Kabanata 4: Kasal

4947 Words
“Marry me, Vanica.” para kay Vanica hindi iyon simpleng proposal lang kundi command na kailangan niyang sundin. Imbes na simpleng lalaki ang nakikita niya kay Raul, tila nakaharap siya sa gobernador nila. He was out of reach and it made Vanica mad. At paano niya nasasabi iyon gayong wala naman silang relasyon? Inis na tumawa si Vanica. “Hindi ako nakikipaglaruan sa’yo, Raul. Alam mo ba ang sinasabi mo?” tumingin sa paligid si Vanica bago pinako ang nakakamatay niyang tingin. “Kapag may nakarinig sa’yo ng biro mong ito, ako na naman ang mapapahamak at hindi ikaw. Kaya kung nagbibiro-” “Paano ba ‘yan hindi ako nagbibiro?” humakbang si Raul na kinaalerto ni Vanica. Yumuko pa ito para magtapat ang mukha nila. “Paano kong gusto ko nga na pakasalan ka?” Matinding napalunok si Vanica at tinulak niya si Raul. “K-kung m-makapagsalita k-ka…” tumikhim siya nang mapansin niya ang matindi niyang pagkautal at napangiti si Raul. “Umalis ka na nga!” pagtataboy niya kay Raul. Gustong magpalamon ni Vanica sa lupa sa init ng kanyang mukha. Kahit kailan hindi siya namumula sa harap ng isang lalaki lalo pa’t alam niyang maaari itong bigyan ng kahulugan at ito na nga ang nakikita niya sa mukha ni Raul. Kinagat ni Raul ang pang-ibaba niyang labi. He was amused. Hindi na niya magawang bawiin ang sinabi niya lalo pa’t iba ang reaksyon ng dalaga. Hindi rin siya naiinis kahit na sigawan siya nito at mas lalong gusto niyang nakikita ang pamumula ni Vanica. Alam niyang may epekto siya dito kahit na galit ito sa kanya. He wants to know more. Walang kasiguraduhan kung hanggang gaano kalalim niya gustong makilala ang dalaga pero hanggang wala pa siyang sagot, gusto niyang makasama ito. Hindi naman nagpatalo si Vanica sa mapanghamon na tingin ni Raul kahit na umaapoy na sa pamumula ang kanyang mukha. “Maaari bang umalis ka na, Gov. Raul. Mawalang galang na ho pero nandito kayo sa pamamahay ko at hindi ko mapapalampas ang pambabastos mo.” Raul’s lip twitched and his eyes were sparking like a teenager confessing to his puppy love. But this is far different by just confessing and puppy love. It was something that only Raul could understand. Gustong batukan ni Raul ang kanyang sarili nang lumapit pa siya at hawakan sa bewang si Vanica. Nanlaki ang mata ng dalaga at nanigas sa kanyang kinatatayuan. Nabuhay naman ang buong katawan ni Raul at hawak pa lamang pero may iba na kaagad na epekto. Ano pa kaya kung mahawakan niya ito ng wala ang saplot? “Yes or no, Vanica. Will you marry me?” mas seryoso ngayon si Raul. Para siyang baliw na naisip na kaagad ang mangyayari kung sakaling sumagot ng oo si Vanica. Alam niyang bilang gobernador hindi pwedeng padalos-dalos sa pagdedesisyon pero sa tanong niyang iyon na nakasalalay ang kanyang kinabukasan, wala siyang pag-aalinlangan at takot na isugal ang panghambuhay niya kasama si Vanica. And envisioning his future with her is something he cannot ignore. He knew right then and there, he wanted to love her forevermore. Maybe the thrill of their fights bring them closer together. Maybe it was some physical attraction because there is no denial that Vanica is beautiful. Because since Raul met Vanica, every time he closed his eyes, she saw her. Pero kahit ano pa ano ang sagot doon, mas nagiging determinado siya. He wants to get closer. Him and Vanica. Vanica was confused. Natakot siya na baka may problema sa pag-iisip si Raul o split personality. Ayaw niya itong husgahan pero kung magpapatuloy ang ganitong akto ni Raul hindi na siya magdadalawang-isip na sumigaw at humingi ng tulong sa kanilang mga kapitbahay. Simple lang naman ang tanong ni Raul pero hindi siya makapagsalita, walang tumatakbo sa isipan niya kundi paano nagagawang magsalita ng kanilang gobernador gayong hindi naman sila lubos na magkakilala at higit sa lahat, wala siyang nararamdaman para dito. It must be a game. Sinusubukan ni Raul na mapaibig si Vanica para itigil na nito ang pakikipaglaban para sa lupain. Kapag ginawa niya iyon, alam niyang talo siya sa huli. Kinukonsedara niya ba ang magpakasal kay Raul? “Hindi kita gusto. Hindi kita papakasalan kahit pa pumuti ang buwan. Kahit pa lumangon ka mula batanes hanggang sulu. Hindi kita papakasalan kahit pa lumuhod ka at magpakaawa ka sa harap ko na alam kong hindi mangyayari dahil alam kong pinaglalaruan mo lang ako. Kahit pa maghalo ang lupa sa tinalupan, hindi ako papayag na maging asawa kita. I’m not stupid. Pwes, Gov. hindi ako katulad ng mga fans mo na luluhod sa harap mo dahil lang kinindatan mo. Patibay ang pagkakadikit ng panty ko sa katawan ko kaya kahit gaano pa kaganda ang katawan mo, wala kang makukuha sa akin,” walang preno na turan ni Vanica. Naghabol siya ng hininga at ang isang malaking ngiti at kislap sa mata lang ni Raul ang kanyang nakita. Magsasalita pa sana si Vanica kaya lang may narinig siyang papalapit sa kanila. Hindi lang isang tao kundi isang grupo ng mga tao. Narinig din ito ni Raul at nilingon ang pinto. Alam nilang hindi magiging maganda ang kalalabasan nito kung sakaling makita silang dalawa. Pero hindi natatakot si Raul sa posibilidad na iyon at baka nga mas maganda pa dahil baka ipilit siya ng tatay ni Vanica na pakasalan ang anak niya. Kaya lang kung hindi ito mangyari, baka naman maputulan siya. Wala sa sariling napahawak si Raul sa kanyang gitna. Nanlaki ang mata ni Vanica nang mapansin ang ginawa ni Raul. “Anong ginagawa mo?!” halos pabulong ito at mas papalapit na ang mga yabag. Kinakabahan na si Vanica. “Kung hindi ako ipipilit ng tatay mong pakasalan kita na tatanggapin ko. May kutob ako na puputulan niya ako. I must feel it before he cuts it.” Natawa si Vanica pero pigilan niya ang kanyang ngiti at hinuli ang pulsuhan ni Raul. Hinila niya ito hanggang sa makapasok sila sa kanyang kwarto. She has a choice - whether she left Raul caught by her father or hid him in her room. At mukhang mas gugustuhin niya pang itago na lang si Raul sa kanyang kwarto kaysa may makakita na magkasama sila. Bukod sa may ibang iisip ang mga kasamahan ng kanilang alyansa. Baka masaktan si Raul, hindi lang verbal kundi pati pisikal. Hindi ako nag-aalala sa kalagayan niya. Hindi nga ba? Naisip niya habang naghahanap kung saang pwesto itatago si Raul. Kung wala siyang pakialam dito dapat, iniwan na niya ito sa labas at hinayaan kung ano man ang mangyari. He might deserve it but she can’t let it happen. Hindi niya akalain na magtatago siya ng isang lalaki sa kanyang kwarto. Mas malala pa ito dahil pati siya kakatayin ng tatay niya kapag nalaman na may lalaki sa kanyang kwarto. Idagdag pa na si Raul ito. “I’m okay here,” pagbasag ni Raul sa katahimikan. Inalis niya ang mahigpit na kapit ni Vanica sa kanyang pulsuhan. Hinawakan niya ang magkabilang balikat nito nang iharap niya ito sa kanya. Kailangang yumuko ni Raul para magpantay ang kanilang tingin at sa unang pagkakataon, nakita niya ang matinding pag-aalala ng isang tao para sa kanya. Tanging sa ina niya lamang ito nakikita at kahit kailan, lagi siyang nakikita ng mga tao na isang malakas na tao na kaya na ang sarili at hindi na kailangan pang bigyan ng pag-aalala. Her fear and concern was mixed but Raul knew it was sincere. “Thank you for saving me and my…” he looked down in his middle and then looked up to meet Vanica’s eyes in deep concern. He sagged. “I can’t believe na mas gugustuhin mo pa akong itago kaysa sa mahuli ng tatay mo. Ayaw mo ba akong pakasalan?” “Tinago kita dito kasi ayokong magkagulo. Malamang hindi lang isa o dalawa ang kasama ng tatay ko at kapag nalaman nilang nandito ka, hindi lang ikaw ang mapapahamak. Hindi na nila kami pagkakatiwalaan para lumaban para sa karapatan nila. Hindi ito isang biro, Raul. Kaya pwede bang itigil mo ang pagtatanong sa akin tungkol sa pagpapakasal sa’yo dahil kahit kailan hindi kita papakasalan.” Nawala ang masayang ekspresyon ni Raul. Tila apoy na binato sa kanya ang bawat salita ni Vanica. Hindi niya maintindihan pero labis siyang nasaktan sa mga sinabi nito. He knew to himself that he was serious but he just nodded and pressed his lips in a tight line. Marahil masyadong mabilis pero hindi niya ito naramdaman noon pa man. “Para pala tayong modern Romeo and Juliet,” Raul said and then smirked. “I’m not Juliet and I’m not stupid like her. Hindi ako mabubulag ng pag-ibig kung iyon ang inaasahan mong mangyari.” “Hindi iyon ang gusto ko. I want you to marry me. Settle a life with me while we solve our problems. Not bringing the past our families had. Iyon ang gusto ko, Vanica. At hindi ko hinihingi na sumagot ka kaagad sa akin. I want you to consider it.” “So, hindi mo ako papakasalan dahil gusto mo ako?” huli na nang mapansin ni Vanica ang kanyang naging tanong. It sounds crazy to ask Raul about his feelings. Mabilis na umiling si Vanica nang makitang muli ang mapaglarong ngiti sa labi ni Raul. “I mean, iyon ang iisipin ng kahit sino kung mag-aalok ka ng kasal,” dugtong pa niya at hindi na rin nahinto ang pag-init ng kanyang mukha. “I know. And I know I sounds to crazy asking you about marriage. Pero sinasabi ko lang ang nararamdaman ko. I like you but I want you to think about it. Kung gusto mo pwede mo itong ikonsidera bilang option.” umayos ng tayo si Raul at napatitig lang si Vanica kung saan nakatapat kanina ni Raul kaya naman nasa dibdib na nito ang kanyang tingin. Napaisip si Vanica sa sinabi ni Raul habang mas lalong umingay ang sala nila Vanica. Napuno ito ng mga tao hanggang sa kanilang labas. Napabalik sa ulirat si Vanica nang haplusin ni Raul ang kanyang ulo. Matagal silang nagtitigan na may nangungusap na mga tingin. Napalunok si Raul at bumaba ang tingin niya sa labi ng dalaga. Isa lang ang nasa isipan niya habang unti-unting lumapit ang kanyang mukha, gusto niya itong halikan. He wanted to taste her not just her lips but all of her. He suddenly felt the urge to push her and pin her on the bed. For the first time, new cravings grew inside of him. His blood boils and went straight to his c*ck. And Vanica wanted the same way too. She wanted to feel his lips against her. Nagtatalo man ang isip niya pero kapag nandyan na alam niyang hindi na mapipigilan ang sigaw ng isip niya. How can he fall when Vanica doesn’t give him a reason at all? Parang kahapon lang magkaaway sila at ngayon, mahal na niya. Isang malaking kalokohan pero wala siyang maisip na kahit anong dahilan. Naputol nga lang iyon nang may kumatok sa pintuan ng kwarto ni Vanica. Halos mapatalon ang dalaga at kaagad niyang tinulak si Raul sa likod ng pinto at lumapit naman siya sa may pintuan para maliit itong buksan. Lumitaw sa kanyang harapan si Eldon. May pagtataka ito dahil hindi kaagad lumabas si Vanica pero hindi na niya sinabi pa iyon dahil naisip niyang baka may ginagawa ang dalawa. Nakangisi naman si Vanica para takpan ang pagtatago niya kay Raul kahit na sobrang lakas ng kabog ng kanyang puso at takot na mahuli. Bumubuo na siya kaagad sa isipan niya kung paano siya magpapaliwanag kung sakaling mahuli sila. “Ano ‘yon?” takang tanong ni Vanica at nagawa naman niyang itago ang kaba. “Nandito ang buong samahan at hinahanap ka ng tatay mo…” sinubukang sumilip ni Eldon pero kaagad na lumabas si Vanica sa kanyang kwarto at sinarado ang pintuan. Wala namang masisilip si Eldon unless pumasok siya ng tuluyan sa loob ng bahay nito. “Medyo uminit ang ulo ng tatay mo nang malaman na nasa pangalan na pala ni Raul Mondecillo ang lupang ito. Galit din ang buong samahan at hindi na nila alam kung papaano lalaban ang gobernador natin. I want to help but you know I have limits. Hindi kakayanin ng attorney ko na umapela dahil hawak ni Raul sa leeg ang korte dito sa Costa Danao,” paliwanag ni Eldon. Namutawi kay Vanica ang labis na pagkainis. Alam na naman niya ang tungkol doon dahil si Raul pa mismo ang nagkompirma nito kaya lang alam niya ring hindi basta-basta maniniwala ang kanilang samahan lalo na ang kanyang tatay na walang hidden agenda si Raul kung bakit niya binili ang lupain nila. Kaya hindi rin maalis sa isip niya kung paniniwalaan niya ba si Raul gayong tila isang biro lamang ang alok nitong pagpapakasal. At wala siyang makitang dahilan para pakasalan siya nito. Wala naman siyang maibibigay kay Raul gayong nasa kanya na ang lahat. Hindi na siya kailangan ni Raul. At nasaktan si Vanica. Hindi niya alam kung saan ito nanggaling pero mabilis itong umusbong. Bago pa mapansin ni Eldon ang pagiging aligaga nito ay lumakad si Vanica papunta sa kanilang mga kasamahan. Kaagad niyang pinakalma ang kanyang tatay na kuda nang kuda tungkol sa pagiging sakim at masama ni Raul para samantalahin ang mahihirap na katulad nila. Nagawa namang pakalmahin ni Vanica ang kanyang tatay sa tulong ni Eldon. Nakumbinse niyang bumalik muna sa kanilang mga tahanan ang mga tao habang nag-iisip pa siya kung anong gagawin kahit wala na siyang maisip pang solusyon. Pwede niyang ilabas si Raul mula sa kanyang kwarto para pagsalitaan kaya lang hindi iyon ang pinakamagandang ideya sa lahat. “Sa tingin ko dapat maging totoo ka na rin sa kanila, Vanica. Hindi sila panghabambuhay na aasa sa’yo. Hindi ka pa abogabo at may kutob ako na kahit abogado ka na, hindi mo pa rin matitibag ang matinding kapit ng kapangyarihan at koneksyon ng pamilya Mondecillo.” komento ni Eldon. May kahinaan ang kanyang boses kahit silang dalawa na lang ni Vanica ang nasa labas. Nagpapahinga na ang tatay ni Vanica para makabawi sa pagod nito sa sakahan at lumamig na rin ang ulo. “Hindi naman natin malalaman kung hindi susubukan,” giit ni Vanica. “Pero paano kung mapahamak ka?” hinaplos ni Eldon ang balikat ni Vanica. Pinaglapat lang ni Vanica ang kanyang labi at bumuntong-hininga. Hindi niya ang alam ang sasabihin dahil may punto naman si Eldon. Mas ikapapahamak niya kapag naging abogado na siya at lumaban sa pamilya ni Raul. Kailangan niya ng mas malakas na koneksyon. Nakasilip naman si Raul sa bintana at hindi niya nagustuhan ang paghawak ni Eldon sa katawan ni Vanica. Kinuyom niya ang kanyang kamay habang iniisip kung paano aalisin ang kamay nito nang hindi siya nakakalapit. Gusto niyang baliin ang kamay nito. Pero gayunpaman, mas nag-alala siya para kay Vanica. Kahit wala naman siyang intensyon na maging masama, iyon ang nakikita ng iba. Umupo si Raul sa dulo ng kama ni Vanica at pinagmasdan ang paligid. Walang masyadong kaartehan ang kwarto ni Vanica. Organize din ang mga gamit nito at wala man lang kalat na makikita. Lumapit si Raul sa isang maliit na desk at kinuha ang picture. Napangiti si Raul nang makita ang batang si Vanica kasama ang kanyang tatay. Sumagi sa isip niya kung magkakaroon sila ng anak, mas gugustuhin niyang nakakita ng maliit ng version ni Vanica. Naisip niya na ‘yon kahit hindi naman pumayag sa kanyang ang dalaga. Naabutan ni Vanica si Raul sa kanyang kama at kaagad dumapo ang tingin nito sa hawak nitong larawan. Mabilis siyang lumapit at kinuha ang larawan. Ginapangan na naman ng hiya si Vanica at ang init ng kanyang mukha. Raul arched an eyebrow. “Bakit nahihiya ka? Ang cute mo kaya.” “H-hindi iyon ang problema…” aniya ni Vanica at binalik ang picture kung saan ito nakalagay. “Anong problema?” “Wala.” Tumango si Raul. “Gusto kong makakita ng little version mo.” Hindi makapaniwalang nakatingin si Vanica kay Raul sabay iling na tila wala na itong pag-asa pang makabalik sa dati nitong pag-iisip. “Ano bang nagustuhan mo sa akin maliban sa pag-iisip na mareresolba nito ang problema ng pamilya natin? I know you’re thinking impulsively. Hindi ko na alam kung anong iisip ko kasi hindi biro ang kasal at hindi rin ako hibang para maniwala sa’yo.” “I just love the way you are. It must be love at first sight kasi interesado na ako sa’yo simula nung makita kita sa rally.” Napakamot sa ulo si Vanica kahit tumalon ang puso niya sa sinabi ni Raul. Nakapamewang na humarap sa kanilang gobernador. Tumitig siya at pinagmasdan si Raul. Hindi maipagkakaila ang aking kagandahan na taglay nito. Tanned skin, muscular body, chiseled jaw, high cheekbones, and he’s tall. His eyes were almost black and so was his hair. Manipis ang labi ni Raul at naisip niya kung paano kaya ang pakiramdam nito sa kanyang labi. Hindi pa siya nahahalikan nino man kaya hindi niya alam ang pakiramdam. May magandang kamay din si Raul na kita ang ugat sa braso at mahaba ang mga daliri. Ano rin kaya ang pakiramdam kapag humawak ito sa kanyang katawan? Saglit na nag-iwas ng tingin si Vanica dahil sa kanyang mga naisip. Uminit ang kanyang katawan ngunit hindi niya alam kung bakit attracted siya kay Raul. Kung physical lang naman ang pag-uusapan, wala siyang masusumbat pero sa katangian nito, hindi niya alam kung dapat niya ba itong pagkatiwalaan. Hindi naman bumitaw sa tingin si Raul at hinayaan ang dalaga na suriin siya. Sinuri niya rin naman ang dalaga. Sa physical appearance lang ang usapan, may panlaban si Vanica dahil maganda ito. Morena ang balat, maganda ang pangangatawan na may tamang kurba, at may magandang mata at plump lips na gustong matikman ni Raul. “Seryoso ka ba? Alam mong marami ang hindi gusto-” “Ikaw ang papakasalan ko at hindi sila. Kapag naging tayo na, ano pang magagawa nila? I’m the governor and they will respect my decision, even my family.” paninindigan ni Raul. Tumayo siya at humakbang papalapit kay Vanica. Hindi naman siya nakagalaw sa kanyang kinatatayuan at inisip niyang umatras pero hindi gumalaw ang kanyang katawan. Napatingila lang siya at suminghap nang yumuko si Raul. Nagtatalo ang isip niya kung dapat niya ba itong itulak o hilain para matikman ang labi ni Raul. Pero sa huli, hindi siya gumalaw at hinintay lang ang gagawin ni Raul. Hinawakan ni Raul ang kanyang mukha, bahagyang inangat ito. Bumagsak ang tingin ni Raul sa kanyang labi. Unti-unting lumapit si Raul pero ang hinalikan niya ay ang tungkil ng ilong ni Vanica bago ang noo nito at bahagya ng lumayo si Raul bago pa niya talaga maisip na angkinin ang dalaga. May nagwala sa loob ni Vanica, hindi niya alam kung dismayado ba siya na hindi sa labi niya napunta ang halik o dahil sa kilig na ang sweet ng ipinakita ni Raul. Pero kahit ano pa doon, gusto niyang maramdaman ang labi ni Raul. She never was like that like she was craving for someone to kiss. Napaatras si Vanica at kaagad na nanghina ang tuhod. “D-dito ka lang muna… pupuntahan ko ang tatay ko. ‘W-wag kang lalabas.” natataranta ngunit nagawa pa ring magtunog nagbabanta ni Vanica. Dali-dali siyang naglakad papalayo at nang makalabas ay nakahinga siya ng maluwag. Napahawak siya sa kanyang puso at ramdam niya ang mabilis na tahip nito. “Okay ka lang, anak?” napatalon ang balikat ni Vanica sa gulat. Dumapo ang tingin niya sa kanyang tatay na may hawak na kape. Sinigurado niya na nakasarado ang pintuan bago lumapit sa kanyang tatay. “Bakit pa kayo nagkakape? Lalo ka lang magiging nerbyoso niyan.” komento ni Vanica. “Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kapag nakita ko ‘yang si Raul, hindi lang oten niya ang putol sa akin kundi pati ulo niya. Pupugutan ko talaga siya,” gigil na gigil na komento ng kanyang tatay. Hinagod ni Vanica ang likod nito at hindi niya maiwasan na maawa dito. “Kalma lang ‘tay. Walang magandang maidudulot ang galit niyo. Paano kung atakihin kayo bigla? Sa tingin mo ba may pakialam sila sa atin?” huli na bago mapansin ni Vanica ang lakas ng kanyang boses. Hindi na niya pinansin kung narinig ba siya ni Raul sa kanyang kwarto o hindi. Bumuntong-hininga ang kanyang tatay. “Kapag napaalis tayo dito hindi ko na alam kung saan tayo pupunta,” mahina nitong turan. Gustong sabihin ni Vanica na nandito si Raul at may maganda itong alok para matapos na ang problema. Kaya lang hindi niya magawang sabihin. Walang makakapagpatunay na totoo ang hangarin ni Raul sa kanila. Maaaring political tactic lang ito at sa huli, silang mahihirap ang magdurusa. Nagpahinga na ang si Pablo sa kanyang kwarto at bumalik na rin si Vanica sa kanyang kwarto. Nadatnan niya si Raul na nakatulala sa kanilang bubong habang naka-krus ang kamay sa kanyang dibdib, mukhang malalim ang iniisip nito. Tumikhim si Vanica at nakuha ang atensyon ni Raul. “Sa sahig ka matutulog.” turo ni Vanica sa sahig bago tumalikod at pumunta sa kabinet para kunin ang sapin na hindi naman ginagamit. Sinapin niya ito sa lapag at nilagyan ito ng isang unan. “Pasensya na wala kaming extra bed para sa-” “I’m not asking for anything, Vanica. But thank you for making me stay here.” hindi naitago ni Vanica ang pagkamangha sa pagiging seryoso ni Raul. Isang ngiti ang ginawad ni Vanica at tinuro ang sapin sa lapag. “Wala ‘yon dahil ayoko ng gulo pero okay ka na ba dito?” “Kung hindi ba hahayaan mo akong matulog sa tabi?” “Manigas ka, Raul,” mariin na sabi ni Vanica at natawa naman si Raul bago pumunta sa sahig. Umikot naman si Vanica at humiga sa kanyang kama. Tiningnan niya si Raul na humiga doon sa sahig bago siya nahiga. Sinubukan niyang matulog ngunit hindi siya mapakali sa kanyang higaan. At ganun din si Raul na madalas siyang sinisilip. Ginawang unan ni Raul ang kanyang braso habang nakatingala sa bubong. Tanging nasa isip niya lang ay si Vanica. “Hindi ka ba makatulog?” kuryosong tanong ni Raul. “Tulog na ako.” palusot ni Vanica. Tumawa si Raul. “If you want to lie, you should have to practice more.” “And I should learn it from you. You’re a good liar, Raul. Malamang may hidden agenda ka dito,” mataray na turan ni Vanica. “Wala akong masamang hangarin para sa’yo. Seryoso ko nang sinabi kong papakasalan kita. Kung papayag ka, hindi ko papatagalin at papakasalan kita bukas.” Napailing si Vanica at hindi pa rin magawang maniwala sa alok ni Raul na palagay niya ay isang pang-uuto lang. “Paano kung pinakasalan kita at naibigay nga sa amin ang lupa, tapos sasaktan mo pala ako kasi-” Napabangon sa pagkakahiga si Raul at natingin si Vanica kaya hindi niya natapos ang kanyang sasabihin. She weakly smiles at him. “Wala kasi akong makita na dahilan para pakasalan mo ako. Wala kang makukuha sa akin. Kung katawan lang naman ang gusto mo, marami naman diyang willing. Iyong hindi mo na kailangan pang mag-effort katulad nito. At hindi mo na kailangan na mag-alok ng kasal para doon. Kaya hindi ko alam kung anong gusto mo…” Bumangon si Raul at umupo sa kama ni Vanica kaya umalog dito dahil sa bigat niya. “Hindi kita sasaktan at hindi kita hahayaan na masaktan. Kahit hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko, hindi ko kayang makita ka na may kasamang iba. Para sa akin sapat na iyon para pakasalan ka.” Tumango si Vanica. “Matulog na tayo,” aniya niya kahit hindi niya alam kung makakatulog ba siya dahil nandito si Raul sa kanyang kwarto. “Sleep well, Vanica.” Bumalik si Raul sa kanyang higaan sa sahig kahit gusto niyang tabihan ang dalaga. Iniisip niya kung anong mararamdaman niya bukas kung sakaling bumalik na sila sa dati nilang gawain. Hindi niya gustong mawala sa kanyang si Vanica pero natatakot din siya na baka panandalian lang ang nararamdaman niya dahil hindi niya pa ito naranasan kahit noon. Pero alam niyang hindi ganun kabilis magbabago ang nararamdaman niya porket hindi siya sigurado. Madaling-araw at nagdesisyon si Raul na lumabas para umalis sa bahay nila Vanica. Marami na rin kasi siyang text na nakuha sa kanyang ina at labis itong nag-aalala. Hindi niya pinaalam kung nasaan siya dahil magkakagulo din sa bahay nila kapag nalaman na nandito siya. Wala rin silang magagawa kapag sinabi kong papakasalan ko si Vanica kahit pa kalaban sila sa lupain namin. Hindi na inabala ni Raul ang mahimbing na natutulog na si Vanica. Hinawi niya ang buhok sa mukha ng dalaga at tinitigan ito nang may pagkamangha sa kanyang mata. Tulad ng kanyang inaasahan, malambot ang balat nito at gumala ang isip niya kung paano kaya kung wala siyang pagpipigil at mahawakan niya talaga si Vanica sa buong katawan. Nababaliw na marahil siya at hindi niya alam kung anong ginawa sa kanya ng dalaga. He should hate her not love her. O kaya naman ipakita kung sino ang gobernador na kanilang binabangga. He can do a lot of things - mostly of what he was thinking were bad but he won’t do it for Vanica. He cares for her. He kissed the crown of her head. Tumayo ng maayos si Raul at marahan na lumakad papunta sa may pintuan. Saglit na sumilip si Raul para masigurado na walang tao bago lumabas at saglit na sumulyap kay Vanica at maingat na sinaradong muli ang pintuan. Raul tiptoed as he walked to the lounge area. Pero kaagad siyang napahinto at kasabay nito ang pagkatigil din ng kanyang hininga. Matagal silang nagtitigan ng tatay ni Vanica. Tila kinikilala kung totoo ba ang nakikita nilang dalawa. Ni isa walang nagtangkang kumurap hanggang sa bigla na lang tumayo si Tatay Pablo at marahang lumakad sa gilid at gumilid din si Raul habang pinagmamasdan ang galaw ng matanda. Huli na niyang napansin na palapit ito para kumuha ng itak. “Kung ako po sa inyo hindi ko kukunin ang itak na ‘yan,” mahinahon na turan ni Raul pero alerto siya sa maaaring susunod na mangyari. Nagkurap-kurap si Tatay Pablo bago kinuha ang itak at tinanggal ito sa lalagyanan. “Anak ka ng tupa, totoo ka nga. Akala ko binabangungot ako ng gising,” hindi niya makapaniwalang tinig. Raul groaned, frustratedly. “Pwede po tayong mag-usap ng mahinahon.” “Anong pag-uusapan natin?! Anong ginagawa mo sa pamamahay ko?!” nanlaki ang mata ni Tatay Pablo sa naisip niyang baka may ginawang masama sa kanyang anak. “Anong ginawa mo sa anak?!” umalingawngaw ang boses nito. Naalimpungatan si Vanica at kaagad na napaupo sa kanyang kama. Napansin niyang wala na si Raul at ang malalakas na tinig ng kanyang tatay ang bumalot sa buong bahay. Napatalon siya sa kama at dali-daling lumabas at doon niya nadatnan ang kanyang tatay na may hawak na itak. Kahit anong oras pwede itong gamitin ng kanyang tatay para takutin si Raul pero hindi siya sigurado kung hanggang pananakot lang gayong binili ni Raul ang kanilang lupa. Mas lumaki ang galit nito. Humarang si Vanica sa harapan ni Raul. “‘Tay, teka lang. Magpapaliwanag ko. Mali kayo ng iniisip. Walang kahit na anong nangyari. Nakitulog lang si-” “Nakitulog? Sa tingin mo maniniwala ako sa lalaking ‘yan.” umambang lalapit si Tatay Pablo pero huminto rin ito nang itaas ni Vanica ang kanyang kamay para patigilin ang kanyang tatay. Hinigit naman siya ni Raul sa kanyang likod. Hindi siya magtatago sa ilalim ng palda ng isang babae at hahayaan na ipagtanggol. Nagtaka si Vanica sa ginawa ni Raul pero hindi siya nakagalaw ng iharang ni Raul ang kanyang katawan at suot ang seryosong mukha na hindi pa niya nakita kahit kailan. “‘Tay, ako. Paniwalaan niyo ako. Wala talagang nangyari,” halos magmakaawa si Vanica. “Wala pong nangyari at kung meron man, handa kong panagutan si Vanica. Hindi ako tatakbo kung ano man iyon. Pero wala akong masamang intensyon sa pagpunta dito. Vanica earned my respect and I won’t violate her rights as a woman. Hindi ako ganung lalaki, Pablo.” Instead of the dreaded fury, respect flickered in Pablo’s eyes. Respeto for Raul’s word. Pero kaagad itong humupa at pinanatili ni Pablo ang kanyang malamig na ekspresyon, pero kilala ni Vanica ang kanyang tatay. Malamang nagustuhan nito ang tapang at paninindigan ni Raul na lumaban sa kanyang sa kabila ng kanyang pagbabanta. “Magkasama kayo sa isang kwarto?” mahinahon na tanong ni Pablo ngunit naninimbang. Halos hindi niya tingnan ang kanyang anak na si Vanica dahil binabasa niya ang ekspresyon at magiging sagot ni Raul. “Oo, Pablo,” matigas na tinig ni Raul. Sumama naman ang mukha ni Pablo at kita ni Vanica na may kung anong konklusyon sa kanyang isipan. “Pero ‘tay, hindi kami magkatabi-” “Papakasalan mo ang anak ko, Raul Mondecillo!” pagbabanta nito habang nakaturo pa ang itak kay Raul. Nanlaki ang mata ni Vanica sa gulat at kahit gusto niyang magprotesta, walang lumabas sa kanyang bibig. Samantalang si Raul naman, naging malaki ang pagngiti. Hindi na baleng maitak basta papakasalan ko si Vanica. Isip ni Raul habang may malaking ngiti sa kanyang labi at mabilis na tumango nang walang pag-aalinlangan. Ito ang gusto niyang mangyari, ang makuha si Vanica.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD