BRIX'S POV
Sunday na kaya kaming dalawa lang ni Kevin ang naiwan dito sa dorm.
"Uy, pre. Saan ba tayo pupunta mamaya pagkatapos mong mag-f*******: diyan? Naiinip na ako. Uso naman kasing magsalita."
Napatingin ako kay Kevin. Nakangalumbaba lang siya habang nakatingin sa akin na parang naghihintay ng matinong sagot.
"Ano? Sa mall na lang."
Napapalakpak naman ito.
"Tamang-tama! May bibilhin ako."
Tinignan ko lang siya bago ibinalik ang tingin sa laptop ko.
"Pre, uso umusap."
Napabuntong-hininga ako.
Ano bang gusto niyang marinig?
"Alam mo ikaw, kunin mo na lang 'yung cellphone ko at doon ka mag-online. Naboboringan ka lang kasi nasira 'yang cellphone mo. Kunin mo na para hindi mo ako istorbohin sa ginagawa ko."
Pumalakpak ulit siya.
"Wow, pre! Nag-i-improve ka na ah. Humahaba na 'yang mga sinasabi mo."
Binato ko na lang siya ng throw pillow na nasa tabi ko.
"Gago."
Humagalpak naman siya sa kakatawa.
Aminado naman akong tahimik talaga ako. Hindi ko alam kung bakit, pero hindi ko talaga gustong magsalita nang magsalita. Mas komportable akong nakikinig kaysa nakikipagdaldalan. Kaya nga tuwang-tuwa ang mga kaibigan ko kapag mahaba ang nasasabi ko. Para raw akong robot na biglang nagkaroon ng update.
"Halikana nga."
Agad naman siyang tumayo.
"Finally! Akala ko aabutin pa tayo ng gabi."
Napailing na lang ako.
---
Kung nagtataka kayo kung bakit nasa school pa rin kami kahit Sunday, may dormitory kasi rito sa Goal University. At ang Room 4 ang nagsisilbi naming tambayan ng mga boys.
Makalipas ang halos tatlumpung minuto ay nakarating na kami sa mall.
Ipinark ko ang sasakyan at sabay kaming bumaba.
"Saan tayo?" tanong ko.
Inilibot ni Kevin ang tingin niya.
Bigla siyang napangiti.
"Kung sinuwerte ka nga naman... andito rin sila."
Napakunot-noo ako.
"Sino?"
May ininguso siya.
Paglingon ko, nakita ko sina Jenna at Athena na naglalakad habang may hawak na paper bags.
"Puntahan natin."
Hindi pa ako nakakasagot ay sumigaw na siya.
"Hoy!"
Napalingon ang dalawa.
Halatang nagulat sila nang makita kami.
Lumapit kami.
"Tamang-tama, andito kayo. Pwede bang samahan n'yo kami ni Brix?"
Napakunot-noo ulit ako.
Kinalabit ko siya pero hindi niya ako pinansin.
"At bakit naman namin kayo sasamahan?" kalmadong tanong ni Jenna, pero halatang may halong inis.
Napatingin ako sa kanya.
Hindi niya man lang ako nilingon.
Bakit ba parang galit pa rin siya sa akin?
Eh siya naman ang dahilan kung bakit nangyari 'yon.
Kung hindi ba naman siya nag-feeling prinsesa at paikot-ikot, hindi sana siya dumiretso sa akin.
Napabuntong-hininga na lang ako.
"Kasi babae kayo. Wala kaming alam sa mga ganito. Please naman, Jenna."
Tumingin naman si Kevin kay Athena.
"Please, Athena."
Napataray si Jenna habang bahagyang namula si Athena.
Nagkatinginan muna silang dalawa.
"Sige."
Sabay nilang sagot.
"Yes!"
Napapalakpak na naman si Kevin.
Parang bata.
---
Huminto kami sa isang malaking dress shop.
"Yung totoo?" nagtatakang tanong ni Athena.
"Bakla 'yang si Kevin kaya huwag na kayong magtaka."
Binatukan niya ako.
"Gago ka talaga."
Tumawa sina Jenna at Athena.
"Hindi no. Magbi-birthday kasi ang little sister ko sa Sabado. Gusto ko siyang regaluhan ng dress. Kaso wala naman akong alam sa mga ganyan."
Inilabas niya ang cellphone at ipinakita ang litrato ng kapatid niya.
"Ang cute naman!" sabi ni Athena.
"Ilang taon na siya?"
"Mag-si-six."
Napangiti silang dalawa.
Naglibot sila sa iba't ibang racks habang kami naman ay tahimik lang na sumusunod.
Paminsan-minsan ay nagtatanong sila sa amin ng opinyon pero pareho lang halos ang sagot namin.
"Okay."
"Maganda."
"Oo."
Natawa na lang si Jenna.
"Talagang dalawang lalaki ang kasama namin."
---
"Eto kaya?"
Napatingin ako sa hawak ni Athena.
Isang simpleng kulay violet na dress.
Hindi masyadong maraming disenyo pero elegante tingnan.
Maganda.
Tahimik kong pinagmasdan iyon.
"Galing mong pumili."
Napatingin si Athena sa akin.
"Talaga?"
Tumango lang ako.
Ngumiti naman siya.
Maya-maya ay may inilabas ding puting dress si Jenna.
"Mas cute 'to."
Nagkatinginan silang dalawa bago ipinakita kay Kevin.
Napangiti ito.
"Pareho kong bibilhin."
"Ha? Dalawa?" gulat na tanong ni Athena.
"Oo naman. Minsan lang mag-six years old ang kapatid ko."
Tuwang-tuwa niyang binayaran ang dalawang dress.
Habang naglalakad kami palabas ay bigla siyang huminto.
"Wait lang. Bibili lang akong cellphone."
Hindi na siya naghintay ng sagot at pumasok agad sa electronics store.
Tahimik kaming tatlo.
Ang awkward.
"Ah... wait lang din. Bibili lang akong earphones."
Bigla ring pumasok si Athena sa katabing tindahan.
Naiwan kaming dalawa ni Jenna.
Tahimik.
Naririnig ko pa ang ingay ng mall pero sa pagitan naming dalawa ay parang walang gustong magsimula ng usapan.
Hanggang siya na ang nagsalita.
"About sa nangyari..."
Napatingin ako sa kanya.
"Sorry nga pala. Nabigla lang talaga ako noon. First kiss ko kasi 'yon."
Hindi ko napigilang mapangiti.
Pero agad ko ring inayos ang mukha ko.
"Okay lang."
Huminga ako nang malalim.
"Pero sa susunod, kung magfe-feeling prinsesa ka, huwag na."
Hinampas niya ako sa braso.
"Okay na sana eh."
Natawa ako nang bahagya.
"Kung hindi mo lang sinabi 'yang feeling prinsesa."
Bahagya akong napangiti.
Mukhang hindi na talaga mawawala ang pagiging pikon niya.
"Kalimutan na lang natin."
Tumango ako.
"So... friends?"
Inilahad niya ang kamay niya.
Ilang segundo ko iyong tinitigan.
Hindi ako sanay magkaroon ng kaibigang babae.
Bukod kay Katie noong bata pa kami, puro lalaki lang ang naging malalapit sa akin.
Pero bakit hindi?
Inabot ko ang kamay niya.
"Okay."
Magaan siyang ngumiti.
"Nice to meet you ulit, Brix."
---
"Uy! Ano 'yan?"
Sabay kaming napabitaw.
Lumabas na pala sina Kevin at Athena.
"Friends na kami."
Napangiti si Jenna.
"Issue ba 'yon?"
Napatingin sa akin si Kevin bago ngumiti nang nakakaloko.
"Wow! Nakikipagkaibigan na si Pareng Robot."
Sinamaan ko lang siya ng tingin.
Mas lalo lang siyang natawa.
"By the way, nasaan sina Sabrina at Mina?"
"Nasa bahay-ampunan."
Napakunot-noo ako.
"Bahay-ampunan?"
"Doon kasi kami lumaki," sagot ni Athena. "Kaya halos linggo-linggo kaming bumibisita."
Tahimik akong napatango.
Kaya pala ganoon sila kalapit sa isa't isa.
Parang tunay na magkakapatid.
Biglang pumalakpak si Kevin.
"Alam ko na! Punta muna kayo sa bahay namin."
"Ay, huwag na."
"Oo nga."
Pero hindi nagpatalo si Kevin.
Halos sampung minuto niya silang kinulit.
Hanggang sa napapayag rin ang dalawa.
---
Pagdating namin sa bahay nila Kevin ay agad kaming sinalubong ng isang batang babae.
"Kuya Kevin!"
Tumakbo ito at yumakap sa kanya.
"Oh, hi, Kuya Jairus!"
Ngumiti ako at ginulo ang buhok niya.
Nakasanayan na niyang tawagin akong Jairus, ang second name ko.
Napatingin siya kina Jenna at Athena.
"Ahm... sino sila?"
Sasagot pa lang sana si Kevin nang magsalita na agad si Kelly.
"Mga girlfriend n'yo?"
Nanlaki ang mata naming apat.
"Wow! Hi, mga Ate! I'm Kelly Pangilinan, five years old."
Ngumiti siya nang napakatamis.
"Buti at sinagot n'yo sina Kuya."
Napahagalpak sa tawa sina Jenna at Athena.
"Hindi namin sila boyfriend."
Sagot ni Jenna habang natatawa.
"At lalong hindi nila kami girlfriend."
"Hello, Kelly. Ako si Athena."
"At ako naman si Jenna."
Sandaling natigilan si Athena bago ngumiti.
"Mga kaibigan namin sila."
Napatingin siya sandali sa amin bago ipinagpatuloy ang ngiti niya.
"Kaibigan."
"Ahhh..." sabi ni Kelly habang tumatango.
"Sayang."
Lahat kami ay natawa sa sinabi niya.
"Tara na sa loob!" masayang aya ni Kevin.
Habang papasok kami sa bahay nila, hindi ko namalayang mas magaan na pala ang pakiramdam ko.
Mukhang simula pa lang ito ng mas marami pang masasayang alaala naming lahat—hindi lang bilang magkaklase sa Goal University, kundi bilang mga tunay na magkakaibigan.