis din namang binawi ni Raul nang matauhan siya. Itinago niya ang kanyang kamay sa likod para magpigil. "P-pasensya na... magandang tanghali, Vanica. Mauna na ako." pagpapaalam ni Raul na halos hindi makatingin ng deresto kay Vanica habang nagsasalita. Hindi na niya hinintay na magsalita ang dalaga na nakatulala sa labis na gulat at pagtataka. Ambang aalis si Raul ngunit hinuli ni Vanica ang kanyang kamay. Tila may dumaloy na kakaibang kuryente sa kanilang katawan. Umayos si Vanica at tinuro ang damit nito sa tapat ng electric fan. Sinuot ni Raul ang damit pero pansin niya ang pagtataka sa mukha ni Vanica. Hindi pa rin ito nakakabawi sa kanyang hawak. Matinding pag-aalala ang kanyang naramdaman dahil sa kanyang ginawa pero hindi naman niya maalis ang kilig nang mahawakan ang maamong mukha ni Vanica. He sighed as he turned his heels, facing Vanica. Ngayon, intensyon na talaga ni Raul na hawakan ang kanyang mukha. Inaral ni Raul ang mukha ni Vanica habang malakas ang t***k ng kanyang puso na hindi niya maipaliwanag sa pinaghalong tuwa at kaba. Hindi naman makagalaw si Vanica dahil sa mainit na kamay ni Raul. Hindi siya makapaniwala na gusto niya ang haplos nito sa kanyang katawan. Mahina siyang napamura. "Sa tingin ko gusto kita." Gulat na inalis ni Vanica ang kamay ni Raul at takot siyang umatras. Natauhan naman si Raul sa kanyang nasabi at napakamot sa kanyang ulo. "Gov. Raul, m-may tama ba ang ulo mo? K-kung ano-anong lumalabas sa bibig mo. S-sa tingin ko... hindi ito tama," inis na wika ni Vanica at nilapagpasan niya si Raul. Hindi rin maitago ni Vanica ang kanyang pagkainis sa sarili dahil nanghihinayang siya sa hawak ni Raul. Gusto ito ng katawan niya at natatakot siya. Hinuli ni Raul ang pulsuhan ng dalaga. Hindi makapaniwala si Vanica sa seryosong mukha na makikita sa mukha ng kanilang gobernador. Huli na niyang mapansin na namamangha siyang pagmasdan ito habang pinapakinggan ang malakas na t***k ng kanyang puso. Hindi ito gusto ni Vanica pero hindi rin niya gustong mawala ang ganoong pakiramdam. She was enchanted to look at Raul. And Raul feels the same way too. Raul thinks what he'll do was implusive but he still did. "Marry me, Vanica." Raul proposed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD