Chapter 9

1247 Words
MINA'S POV Eto na 'yon. Eto na ang araw na ipapakita namin sa buong klase ang video project namin. Habang inaayos ni Drei ang projector, hindi ko maiwasang kabahan. Kahit ilang beses na naming pinanood ang video habang ine-edit, iba pa rin pala kapag alam mong maraming taong manonood at huhusga sa pinaghirapan ninyo. Napatingin ako kina Athena at Sabrina na parehong tahimik sa kani-kanilang upuan. "Kinakabahan?" mahinang tanong ko. Bahagya lang tumango si Athena. "Konti." Nginitian ko siya. "Kaya natin 'to." Tumango rin siya bilang tugon. Makalipas ang ilang minuto ay tumayo si Drei sa harapan. "Ready na?" Sabay-sabay kaming tumango. Agad niyang pinindot ang play. Tahimik ang buong classroom. Wala kang maririnig kundi ang boses ng mga karakter sa video. --- Sa eksenang lumuhod si Athena habang nagmamakaawa kay Mk, napansin kong may ilan sa mga kaklase naming napapapunas na ng luha. Mk: "I'm breaking up with you. I'm sorry." Athena: "Ganun na lang ba kadali sa'yo itapon lahat? Mk... huwag naman ganito." Mk: "Hindi na kita mahal... scratch that. Hindi pala talaga kita minahal. It's just a game, Athena." Tahimik na umiyak si Athena sa video habang paulit-ulit na nakikiusap. Ngunit nanatiling malamig ang mukha ni Mk. Nagpatuloy ang video. Ipinakita ang mga masasayang alaala nila noon. Unti-unti iyong napalitan ng mga eksenang puro sakit. Hanggang sa dumating ang eksenang nakita ni Mk si Sabrina sa National Book Store. Unti-unti siyang nahulog dito. Naging malapit sila. Nanligaw siya. At kalaunan... Sinagot siya ni Sabrina. Ngunit isang araw... May kausap sa telepono si Sabrina. Si Kevin. Biglang dumating si Mk. Nagulat si Sabrina at agad niyang pinatay ang tawag. Sabrina: "Mk... sorry." Napakunot-noo si Mk. "Bakit?" Huminga nang malalim si Sabrina. "Sorry... pero hindi pala talaga kita mahal." "Totoo, masaya ako kapag kasama ka." "Pero nang tumawag si Kevin... doon ko na-realize na siya pa rin pala talaga ang mahal ko." "Akala ko naka-move on na ako." "Pero hindi pa rin pala." Napatulala si Mk. Mk: "Bakit ako pa?" "Bakit ako pa ang pinili mong saktan?" "Sana umpisa pa lang hindi mo na ako pinaasa." "Porke bumalik lang siya..." "Siya na ulit?" Hindi na nakasagot si Sabrina. Napaiyak na lamang siya. "Sorry..." "Pero hanggang dito na lang tayo." Unti-unti siyang naglakad palayo. Iniwan si Mk na nakatulala. Makalipas ang ilang segundo... May lumapit. Si Athena. Tahimik itong nakatingin kay Mk. "Narito lang ako para isauli ito." Inilapag niya ang isang kahon. Lahat iyon ay mga regalong ibinigay noon ni Mk. Napayuko si Mk. Tahimik na nagsalita si Athena. "Naaawa ako sa'yo." "Ngayon ka lang nagmahal nang totoo..." "Pero iniwan ka rin." "Siguro karma mo na rin iyon." "Dahil iniwan mo ako." "Sana matuto ka na." "Hindi lahat ng tao ay mananatili para sa'yo." "Bago ka manloko ng iba..." "Isipin mo muna ang mararamdaman nila." "Kasi kapag bumalik ang karma..." "Mas doble ang sakit." "At higit sa lahat..." "Matuto ka munang mahalin ang sarili mo." Unti-unti siyang tumalikod. Iniwan si Mk na umiiyak. At doon nagtapos ang video. --- Biglang umalingawngaw ang malakas na palakpakan sa buong classroom. May ilan pa ngang sumigaw ng, "Ang ganda!" "Grabe!" "Parang totoong movie!" Napangiti kaming magkakagrupo. Lahat ng pagod namin sa pagre-record, pag-eedit, at paulit-ulit na retake ay sulit. Tumayo ako sa harapan. Umubo muna ako nang bahagya. "Para sa inyo..." "Ano ang mas masakit?" "Ang maiwan..." "O ang mang-iwan?" Nagtaas agad ng kamay si Sena. "For me, mas masakit ang maiwan." "Tulad ni Athena." "Iniwan siya ni Mk." Tumango ako. "Okay." May isa pang nagtaas ng kamay. "Para sa akin..." "Mas masakit ang mang-iwan." "Lalo na kung alam mong masasaktan mo ang taong mahal ka." "Katulad ni Sabrina." "Siguro nasaktan din siya." "Pero deserve naman ni Mk iyon dahil ginawa rin niya iyon kay Athena." Nagkaroon ng iba't ibang opinyon ang buong klase. May nagsasabing mas masakit ang maiwan. May nagsasabing mas masakit ang mang-iwan. Napangiti ako. "Okay." "Magaganda ang mga opinion ninyo." "Pero para sa akin..." "Pareho silang masakit." Tahimik silang nakinig. "Sa sitwasyon ng video..." "Si Athena ang pinakamaraming pinagdaanan." "Iniwan siya." "Nasaktan siya." "At kahit nakita niyang nasaktan din si Mk..." "Hindi na siya bumalik." "Dahil alam niyang kailangan na rin niyang piliin ang sarili niya." "Lahat sila nagkamali." "Si Mk..." "Ginawang laro ang pag-ibig." "Si Athena..." "Pinili pa ring magmahal kahit alam niyang masasaktan siya." "At si Sabrina..." "Sinagot niya si Mk kahit hindi pa pala talaga siya naka-move on kay Kevin." Tumango ang karamihan. Biglang nag-ehem si Drei. Napunta sa kanya ang atensyon ng lahat. "Tama si Mina." "Hindi dapat pinag-aawayan kung alin ang mas masakit." "Kasi pareho lang iyong masakit." "Ang totoong moral lesson ng video..." "Huwag gawing laro ang pagmamahal." "Kapag nanloko ka..." "Maaaring hindi agad bumalik ang karma." "Pero darating iyon." "At kapag dumating..." "Mas masakit." "At kung hindi mo naman talaga mahal ang isang tao..." "Huwag mo na siyang paasahin." "Huwag mo siyang sagutin." "Dahil may taong handang magmahal nang totoo." Napalakpak ang buong klase. Maging si Ma'am ay nakangiti. "Very good." "Maganda ang mensahe ng video ninyo." "Congratulations." Napangiti kaming lahat. --- Pagkatapos noon ay pinanood naman namin ang project ng Team B. Maganda rin ang pagkakagawa nila kaya pinalakpakan din namin. Pagkatapos ng klase ay umalis na rin si Ma'am. "Ang galing n'yo umarte." Ani Sabrina. "Naku." "Gwapo kasi ako." Sagot agad ni Mk habang inaayos ang buhok niya. Napairap ako. "The heck." "Ang kapal talaga ng mukha mo." "Aba!" "Ikaw yata ang may makapal na mukha." "If I know..." "Gwapo na gwapo ka rin sa akin." "Sa panaginip mo!" Sabay-sabay kaming nagtawanan. Hindi talaga nauubusan ng asaran ang dalawang ito. Parang araw-araw na lang silang may debate. "Alam n'yo..." "Kumain na lang tayo." "Libre ko." Sabi ko. Napangiti sina Francheska at Cyrel. "Sasama ba kayo?" Umiling silang dalawa. "May gagawin pa kami." "Sige." Nagpaalam sila bago umalis. Habang naglalakad kami papuntang cafeteria ay napansin kong maraming estudyante ang nakatingin sa amin. May mga pabulong-bulong pa. "Doon sila." "Sila 'yung Team A." "Hindi..." "Kasama nila ang Princes." Napabuntong-hininga ako. "Don't mind them." Mahinang sabi ni Drei. Nginitian ko na lang siya. Sa totoo lang, alam ko naman kung bakit kami pinagtitinginan. Bihira lang kasi kaming makitang magkakasama ng apat na "Princes" ng Goal University. "Libre ko lahat." Biglang sabi ni Brix. Nanlaki ang mata naming lahat. "Wow!" "Galante ka yata ngayon." Ani Kevin. "Tingnan mo nga." "Baka may sakit." Tinanggal lang ni Brix ang pagkakaakbay ni Kevin. "Wala akong sakit." Sabay kaming natawa. Habang kumakain ay biglang nagsalita si Kevin. "By the way." "Invited kayong apat sa birthday ng little sister ko." Napatingin kaming lahat sa kanya. "Pero..." "Hindi naman kami kilala noon." Tanong ni Sabrina. "Huwag kayong mag-alala." "Kilala niya sina Athena at Jenna." "Gusto rin niyang makilala kayo nina Mina at Sabrina." "Wala kasi siyang ate." "Kaya gusto niyang magkaroon ng mga ate-atehan." Napangiti ako. Ang sweet naman ng batang iyon. Nagkatinginan kaming apat. Wala na rin naman kaming dahilan para tumanggi. "Sige." "Sasama kami." Biglang pumalakpak si Kevin na parang batang binilhan ng laruan. "Yes!" Napailing na lang kami. Talagang mahilig siyang pumalakpak kapag masaya. "Kailan ba iyon?" Tanong ko. "Sa Sabado." "Sunduin na lang kayo ni Drei." Napalingon ako kay Drei. Nagkatinginan kami sandali. "Sige." Maikli niyang sagot. Hindi ko alam kung bakit, pero bigla akong na-excite. Hindi lang dahil birthday iyon ni Kelly... Kundi dahil pakiramdam ko, mas lalo pang lalalim ang pagkakaibigan naming lahat simula sa araw na iyon. At marahil... May mga bagong alaala na naman kaming mabubuo nang magkakasama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD