Kabanata 8

1394 Words
"Bakit , Gael?" Matiim niya itong tinitigan at ganoon din ito sa kanya. Nasa harapan na niya ito ngunit nagdadalawang-isip pa rin siya. Umiling siya at iniwan ito. Mabilis siyang naglakad pabalik sa pinuwestuhan ng mga tent ngunit napaatras siya nang hawakan nito ang kanyang palapulsuhan at hilahin ito. "May kailangan ka bang sabihin sa akin?!" Nagngangalit na tanong nito. Hindi niya mabawi ang kamay. Narinig ba nito ang kanyang mga sinabi kanina? Tanong niya sa isip. ''Oo. Narinig ko." Nagulat siya sa narinig ngunit hindi niya iyon pinahalata. "Kalimutan mo na iyon, Raquel. Hindi iyon tulad ng inaakala mo." "Really?" Tumango siya. "Then why are you shaking?" Natigilan siya. Malakas niyang binawi ang kamay at muntik na itong matumba. "Tingin mo ba talaga ay ikaw ang tinutukoy ko?" Natahimik ito at mukhang napahiya. Mas lalong lumakas ang hangin sa paligid. Tila ito umaalulong sa mga matataas na damo. Hula niya ay malapit ng mag-alas singko ng hapon dahil dumidilim na ang paligid. "We need to go back in there. I think they've been looking for us." Malamig niyang tugon. Sinadya niya iyon upang hindi na ito magtanong nang sa gayon ay matapos na ang kanilang pag-uusap. Tinalikuran niya ito at nagmartsa na pabalik sa kanilang mga kasama. Iniwan niya ito ngunit hindi paman siya gaanong nakakalayo ay muli nitong hinila ang kanyang kamay. Tamad niya itong nilingon. Hinihingal ito at nasa dibdib ang kamay. "Stop running away from me!" Napakalakas ng boses nito na parang humiwa sa katahimikan ng lugar. Parang hirap na hirap na ito sa pamimilit sa kanya. Hindi pa siya handang isiwalat ang katotohanan sa dalaga dahil alam niyang malulungkot ito ng husto. "I'm not running, I'm just walking." Nanlaki ang mga mata niya nang hilahin nito ang kwelyo ng kanyang itim na polo. Pilit niyang itinatago ang totoong nararamdaman ngunit may emosyong hindi mawala sa kanyang mga mata na baka mabasa ng dalaga. He didnt know what it is. Guilt? Fear? "You were about to say something back there. Don’t act like it was nothing!" He exhaled sharply, looking away. Nililipad ng hangin ang kanyang buhok at nanlalamig na rin ang kanyang katawan. "Not here. Not now." Wika niya sa mababang boses. Naningkit ang mga mata nito. Wala siyang plano na ilihim ito kay Raquel habambuhay dahil karapatan nitong malaman ang katotohanan tungkol kay Ren. "Then when? How long are you going to keep this from me?" Nagtangis ang kanyang bagang dahil sa inis na unti-unting umuusbong. Bakit ba hindi makaintindi ang babaeng ito? "Hindi ko alam kung kailan." Alam kaya nito kung ano ang tinutukoy niya? "But once you know… you’ll wish you never asked." Dugtong niya na nagpakalas ng mga kamay nito sa kanyang damit. Siya na ba ang pinakamasamang tao sa buong mundo dahil sa kanyang ginagawa? "It's getting dark in here. Let's go." Tumango ito at nagsimula ng maglakad. Buong gabi ay hindi ito kumikibo. Nagsalo-salo sila ng hapunan sa ginawang mesa. Kawayan lamang ito. Tinipon nila ang mga malalaking bato at pinaikot sa mesa upang may maupuan sila. Ang iba ay nagdala ng foldable chairs. Sa gilid ay ang mga tent at iba pang gamit. Hindi pa ito ang tuktok ng bundok. Base sa pagreresearch ni Selma ay ito ang base na hinihintuan ng mga hikers. Totoo nga iyon dahil may mga bakas pa ng campfires sa lugar. Isa-isa silang kumuha ng mga pagkain sa mesa. Baon nila ito na galing pa ng Maynila. Hinanap niya si Raquel. Nakaupo ito sa malaking bato at mag-isa lamang itong kumakain. Nasaktan kaya ito sa kanyang sinabi? Iyon ang iniiwasan niya pero papano niya aamin ang lahat ng nangyari tungkol sa kapatid nito? Pumailanlang ang country music na galing sa speaker ni Gideon. Nagtatawanan ang iba. Sila lamang ni Raquel at Ismael ang tahimik sa hapunang iyon. "Ito ang una nating hapunan sa bundok na ito. Hindi ako makapaniwalang ganito pala ito kasaya!" Wika ni Teddy na sinigundahan ni Nikki. Alam niyang sabik na sabik ang mga ito na makagala dahil sa stressful na trabaho. Pinagmasdan niya ang mga kasama. Nagtaka siya nang mapansin ang masamang tingin ni Rosalie kay Selma. Ang tinging iyon ay may halong pagbabanta. ___________________________ Hindi siya makapaniwala sa dala ng kaibigan. Talaga bang magkakalat sila sa lugar na iyon? Inilabas ni Teddy ang mga inumin sa sako. Napakaingay nila sa lugar na iyon dahil bukod sa tugtugin ay nagsisisigaw rin ang mga ito. Inabot niya ang cellphone na nakapatong sa mesa at inalam ang oras. Pasado alas dose na. Nagtipa siya ng mensahe dahil nag-aalala siya sa kanyang ina na naiwan sa kanilang bahay. Mahaba ang mensaheng iyon ngunit napamura siya nang malaman na wala palang signal sa lugar na iyon. Ang mga lalaki lang ang naiwan sa labas. Bukas ay muli silang aakyat upang maligo sa unang talon kaya hindi na niya inubos ang laman ng bote. Tumayo na siya at kinuha ang oil lamp. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa kanyang tent. Pagod na pagod na ang kanyang katawan at nais na niyang magpahinga. Napamura siya nang mapatid ng kung anong bagay sa loob ng tent. Inilawan niya ito at nagulat siya nang makita ang pares ng paa ng tao. "What the f**k are doing here, Rosalie?!" Impit niyang tanong sa babaeng walang saplot. Ano ba ang kalokohang ito? Mabilis itong napatayo. Walang nagsasalita sa kanila. Inabot niya ang braso nito at hinila palabas. Wala siyang pakialam kung malamigan ito. Ayaw nitong lumabas at kumapit pa sa kanya. Dumampi ang katawan nito sa kanya. Tinulak niya ito ng malakas at pinagpag ang damit. "Pati ba naman ikaw ay ayaw na sa'kin?" Wika nito. "What the f**k are you saying? Can you f*****g get out of here and put some f*****g clothes on?" Hindi niya sinala ang mga salita na lumabas sa kanyang bibig kahit humihikbi ito. "Do you have any idea what they did to me? How they tore me apart while pretending to care? How they betrayed me without a second thought? And yet, they sleep so soundly at night… while I lie awake, drowning in the pain they left behind." "Sinong sila?" ''My boyfriend and Raquel’s friend!" Tugon nito at umiyak. He didn’t give a damn about being polite, but he sure as hell wasn’t about to get dragged into their mess. And the last thing he needed was Gideon losing his mind when he found out his precious girlfriend had waltzed into his tent stark naked. For f**k’s sake, what kind of twisted drama was this? "I want to do to them what they did to me… Please, Gael, take me. I’m begging you." Pagmamakaawa nito. Muntik na siyang matawa sa sinabi nito. A mistake to fix another mistake? That’s like putting out a fire with gasoline. Gusto lang niyang magpahinga ngayong gabi, wala ng iba. Hindi niya ito inalo. Alam niyang nasasaktan ito ngunit natuto na siya. Ayaw na niyang makialam sa iba. Naalala niya ang narinig sa usapan ni Raquel at Selma kanina. Ito ba ang tinutukoy ni Raquel na kalokohang gagawin ng kaibigan nito? Hinanap niya ang mga damit ni Rosalie ngunit tanging gamit lang niya ang naroon. Ilang mura na ang pumasok sa kanyang isip. Umupo siya at naghanap ng damit sa backpack. Mabilis niyang tinapon sa katawan ng dalaga ang kanyang t-shirt na kulay puti. "Put on this shirt and f**k off." Malamig niyang wika. Wala na siyang pakialam kung mas lalo itong masaktan. Hindi nito alam ang kanyang ugali. He is not the gentle type when it comes to women. There are no soft whispers, no lingering touches, and certainly no dramatic declarations of love under the moonlight. If a woman trips, he watches with mild amusement before lazily offering a hand, kung gusto niya. Hindi siya nagbubukas ng pinto para sa iba. He walked through first and let you figure it out. Hindi lang naman ito ang may problema. Siya rin ay may pinapasan araw-araw. Wala siyang masabihan dahil wala namang nakikinig kaya nasanay na lang siya. Tahimik itong nagbihis at lumabas na sa kanyang tent. Sana ay hindi na malaman ng iba ang nangyari sa gabing ito. Pabagsak siyang nahiga ngunit muli siyang napabangon nang may tumusok sa kanyang likod. "f**k! Why does this bullshit keep coming?!" Kinuha niya ang cellphone at pinailaw ito. Pinulot niya ang maliit at malamig na bagay at muling napamura nang matukoy kung ano iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD